Anak ng!

I am dating a KPOP STAR

While in SMent's training room.

NO ONE'S POV

Pinadalhan ni Chanyeol ang mga ka grupo nya ng picture nila ni Haru. Dahil alam nyang hindi naman kakalat.

"Anak ng!" Napatingin lahat kay D.O ng members nang nasabi yun.

"Anyare, hyung?" Tanong ni Kai.

"Cellphone nyo? May pinasang picture si Chan." Matapos sabihin ni D.O yun ay nilabas nila ang kani-kanilang cellphone.

"Anak ng!!" Napa face slap si Suho. "Patay tayo neto e. Hirap na nga ko itago yung sa isa eh, eto na naman. Argh!"

"San nya nakilala yun? Ang ganda ah!" Habang tinitignan ni Sehun ang picture.

Samantalang si Baekhyun mas lalong nanlumo nang makita ang pinasa ni Chanyeol sa kanila. Nagsumiksik sya sa sulok at gumawa ng sariling mundo.

Maya maya napansin ni Sehun ang kinikilos ni Baekhyun. "Bakit kanina pa tahimik si Baekhyun hyung?" Bulong ni Sehun kay Kai. Tumingin si Kai kay Baek na nakaupo lang sa gilid. Nagkibit balikat sya, "Ewan ko?"

"Ano na naman pinagbubulungan nyo dyan, ha? Nantitrip na naman ba kayo?" Umupo si Suho sa tabi nila Sehun at Kai.

"Grabe ka naman, hyung. Eto kasi si Sehun e, napansing may kakaiba kay Baek hyung!" Sagot ni Kai kay Suho.

Tatlo na silang nakatingin kay Baekhyun. Tumayo si Suho para puntahan ang pwesto ni Baekhyun.

"Baek." Bati ni Suho kay Baekhyun. Tumingin lang si Baek kay Suho bilang pagbati. Umupo si Suho sa tabi ni Baekhyun at inakbayan sya.

"Pansin ko lagi kang tahimik ngayon ah. Napapansin na din ng ibang ka grupo natin." Nakayuko pa din si Baekhyun habang sinasabi yun ni Suho.

"Hyung." Panimula ni Baekhyun. "Ang complicated ng lahat. Tinamaan ako sa kanya. Hindi ko sya makalimutan."

"Sino?" napakunot ng noo si Suho "Taeyeon sunbaenim?"

Umiling si Baek. "May nililigawan ako pero, may nagugustuhan pa akong iba. Pero yung gusto ko, may karelasyon na ding iba. Ka close ko pa."

"Hindi ko maintindihan, sino ba yun? At sino yung ka close ....." Nanlaki ang mga mata ni Suho. "Wag mong sabihin yung... yung... kasama ni Chanyeol?!"

Napayuko na lang si Baekhyun kaya kinonsider ni Suho na "oo" ang sagot.

"Hay nako, sumasakit ulo ko sainyo!" Tumayo si Suho at lumabas ng training room.

*************

Back to Haru's POV

Matapos kong panuorin ang mga music videos ng EXO, hindi ko maiwasang bumilib sa kanya. Ang galing at sobrang gwapo nya. (Okay, I'm fangirling)

"Sikat ka na ngang talaga. Napaka dami ko sigurong kaagaw?" Napatingin si Chanyeol nang sinabi ko yun.

Hinawakan nya ang pisngi ko at hinimas himas. Sabay balik ang mata sa daan. Syempre, baka mabangga kami!

"Hindi ko sila pwedeng talikuran, kung hindi dahil sa suporta nila, hindi kami aabot sa ganito at hindi mo ko maipagmamalaki ngayon. Pero alam naman nating pareho na ikaw lang ang mahal ko noon pa man. Hindi nagbago."

Kahit sinabi nya yun ng hindi nakatingin sakin, naramdaman ko ang pagka-sincere nya. Tumango naman ako at ngumiti.

*KRINGKRING!*

Halos maibato ko ang cellphone ni Chanyeol sa sobrang gulat. May tumatawag sa kanya. "Oppa!" Pinakita ko sa kanya ang screen ng CP nya.

"Si Suho hyung. Ikaw muna sumagot, jagi. Papagalitan lang ako nyan. Hehe"

"Huh? Bakit? Anong kasalanan mo? Tsaka bakit ako sasagot? Sino to?"

"Leader namin yan sa EXO. Sige na, jagi!"

"Ka grupo mo to?! Omo, ayoko! Ano na lang sasabihin nya pag babae sumagot?"

"Please, jagi! Mabait naman yan. Jebal!"

Tinitigan ko yung cellphone habang nag riring, swinipe ko ang answer at sinagot.

"Yo...yoboseyo?" kinakabahan ako.

"Chan.... uh, hello sino to?" Sagot ng nasa kabilang linya. Si Suho oppa daw sya sabi ni Chan e.

"Uhhh, Haru... Kang Haru imnida. Uhm, kasama ko po si Chanyeol oppa. Hindi nya ma-entertain yung call mo kasi nagda-drive po sya."

"Tinatakasan lang ako nyan. So, ikaw ba yung kasama nyang babae sa picture na pinasa nya kanina?" Picture? Anong picture? Yung picture kanina? Siraulong Chanyeol talaga to.

"Ah... ne, ako nga po."

"Ako nga pala ang leader nila. Suho imnida. Sana makita ka namin sa personal para makapagpakilala kami sayo ng maayos. Tatawagan ko na lang uli si Chanyeol maya maya. Salamat!"

"Arasseo." At pinutol na namin ang call.

"Anong sabi?" Hinampas ko si Chanyeol sa braso. "Aray ko! Sakit naman!"

"Bakit mo pinasa yung pictures natin sa kanila?! Ang pangit ko dun, nakakahiya!"

"Kanina mo pa nga tinititigan yun e, gandang ganda ka sa sarili mo." Hinampas ko uli sya. "Aray! Nakararami ka na jagiya ah!"

"E kala ko ba hindi kayo pwede makipag date?"

"Pwede kung kaya itago. Mapagkakatiwalaan ko naman sila e. Hindi nila ikakalat yun. Gusto ko lang ikaw ipakilala sa kanila, kasi medyo malabo pa sa panahon ngayon pag pinakilala kita ng personal."

"Eh bakit parang ang seryoso nung leader niyo?"

"Si suho hyung?" Tumango ako "Ganun talaga yun, may isang sikreto na kasing itinatago yun tapos dumagdag pa ko."

"Ano yun?" Haha ang chismosa ko ah.

"Nililigawan ni Baekhyun si Taeyeon sunbaenim." Bulong nya sakin. As if namang may makarinig na iba.

Taeyeon? Taeyeon? Napaisip ko. Sino yun?

"Oh, hindi mo rin kilala si Taeyeon?"

Umiling ako with awkward smile. Hindi talaga ako updated, bago lang ba yun?

"Leader ng SNSD"

Napa gasp ako, "Yung kumanta ng Genie?!" Tumango si Chanyeol. Ang bigtime ni Baek oppa ah. "Nililigawan nya pala yun?" Pero bakit inaya nya ko lumabas noon at parang nag effort pa sya na hanapin number ko? Hm, friendly lang siguro.

"Bakit, selos ka?" Seryosong tanong ni Chan.

"Uy, hindi naman. Wala naman akong gusto dun eh."

TalagaKahitsiyanga una mong napansinsa EXO.

Epal na isip to. Wala lang yun noh! Tsk.

"Nandito na tayo."

Nandito na pala kami. Ang haba din ng biyahe ah? Bumungad sakin ang napaka gandang bahay!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet