Hindi na kita iiwan!

I am dating a KPOP STAR

"Saan... paano mo nakuha number ko?" Tanong ko kay Baekhyun. Medyo kinabahan ako nung nakita kong kumunot ang noo ni Chanyeol at tumuloy sa pagkain. "I have ways!" sagot ni Baek sabay tawa. Umienglish ka pa ah! "Nasaan ka ngayon, Haru ya? May pasok ka ba? Inaatake ka pa ba ng sakit mo?" Sunod sunod nyang tanong. "Ah... oo, nandito ako ngayon sa school. Hindi na rin naman na ko inaatake. Salamat pala kahapon, oppa!" sagot ko with smiling face kahit hindi nya naman nakikita.

Umubo ng malakas si Chanyeol at tumayo para ligpitin ang pinagkainan namin. Nilayo ko ang cellphone sa tenga ko at tinakpan ang speaker, "Hindi pa ko tapos kumain!" bulong ko. Inirapan lang nya ko at binalik yung plato ko sa harapan ko. Paka sungit naman! Binalik ko ang cellphone sa tenga ko, "Haru ya, sino yun?" tanong ni baekhyun. Narinig nya pala, ang lakas ba naman e. Tumingin ako kay Chanyeol na naghuhugas ng plato. Hindi ko alam kung nagdadabog sya kasi ang lakas ng umpugan ng mga plato. "Ah, ano.... kaklase ko yun." Lumingon sakin si Chanyeol at bumulong, "Jaengi!" hindi ko narinig ang bulong nya pero nabasa ko sa labi nya yung sinabi nya. Tinuloy ko ang pakikipag usap kay Baekhyun na halos di ko na nakain ang pagkain ko.

 

 

Isang oras na rin kaming nag uusap ni Baekhyun ng biglang hinablot ni Chanyeol ang cellphone ko, "Baekhyun ah?! Pwede bang mamaya ka na tumawag? Wala ka bang schedule ngayon? Hindi mo naman leave ngayon diba?"..... "Oo, ako nga. E sa magakasama kami e. E ikaw? Pano mo nalaman number ni Haru?"..... "Wag mo na rin alamin bakit magkasama kami. Diba may nililigawan ka na? Kaya tumigil ka na. Byeeeee~"

Sabay balik ni Chanyeol ng cellphone sakin. "Bakit mo ginawa yon?! Ang bastos lang!" Tinaasan ko ang boses ko. "E ang pabayaan yang pagkain mo sa mesa dahil sa kausap mo, hindi ba bastos yon? Nakalimutan mo na ngang inumin gamot mo e. Ano na lang sasabihin ng appa mo sa ginawa mong yan?" Hindi nya pa alam ang nangyari. "Matagal ng patay si Appa. Kaya wag mo syang isasali dito."

 

Alam kong magugulat sya dahil sa sinabi kong yon. Hindi ko na hinintay na magtanong sya. "Na heart attack sya dahil sa stress. Natatandaan mo noon, nung inatake ako? Yung sobrang kinatakutan mo kaya iniwan mo ako bigla. Oo, hindi tayo nun pero nandun na tayo. Malapit na eh! Sasagutin na lang kita. Pero bigla kang nawala. Hindi ko tinatanggap lahat ng gamot na binibigay nila sakin, dahil gusto kong lumala ang lagay ko para maawa ka sakin at baka sakaling bumalik ka.

Hinanap ka ni Han Gyong oppa at nakita ka nya na nagtetraining para maging kpop star. Sinaktan ka nya sa sobrang galit, dahil hindi nya akalain na magagawa mo yun sakin. Dahil bata pa lang tayo, nakita na ng lahat ang pagkakagusto natin sa isa't isa. Nakita na rin ng pamilya ko kung paano mo ako protektahan kaya ipinagkatiwala nila ako sayo. Binugbog ka nya at binantaan hanggang sa mapapulis sya. Naka confine pa din ako nang namatay si Appa. In short, namatay sya sa stress sa sakit ko at sa gastos. Kung hindi lang siguro ako naging makasarili noon at tinanggap ko lahat ng gamot at tinanggap na lang ang nangyari satin."

Tumayo ako at tiningala si Chanyeol. Tangkad eh! Natulala sya sa mga sinabi ko. "Ang sakit nung mga panahong yun. Kaya siguro mas lumala ang sakit ko dahil huli na nung tinanggap ko ang mga gamot. Ang sakit kasi, pinaglalamayan ang appa ko pero di ko magawang puntahan dahil nasa hospital ako hanggang sa mailibing sya. Ang sakit din na iwan ako ng taong mahal na mahal ko sa oras na kailangang kailangan ko sya. Susuportahan naman kita sa pangarap mo, pero hindi ko inakala na mas importante pa pala yun kaysa sa akin." Nakatulala pa rin si Chanyeol. Pumasok ako sa kwarto bago pa ko maiyak. Iniwan ko syang nakatayo sa tabi ng mesa.

 

 

Nakatulugan ko ang pag iyak at padilim na nang magising habang hinahabol ang hininga. Hinika na naman ako kaiiyak. Lalabas na sana ako ng kwarto para inumin ang gamot ko at kumuha ng bala ng inhaler ko, pero nung pagkabukas ko ng pinto humambalang sa paanan ko si Chanyeol, tulog! May gamot at isang basong tubig sa tabi nya. Sya siguro yung kumakatok kanina pero binalewala ko lang?

Nag lean forward ako para gisingin sya, "Chanyeol ssi.." habang pinopoke ko ang braso nya. Ayaw magising! "Chanyeol ssi..." pisngi nya na ang pinopoke ko. Hanggang sa natigilan ako at napatitig sakanya. Napaka peaceful ng mukha nya. Gusto kong maiyak dahil bumabalik na naman ang nakaraan. Gusto ko syang yakapin, ang dami kong tanong sakanya pero natatakot ako sa magiging sagot. Hindi pa ako handa, ang sakit pa din.

Hinawakan ko ang dibdib ko, napaupo ako. Hindi ako makahinga, kinuha ko yung gamot sa tabi ni Chanyeol at pinilit buksan. Pero masyado na kong mahina para buksan ang plastic na kinalalagyan ng gamot. Nagising si Chanyeol ng marinig nyang nagiging malakas na ang paghinga ko. "Haru yah?!" Hinawakan nya ko, "Haru yah!" Binuksan nya yung lalagyanan ng gamot at pinainom sakin. Pero huli na ang lahat. Nagdidilim na paningin ko, wala na ko makita kahit nakadilat pa ko. Naririnig ko na lang na sumisigaw si Chanyeol tinatawag ang pangalan ko at mahinang sinasampal ang pisngi ko. Wala na rin akong maihingang hangin, hinang hina na ko.

 

 

Papikit na ko at handang tanggapin ang maikling buhay ko ng biglang naramdaman ko na may nag papump sa dibdib ko. Medyo bumabalik ang hangin na nawala sakin. At naramdaman ko din na may labing dumapi sa labi ko, nagbibigay ng hangin. Bumabalik na ang mga hangin na nawala sa akin. Dumilat ako, medyo dim pa ang paligid hanggang sa tuluyan ng lumiwanag.

Tumigil si Chanyeol sa pag pump nang makitang nagising na ko, umiiyak sya. Hindi lang iyak, hagulgol. Niyakap nya ko at tinuloy ang pag iyak. Niyakap ko rin sya, dahil kung hindi sakanya, baka paglamayan na ko bukas. "Cha...chanyeol ssi" Inalis nya ang yakap sakin at pinunasan nya ang luha nya. "Okay ka na ba?"Medyo na cacrack pa ang voice nya dahil sa pag iyak. Tumango ako, "Salamat... chanyeol.... oppa." Biglang tumulo uli ang luha nya at niyakap akong muli, "Hindi na kita hahayaang maghirap sa sakit mo. Hindi na kita iiwanan!" Napayakap ako uli sa kanya at di ko namalayan na tumutulo na rin ang luha ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet