Manager meets Haru

I am dating a KPOP STAR

Na-discharged na ko sa hospital. Hindi muna ako nakipag usap sa manager nila Chan, dahil ang sabi ng doctor ay kailangan ko munang magpahinga at wag munang mag-aaalis ng bahay.

Kasama ko pa rin si Chan hanggang dito sa bahay. Inaalagaan niya ko. Sweet!

"Wala ka bang schedule ngayon? Nung isang araw ka pa nagbabantay sakin." Tanong ko kay Chan, habang nakahiga ako at siya naman ay nakaupo sa kama.

Hindi siya sumasagot. Tumingala ako, tulog naman pala. Kawawa naman to. Bumangon ako at tinitigan siya sandali. Hinawakan ko ang kamay niya at nagising siya.

"Hmmm, yeobo. Sorry, nakatulog ako. May kailangan ka ba? Nagugutom ka ba? O nahihirapan ka uli huminga?" natataranta niyang sabi.

Natawa ako sa pagka-taranta niya. Umiling ako, "wala, wala akong kailangan na kahit ano. Ikaw ang may kailangan. Kailangan mo ng tulog."

Umusog ako, "Matulog ka muna. Baka ano pang mangyari sayo. Ilang araw ka na rin sigurong walang tulog."

Nanlaki mata niya, "Hala! Hindi yeobo, ayos lang. Babantayan lang kita. Baka kasi pag natulog ako, atakihin ka di ko maramdaman, ano pang mangyari sayo. Hindi ko kakayanin yun."

"Ang sweet naman. Pero mas hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sayo dahil sa wala kang tulog." hinila ko siya sa pagkakasandal niya sa headboard ng kama ko para humiga.

"Yeobo...." pinipigil niya yung paghila ko sa kanya.

Tinitigan ko siya ng seryoso, "Tulog."

"Ay osige, eto na nga e. Grabe, antok na antok na ko. Gusto ko na talaga matulog."

Natawa ako sa pagka sindak niya, "Good!" Humiga na siya at tumabi ako sa kanya.

"Oh, bat humihiga ka rin?!" Nagtatakang tanong ni Chan.

"Ano naman? Kama ko to ah." Nagtatakang sagot ko.

"Baka pumasok sila, ano na lang isipin nila."

Aakmang tatayo na sana si Chan pero hinila ko yung damit niya para mahiga uli at niyakap siya. "Maiintindihan nila yan. Alam nilang wala kang tulog at ako naman kagagaling lang sa sakit. Kaya wag ka nang mag isip ng kung ano ano, magpahinga na muna tayo."

Hinalikan ni Chan ang noo ko at niyakap din ako. After ilang minuto paghihilik niya na lang ang nangibabaw sa kwarto.

*KRING KRING*

Kaninong cellphone yun? Istorbo naman. Tinapik ko si Chan na hanggang ngayon nakayakap pa rin sakin. "Oppa, cellphone mo ata yung tumutunog?" Dumilat siya at tumingin sakin na parang nagtatanong kung ano uli yun. "Yung tumutunog, cellphone mo ata." Pinakinggan ni Chan ang ringtone at bumalikwas ng tayo nang marealize niyang cellphone niya nga ang tumutunog.

Halos masubsob siya para lang kunin ang cellphone niyang nakapatong sa study table ko. "He....hello?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi sa kabilang linya  pero naririnig ko siya, parang sumisigaw. "Hyung... Pasensya po, inatake kasi ang girlfriend ko ng sakit niya, nabalitaan niyo naman po siguro yun-- Pero hyung, kailangan ko siyang bantayan! Kalalabas niya lang ng hospital.... Hyung teka-- hello?" Binaba ni Chan ang cellphone niya at nagbuntong hininga.

"Manager nyo?" Tanong ko sa kanya. Lumingon siya at ngumiti. "Nagugutom ka ba, yeobo?" Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. "Galit ba siya?" Nakangiti pa din si Chan at hindi pinpansin ang mga tanong ko. "Anong gusto mong kainin? Ibibili kita." Inalis ko ang pagkakahawak niya sakin, "Oppa..." Sumeryoso ang mukha ni Chan, "Oo, nagagalit siya dahil hindi ako nagpaalam na ilang araw akong mawawala. Ang dami ng performance ang hindi ko napuntahan." Napayuko ako at nakaramdam ng guilt. Hinawakan ni Chan ang mukha ko at iniangat ito, "Tumingin ka sakin, hindi mo kasalanan yun. Boyfriend mo ko at responsibilidad kong alagaan ka. Hayaan mo, kakausapin ko na lang si manager hyung." Sinabi ko na sasama ako pero wag na daw muna. Magpahinga na lang daw ako at siya na raw ang bahala.

-----

Nakauwi na si Chan. Nasabi niyang magkikita sila ng manager niya sa office neto mamaya. Puntahan ko rin kaya? Kakausapin ko. Magpapaliwanag ako na hindi kasalan ni Chan lahat. Oo, tama!

Nag ayos ako at pumunta sa office ng manager nila Chan.

Dere-derecho akong naglakad papunta office ng manager...

"Excuse me, mam?" napalingon ako. Di ko napansin na may secretary pala.

"Ay sorry. Kakausapin ko lang sana yung manager ng EXO." tinitigan ako ng matagal nung babae.

"Name po nila mam?"

"Haru.. Kang Haru..."

Pagkarinig nya ay agad niyang pinindot ang telepono niya at ikinonek siguro sa manager.

"Okay na po mam, pwede na po kayong tumuloy."

Nag bow ako at nagpasalamat. Dumerecho na ko sa office ng manager nila Chan, nakita ko sya dun na nakatayo sa harap ng bintana.

"A....annyeong haseyo." nag bow ako kahit nakatalikod sya sakin.

Humarap siya at kinamusta ang kalagayan ko.

"Ayos naman po." Hindi ako mapalagay sa kanya.

Maglalakad sana ako papalapit sa kanya...

"Ayoko nang pahabain to, Miss Kang. Kailangan mong hiwalayan si Chanyeol bago pa masira ang carreer niya."

Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Totoo ba tong naririnig ko?

"Alam kong magkaibigan na kayo noon pa. At alam kong alam mo na kung gaano ka gusto ni Chanyeol ang larangang pinasok niya."

Gusto kong magsalita, pero parang ayaw bumuka ng mga bibig ko.

"Sikat na si Chanyeol pero kung tutuusin wala pa sya sa kalahati ng pagtupad ng pangarap niya. Pano pa niya matutupad yun kung nandyan ka?"

"Hi... Hindi naman po ako sagabal. Nagkataon lang..."

Nginisian ako ng manager.. "Sa ngayon, ganyan ganyan lang. Pero pag nagtagal kayo, palagi ng mangyayari yan. Alam kong mahal mo si Chanyeol at alam ko rin na hindi ikaw yung tipo ng babae na iisipin ang sarili kesa sa kapakanan ng minamahal niya."

Ganito ba talaga ugali niya? Bakit siya ganito?

"Pag isipan mong mabuti, Haru ssi. Kung wala ka ng ibang sasabihin makakaalis ka na."

Hindi ko alam kung bat wala akong masabi at lumabas na lang din ako. Napaisip ako sa sinabi ng manager...

Nakakasagabal nga ba ako?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet