Laban o Bawi

Humanap Ka ng Panget

Naririnig pa rin ni Kyuhyun and mahihinang hikbi ni Sungmin matapos niyang isara ang pinto. Hindi niya alam kung bakit, pero nararamdaman niya ang pagbigat ng damdamin sa bawat hakbang niya palayo mula sa fire exit. Hindi naman kasi niya akalaing sasabog si Sungin ng ganun. Ang akala pa niya kanina ay malulutong na mura lang ang matatanggap niya.

Pero bakit ba siya nakukunsensiya ng ganito? Kung tutuusin wala naman talaga siyang kinalaman dito. Dinamay lang siya ng Bansot na yun. Oo nga sinabi niyang pagiisipan niya kung papayag ba siya sa kalokohan ni Sungmin. At ang dami palang rason para hindi pumayag.

Una, kapag na-involve siya kay Sungmin, ang dating tahimik niyang buhay ay mapapalitan ng bulungan ng mga chismosa sa school. Ayaw niya nun.

Pangalawa, kukuyugin siya ng mga tagahanga nito. At syempre ayaw niya rin nun.

Pangatlo, makakarating at makakarating ito sa tatay niya at tatanungin siya tungkol sa ualidad niya na siya ring pang-apat at pinakamahalagang rason kung bakit hindi siya pwedeng pumayag: hindi siya bading.

Kaya bahala na si Sungmin. Hindi na niya problema to. Kahit gaano pa siya naawa sa binata.

“Nandito na po ako, Manang.” Sigaw niya pagkapasok ng bahay habang hinuhubad ang sapatos.

“Kyuhyun,”

Napanganga si Kyuhyun. Dumiretso siya sa living room nila para i-kumpirma na papa nga niya ang tumawag sa kaniya at hindi lang siya nagi-ilusyon. Malimit itong umuuwi ng ganito kaaga at umuuwi lang para kumain at matulog, pagkatapos ay aalis para magtrabaho ulit.

Pero mas ikinagulat ni Kyuhyun ang nakita niyang babae sa tabi ng ama.

Hindi makakilos si Kyuhyun.

“Uhmm… siya si Tita—“ Hindi nagrerehistro sa utak ni Kyuhyun ang pangalan ng babae kahit ang mga sinasabi ni Mr. Cho. Ang tanging salitang nangibabaw lang na nakapagbalik sa kaniya sa realidad ay ang salitang “Kasal” at “Bagong asawa”.

It’s not like he doesn’t know what his father has been doing, kapag alam niyang wala naman nang dapat gawin sa opisina at hindi pa rin ‘to umuuwi. And he understands. Naiintindihan niya ‘yun. Naiintindihan niya na wala na ang mommy niya, at bilang lalaki, naiintindihan niya na may hinahanap-hanap na yakap ang papa niya.

Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit kailangan pa niyang palitan ang mommy niya pati na rin sa batas at mata ng Diyos.

Nasa hapagkainan na sila, at patagong tinignan ni Kyuhyun and engagement ring ng dalawa habang siya mariing hinihiwa ang grilled steak sa pinggan.

He couldn’t believe it.

He doesn’t want to believe it.

Naalala niya ang mga unang taon na nawala ang mommy niya. Mabuti sana kung nagampanan ng papa niya ang tungkulin ng pagiging ama, pero hindi. Sobrang hirap makuha ng approval niya. He remembered one time nung high school siya, hindi siya makapaniwalang nanalo siya sa isang national Math contest. Nationa yun ah. Tangina ilang bata lang ba ang may achievement na ganun? Pero ano sabi ng papa niya sa telepono? “Busy ako, Kyuhyun. I’ll call you back later.” Pero nakatulog na lang siya kakahintay sa hindi naman dumating na tawag. Pero naintindihan pa rin niya. Nasa States si Mr. Cho noon, at may importanteng trabaho.

Wala siya lagi sa bahay, pero naiintindihan pa rin ni Kyuhyun.

Pero ano ba naman yung abisuhan man lang siya na may bagong babae na pala ang papa niya? What more is that hindi man lang nagpaalam ang Papa niya. Out of the blue, bigla na lang niyang sinabi na ikakasal na siya sa ibang babae.

“Oo nga pala, Kyu. Ikaw ang ring bearer, ah?” Sabi ng papa niya at hindi na siya nakapagpigil.

Pwede bang ‘wag niyo na lang akong idamay sa kalokan niyo?”  He said while gritting his teeth

“Ano? “ His father glared at him.

“Ayoko." Inulit niya while smirking. He can tell just by how his father was looking at him, he was displeased. At hindi maipaliwanag ni Kyuhyun ang satisfaction na nadarama. “Tapos na ‘kong kumain.” Pahabol ng binata at tumayo na.

“Sandali lang bastos ka hindi pa tayo tapos magusap!” Singhal ni Mr. Cho kasabay ng paghampas nito sa mesa.

Kung nabigla man si Kyuhyun sa tono ng papa niya, hindi na niya yun pinahalata at dali-daling pumanik at binalibag ang pinto ng sarili niyang kwarto.

Bumibilis ang tibok ng puso niya habang nakatingin sa kisame nang nakahiga. Ito ang unang beses na sumagot siya sa papa niya ng ganun.

Huminto ang paghinga niya nang marinig ang malalakas na kalampag ni Mr. Cho mula sa labas ng kwarto.

“Hoy Cho Kyuhyun! Lumabas ka diyan! Wala kang modo!”

Mga sampung segundo ang lumipas bago mawala ang pagkatok, at narinig ni Kyuhyun ang palayong yabag ng ama.

Hindi na hinintay ni Kyuhyun ang pagbalik ni Mr. Cho. Mabilis niyang kinuha ang bag at nagpasok ng mga kung ano-anong damit at binulsa ang wallet, sinuot ang hoodie at dali-daling lumabas ng bahay.

Nakasalubong pa niya ang bagong babae ni Mr. Cho pero hindi na niya ito pinansin.

 

 

---

 

 

“Ouch!”

Sungmin flinched at agad na inilayo ang yelong binalutan ng tela mula sa magang ilong ni Kyuhyun.  

“Dahan-dahan lang, please.” Naiiyak na sabi ni Kyuhyun pagkahawak niya sa kamay ng binata.

Napatingin si Sungmin sa mga mata ni Kyuhyun, bakas ang sakit mula sa pagkakasuntok niya kanina at para siyang binuhusan ng isang timba ng kunsensiya,

Hindi naman niya talaga sinasadya eh…

Okay fine sinadya niya. Ikaw ba naman may maabutan na mamang umaali-aligid sa tinutuluyan mo hindi mo ba masasapak? Huhu.

“So—sorry.”

Umiling-iling si Kyuhyun at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Sungmin. “Hindi, ako dapat ang mag-sorry. Alam kong inaabala kita.”

Bumilis ang tibok ng puso ni Sungmin at hindi maitanggal ang titig sa mukha ng kasama. . Ang cute niya. Mukha siyang nawawalang tuta. Natauhan lang siya nang maramdaman niyang natutunaw na yung yelo sa kamay niya.

 “U—uhhmm ku—kuha kita ng kape. Punasan mo muna yung ulo mo.” Inabot ni Sungmin ang tuwalya at dali-daling naglakad para magtimpla ng kape.

 God damn it. What’s he being so worked up about? Si Kyuhyun lang naman ‘to. Si Kyuhyun na sana dapat ay gagamitin niya para makuha ulit si Siwon…

“ACHOOO!”

Yumanig ang buong couch nang bumahing si Kyuhyun ng pagkalakas-lakas. Napatingin sa kaniya si Sungmin at binilisan nito ng kaunti ang pagtitimpla ng kape.

Kyuhyun looked around the room and couldn’t help but feel warm already. Hindi niya alam kung bakit hindi siya nagdalawang isip na pumunta sa dorm ni Sungmin, pero dito siya dinala ng mga paa. Pagtingin niya sa harap niya ay may lamesang maliit, at dun niya nakita ang tablet ni Sungmin at doon nakabukas ang instagram feed ni Siwon.

Nagbuntong hininga si Kyuhyun. Ngayon niya lang naisip na baka kaya nagkakaganito ang binata dahil tulad niya, hindi niya kayang bitawan ang bagay na wala na. But in the case of Sungmin… baka naman meron pa? Baka may pagkakataon pa siyang ibalik kung anong meron siya dati? Maybe then, there’s going to be one less miserable guy in the world?

Ano kaya kung…

 

Hindi.

 

Baka hindi pumayag si Sungmin.

 

Pero di’ba yun naman ang gusto niya?

 

Kaya lang, sa tuwing naalala niya yung insidente kanina, malabo na tanggapin ni Sungmin…

 

“Drink this.” Napapitlag si Kyuhyun sa biglang pagbungad ni Sungmin pero nakabawi din siya nang tanggapin niya ang mug.

Naupo si Sungmin sa kabilang couch at tinitigan ng mabuti si Kyuhyun at ang katabi nitong bag.

“Hindi kita tatanungin kung ayaw mong magkwento kahit na gusto kong malaman kung bakit ka nandito.” Inumpisahan ni Sungmin. “Paano mo pala nalaman kung nasaan ang dorm ko?”

“GPS…” Namumulang sagot ni Kyuhyun at pagkatapos ay uminom ng kape para maiwasan ang titig ni Sungmin.

Sungmin shrugged and stood up to check the weather outside his window.

“Tumila na yung ulan…” Sabi niya habang sinasara ang bintana. “ May matutuluyan ka ba? Hotel? Bahay ng kaibigan?”

Umiling-iling si Kyuhyun, nahihiyang sinabi na, “Wala akong kaibigan. And I have cash but… I don’t think aabot ‘to ng ilang linggo kung mag ho-hotel ako. Tsaka… tsaka baka pinutol na ni Papa yung card ko.”

Pinigilan ni Sungmin ang magtanong kung ano ba talagang nangyari but he didn’t think it was his place. He sighed, and then went inside his bedroom para kumuha ng unan at kumot.

“Okay ka lang ba sa couch?”

Nanlaki ang mga mata ni Kyuhyun at napatingala kay Sungmin na naglalatag na ng sapin sa couch niya.

“B—bakit mo ko tinutulungan? Di’ba tinanggihan kita kanina?”

“And I still hate you for that.” Binelatan ni Sungmin si Kyuhyun. “You wouldn’t be here if you weren’t desperate. And trust me, alam ko ang pakiramdam ng maging desperado.” Natatawang pahabol ni Sungmin.

Kyuhyun really couldn’t believe it. Sungmin was offering his place sa taong tinanggihan siya kani-kanina lang. At mukha pang walang balak si Sungmin na maningil ng kahit anong kapalit. He suddenly felt like .

“Ahh! May toothbrush ka ba? Alam ko may extra pa ko eh, wait check ko sa C.R.”

Pagtalikod ni Sungmin ay mabilis na hinawakan ni Kyuhyun ang kaniyang kamay. Tinignan niya ng may pagtataka si Kyuhyun at bigla siya nitong niyakap.

“I’m really sorry about dun sa kanina. It’s just that… ang daming dapat i-consider. But how about we make a new deal?”

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Sungmin at umatras ng kaunti. “Kyuhyun, hindi naman kita sinisingil. ‘Wag mo na lang alalahanin ‘yun. At tsaka… napagisipan ko nang bumitaw kay Siwon.”

“Huwag!”

Pareho silang nagulat sa lakas ng boses ni Kyuhyun. Ano daw? Huwag?

“Ibig kong sabihin, huwag muna. Baka may chance ka pa.”

Napayuko si Sungmin, at halatang pasuko na talaga siya sa bagay na noon ay game na game niyang ipaglaban. “Even if you say that, BooKyu, wala na kong pinanghahawakan. Narealize ko yun nung sinabi mong hindi lahat ng gusto ko masusunod. Wala namang mali sa sinabi mo eh. Baka nga may mga bagay na wala na kong magagawa kung hindi hayaan na lang.”

Hinawakan ni Kyuhyun ang dalawang braso ni Sungmin. At tumingin naman ang gwapong binata sa kaniya.

“Di’ba sabi mo ako na lang pag-asa mo? Ako na lang ang huling baraha mo? Kung ganu’n pwede pa. May paraan pa. Huwag ka munang sumuko kasi pumapayag na ‘ko.”

“Teka akala ko ba ayaw mo?”

. Totoo na ba ‘to? Baka ginagago lang nito si Sungmin ah. Tama na. Kotang kota na siya.

“Noong una. Pero naiintindihan na kita. You just don’t want to lose something that’s precious to you, di’ba? Kaya pumapayag na kong tulungan ka. May mga revision nga lang tayong dapat gawin sa plano mo.”

“Revisions?”

Kyuhyun smirked, as if he has something under his sleeves at hindi maintindihan ni Sungmin kung anong klaseng excitement ang naramdaman niya nang makita niya ‘to.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayarajoy #1
Chapter 11: Authoooor nasaan ka na? T^T
Anyare na kela bookyu at ming?
ladyrapunzel08 #2
Chapter 1: where are u na po?
chunrren10 #3
Chapter 13: Huhu i need more of thisss!!;A;
imyourshupahgirl
#4
Chapter 2: Chapter 2 pa lang ako pero namamatay na ako sa katatawa pucha naman kasi yung pimple ni Cho sa baba ano ba XD
mydelusionalworld
#5
Chapter 13: cge cho pagpatuloy mo yan. ikaka inlove mo yan kay bansot. :) :)
youremyseoul
#6
Chapter 13: grabe kabitin peroo shemmsss anong mga plano ni bookyu XD im so exciteddd naa~ salamat sa update otornimm ♥
HyukkieMyHubby
#7
Chapter 13: Gahd otornim
Cliffhanger...gusto ko malaman plano ni Cho xD pero sana kung tuloy tlga plano ma realize ni Min na kahit papaano may nararamdaman sya kay panget xD
teddybearry
#8
Chapter 13: Shet. Cliff hanger. Shet. Shet. Shet. Napakahaliparot na cho! Yes cho. Dalawa sila ng ama niyang haliparot! Jeske otor. Hahahahahhahahahaha
kyuminsauce
#9
Chapter 13: hahahaha buset ang dami mong alam cho parevision revision pa sana yung revision lelz
HeeApprentice
#10
Chapter 13: Bothered ako dito. Bat sa lahat ng pwedeng role, RING BEARER pa ang gusto ng papa niya XD HAHAHAHAHAHA huhu, kala ko talaga dati close sila ng papa niya :3
Mabubuhay nanaman ang BooKyu emegeeeeehd aaxhkfljg