Habul-Habulan

Humanap Ka ng Panget

 

Huminga muna si Kyuhyun ng malalim bago tumayo mula sa kinauupuan na toilet bowl at tsaka sumilip-silip sa labas ng pinto. Nag-buntong hininga siya nang ma-realize niyang wala nang bansot na susunod-sunod sa kaniya. Kaninang umaga pa siya sinusundan ng binata na may hawak na mga bulaklak at biko kaya naman napilitan siyang pumasok sa isang cubicle para malubayan ni Sungmin. Hindi siya lumabas ng mahigit 45 minutes kaya inilusot na lang ni Sungmin ang mga regalo sa ilalim ng pinto.

Isang linggo na ang nakakalipas at naghahabulan pa rin sila. Noong Lunes ay taimtim na nagbabasa si Kyuhyun ng Law of Physics sa library nang may nagbato ng papel na ginawang bola sa ulo niya. Hinanap niya ang may salarin at pagtingin ay nakitang nakangiti si Sungmin sa kabilang mesa. Sumenyas pa ito gamit ang mga daliri. Tinuro niya ang saliri, tsaka gumawa ng puso, at tsaka tinuro si Kyuhyun. Tinaasan naman ni Kyuhyun ng gitnang daliri ang lalaki at namakyu. Pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.

Noong Martes naman ay inabangan ni Sungmin si Kyuhyun sa may gate at sinabi nitong sabay na silang pumasok. Tinignan lang ni Kyuhyun ang lalaki mula ulo hanggang paa at naglakad palayo. Pero maya-maya’y napansin nitong nakasunod si Sungmin sa kaniya.

“Ano ba?! Di’ba sa kabilang dulo pa ng school ang building ng Theatre Arts?!”

Napahinto si Sungmin sa paglalakad at pumikit-pikit tsaka ngumiti ng nakakaloko.

“Bakit mo alam kung saan ang building ko?”

Nanlaki ang mga mata ni Kyuhyun at hindi nakapagsalita. Nagpatuloy si Sungmin.

“At bakit mo alam ang first class ko?”

“Uhmm…” Tumalikod na lang siya at naglakad palayo.

Noong Miyerkules ay sinubukang magtago ni Kyuhyun mula kay Sungmin pero sa kasamaang palad, ang lugar kung saan siya dapat magtatago ay naokyupahan na ni Sungmin. Sa rooftop ay may nakalatag na kumot ay may basket na nakapatong. Katabi nito ay dalawang lunchbox at dalawang tumbler.

“Para satin yan. Sweet ko di’ba?” Bulong ni Sungmin sa tainga ni Kyuhyun mula sa likod ng lalaki. Napatalon sa gulat si Kyuhyun at tumakbo na lang pababa.

At kahapong Huwebes lang ay nakanangputs pagkapasok na pagkapasok ni Kyuhyun sa classroom ay nakita niyang nakaupo si Sungmin sa usual desk niya. Nakangiti habang tinititigan lang siya ng mga classmates ni Kyuhyun.

Naisip ni Kyuhyun na tumakbo ulit kaso ten minutes na lang ay magsisimula na ang klase. Kaya huminga na lang siya ng malalim at naglakad papalapit kay Sungmin. Nagsalubong naman ang dalawang kilay niya nang mapansing wala itong dalang kahit ano. Pero nakita niyang may kinuha ito mula sa bulsa at iniabot sa kaniya.

“Ano to?” Tanong ni Kyuhyun habang tinanggal mula sa pagkaka-rolyo ang manipis na papel.

“Resibo yan. Basahin mo.”

At nakita nga niyang resibo ito ng isang grocery list.

“O, anong gagawin ko dito?”

“Pagmasdan mo lang. Buti pa kasi ang mga presyo nagmamahal. Tayo na lang hindi.”

Putragis na umaga iyon. Iling ni Kyuhyun habang nakasandal sa pader ng banyo. Naalala niya ang tawa at sipol ng mga hayup niyang klasmeyts. Peste.

Tinitigan niya ang biko na nakabalot pa sa dahon ng saging, katabi nito ay mga santan na malamang ay pinitas pa ni Sungmin sa likod ng school. At doon niya napansin na may sulat sa ilalim ng mga bulaklak.

‘O, irog ko

 Hindi ko mawari kung

Kailan ka tatamis sa akin,

Kasing tamis ng santan na

Pinitas ko pa sa

 Likod ng school natin (O, kita niyo na.)

Kasing tamis ng bikong aking kinayod.

Mula pa kahapon

Hanggang dapithapon

Kaya naman ako’y napagod :(-LSM’

Napangiti si Kyuhyun sa napakapalpak na pag-attempt sa poetry ng lalaking tinatakbuhan niya.

Pinagmasdan ito ni Kyuhyun hanggang sa marealize niya kung ano ang ginagawa niya. Sabay nawala ang ngiti sa labi niya at tumingin sa relo. Magiisang oras na siyang nakatago. Siguro naman wala nang Sungmin na mangungulit sa kaniya. Pupunta na lang siya sa canteen at bibili ng take-out at tatakbo papunta sa classroom.

Iyon ay kung makakatakas siya mula sa mapang-landing nilalang.

Dahan-dahan siyang lumabas ng C.R. at pagkaliko niya sa left wing ng building nila ay bigla na lang siyang napa-atras nang makita ang lalaking may hawak na gitara at nakangiti ng nakakaloko.

Natulala na lang siya nang magsimula nang tumugtog si Sungmin ng isang kanta.

Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilala

Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala

 

Nagsimulang lumakad si Sungmin palapit kay Kyuhyun with matching pagpikit pa ng mga mata habang kumakanta.


Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin

Bakit kaya umiiwas
Binti ko ba'y mayroong gasgas
Nais ko lang magpakilala

Dito'y mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa 'yo
Maaari na bang magpakilala

 

Umiling-iling muna si Kyuhyun bago ito tumakbo palayo kay Sungmin. Dumiretso siya sa canteen kung saang marami nang estudyante ang naka-tambay at naisip niyang opportunity rin ‘to para hindi siya matunton nang lalaking ‘yon.

Nakapila na siya sa linya ng bilihan ng sisig nang tumunog ang napakalakas na feedback mula sa speaker at muling nanlaki ang kaniyang mga mata kasabay ang pag-init ng mga pisngi niya. Natahimik ang buong canteen pero maya-maya din ay may nagtitilian na sa may sulok nang marinig ang boses ng P.R.O.


Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin


Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

 

Lalo pang nagsilakasan ang ingay nang magsalita si Sungmin sa speaker.

[Psssst. Pansinin mo na ‘ko! Nagpakapagod ako para gawin yang biko mo! Pero sige kung ayaw mo, pag-aaralan kong gumawa ng bibingka!]

Tumaas ang kilay ni Kyuhyun sa narinig. So sinusumbatan pa siya ng kumag na ‘to? Buti na lang at nasa radio booth ang bansot dahil malamang ay nasapak na niya to sa sobrang inis.

“Anong bibilhin mo?” Napatingin si Kyuhyun sa nagtitinda ng sisig at lalong tumaas ang kilay niya.

“Nagtitinda po ba kayo ng halo-halo? Baka meron?”

“Pini-pilosopo mo ba ko?”  Nagsalubong ang dalawang kilay ng nagtitinda ng sisig.

“Hindi po tinry ko lang.” Nginitian ni Kyuhyun ang lalaki at tsaka kinuha ang order at nagbayad. Nag take-out na siya dahil sa classroom na lang niya kakainin ang lunch niya pero mula sa kahihiyang inabot nito ay mukhang sa last period pa siya makakakain.

Pero hindi pa man din siya nakakatapak sa loob ng classroom ay narinig ulit niya ang nakakarinding boses mula sa likod.

“Bawat araw sinusundan, ‘di ka naman tumitingin anong aking dapat gawi—“

“Huy!” Singhal ni Kyuhyun habang dali-daling lumapit kay Sungmin. “Kailan mo ba ko tatantanan?!”

Montik nang masilaw si Kyuhyun sa liwanag ng ngiti ni Sungmin, pero syempre hyperbole lang ‘yun.

“Kapag umoo ka.”

“Saan?”

“Sabihin mo muna oo.”

“Paano pag ayoko?”

Nagkibit-balikat si Sungmin at tsaka tumugtog ulit ng gitara.

“Kailan, kailan mo ba mapapansin ang akin lihim~”

“Oo na! Leche ka! Oo!”

Napahinto si Sungmin sa pagtugtog. Nawala ang ngiti. At lalong kinabahan si Kyuhyun ng naglakad ito papalapit sa kaniya.

“Sigurado ka? Walang bawian ‘to?”

Nagdalawang isip si Kyuhyun. Pwede naman niyang sabihin joke lang ‘yun pero mangungulit lang din si Sungmin. Kaya nagbuntong hininga na lang siya at tumango.

“Oo nga.”

Napasinghal na lang siya nang tumalon si Sungmin at sumigaw ng ‘YES!’

“Para saan ba yung Oo ko?”

Tinignan siya ni Sungmin, ang mga mata’y kumikinang at ang ngiti niya’y tila ba nanalo siya sa isang laro.

“Sanay ka bang umangkas sa motor?”

“Hindi.” Totoo naman. Hindi siya masyadong umaangkas sa motor dahil noong bata siya, sumemplang yung bike na sinasakyan niya. Mula noon medyo alangan na siyang ipagkatiwala ang buhay sa sasakyan na may dalawang gulong lang. At mas lalo siyang nagaalangang ipagkatiwala ang buhay sa bansot na ‘to.

“Okay. Praktisin mo sakin.”

“Te-teka! Ano?!”

“Aalis tayo bukas.”

“At sinong may sabing sasama ako sayo?”

“Ikaw. Sabi mo ‘Oo’ eh. Pumasok ka na sa klase mo isosoli ko pa ‘tong gitara sa sophomore na hiniraman ko. Bye BooKyu!”

“Ulol!”

“Labyu too!”

Ibabato sana ni Kyuhyun ang sisig na hawak kaso nanghinayang siya. Sayang eh.

Pumasok na siya sa klase at mabilis na kinain ang lunch. Nagsimula nang magturo ang teacher at kinuha niya ang notes niya sa bag nang makita ang biko sa loob. Kasabay ng notes niya ay patago niyang kinuha ang biko at pasimple siyang kumagat habang nakatalikod ang prof. nang biglang magregister ang nangyari kanina.

“PUTANGINA MAY DATE AKO!” Sigaw niya nang pagkalakas-lakas. Napatingin ang buong klase pati na rin ang professor.

“Good for you Mr. Cho. Ubusin mo na ‘yang biko mo bago pa man din kita palabasin sa klase ko.”

Napayuko na lang si Kyuhyun at  madaliang kinain ang kakanin habang minumura si Sungmin sa isipan niya.

 

--

A/N:

I apologize for the delay T_T I wasn’t expecting for March to be a busy month. I have several excuses to offer but then that won’t be necessary. Ang mahalaga ay nakapag-update na ‘ko YASSSSSS HAHAHAHA! ^_^ Salamat sa paghihintay at pagbabasa! T_T

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayarajoy #1
Chapter 11: Authoooor nasaan ka na? T^T
Anyare na kela bookyu at ming?
ladyrapunzel08 #2
Chapter 1: where are u na po?
chunrren10 #3
Chapter 13: Huhu i need more of thisss!!;A;
imyourshupahgirl
#4
Chapter 2: Chapter 2 pa lang ako pero namamatay na ako sa katatawa pucha naman kasi yung pimple ni Cho sa baba ano ba XD
mydelusionalworld
#5
Chapter 13: cge cho pagpatuloy mo yan. ikaka inlove mo yan kay bansot. :) :)
youremyseoul
#6
Chapter 13: grabe kabitin peroo shemmsss anong mga plano ni bookyu XD im so exciteddd naa~ salamat sa update otornimm ♥
HyukkieMyHubby
#7
Chapter 13: Gahd otornim
Cliffhanger...gusto ko malaman plano ni Cho xD pero sana kung tuloy tlga plano ma realize ni Min na kahit papaano may nararamdaman sya kay panget xD
teddybearry
#8
Chapter 13: Shet. Cliff hanger. Shet. Shet. Shet. Napakahaliparot na cho! Yes cho. Dalawa sila ng ama niyang haliparot! Jeske otor. Hahahahahhahahahaha
kyuminsauce
#9
Chapter 13: hahahaha buset ang dami mong alam cho parevision revision pa sana yung revision lelz
HeeApprentice
#10
Chapter 13: Bothered ako dito. Bat sa lahat ng pwedeng role, RING BEARER pa ang gusto ng papa niya XD HAHAHAHAHAHA huhu, kala ko talaga dati close sila ng papa niya :3
Mabubuhay nanaman ang BooKyu emegeeeeehd aaxhkfljg