Jwesonghamnida!

I am dating a KPOP STAR

Nagkukwentuhan kami ni Chanyeol sa garden nila ng biglang nag ring ang phone ko.

Si Han gyong oppa. Napatitig ako sa cellphone ko. Nakauwi na ba sya? Bakit biglaan syang tumawag?

"May problema ba?" Tanong ni Chan.

Umiling ako at sinagot ko ang tawag, "Han... gyong oppa?" Naramdaman kong nagulat si Chanyeol nang marinig nya ang pangalan ng tumatawag.

"Eodiya?" Tanong ng kuya ko.

"Ha.... ano oppa. Nandito ako..."

"Kasama mo si Chanyeol."

Mas malaki pa sa bahay nila Chanyeol ang paglaki ng mata ko. "Pa...pano mo nalaman?"

"Nandito na ko sa bahay. Kararating ko lang kanina. Tigil tigil mo na yang kalokohan mo at umuwi ka na dito!" At naputol na ang linya.

Patay!

"Si hyung ba yun? Anong sabi?"

Natatakot ako. Paano kung saktan nya na naman si Chanyeol. Binalikan naman na ko ni Chanyeol eh, hindi niya rin naman alam kasi ang nangyari noon. Eottoke? Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

"Jagi...."

"H....ha? Mianhe.."

"Si hyung ba yun?"

Tumango ako. "Alam nyang... magkasama tayo? Nandun na daw sya sa bahay.. Kababalik nya lang mula sa military service."

"Hmm, galit ba sya?"

Tumango ako at hinawakan ang dibdib ko.

"Sinusumpong ka na naman ba?!"

"Hi...hindi, ayos lang." Sinubo ko ang inhaler ko na lagi lang sa tabi ko.

Hinawakan ni Chanyeol ang kamay ko. "Tara na, ihahatid kita."

"Ha? Hindi pwede.. Galit si oppa. Baka masaktan ka na naman niya."

"Tatanggapin ko. Ipapakita ko sa kanya na mahal na mahal kita. Ibabalik ko ang tiwala niya sakin." Tumayo sya at hinila ako pero nakaupo pa rin ako.

"Oppa..." Pinigilan ko ang kamay nya.

Tumingin sakin si Chanyeol at hinalikan ang noo ko.

"Magiging maayos din ang lahat. Ipaglalaban kita."

Nagpaalam kami sa pamilya ni Chanyeol at sumakay sa kotse niya para bumyahe na pauwi sa bahay namin.

"Ihahatid ko na lang sainyo yung mga damit mo na naiwan sa luma naming bahay ha?"

Ihahatid pa? E baka nga pagtapos netong araw na to, hindi na kami magkita.

Hinawakan ni Chanyeol ang kamay ko, "Wag mo masyadong isipin yun. Hihikain ka na naman aa sobrang kaba niyan."

*******************

Huminto ang kotse sa tapat ng bahay namin.

Binuksan ko ang gate namin at pumasok. Kasama ko pa rin si Chanyeol.

Naabutan namin si Oppa, eomma at Ha Neul sa sala, naka upo sa lapag. (Typical korean house lang ang bahay namin) Mukhang hinihintay na ako.

Sumunod na pumasok si Chanyeol. Nagulat si Eomma at napa gasp naman si Ha Neul pero pinalo siya ni Eomma at pinatahimik.

"Bakit mo kasama yan?! Hindi ka pa rin ba natututo?!" Galit na sabi ni Oppa.

"Oppa.... Hindi naman niya alam..."

"Jwesonghamnida! Jwesonghamnida!"

Lumuhod si Chanyeol at paulit ulit na nag bow.

Nakita kong nagulat si Han Gyong oppa at napabalikwas si Eomma sa pagkakaupo nya.

"Chanyeol oppa, tumayo ka diyan." Umupo ako at hinila ko ang isang braso nya para tumayo pero hindi nya ko pinansin.

"Pasensya na hyung sa pagiging makasarili ko! Mas inuna ko pa ang pangarap ko kesa kay Haru kaya hindi ko nalaman kung anong nangyari sa kanya." Tumulo ang luha nya. "Pero hyung, Auntie, maniwala kayo sakin, mahal na mahal ko po si Haru! Nagmamahalan po kami. Humihingi po ako ng tawad sainyo!" Nagbow uli sya at nag sorry.

Tumayo si Eomma, "Chanyeol, matagal na kitang pinatawad. Alam kong hindi magmamahal ng maling tao ang anak ko, kaya hinayaan kitang hiramin siya para maayos kayo. Tumayo ka na diyan."

Hindi pa rin tumayo si Chanyeol dahil alam nyang hindi pa nagsasalita si Han Gyong oppa.

Tumayo si Gyong oppa at pumunta sa harapan ni Chanyeol. "Alam kong mahal na mahal mo ang kapatid ko. At hindi mo intensyon na saktan siya. Nadala lang ako ng galit ko pasensya ka na rin. Pinakita mo pa rin sakin kung gaano mo siya kamahal tulad ng dati. Tumayo ka na dyan."

Tumingala si Chanyeol at nakita niya si Oppa na inaabot ang kamay niya para tumayo.

Tumayo si Chanyeol at niyakap si Oppa. Pang lalaking yakap syempre! Napangiti na ko dahil ayos na ang lahat, kala ko magkakagulo na naman.

*****************

Habang nag kukwentuhan, "Ikaw na ba si Ha Neul? Ang laki mo na parang kailan lang, ang liit mo pa."

"Namumula oh, crush mo yan no?!" Tanong ni oppa sa kanya.

"Sabi ni eonnie mo, fan mo daw kami." Tanong ni Chanyeol sa kanya. Hala, lalong namula!

"Uy, magsalita ka. Kinakausap ka ni Chanyeol oppa oh! Ilabas mo yung mga someone call the doctor mo!"

"Haru eonnie naman eh... hmmm, oppa! Pwede makahingi ng autograph ni Kai oppa?" Nahihiya nyang sabi.

Tumawa si Chanyeol at pumayag naman sa request ng kapatid ko.

Maya maya rin ay umuwi na si Chanyeol. Hindi na natuloy ang pagsasama namin ng isang linggo pero okay lang yun, atleast ayos na lahat. ↖(^ω^)↗

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet