President Cho

Humanap Ka ng Panget

 

 

Unknown number:

[Good morning ;)]

Naudlot ang paghikab ni Kyuhyun nang mabasa ang text message mula sa isang unknown number.

[Hu u?] Ang reply niya tsaka siya bumangon at nag-unat ng katawan. As usual, 3:00 am na naman siya nakatulog. Pinilit niyang makakuha ng walong oras na tulog sa loob ng tatlong oras pero hindi talaga kaya eh. Tsk.

Unknown number:

[Ay grabe ka. Hindi mo man lang sinave yung number ko :( ]

Kasunod nito ay nagvibrate ulit ang phone niya.

Unknown number:

[Hulaan mo :>]

Nagkasalubong ang dalawang kilay ni Kyuhyun.

Kyuhyun:

[Ulul. Wala akong panahong makipaglaro sayo.]

Hindi niya alam kung bakit pa siya naghihintay ng isa pang reply pero agad niyang binuksan ang phone nang mag-vibrate ulit ito.

Unknown number:

[Ang hard mo saken BooKyu :( Pero okay lang kasi hard na hard na din ako sayo :”>]

Biglang kinilabutan si Kyuhyun sa nabasa. Tangina ang aga-aga ang landi nitong bansot na ‘to.

Kyuhyun:

[! ka! Wag mong sirain ang umaga ko pwede?]

Unknown number:

[Sige na nga hindi na. Save mo na lang number ko :”>]

Kyuhyun scoffed. Ano siya sinuswerte?

 

Kyuhyun:

[:P]

Unknown number:

[:O Dali naaaa! Save mo na!]

Kyuhyun:

[-______-]

Unknown number:

[Na-save mo na?]

Kyuhyun:

[Ayoko. Hindi tayo close.]

Unknown number:

[Putragis. Nakipagpalit ka na ng emoji saken di pa rin tayo close nun? L O sige kiss mo na lang ako :*]

Kyuhyun:

[..|..]

Unknown number:

[Oy! SPG!]

Kyuhyun:

[Tigilan mo na nga ako!]

Unknown number:

[Ayaw :”>]

Kyuhyun:

[Eh di bahala ka! Hindi na kita re-replyan!]

Pagkatapos nun ay hindi na nga nagreply si Sungmin. Nakahinga na ng maluwag si Kyuhyun at naggayak na papasok ng school.

 

Unknown number calling…

Unknown number calling…

Unknown number calling…

 

Patuloy ang pag-vibrate ng phone ni Kyuhyun at hanggang sa makarating siya sa classroom ay dama pa rin niya ang panginginig ng phone niya. Tangina pag nasira yun pagbabayaran ng Bansot na yun. Ang mahal kaya ng iPhone6.

Nag-vibrate ulit ang phone niya at nang hindi makatiis, agad niya itong sinagot ng hindi tinitignan ang caller.

“ANG TIGAS NG BUNGO MO! SINABI NANG HINDI AKO MAGPAPALIGAW SA’YO DIBA?!”

[Kyuhyun?]

Nanlamig ang dugo ni Kyuhyun sa boses na narinig mula sa kabilang linya. Tinignan niya ang pangalan na nakalagay sa caller ID at nanlaki ang mata. He cursed before clearing his throat.

“P—Papa! I didn’t mean to—I mean… I was just—“

[Come to my office sa free time mo.] And then his father hung up.

Pinagpapawisan ng malapot si Kyuhyun kahit na sobrang lamig na sa office ng President. Alam niyang hindi ito basta-basta nagpapatawag sa office unless may importante itong sasabihin sa kaniya o hindi kaya may kasalanan siyang nagawa.

Malimit mangyari ang pangalawa pero nang minsan mangyari ‘yun, halos gustuhin niyang magpalamon sa lupa para lang hindi na niya maramdaman ang mapanghusgang mga tingin ng ama.

“Kumain ka na ba?”

Muntik nang mapatalon si Kyuhyun mula sa kinauupuan niya nang marinig ang boses ng ama na nakaupo sa likod ng office desk niya. Itinaas ni Kyuhyun ang paningin at tinignan ang ama, at tsaka ibinaling muli ang pinadeliver na palabok.

“Hi—hindi pa…”

Tinignan siya ng masama ng matanda.

“…po. Hindi pa po.”

Narinig niyang pumasok ang secretary mula sa pinto na nasa likod niya. May hawak ang matandang babae na dalawang plato, baso, at mga kubyertos.

“Dito ka na lang mag-lunch.”

Sa tono ng pananalita ni President Cho ay halatang hindi iyon isang paanyaya kung hindi isang utos. At naintindihan agad ‘yun ni Kyuhyun. Sa school, wala silang kaugnayan sa isa’t isa maliban sa iisa ang apelyido nila.

“Kung hindi ako kayang irespeto ng sarili kong anak, paano pa ang buong university?”

Iyon ang tumatak sa kaniya mula nung magsimula ang termino ng ama niya bilang University President.

“—kaya dapat maayos ang execution.”

Napapikit si Kyuhyun.

“Pa—pakiulit po?”

Kumunot ang noo ng Presidente.

“Hindi ka ba nakikinig?”

“I’m sorry President Cho.” Mahinang sabi ni Kyuhyun habang nahihirapang lunukin ang palabok. He reached for a glass of water at uminom para makaiwas sa tingin ng ama niya.

“I said,” Nangbuntonghininga si President Cho at muling nagpaliwanag. “it’s almost the 25th foundation day of this University. Six months ang inilaan natin para sa preparation nito pero kanina ko lang na-receive yung memo na dadalo ang President ng sister college natin from U.S.”

Uminom ng tubig ang ama bago magsalita muli. “I want the celebration to be extra special. So I want you to perform an English song for them. Kahit ano. Kung gusto mong mag Bon Jovi, mag Bon Jovi ka. Kung gusto mo namang mag Ariana Grande okay lang din.”

“Papa!”

“Pinagtataasan mo ba ‘ko ng boses?”

“Hindi po.” Napayuko si Kyuhyun. “Pero bakit ako?”

“Bakit hindi? Maganda naman ang boses mo, tsaka noon namang kinder ka kumanta ka rin naman ah? May costume ka pa nga eh. Ano ka nga ulit yun? Bell-pepper?”

Namula si Kyuhyun nang maalala ang nakakahiyang insidente. Bago kasi siya magperform noon ay nasuka muna niya ang lahat ng kinain. Tangina kadiri.

“”yun lang naman.” Habol ng tatay niya pagkatapos nilang kumain. “You should go to your next class, Kyu.”

“Opo.” Tumayo na ang binate at naglakad palabas ng pinto nang marinig ang pagtawag ng ama.

“Ay teka.” Tawag ni President Cho. Lumingon si Kyuhyun at nakitang nakangisi na ang ama. “Kung magpapaligaw ka, ‘wag mong sagutin basta-basta ah. Pahirapan mo muna. Dalhin mo na rin sakin nang makilatis, nak.”

Namumulang tumakbo si Kyuhyun palabas ng office, dinig ang malakas na tawa ng tatay niya.

Naramdaman niyang nag-vibrate ang phone sa bulsa at binasa ang message.

Bansot:

[Wag kang tumakbo BooKyu baka madapa ka at masugatan ang mga pimples mo :( ]

Napamura si Kyuhyun ng malakas.

 

 

--

A/N: I at writing filler chapters lmao please forgive me. More action and drama coming soon ^^

Anyroads, check out this KyuMin writing contest and vote for your fave fic!~ :D And go guess kung sinong writer ang nagsulat ng anong fic. Bwahahahaha ^___^ LINK ---> 100days: KyuMin oneshots Compilation/Contest

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayarajoy #1
Chapter 11: Authoooor nasaan ka na? T^T
Anyare na kela bookyu at ming?
ladyrapunzel08 #2
Chapter 1: where are u na po?
chunrren10 #3
Chapter 13: Huhu i need more of thisss!!;A;
imyourshupahgirl
#4
Chapter 2: Chapter 2 pa lang ako pero namamatay na ako sa katatawa pucha naman kasi yung pimple ni Cho sa baba ano ba XD
mydelusionalworld
#5
Chapter 13: cge cho pagpatuloy mo yan. ikaka inlove mo yan kay bansot. :) :)
youremyseoul
#6
Chapter 13: grabe kabitin peroo shemmsss anong mga plano ni bookyu XD im so exciteddd naa~ salamat sa update otornimm ♥
HyukkieMyHubby
#7
Chapter 13: Gahd otornim
Cliffhanger...gusto ko malaman plano ni Cho xD pero sana kung tuloy tlga plano ma realize ni Min na kahit papaano may nararamdaman sya kay panget xD
teddybearry
#8
Chapter 13: Shet. Cliff hanger. Shet. Shet. Shet. Napakahaliparot na cho! Yes cho. Dalawa sila ng ama niyang haliparot! Jeske otor. Hahahahahhahahahaha
kyuminsauce
#9
Chapter 13: hahahaha buset ang dami mong alam cho parevision revision pa sana yung revision lelz
HeeApprentice
#10
Chapter 13: Bothered ako dito. Bat sa lahat ng pwedeng role, RING BEARER pa ang gusto ng papa niya XD HAHAHAHAHAHA huhu, kala ko talaga dati close sila ng papa niya :3
Mabubuhay nanaman ang BooKyu emegeeeeehd aaxhkfljg