Jusko po!

I am dating a KPOP STAR

Dahan dahan akong bumangon para hindi ko magising si Chanyeol. Ayokong maabutan niya kong paalis.

Maling mali ang ginawa namin kagabi! Nakakainis!

Habang nagbibihis iniisip ko kung pano ako magpapaalam sa kanya ng hindi nagigising.

Tumingin ako sa paligid. Ayun, may notebook at ballpen sa tabi ng side table! Susulatan ko na lang siya.

Pagkatapos kong magbihis, kinuha ko ang isang pilas ng papel sa notebook at ballpen at sinulat ang dapat kong sabihin.

Chanyeol,
         Pasensya kung sa ganitong paraan ako magpapaalam. Salamat sa pagmamahal na binigay mo pero kinakailangan na nating itigil to. Maraming bagay sa ngayon ang mas kailangan mong i-prioritize kesa sa akin. Kalimutan mo na lang ang nangyari kagabi satin.

                                                     - Haru

Pinigilan kong umiyak habang nagsusulat. Kailangan ko na talagang tanggapin ang nangyayari.

Nilagay ko sa table ang sulat kung saan madali niyang makikita pag gising niya. At dahan dahan akong umalis...

---------------

After a month, bukod sa balita sa tv at internet hindi na ko nakakakuha ng balita tungkol kay Chanyeol.

Ilang beses siyang pumunta sa bahay pero tiniis ko talaga na wag siyang labasin.

"Eonnie!!!" Biglang pasok ni Haneul sa kwarto ko.

"Oh ano, bakit na naman?" Nag eemote eh!

"Si... Oppa... Chanyeol oppa..."

Medyo nag iba timpla ng mukha ko. Nakatitig lang ako sa kapatid ko at hinihintay siyang magsalita.

"Ipupunta siya ng China. Hindi pa alam kung gaano katagal, pero siguro nasa 1 to 2 years daw. Ipinasok siya sa EXO M dahil nga kulang na sila."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nabalitaan ko. Alam kong may kinalaman ang relasyon namin sa nangyari. Pero mas ayos na din yun, lalayo siya para mas madali ko siyang makalimutan.

Pinigilan kong umiyak kahit nananakit na ang lalamunan ko. Kinuha ko ang bag at gamit ko at nagmadaling lumabas ng kwarto ko.

Sinundan lang ako ng tingin ni Haneul, alam kong alam nila na nasa hindi kami magandang estado ni Chanyeol ngayon, pinipili lang talaga siguro nilang wag magsalita.

Bago pa ko makarating sa pinto ng kwarto ko, medyo nahilo at na out of balance ako. Buti nakahawak ako agad sa doorknob at naalalayan agad ako ni Haneul.

"Eonni, okay ka lang ba?! Kanina ka pa namumutla eh."

Tumayo ako ng maayos, "Ok lang ako, puyat lang ako. Sige, papasok na ko." 

 

Sa school...

Bakit ba biglang sumama pakiramdam ko? Tapos ang dami dami pang sinasabi netong professor na to, sabi niya may bago daw estudyante. E bat hindi niya na lang ipakilala agad?

Ganado pa naman akong mag aral ngayon dahil isa rin ito sa naiisip kong lunas para makalimot sa relasyon namin ni Chanyeol.

Ayoko munang makarinig, makanood o makakita ng kahit anong may koneksyon sa kanya. Gusto ko munang manahimik....

"Pwede ka nang pumasok." papapasukin mo rin pala e! Dami pa arte.

Biglang nagtilian yung mga kaklase kong babae nang makita nila ang bago naming kaklase.

Halos umikot ang bituka ko sa nakita ko. Nakangiti lang siya sa harapan habang palinga linga ang tingin niya na parang may hinahanap.

Napatingin siya sakin, lalong lumaki ang ngiti niya.

"Annyeong haseyo! Byun Baekhyun imnida!"

Jusko po!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet