Weird dream

I am dating a KPOP STAR

Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng impact sakin ng sinabi ng manager nila sa akin. Ayokong masira ang pangarap ni Chanyeol dahil sakin.

Isang linggo na ang nakakalipas pero di pa rin ako nakikipag communicate kay Chan. Pero inupdate niya ko noong nag usap sila ng manager nila. Sinuspinde pala siya sa mga shows dahil di siya sumisipot at grounded siya ng isang buwan. Lalo akong na-guilty at di nakipag usap at nakipag kita sa kanya.

Pangalawang linggo, hindi niya na rin ako tinitext o kinukulit. Nagsawa na ata, na realize niya siguro na ako ang dahilan kung bakit nangyayari sa kanya ngayon ang mga parusang dinadanas niya.

Pumunta ako sa isang kainan sa daan at umorder ng sangkatutak na soju. Kanina pa ko tinitignan ng mga babae sa tapat ko, ngayon lang siguro nakakita ng umiinom na babae at pinipicturan pa ata ako.

Maya maya lang ay nahihilo na ko. Grabe, may natitira pa kong isang bote e. Uubusin ko na lang tong isa at uuwe na ko.

Aabutin ko na sana yung bote nang may biglang pumigil sa kamay ko...

Tumingala ako para tignan kung sino yung humawak sakin. Medyo malabo na ang paningin ko dahil sa kalasingan ko, pero alam ko kung sino tong lalaki na to.

"Tumayo ka dyan!" Hinila niya ko.

"Chanyeol, nasasaktan ako!" pumiglas ako sa pagkakahawak niya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Eto ba yung ginawa mo sa buong dalawang linggong di mo pakikipag usap sakin?! Kailan ka pa natutong uminom?!"

"Bakit ba nandito ka? Diba grounded ka?"

"May nakakita sayo at nakilala ka, vinideohan ka at pinost sa internet."

"Tch, sabi na e. Bitawan mo nga ko, uuwe na ko." inalis ko ang pagkakahawak sakin ni Chan tumakbo palabas kahit pagewang gewang na.

Pero di ko alam at bigla akong napunta sa likod ni Chan. Pasan na niya ako...

"Hindi ka pwede umuwe ng ganyan ang lagay mo. Baka ano pang gawin ni Hangyong hyung sayo."

Ilang minuto lang ay naramdaman kong hiniga ako ni Chan sa kama. Maya maya ay naramdaman ko namang may basang towel na pumupunas sa balat ko.

Pinilit kong dumilat, nakita ko si Chan habang pinupunasan ako. Makikita mo sa kanya na nag aalala siya...

Nilagay ko ang kamay ko sa batok niya at hinila siya pababa para halikan.

"Haru yah, anong nangyayari sayo?!"

"Ngayon lang, Chanyeol. Mahal na mahal kita..."

"Mahal na mahal din kita.. Pero..."

Hindi ko na siya pinakinggan at hinalikan siya uli.

-----

Maliwanag na pala? Ugh... Ang sakit ng ulo ko. Ang weird ng panaginip ko... Teka...

Bat parang ang presko ng pakiramdam ko? Kinapa kapa ko ang sarili ko. Sinilip ko ang katawan ko sa ilalim ng kumot.

Ba... Bakit wala akong suot?

Dahan dahan kong tinignan ang katabi ko, si Chanyeol, tulog at naka half .

Pinakiramdaman ko ang sarili ko... Medyo may sumasakit na parte ng katawan ko...

Te... Teka... Ibig sabihin di panaginip ang nangyari?!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet