Pangit o Sakit?

Humanap Ka ng Panget

 

“Ayoko na. Ayoko na talaga sa kanya. Ayoko nang masaktan.” Malungkot na sambit ni Sungmin na tila bang pinagsakluban ng langit at lupa, sabay paglalim ng buntonghininga habang nakatitig kay Siwon na siya namang pinalilibutan ng mga babae at masayang nakikipaglandian sa kanila mula sa malayo.

 

Mabuti na lang at maraming tao ngayon sa canteen, sa isip isip ni Sungmn. At least that way, hindi mapapansin ni Siwon kung gaano naging miserable ang mundo ni Sungmin pagkatapos nilang magbreak.

 

“Bakit ba kasi hindi ka pa mag-move on? Di’ba ginago ka na? Ano adik ka na sa sakit, ganun?” Naaawa at naiinis na sagot ni Eunhyuk sa harap niya. Habang siya nag e-emote, eto ang kaibigan, lamon ng lamon, akala mo hindi pinakakain sa bahay amp.

 

“Bakit nga ba?” Tanong ni Sungmin sa sarili.

 

Bakit nga ba hindi sila nag work-out?

 

Bakit nga ba hinayaan niya ang sarili na mahulog sa tirador na si Siwon?

 

Bakit nga ba sa likod ng panggagago nito, hindi pa rin niya magawanng kalimutan ang taong nanakit sa kanya?

 

Punyetang life. Madrama.

 

“Gusto mong malaman kung bakit?” Inilapit ni Eunhyuk ang ulo sa kaibigan nang sa ganun ay marinig siya nito at matauhan. “Masyado ka kasing tinamaan sa kaghwapuhan niya. Masyado kang naghahabol sa mga gwapo.”

 

“Hi-hindi ah!” Depensa ni Sungmin.

 

“Ows? Talaga? Eh paano si Yunho? Si Changmin? Si Kangin? And let’s not forget Heechul—“

 

“Okay! Okay. Fine. Pero minahal ko naman sila ng tapat ah. Hindi nga lang nag work-out.”

 

Napaisip si Sungmin sa sinabi ni Eunhyuk. Syempre, sino bang hindi hahaba ang buhok kung sayo nakasentro ang affection ng pinakagwapong nilalang na naglakad sa ibabaw ng mundo? Habang nagkakandarapa ang iba na mapansin ng hayup sa kagwapuhan mong jowa, ikaw tong pinagbubuhusan niya ng panahon at pagmamahal. Pero gaya nga ng sabi nila, all good things must come to an end. Hindi naman akalain ni Sungmin na hindi pa rin pala sila exempted sa kasabihan na yun.

 

“I’m sorry, Sungmin, Baby, Babe, pero hindi ko nakikita sayo ang hinahanap ko sa taong pagaalayan ko ng puso at pagmamahal.”

 

“Mukha mo Choi! Alam ko namang type na type mo sa Tifanny noon pa lang! At tsaka kung ano man yang hinahanap mo sa mga magiging kasintahan mo, siguradong hindi mo makikita yan. Kasi hindi ka naman marunong magmahal.”

 

Wapak. Daig pa teleserye.

 

“Tanginang kadramahan to.” Bulong ni Sungmin nang maalala ang break-up nila. “Ayoko na talaga. Kotang kota na ko sa sakit.” Naiiyak na sabi niya at inihampas ang sariling ulo sa ibabaw ng mesa.

 

“Magmamahal ka na lang kasi, sa gwapo pa.” Iling ni Eunhyuk. Ilang sandali pa ay pinitik nito ang mga daliri, parang may light bulb sa ibabaw ng ulo.

 

“Alam ko na solusyon diyan.”

 

Kaunting inangat ni Sungmin ang ulo para tignan ang nakangiting classmate at muling binagsak ang ulo.

 

“Ano?”

 

“Bakit ‘di ka na lang mag jowa ng panget?”

 

Napaupo ng diretso si Sungmin nang marinig ang suggestion ni Eunhyuk.

 

“Hyuk… taken ka na.”

 

“Ulol. Baket ako lang ba ang panget sa sa mundo—TANGINA MO AH!”

 

“Nagaaway na naman kayo?” Tanong ng kadarating lang na si Donghae na may hawak na tray laman ang lunch niya. “Tungkol na naman ba kay Siwon?” Bulong ni Donghae sa boyfriend.

 

Tumango si Eunhyuk at tumingin muli kay Sungmin.

 

“Kaya nga maghanap ka na lang ng panget na iibigin. Pag kasama mo ang panget, hindi mo maiisip si Siwon. Panget jowa mo eh.” Seryosong payo ni Eunhyuk sa kaibigan.

 

Kumunot ang noo ni Sungmin. “Ohh… Siguro gwapo ex ni Donghae.”

 

Pinitik ni Donghae ang noo ni Sungmin at sinubuan na lang ng saging si Eunhyuk para pakalmahin ang boyfriend.

 

Nagnakaw muli ng sulyap si Sungmin sa dating kasintahan at nagbuntonghininga.

 

Gustong gusto na niyang makalimutan si Siwon. Sabi nga ni Toni sa Starting Over Again, PSP. Past is Past. Kaya kailangan niyang gawin ang lahat nang magagawa para lang maka-move on. At kung ang magmahal ng panget ang solusyon, gagawin niya to, makalimutan lang si Siwon. Alam niyang mali, basically hahanap siya ng rebound, ng panget na rebound. Pero bahala na.

 

“Sige nga, ano ba ang standards niyo sa pagiging panget?”

 

Saglit na inikot ni Eunhyuk ang tingin sa paligin at lumiwanag ang mga mata nang may makita sa likod ni Sungmin, ilang kilometro ang layo.

 

 

“Yung tipong mukhang paa.”

 

Sinundan ni Donghae ang tingin ng kasintahan sabay nanlaki ang mata. Tinaasan ni Sungmin ng kilay ang kaibigan nang makita si Eunhyuk na siniko si Donghae, humihingi ng tulong na idescribe ang taong kanilang nakita.

 

“Uhmm… barag yung mukha?”

 

“Akala mo hindi nagsuklay mula pa nung first year.”

 

“Malapad noo.”

 

“Malapad ilong.”

 

Napatingin si Donghae kay Eunhyuk sa narinig. “Malapad lang naman ang ilong nun dahil sa tigyawat eh.:”

 

“Ayun. Isa pa yun. Akala mo tinubuan ng tao sa tigyawat.”

 

Nang di makatiis ay lumingon na si Sungmin sa taong kanina pa tinitignan ng mga kaibigan. To his shock, kilala niya yung taong yun. Napatingin siya sa mga kaibigan.

 

“Si Cho?!” Sungmin hissed. Of all people naman kasi, si Cho Kyuhyun pa. Ang MAMAW ng University nila. Apat na taon na siyang nagaaral sa school nila at ni minsan hindi yata natanggal ang mukha ni Cho sa tarpaulin na may listahan ng Top rank sa whole university. Yung taong kada sem eh puro uno ang laman ng classcards. Ultimo professors kinakabahan sa tuwing malalaman nilang kasama si Cho Kyuhyun sa master list nila. Nalaman ni Sungmin yun nung marinig niyang naguusap ang mga tao sa faculty lounge.

 

Tinignan niya muli ang subject nila at napansing wala itong katabi. Tahimik na kumakain at nagbabasa ng libro.

 

“Cho Kyuhyun. Anak ng president ng University. 18 years old. Matalino. Mayabang.  Mayaman. Masungit. At higit sa lahat…”

 

 

“Panget.” Sabay na bigkas ni Eunhyuk at Donghae at tsaka nag apir.

 

Kumunot ang noo ni Sungmin. Hindi naman panget si Cho ah? Hindi lang talaga siguro sabay sa uso ang itsura niya…

 

 

 

 

137*137*137*137

 

 

 

Isang linggo ring pinagisipan ni Sungmin kung gagawin ba niya ang suggestion ni Eunhyuk. Magmamahal ba talaga siya ng panget para makalimutan ang sakit na nararamdaman niya?

 

Pangit o Sakit?

 

Pangit o Sakit?

 

Pangit o Sakit?

 

Isang linggo. Seryoso. Isang linggo siyang nagmuni-muni hanggang sa nakita na lang niya ang sarili niyang dahan-dahang naglalakad papunta kay Kyuhyun sa pinakasulok ng library.

 

He took a deep, long breath, laid his hands on top of the table where Kyuhyun was busily reading a book, and called out his attention.

 

“Cho Kyuhyun,” Sungmin said with utmost conviction. Inilapit ni Sungmin ang mukha niya. Totoo nga ang sinasabi ng iba. Ang laki ng pores ni Cho.

 

Tangina bakit ba siya kinakabahan ng ganito?

 

“Ang panget mo,”

 

Pagpapatuloy nito.

 

“…are you free this Friday night?”

 

Nakita niyang nalaglag ang librong hawak-hawak ni Kyuhyun at narinig ang sita ng masungit na Librarian.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayarajoy #1
Chapter 11: Authoooor nasaan ka na? T^T
Anyare na kela bookyu at ming?
ladyrapunzel08 #2
Chapter 1: where are u na po?
chunrren10 #3
Chapter 13: Huhu i need more of thisss!!;A;
imyourshupahgirl
#4
Chapter 2: Chapter 2 pa lang ako pero namamatay na ako sa katatawa pucha naman kasi yung pimple ni Cho sa baba ano ba XD
mydelusionalworld
#5
Chapter 13: cge cho pagpatuloy mo yan. ikaka inlove mo yan kay bansot. :) :)
youremyseoul
#6
Chapter 13: grabe kabitin peroo shemmsss anong mga plano ni bookyu XD im so exciteddd naa~ salamat sa update otornimm ♥
HyukkieMyHubby
#7
Chapter 13: Gahd otornim
Cliffhanger...gusto ko malaman plano ni Cho xD pero sana kung tuloy tlga plano ma realize ni Min na kahit papaano may nararamdaman sya kay panget xD
teddybearry
#8
Chapter 13: Shet. Cliff hanger. Shet. Shet. Shet. Napakahaliparot na cho! Yes cho. Dalawa sila ng ama niyang haliparot! Jeske otor. Hahahahahhahahahaha
kyuminsauce
#9
Chapter 13: hahahaha buset ang dami mong alam cho parevision revision pa sana yung revision lelz
HeeApprentice
#10
Chapter 13: Bothered ako dito. Bat sa lahat ng pwedeng role, RING BEARER pa ang gusto ng papa niya XD HAHAHAHAHAHA huhu, kala ko talaga dati close sila ng papa niya :3
Mabubuhay nanaman ang BooKyu emegeeeeehd aaxhkfljg