Manager

I am dating a KPOP STAR

Te.... teka, ano daw?

Nagulat kaming lahat pati na si Taeyeon.

"Mwo....mworago?"

"Ayoko na. Tapusin na natin ang relasyon na to."

Tumayo si Taeyeon

"WAE GURAE?! Ha?"

"Na realize ko na gusto lang kita. Hanggang dun lang."

Hinawakan ni Taeyeon ang damit ni Baek.

"Bago pa lang tayo, Baek. Matutunan mo rin akong mahalin."

Mahal niya nga talaga siguro si Baek. Halos magmakaawa na kasi siya.

Napahawak ako kay Chan dahil sa intense ng mga nangyayari.

"Umalis ka na...."

Umiiyak lang si Taeyeon. Tinanggal ni Baek ang kamay ni Taeyeon sa pagkakahawak neto sa damit niya.

Bakit siya ganyan?

Nakayuko lang si Taeyeon. Maya maya, pinunasan niya ang mga luha niya at naglakad palabas.

Naiwan uli kami sa training room. Ramdam pa rin ang tensyon.

Umupo uli si Baek at itinuloy ni D.O ang paggamot sa mga sugat niya.

Tumayo si Chan at nagpaalam na mag babanyo. Naihi siguro sa tensyon?

Pagkalabas niya, nilapitan ko si Baek.

"Oppa..." umupo ako sa tabi niya. Hindi niya ko sinagot.

"Ayos ka lang ba? Sorry sa ginawa sayo ni Chan oppa."

Tumingin siya sakin at hinawakan ang pisngi ko. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Ikaw ang gusto ko Haru yah.." nagulat din si D.O sa sinabi ni Baek at ganun din ako. Magsasalita sana ako pero may biglang nagtanggal ng kamay ni Baek sa pagkakahawak ng pisngi ko.

Tumingala kami, si Chanyeol. Halos umusok na sa galit. Nagsilapitan ang mga ka member nila para umawat.

Tumayo ako at sinubukang paghiwalayin ang kamay ni Chan sa pagkakahawak sa wrist ni Baek. Nanginginig yung kamay ni Chan. Nanggigigil siya. Nararamdaman ko yung tensyon. Baka atakihin ako neto?

"Oppa, kinamusta ko lang si Baek. Wag na uli kayo mag umpisa ng away."

Magkatinginan pa rin sila ni Baek.

"Oppa, ano ba?"

"Hindi ka pa rin nadadala? Sinabi ko diba, na ang akin ay akin?!" Kinakausap niya si Baek.

Nakatingin lang ng masama si Baek sa kanya.

Hinila niya ang kamay ni Baek para makatayo at binitawan ito. Mahigpit nga ang pagkakahawak niya, nakita kong namula yung wrist ni Baek e.

Pero wait, there's more.. tinulak ni Chan si Baek sa pader. Sinimulan na silang awatin.

Pumunta ako sa gilid nila at sinusubukan silang paghiwalayin.

"Chanyeol oppa! Jebal!" Kinakabahan na ko. Nahihirapan na din akong huminga.

"Hindi mo ba nakita? Hiniwalayan ko pa si Taeyeon para sa kanya." Sumagot si Baek.

Napaupo na ko habang hawak ang dibdib ko.

"ANONG SABI MO?!" galit na sigaw ni Chan.

Nagkagulo uli sila. Siguro nanuntok na naman si mokong.

Napansin ako ni Suho.

"Haru ya? Ayos ka lang ba?"

Hindi ako makapagsalita. Kinapa ko ang inhaler ko sa bulsa ko. Sht! Hindi ko pala dala dahil sa pagmamadali ko. Nanghihina na ko at napasandal kay Suho.

Sumigaw siya, "Chanyeol! Ang girlfriend mo!!"

Habol na habol na ang hininga ko. Lumapit si Chanyeol sakin at kinapa kapa ang bulsa ko.

"Hindi mo dala?!"

Umiling ako. Sht, mamamatay na ata ako? Nagdidilim na naman paningin ko.

Naramdaman ko na lang, may bumuhat sakin at nagsabi na isugod ako sa hospital.

--------------—-------

Nagising ako kasi gutom ako. Tumayo ako para kumuha ng pagkain sa ref. Pero parang may pumigil sa isang kamay ko. Pagtingin ko, naka dextrose ako.

Teka, nasan ba ko? Tumingin ako sa paligid ko, nakita ko si Chanyeol na nakaupo at nakapatong ang ulo sa gilid ng kama ko, tulog.

Ah oo! Nasa hospital ako. Inatake pala ako ng hika. Hinawi ko yung buhok ni Chan na nakatakip sa mga mata niya.

Nagising sya, "Jagi?!" Hinawakan niya ang kamay ko. "Kamusta ka na? Nahihirapan ka pa rin ba huminga?"

Nakatitig lang ako sa kanya. May hinihintay akong sabihin siya.

Nagtitigan kami hanggang sa, "Sorry, jagiya." Napayuko siya.

"Hindi lahat ng bagay nadadaan sa sakitan, Chanyeol."

"Sorry talaga, jagi... Inatake ka pa dahil sakin."

Biglang may bumalibag ng pinto.

"Haru eonni?!!" Si Haneul, kasunod niyang pumasok si eomma at oppa.

"Anong nangyari sa kanya?!" Tanong ni Hangyong oppa.

Tumayo si Chanyeol, "hyung, pasensya uli. Kasalanan ko..."

"Anong nangyari sa mukha mo Chanyeol?" Wow, eomma! Ako anak mo noh! Naka confine ako oh. Pansinin mo ko!

"Nakipag away yan. Inawat ko, e ayaw magpaawat! Kaya eto ako ngayon."

"Bakit ka naman nakipag away ha? Alam mo naman kalagayan ng kapatid ko tas isasali mo pa siya sa gulo."

"Pa.... pasensya hyung... may balak kasing umagaw sa kanya... kaya... kaya pinaglaban ko lang. Pasensya po talaga..."

Napatango lang si oppa. "Yun naman pala, Haru e. Pinaglaban ka lang. Dapat hinayaan mo na lang, hindi mo na sana inawat."

Seryosoooo?!!

Lumapit si Haneul sakin at hinawakan ang kamay ko, "Eonnie, ayos ka lang ba?" Buti pa tong sutil kong kapatid inaalala ako.

"Oo, ayos lang ako."

Biglang bumukas ang pinto at may pumasok..

"Chanyeol hyung, eto na yung mga pagkain." Si Kai kasama niya si D.O. Napatingin silang dalawa sa mga bisita ko.

"Annyeong haseyo" sabay silang nag bow.

Naramdaman kong bumebwelo ng hangin si Haneul sa lungs niya para tumili, kaya tinakpan ko na ang bibig niya.

Napatingin silang lahat sa amin.

"Wag kang magsisisigaw dito, hospital to." bulong ko sa kapatid ko.

Tumango siya habang nakatingin pa rin kay Kai. Tinanggal ko na ang pagkakatakip sa bibig niya. Kilig na kilig ang bruha!!

"Haru noona, kamusta na pakiramdam mo?" tanong ni Kai sa akin habang papalapit.

Nag smile ako kasi kala ko masungit siya. "Okay lang ak-- aray ko!" lumingon ako sa kanan ko. Si Haneul, ang higpit ng hawak sa braso ko habang nakatitig kay Kai.

"A...aray ko, Haneul!" habang pinipilit kong alisin ang pagkakahawak ng kapatid ko sa braso ko.

"Kapatid mo?" tanong ni Kai. Naramdaman kong nag stiff si Haneul nung nagtanong si Kai.

"Ah oo.. Bunso namin. Si Haneul..."

Ngumiti si Kai, "Annyeong, Haneul!"

Binitawan ako ni Haneul at kumaway kay Kai, "Annyeong, oppa."

"Kain na po tayo..." Aya ni Chanyeol habang inaayos ang mga pagkain na dala nila Kai at D.O.

Lumapit sakin si Chan habang dala ang pagkain. "Yeobo, kain ka na. Magpagaling ka, para makaharap na tayo sa manager namin."

Nanlaki ang mata ko. Ano daw? Manager? Ha? Bakit?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet