It's official!

I am dating a KPOP STAR

DAY 3

"Saranghamnida.... saranghamnida.. saranghamnida." Paulit ulit tumatakbo sa isip ko ang sinabi nya kagabi. Totoo kaya yun? "saranghamnida... saranghamnida..." Ugh, tama na. "saranghamnida... saranghamnida..." "TAMA NAAAAAAA!" nagtakip ako ng mukha at umiling iling para maalog ang utak ko at matigil ung naiisip ko. Kung kailang kumakain kami ni Chanyeol..... si Chanyeol!

Sumilip ako sa pagitan ng mga daliri ko para tignan si Chanyeol. Nakakunot ang noo nya at nakatingin sakin. "Anyare?" Napalunok ako at dahan dahang tinanggal ang mga kamay ko sa mukha ko, tumawa sya. "Ba.... bakit? Anong nakakatawa?" Ako naman ang nagtataka ngayon. "Totoo yung sinabi ko kagabi..... Mahal kita." Wala na yatang ilalaki ang mata ko at feeling ko umakyat sa mukha ko lahat ng dugo sa katawan ko. "Pa....pano .... mo nalaman... yun?!" Nag smirk sya at nagpatuloy sa pagkain. Kasama ba sa pagiging kpop idol ang makabasa ng isip? Nyiiiih, creepy!

"Haru ya, ako pa ba? Bata pa lang tayo alam ko na kung paano ka kiligin. Ang pula pula mo kaya!" Sht! Oo nga pala! Bopols huhu! Nakakahiya!! "Pero maliban na lang kung iba yang kinapupula ng mukha mo." Medyo sumimangot sya. Hala, anong drama yon? "Huh, anong ibig mong sabihin?" Tumingin sya sakin, humawak ako sa inhaler ko na nasa mesa in case of emergency. He literally take my breathe away na lang lagi. Lol! "

Nung ginising ka ni Baekhyun sa room nyo, ganyan din kapula ang mukha mo noong nakita mo sya." Wait, ganun na ba talaga kapula mukha ko noon? Gusto ko ba si Baekhyun? Pero teka, pano nya nalaman yun? "Pano mo nalaman yon? Bakit nandun ka rin?" Napa sigh si Chanyeol sa tanong ko, "Malamang! Magka grupo kami e." Ay bopols! Oo nga pala. "Hehe, sorry naman. Ano... wala lang yun. Nagulat lang ako kasi ang lapit ng mukha nya sa mukha ko..." Tumango si Chanyeol, pero feel ko hindi pa rin sya sang ayon.

Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil pisil ito, tumingin sya sa kamay namin na para bang nagulat at tumingin sakin. Nginitian ko sya, matagal nya kong tinitigan at maya maya ay ngumiti na rin sya. "Nado... saranghae, Park Chanyeol." Kita sa mata nya ang pagkatuwa sa sinabi ko. Hinila nya ang kamay ko para tumayo at niyakap ako ng mahigpit. "Hindi ka na pwede sa iba, sakin ka na. Sakin ka lang, Haru ya. Sakin ka lang mamumula!" Napatawa ako sa sinabi nya pero mas natuwa ako sa status namin ngayon. Sana makaya ko, sana makaya namin. I AM NOW DATING A KPOP STAR.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet