Neomu Saranghae!

I am dating a KPOP STAR

Bumaba kami ni Chanyeol sa kotse at bumungad samin ang isang napakalaking bahay. Hindi ko matanong kung kaninong bahay yun dahil sa pagka amaze ko sa lugar.

Binuksan ni Chanyeol ang pinto, pumasok kami at nagtanggal ng sapatos. "Nandito na kami!"

Ang ganda lalo sa loob. Grabe, wala pa yata sa kalahati neto yung bahay namin.

"Haru yah~"

Napalingon ako sa tumawag sakin. Tatlong tao ang nakangiti sakin. Dalawang babae at isang lalaki.

"Auntie, Eonni, Uncle?!" Nakakatuwa at nakita ko sila ulit. Nandito kami ngayon sa bahay nila Chanyeol.

Lumapit sakin ang umma ni Chan oppa. "Ang laki laki mo na. Lumaki kang maganda! Kaya pala sayo pa rin bumagsak ang anak ko. Sabi na eh! Heto na matagal kong hinihiling!" Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.

"Salamat po!"

"Tara na, nakahanda na ang pagkain. Kanina pa namin kayo hinihintay."

Habang kumakain ay nagkukwentuhan din kaming lahat. Naiilang nga lang ako ng konti dahil sa nangyari dati. Pero mukhang okay naman na sa kanila. Sobrang bait nila sa akin kagaya noon.

"Haru ya, kamusta ka na? Dalagang dalaga ka na." Si Yoora eonnie, ate ni Chan oppa.

"Ayos lang naman po ako, eonnie. Masaya po ako na makita kayong uli."

"Inaatake ka pa rin ba ng sakit mo?" tanong naman ng umma ni Chanyeol.

"Ah... hehe"

"Ne, umma! Kailan lang muntikan nang mamata--- ahhhhh! Yah! Ang sakit, jagi. Ano ba?!"

Habang nakangiti sa harap nila bumulong kay Chanyeol "Wag mo nang iungkat yun."

"Ne, auntie. Meron pa din. Forever na to sa katawan ko. Pero maayos pa rin naman po akong nakakakilos."

"Buti naman kung ganun. Pasensya na talaga sa nangyari noon. Eto kasi eh!" Sabay bato ng table napkin kay Chanyeol.

"Ano ba, ma?! Ang sasadista nyo!!"

Natawa lang kaming lahat sa mga pinag gagagawa nila.

"Naku, Auntie. Ako nga po ang dapat humingi ng pasensya. Lalo na po sa ginawa ni Han gyong oppa."

"Wala na samin yun, Haru. Dapat lang namang gawin sakanya yun e!"

"Umma naman! Anak mo ba talaga ako?"

Nagsalita ang Appa ni Chan, "Haru, neto lang tinawag samin ni Chanyeol na namatay na pala ang Appa mo mga ilang araw pagkatapos namin umalis sa lugar natin noon. Pasensya na at ngayon lang namin nalaman. Nakikiramay kami."

Ngumiti lang ako. "Ayos lang po, Uncle. Naka moved on naman na din po kami."

Ngumiti lang sila sakin. Hinawakan ni Chanyeol ang kamay ko, tumingin ako sa kanya "Saranghae" bulong nya. Ang sweeeeet! Kailangan ko lang yata mainlove para hindi atakihin ng hika.

Pagkatapos naming kumain, pumunta kami ni Chan sa sala. Nandun ang family picture nila. Buti pa sila kumpleto pa rin. Ay teka, drama much? Haha.

Nakita ko din doon na naka display yung picture namin ni Chanyeol noong mga bata pa kami at nung nililigawan nya na ko.

Nakangiti kaming pareho sa picture nung mga bata pa kami. Nakaakbay pa sya sakin hehe damoves!

Naka pasan naman ako sa likod nya sa isa naming picture at pareho kaming naka peace sign. Naaalala ko, ayokong tumabi sakanya nun kasi nanliliit ako, kaya pumasan na lang ako para hindi halata. Hahaha.

Ang saya namin dito. Wala naman talaga naging problema kung tutuusin, medyo nag-joke lang talaga ang tadhana noon. Pero sana makisama na sya ngayon. Hindi ko na siguro kakayanin na mawala pa ulit sya.

Naramdaman kong yumakap mula sa likod ko si Chan at pinatong ang baba nya sa balikat ko. Wag niyo kong tanungin, hindi ko rin alam kung pano nya ginawa yum sa tangkad nyang yun.

"Cute natin dyan no?" at kiniss ako sa cheek.

Tumango lang ako at nag smile.

"Sana makisama na satin ang tadhana, hindi ko na talaga kakayanin pag nawala ka pa sakin." Ang sarap sa tenga ng sinasabi nya, samahan mo pa ng boses nya ganun. Ay teka, diba kasasabi ko lang nun? Iisa pa rin talaga ikot ng bituka naming dalawa.

Humarap ako sa kanya at niyakap sya. Nararamdaman ko kabog ng dibdib nya. 
"Mahal na mahal kita, Haru ya" at hinalikan nya ang ulo ko. So chezzzzyyyy~

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet