Limang Segundong Pag-ibig

Humanap Ka ng Panget

“Te-teka lang naman! Hi-hindi ba pwedeng friends lang muna?!” Gulat na tanong ni Sungmin sa kausap. Kumunot ang noo ni Kyuhyun.

“Di’ba dun lang din naman tayo babagsak? O eh bakit mo pa patatagalin?” Tanong ni Kyuhyun.

“Oo nga pero… hindi ba muna natin kikilalanin ang isa’t isa? Ligaw na talaga?”

“O sige ayaw mo yata eh.” Akmang aalis na si Kyuhyun nang hinawakan siya ni Sungmin sa braso.

“Okay! Okay! Ligaw kung ligaw! Kailan mo ko gustong mag-start?” Natatarantang tanong ni Sungmin habang humihigpit ang hawak kay Kyuhyun.

“A.S.A.P.” Nakangising sagot ni Kyuhyun. Tumango na lang si Sungmin kasabay ng pagbawi ni Kyuhyun ng kaniyang braso mula sa pagkakahawak ng kasama niya.

“So nililigawan mo na ‘ko?” Tanong ng binata ka kausap.

“Oo?” Sagot ni Sungmin habang magkasalubong ang mga kilay, waring nagiisip.

“Ba’t parang ‘di ka sure?”

“Oo.”

“Oo na hindi ka sure?”

“Oo na nililigawan na kita!” Inis na sagot ni Sungmin.

“Ok. Sinasagot na kita.” Ang mahinahong sagot ni Kyuhyun sa kaniya habang nakangisi.

“Agad-agad?!” Nanlaki ang mga mata ni Sungmin sa narinig. Ginagago lang ata siya nito eh.

“Oo. Di’ba diyan din naman bagsak natin?”

“So tayo na?” Litong tanong ni Sungmin.

“Oo?”

“’Di ka sure?”

“Oo.”

“Oo na ‘di ka sure?”

“Oo na tayo na.”

Hanggang anit na ang taas ng kilay ni Sungmin sa naririnig niya mula sa lalaking kausap. May jowa na siya? Ganun kabilis?

“Seryoso ka?”

“Oo nga.” Sabi ni Kyuhyun  sabay nag-kibit balikat.

Maya-maya pa’y nagsalita na ulit ito. “Break na tayo. It’s not working. It’s not me. It’s you.”

Ilang sandaling katahimikan rin ang lumipas bago mag-register sa neurons ni Sungmin ang sinabi ni Kyuhyun.

“ANO?! GINAGAGO MO BA ‘KO?!” Inis nitong tanong sa nakangising lalaki.

“’Wag kang maingay. Baka nakakalimutan mong nasa tapat pa rin tayo ng library.

“Eh kasi… break?! Agad-agad?!”

“Bakit pa natin patatagalin eh di’ba dun din naman bagsak natin?”

“Te—teka nga. Teka lang.”

“Nakuha mo na gusto mo. Pwede mo na ‘kong lubayan.” Tumalikod na si Kyuhyun at naglakad papalayo nang biglang may sumigaw sa kaniyang likuran.

“SINAGOT NA ‘KO NI CHO KYUHYUN!”

Napatigil siya sa paglalakad at tumingin ng masama kay Sungmin habang nagtitinginan naman ang mga tao sa paligid, waring nagtataka sa kung anong kaganapan at sinong tarantado ang biglang nagsisigaw sa gitna ng hallway.

“SINAGOT AKO NI CHO KYUHYUN PERO NAG-BREAK DIN KAMI AGA—hhmmm!!”

Bago pa man matapos ni Sungmin ang sasabihin ay agad nang tumakbo si Kyuhyun pabalik at tinakpan ang bibig niya.

“Anong ginagawa mo?!” Kyuhyun hissed, pulling Sungmin to the side para hindi na siya mag-eskandalo pa.

“Sinisigaw sa hangin ang love story natin.” Huminga si Sungmin ng malalim at muling nagsisigaw. “PERO OKAY LANG KASI YUNG IBA HANGGANG CRUSH LANG PERO KAMI NI CHO KYUHYUN NAG—“

Natatarantang tinakpan ulit ni Kyuhyun ang mga labi ni Sungmin . “Hindi ka ba titigil?!”

Hinawakan ni Sungmin ang kamay ni Kyuhyun at tinanggal ito mula sa kaniyang bibig. “Ikaw ah. Hawak ka ng hawak kung saan-saan ah.” Ang nangaasar nitong sabi. “At tsaka hindi. Si Taylor Swift nga ginagawang kanta ang love life eh. Hindi ko pwedeng isigaw ang akin? ‘Wag ganun. ist ‘yun.” Humarap ulit si Sungmin sa mga tao at ngumiti.

“KAYA KAHIT MGA 5 SECONDS LANG NAGING KAMI AY MASAYA AKO!”

“Lee Sungmin!” Namumula na si Kyuhyun sa kahihiyang ginagawa ni Sungmin. Bakas sa mukha ang pagka-frustrate. “Ano ba’ng gusto mo?!”

Lumaki ang ngiti ni Sungmin. “I want do it in my own pace.”

“What?” At bakit ba niya pinapatulan ang English nitong Bansot na’to.

“BooKyu, liligawan ulit kita. Hindi man tayo nag-work out noon, sisiguraduhin ‘kong sa’tin magsisimula ang salitang ‘Forever’ ngayon.”

.

BooKyu?!” Nanlaki ang mga mata ni Kyuhyun. Puta saan nanggaling ‘yon?!

“Uu. Lagi ko kayang pinagiisipan kung ano pwedeng endearment sa’yo pag bored ako. Kinonsider ko rin yung KyuBaby eh hindi ka naman sanggol. Kaya BooKyu na lang. Boohay ko. Bookworm. Book-bok. Booni. Lahat nang ‘yon ay ikaw, BooKyu.”

“Putangina!! Arghhh!!!”

“Ayaw mo ba?” Malungkot na tanong ni Sungmin sa kaniya.

“Ano yung Booni?!”

“Di’ba mahirap tanggalin yung buni? Ang hirap mo kasing tanggalin sa isipan ko.” Nakangiti na niyang sagot.

. Tama na. Suko na siya.

“Sungmin,” Sabi niya habang pinipilit na pakalmahin ang sarili dahil baka ano pa ang magawa niya sa lalaking ‘to. “Joke lang yung kanina. Walang tayo.”

Napasinghap si Sungmin, akmang iiyak. “There was never an us?!”

“There was never an us.” Tumango na lang si Kyuhyun.

“BooKyu! Paano mo nagawa sa’kin yun?! Huhuhuhuh!!”

“Ano ba?!”

“Ano rin ba?!”

“Ang baliw mo! Tsss.”

“Baliw sa’yo. Baliw na baliw.” At sabay kindat ni Sungmin sa kaniya.

“ARGHHH!!!!!!”

 

Ginulo ni Kyuhyun ang buhok niya sa sobrang inis. Jusko Lord, hindi na po yata siya masisinagan ng araw bukas. Ngayon pa lang lumalapot na ang dugo niya sa sobrang highblood.

“Ang bugnutin naman ng BooKyu ko. O, basta, liligawan kita ah. Una na ‘ko, may klase pa ‘ko eh. Huwag mo kong masyadong mami-miss ah? Hihihi Bye BooKyu! Text na lang kita later.” Nag-flying kiss pa ito bago umalis.

Tangina. Tangina talaga. Ano ba ‘tong pinasok ni Kyuhyun?!

Naalala niya tuloy ang sinabi ng pinsan niya na nakatira sa U.S. ngayon. Nagkausap sila kahapon (kahit ayaw ni Kyuhyun) at nakwento niya ang tungkol sa isang lalaking kulit ng kulit sa kaniya at halata namang gagamitin lang siya.

“Eh di pahirapan mo rin. Tutal sabi mo kanina tingin mo pinagti-tripan ka lang niya. Eh di pag-tripan mo rin siya. Magpaligaw ka.”

Ang sarap lang din manakal ng pinsan.

 

 

137*137*137*137

 

 

“LIGAWAN?!” Sabay-sabay na nagsigawan ang tatlo niyang kaibigan sa loob ng dorm room niya. May tinatapos siyang speech para sa upcoming 25th foundation day ng University at nagpapatulong siya sa mga kaibigan niya. At natural hindi mawawala ang kwentuhan tungkol sa Panget.

“Puta yung mga mukhang yon nagpapaligaw pa?! HAHAHAHAHAHAA!!” Tuwang-tuwa na sabi ni Eunhyuk habang may pop-corn sa bunganga. Okay. Si Ryeowook at Donghae lang ang tumutulong sa kaniya. Never naman nagkasilbi yang si Eunhyuk sa mga ganitong bagay eh. Kita mo nga naninimawa lang sa popcorn habang nanonood ng Praybeyt Benjamin. Pero mukhang mas aliw pa siya sa kwento ni Sungmin kesa sa pinapanood.

“Wow. Pogi ka kasi.” Sabi ni Ryeowook habang nagse-search ng ibang word bukod sa salitang ‘Tedious’ dahil kanina pa nila ginagamit yun at magiging redundant ang essay ni Sungmin.

“Kumpara mo naman kay Cho no! May pagasa pa mukha ko kesa sa kaniya! Akin makinis. Yung kaniya kailangan ng eskoba.”

Eh di wow.

“Uy tignan niyo oh. Si Siwon may ka-selfie.” Biglang singit ni Donghae. Di’ba dapat nagre-research din ‘to? Hays.

Hindi napigilan ni Sungmin ang sarili at tinignan pa rin ang picture ng ex. . Eto yung babaeng dating sinasabihan ni Siwon na ‘friends lang’ daw. Tangina eh kung makadikit naman kay Siwon parang ayaw nang humiwalay eh.

‘Parang 'di ko yata kaya
Pag sa buhay ko'y wala ka
Aanhin ang pag-ibig kung puso ay nag-iisa’

Bungad ni Ryeowook habang may hawak na suklay at ginamit na mic.

‘Sinong aking tatawagin
Sinong aking hahanapin
Sino ang magpupuno sa 'king paglalambing’

Dugtong ni Donghae na sinabayan ni Eunhyuk. Tangina naman!

‘Bakit ka pa nakita
Bakit pa nakilala
Kung ang puso ko ay iiwan mo lang at sasaktan
Kung si'yay higit sa akin
Naro'n man ang pagdaramdam
Ito ay aking kakayanin’

“Tangina niyoooo!!! Pakyu ol!!!”

Akmang babatuhin na niya ng libro ang mga kaibigan pero tumigil ang mundo niya nang mabasa ang status ni Siwon five minutes after maipost yung punyetang picture niya.

 

“I’m sorry for not saying sorry before nung nasaktan kita. Noon kasing naghiwalay tayo, ang inisip ko, sarili ko lang, yung nararamdaman ko lang, yung gusto ko lang. I’m sorry Bash naging madamot ako. Hindi ko inintindi na kailangan mo rin hanapin yung Bashang nawala nung minahal mo ako. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong sabihin sayo na, sana tayo na lang. Tayo na lang ulit.”

- Popoy, One More Chance.

 

Tapos may sinulat pa ito sa huli.

 

‘I miss you. I know I shouldn’t. But I do. I really, really do. Kung may chance pa, kung pwede pa, pwede bang tayo na lang? Tayo na lang ulit?”

 

Walang nagsalita sa magkakaibigan matapos nilang basahin ang Facebook post ni Siwon.

“Sinong,” Bungad ni Sungmin nang makahinga na siya. “Sinong niloloka niya. Magpo-post siya ng picture na may kasamang ibang babae tapos magsta-status siya ng ganyan. Ano gaguhan?”

Napangiti si Ryeowook, “Eh ba’t affected ka? Ikaw ba sinabihan? Tinag ka ba? Malay mo naman ibang ex yung sinsabi niya.”

. Oo nga naman. Bakit ba siya react ng react.

“Eh paano kung si Sungmin nga?” Tanong ni Donghae tsaka tumingin sa kaibigan.  “Ano gagawin mo?”

Nagtinginan sa kaniya ang mga kaibigan at lumipas ang sampung segundo na hindi siya nagsasalita. Hanggang sa sinabi na lang niyang, “Hindi na pwede. May nililigawan na ‘ko.”

Tinapik ni Eunhyuk ang balikat niya.

“Ang sugat, nangangati kapag pagaling na. Parang tao lang yan. Kaya ikaw, pag kinakati ka na, ibig sabihin lang nun pagaling ka na.”

Binato nga ni Sungmin si Eunhyuk ng dictionary. Daming alam eh.

Pero paano nga kung ligawan ulit siya ni Siwon?

 

---

A/N:  Dedicating this chapter to Bea. Daig pa jowa sa pagiging-clingy wahahahaha jk! Labyu pls!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayarajoy #1
Chapter 11: Authoooor nasaan ka na? T^T
Anyare na kela bookyu at ming?
ladyrapunzel08 #2
Chapter 1: where are u na po?
chunrren10 #3
Chapter 13: Huhu i need more of thisss!!;A;
imyourshupahgirl
#4
Chapter 2: Chapter 2 pa lang ako pero namamatay na ako sa katatawa pucha naman kasi yung pimple ni Cho sa baba ano ba XD
mydelusionalworld
#5
Chapter 13: cge cho pagpatuloy mo yan. ikaka inlove mo yan kay bansot. :) :)
youremyseoul
#6
Chapter 13: grabe kabitin peroo shemmsss anong mga plano ni bookyu XD im so exciteddd naa~ salamat sa update otornimm ♥
HyukkieMyHubby
#7
Chapter 13: Gahd otornim
Cliffhanger...gusto ko malaman plano ni Cho xD pero sana kung tuloy tlga plano ma realize ni Min na kahit papaano may nararamdaman sya kay panget xD
teddybearry
#8
Chapter 13: Shet. Cliff hanger. Shet. Shet. Shet. Napakahaliparot na cho! Yes cho. Dalawa sila ng ama niyang haliparot! Jeske otor. Hahahahahhahahahaha
kyuminsauce
#9
Chapter 13: hahahaha buset ang dami mong alam cho parevision revision pa sana yung revision lelz
HeeApprentice
#10
Chapter 13: Bothered ako dito. Bat sa lahat ng pwedeng role, RING BEARER pa ang gusto ng papa niya XD HAHAHAHAHAHA huhu, kala ko talaga dati close sila ng papa niya :3
Mabubuhay nanaman ang BooKyu emegeeeeehd aaxhkfljg