Day 1

I am dating a KPOP STAR

DAY 1

Ang alam ko nakatulog ako sa sofa kasi wala akong maluto. De joke lang, natulog na lang talaga ako kasi hindi naman ako marunong magluto. Pero paggising ko, nandito na ko sa kama nakahiga. Sa kwarto ni Chanyeol. Hindi man lang ako nakapag lunch at dinner! Bumangon ako at nakita ko sa side table na may mga damit at toothbrush.

Chineck ko yung damit, pang babae. Sakin naman siguro yun? Inamoy ko, amoy bago! Kabibili lang siguro? Tumayo ako at lumabas ng kwarto bitbit ang mga damit at toothbrush. "Chanyeol.... ssi?" Pero walang sumasagot sakin. Binalewala ko na lang baka kasi lumabas lang. Pumunta ako ng CR para maghilamos, mag tooth brush at magpalit ng damit. Kahapon pa kaya ako naka uniform!

Paglabas ko nandun na si Chanyeol sa kusina, inaayos ang mga pinamili nya. Napatingin sya sakin at napangiti nang nakita nya na suot ko na yung damit na ibinigay nya. "Bagay sayo. Hindi ba masikip?" Umiling ako, "Hindi, ayos lang. Saktong sakto lang." Ngumiti siya, "Buti naman, kala ko kasi maliit yan para sayo. Hindi ko kasi alam size mo eh. Hehehe" sabay kamot ng ulo. May kuto? Charing. "Hindi ba mahal to? Ang ganda kasi ng tela e."

Hindi nya ko sinagot, pinagpatuloy nyang ayusin yung mga pinamili nya. "Nag take out na lang ako ng mga pagkain kasi alam ko wala satin ang marunong magluto. Pero bumili din ako ng mga ingredients na madali namang lutuin." Napa tango na lang ako. "Tska bumili na din ako ng gamot mo. Pasensya na hindi kita nagising kagabi para uminom ng gamot. Kanina lang din sakin pinaalala ng umma mo." dagdag nya. Naghanda sya para makakain na kami, tutulungan ko sana sya pero ayaw nya. Pinaupo nya na lang ako at hintayin ko na lang daw ang pagkain.

Habang kumakain kami, nagtatanong sakin si Chanyeol ng kung ano ano. "Oo nga pala, kamusta na yung baby sister mo? Si ano...."

Hindi nya na matandaan. "Si Ha neul. Ayun, 11 years old na sya. Medyo dalaga na rin kumilos at mahilig sa kpop. Kilala nya kayo, fan nyo sya e." Natuwa si Chanyeol sa sinabi ko, "Naaalala nya pa kaya ako?" Tanong nya. "Sa tingin ko hindi na...." Medyo nalungkot sya sa sinabi ko. Kala ko titigil na sya sa pagtatanong, "E si .... Han gyong hyung? Kamusta na sya?" Napatingin ako sakanya, hindi ko akalain na kakamustahin nya pa si oppa matapos ng mga nangyari. "Nasa.... military sya ngayon. Malapit na rin matapos yung service nya." Napatango na lang sya sa sagot ko.

Hindi ko namalayan, nagriring na pala ang cellphone ko na nakapatong lang din sa mesa. Tumagilid ako para sagutin. "Yoboseyo?" Naramdaman kong tumigil din sa pagkain si Chanyeol para pakinggan ang pakikipag usap ko. "Good morning, Haru yah!" Lalaki to. Pamilyar ang boses nya, pero di ko masabi kung sino sya. Napakunot ang noo ko, "Sino to?" Tanong ko sa lalaking nasa kabilang linya. "Hulaan moooo~" Aba, siraulong to! Nagawa pang magpahula. "Hindi ako manghuhula, kung mantitrip ka lang, ibababa ko na!" Aalisin ko na sana ang cellphone sa tenga ko...

"Sandali! Sandali! Si Baekhyun to, Haru! Sorry na!" Napatingin ako kay Chanyeol, "Baekhyun.... oppa?!" Kasabay ng gulat ko ang pagkunot ng noo ni Chanyeol.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet