Gusto kita!

I am dating a KPOP STAR

Balik school na naman ako. Urgh! Dapat kasi hindi na lang ako nag stop ng isang taon dahil sa sakit ko para di ako na late. Sana nag audition na lang din ako katulad ni Chan. Chareng!

Tahimik pa rin buhay ko. Wala naman sa mga classmate at schoolmate ko na nakaalam sa relasyon namin ni Chan.

"Haru ya..." kinalabit ako ng kaklase kong lalaki.

"Hm?" hindi ako nakatingin sa kanya. Nakatingin lang ako sa teacher namin habang kinakausap niya ako. Nakakatamad gumalaw ang lamig lamig, nag uumpisa na ang winter.

"Bakit ang tagal mong hindi pumasok?" tanong niya. Chismoso to!

"Ilang araw lang yun ah?"

"Sabi nila may lalaki daw nag excuse sayo...." Napatingin ako sa kanya.

"Paano mo nalaman yan?!"

"Narinig ko lang sa mga teachers. Ang gwapo pa nga daw eh." Aish, dapat nag utos na lang si Chan nang mag eexcuse sakin eh. "Boyfriend mo ba yun?" Aba, chismoso talaga!

"Oppa ko yun no! Kababalik lang kasi galing military service kaya sinundo ako." Eto ang kailangan kong gawin, ang magsinungaling. Hay nako, Park Chanyeol!

Napa-'Ahhh' nalang ang kaklase ko. Buti na lang tumigil din agad. Pero sana matapos na din tong klase....

*BELL RINGS*

Ayun oh! Ako ang pinaka naunang tumayo sa klase namin. Hahaha! Gusto ko na kayang umuwi. Kamusta na kaya si Chan? Busy pa rin kaya?

*RING! RING!*

Sinagot ang tawag habang lumalabas ng room.

"Jagiya, naya." Aw sht, yung boses talaga nagdadala lagi!

"Annyeong oppa!" ang saya ko omg!

"Nasaan ka? Uwian niyo na diba?"

"Uh, palabas na ko school. Bakit?"

"Anong uh?!" tch, arte.

"Neeee, palabas na ko school." lumabas na ko ng school habang kausap siya.

"Bogoshipo..." mahahalata mo sa boses niya na nagpapa cute sya. Haynako naman talaga! Para akong tangang nakangiti habang naglalakad.

"Aww, miss na din kita oppa!"

Habang naglalandian kami sa phone, may humintong kotse sa gilid ko. Teka, kotse to ni...

"Sakay na..."

"Oppa?"

"Haru, sino kausap mo dyan?" narinig ko si Chanyeol sa kabilang linya.

"Chanyeol ah, peram muna si Haru." sigaw ni Baekhyun habang nasa loob pa din ng kotse.

Teka, alam kong may mali eh.

"Uhm.. Chan oppa?"

Narinig kong nag sigh si Chanyeol, "o sige, pagbigyan mo muna yan. Basta i update mo na lang ako kung anong ginawa ninyo ha?"

"Hmm, arasseo." at pinutol ko na ang tawag.

"Sakay na Haru!" lumabas si Baek at binuksan ang pinto ng kotse para sakin.

Hindi ko alam pero ang awkward ng feeling ko. Basta ewan.

Habang nasa biyahe, "Kamusta ka na Haru yah? Namiss kita ah." bat niya nasasabi yan? E diba nga may nililigawan na siya?

"Ayos lang naman ako oppa."

"Ang lamig na ngayon no? Lumalakas na rin bagsak ng snow."

"Oo nga, oppa eh."

Ang awkward talaga. Urgh!

Pumunta kami ni Baek sa cafe pero hindi na doon sa dati.

"Haru ya? Paano kayo nagkakilala ni Chanyeol?"

Muntikan akong mabulunan sa kinakain kong cake dahil sa biglaang tanong niya. Teka, hindi niya ba tinanong si Chanyeol? Imposibleng hindi pa sila nagkikita.

"Magkababata kami ni Chan oppa. Mas matanda lang siya ng isang taon sakin at halos sabay na rin kaming lumaki."

Tumango si Baek. Bakit niya kaya natanong?

"May nakaraan ba kayo?"

Hala siya! Ano ba naman yan?! Mga tanungan neto eh no...

"Meron no? Hehe.. Hindi mo naman kailangan ilihim eh. Pinadalhan niya kami ng picture niyo, diba?"

"Ba... Bakit mo ba tinatanong?"

Binaba ni Baek yung kape na iniinom niya sa lamesa.

Tinignan niya ko ng derecho sa mata. "Gusto mo ko diba?"

Hala siya!

"Hu...huh?" napalunok ako at umiwas ng tingin sa kanya.

"Nung nagkita tayo sa school mo, alam kong may gusto ka sakin kaya ganun naging reaksyon mo nung nakita mo ko."

Kung anong kinaliit netong tao na to, yun naman ang kinataas ng self esteem niya.

"Ah... Oppa, ano kasi... Hi... Hindi naman ganun ka... Seryoso yun..."

Inaamin ko oo, sya talaga una kong napansin nun na halos di ko napansin na kasali pala si Chan sa grupo nila. Pero, di talaga ganun ka seryoso. Paghanga lang kumbaga...

Hinawakan nya ang kamay ko. "Gusto kita, Kang Haru!"

Anak ng bakang baog! Ano ba tong pinagsasasabi niya? Pwede ko bang ibuhos sa kanya tong kape ko nang magising naman kahit konte?

"May chance ba ko?"

Walangya! E diba may nilalagawan sya?!

Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak nya. "Teka... Kasi diba, may nililigawan ka na? Tska hindi pwede... Kasi... Kami na ni Chanyeol oppa."

Nakita kong nanlumo ang mukha niya.

"Mag stick ka na lang kay Taeyeon ssi. Hindi naman hamak na mas better siya sakin." ngumiti ako at tumayo. "Mauuna na ko, oppa." Nag bow ako at tumalikod. Naiwan siya dun na hindi man lang nagsalita simula nung sinabi kong kami na ni Chan.

Lumabas ako ng cafe..

May umakbay sakin, ba to?!

"Tara na, jagi!"

Tumingala ako para tignan kung sino.

"Chanyeol oppa, bakit ka nandito?!"

"Napadaan lang." tinanggal niya yung pagkakaakbay niya at hinawakan ang kamay ko.

"Infairness, ang galing mo mambasted ah?!"

"Nandun ka?!" Hala pano yun?! May potential maging spy tong taong to.

Kinindatan niya lang ako. Shat, wala namang ganyanan! "Tara, ihahatid na kita."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet