Wolf

I am dating a KPOP STAR

DAY 4

Ginising ako ni Chanyeol pamamagitan ng kiss. Nagulat ako at biglang napatayo.

"Ay, ang o.a naman." Patawa nyang sabi. 
Sinamaan ko sya ng tingin, "First kiss ko yon! Panong hindi magugulat?!" Sabay irap.

"Luh, first kiss daw? Hahaha!" Ah ganon, tawa tawa na lang talaga? "First kaya nung inatake ka ng hika!"

Napaisip ako. Mga ilang minuto ko rin inalala hanggang sa napa-gasp ako, nagtakip ng bibig at tinuro sya.

Tawa ng tawa si Chanyeol sa reaction ko. "Ang cute mo talaga, halika nga rito." Hinila nya ko at niyakap. "Oh bakit nakasimangot ang girlfriend ko?"

"Lagi kasi akong walang malay pag kinikiss mo e." sabay pout. Syempre pa cute lang, matagal ko na rin hindi nagawa to simula nung nawalan kami ng communication. "Gusto ko yung nararamda...." Hinalikan ako ni Chanyeol. Nanlaki na naman ang mata ko pero nung nakita kong nakapikit sya, pumikit na rin ako para maramdaman ko. Hihihi!

"Ano, happy na?" Tumango ako. Ginulo nya buhok ko na para bang nakababata nya kong kapatid. "Ano ba yan?! Tsk!" ayoko talaga na ginugulo ang buhok ko. Grr.

"Hahaha, ganun ka pa rin. Ayaw mo maguluhan yang buhok mo." Sabi nya habang tumatawa. "Ang liit liit pa din pala ng mata mo. Kala ko nag pa surgery ka nunga nakita kita sa SM CAFE, contact lenses lang pala. Kahit anong gawin mo, di na lalaki yan!" Aba, nang aasar ka ah?

"Ikaw nga laki ng tenga mo eh! Tska.... nyang mata mo! Sakang ka pa! Lahat sayo malaki!" sabay irap uli.

Nanggigil sya pero yung pa cute naman. "Ikaw nga, lahat maliit sayo eh! Pati yang.... ano mo!" Tumingin sya sa dibdib ko. Napa-gasp ako at tinakpan ang dibdib ko ng unan, "OPPPAAAAA??!!"

"HAHAHAHHAHA! Joke lang. Tayo ka na dyan. Maligo ka na may pupuntahan tayo." Tumayo sya at may kinuha sa cabinet. Napaka gandang dress. Binigay nya sakin, "Yan susuotin mo. Sige, mag aayos lang ako. Nakaligo na ko kanina eh, tagal mo kasi magising." Hinalikan nya muna ako sa noo bago lumabas ng kwarto.

Hindi ko napansin ang pag alis nya dahil sa pagka amaze ko sa dress. Pagkatapos ko maka move on sa dress, naligo na rin ako at nag ayos.

Maya maya, kumatok si Chanyeol. "Jagi, okay ka na?" Yiiie, jagi daw!

"Ne, oopa!" Binuksan ni Chanyeol ang pinto at natigilan. Napatingin ako sa kanya, ang gwapo nya! "Hm, bakit oppa? Pangit ba? Hindi ba bagay?" Pag hindi bagay, hindi ko na kailanman isusuot to. Hmp!

Ngumiti sya habang papalapit sakin. "Bagay na bagay sayo! Ang ganda ganda mo. Ang swerte ko naging girlfriend kita."

Hihi, siraulo to enebeyen? Kainis nemern! Pinalo ko sya sa braso. "Ganda lang! Ganda ganda grabe na yun."

May kinuha sya sa bulsa niya, cellphone. "Papicture nga sa napaka ganda kong girlfriend." Nag pose kaming dalawa. Isang naka peace sign kaming dalawa at isang naka kiss sya sa pisngi ko. Hayy, ang sarap mainlove.

Habang nasa kotse, tinitignan ko pa rin yung picture namin sa cellphone ko. Pina bluetooth ko para maging wallpaper ko. "Sayang, hindi ko pwede ipost public." Napatingin sakin saglit si Chanyeol, para tignan kung ano ang tinutukoy ko. Maya maya, binalik nya na uli ang tingin nya sa daan.

"Darating din tayo dyan. Ang mahalaga, mahal natin ang isa't isa." Sabi nya habang nag dadrive. "Minsan kasi mas okay pang private ang relasyon, kasi pag maraming nakakaalam, dumadami na rin yung mga naninira at nakikielam." dagdag pa nya.

Tama nga naman. Pero naiintindihan ko naman eh. Mahalaga, alam ko ang totoo. Na sa dinami dami ng babaeng nagkakagusto sa kanya o baka mahal na nga sya e, alam kong nasa akin na ang puso nya... noon pa man. Taray!

"Oppa, saranghae!" sinigaw ko sa kotse. "Saranghaeyo, Kang Haru!" Sweet no? Hihi.

Maya maya nadaan kami sa SM building. Kala ko dun kami pupunta, kinabahan tuloy ako. Nakita ko yung mga babaeng nakaabang sa labas ng building na parang doon na nakatira.

"Nag picnic na sila sa labas." Napatingin sakin si Chan, "Sino?" Tinuro ko yung likod, "Yung mga babae sa tapat ng building nyo."

Matagal hindi nagsalita si Chanyeol, hanggang sa nag buntong hininga sya "Jagi, kung sakaling medyo mapag hinalaan na may girlfriend ako at matrace ka ng mga fans, pag may nagbigay ng pagkain sayo, tanggapin mo pero wag mong kakainin, o kaya kung regalo naman, buksan mo mismo sa harapan nila. Pero kung hindi mo alam kung sino ang nagbigay, wag mong kukunin." Seryoso nyang sinabi sakin.

"Huh? Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Yung mga fans na nakita mo kanina, sila ang mga sasaeng fans. Kakaibang fans sila, masyado silang obsessed. Nakakatakot sila. Kahit dorm namin, napasok na nila at nagnanakaw ng underwear." Nagulat ako. May mga tao palang ganun? Si Ha Neul kaya? Baka ganun rin yun ah!

"Nakakatakot naman pala. Sige, oppa. Gagawin ko ang sinabi mo." Pero medyo kinabahan ako sa sinabi nyang yun.

Hinawakan ni Chanyeol ang kamay ko at hinalikan yun, "Ayokong masaktan ka ng kahit sino. Magiging tunay na wolf ako pag nangyari yun!"

Kumunot noo ko, "Bakit wolf?" Binato pabalik ni Chanyeol ang kamay ko at inirapan ako.

Nang maalala ko, "Ah oo, wolf! Hehe. Yung kanta nyo. Yung Awoooo!" Ngumiti ako at nag sorry.

"Hindi ka ba nanunuod ng music video namin?" tanong nya.

"Uy, nanuod ako no. Dati kasi nung nag fanmeeting kayo sa mall, nandun ako nun. Tinanong ko sa ilang fans kung sino kayo, EXO daw. Tas nung sinabi ko na di ko kayo kilala, nagalit sila. Kaya pagkauwi ko, nag search ako about sainyo at nanuod ng music videos nyo. Hehe... Pero ano... hindi kita napansin nun." Pumikit ako, naghahanda kasi alam kong sisigaw sya dahil sa sinabi ko. 
"MWORAGO?!!" Sabi na e. Itinabi nya ang kotse, binigay nya ang cellphone nya sakin. "Oh, manuod ka uli dyan ng music videos namin. Nandyan lahat, panuorin mo kung gano kagaling boyfriend mo." Nag make face ako at tumawa sya at pinaandar na uli ang kotse.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet