Ang Blazer. Bow.

Humanap Ka ng Panget

A/N: Hindi ko alam kung bakit ko inuuna to samantalang may pending news articles pa ako. Scripts na kailangan tapusin. At written report na dapat ma-beat ang deadline. Hindi ako nape-pressure. Hindi talaga.

Wahahahahaha! Kaya sa mga taong katulad ko na mas inuuna ang fanfics at kunyari walang pasok sa Lunes, mabuhay kayo! May the Force be with you. ^______^

 

 

137*137*137*137

 

 

“Oi! Oi! Tabi diyan! Si Sungmin ayan na!”

 

Pagpasok na pagpasok pa lang ni Sungmin sa entrance ay agad na nagsitinginan at naglapitan ang mga estudyante na kanina’y pakalat-kalat lang sa open field.

 

Napaisip tuloy si Sungmin sa kabila ng pagkakagulat. Tumatakbo ba ulit siya? Eleksyon na ba?

 

“Min!” Bati ni Donghae pagkapasok niya sa classroom at agad naman siyang tumabi dito. Hindi pa rin mawala sa isip ang pagbubulungan at hiyawan ng mga taong nakasabay niya kanina. Ang iba’y binabati pa siya ng isang malanding ‘Good morning,’ Ang iba nama’y pumipito sabay titignan ang puwetan niya. At aaminin niyang nakakatuwa at nakakabadtrip at the same time.

 

“Huy, bakit ganun umasta mga tao ngayon? Kung makangiti akala mo nagpaulan ng uno lahat ng professors? O di kaya nagdeklara ng one month Quiz-free policy?”

 

“Asaness, dude!” Tinulak ni Donghae si Sungmin habang natatawa niyang sabi, hindi namamalayang nasubsob na ang kaibigan sa lamesa. “Hindi sila mukhang masaya! Mukha silang manyak!” Natatawa pa ring sabi ni Donghae habang hinahampas si Sungmin sa likod.

 

Kung hindi lang talaga niya kaibigan itong batang to malamang nginudngod na niya ‘to sa white board. Pero wait lang.

 

“Manyak? Bakit? Anyare?”

 

“Hindi ka ba nag o-online?” Tanong ni Hae. Umiling si Sungmin. Itsura’y para bang tinanong ni Donghae kung paano ba nabuo ang daigdig?

 

“Pumasok ako sa trabaho kahapon. Bakit nga? Anong ganap?” Tanong ulit nito.

 

“Kung hindi pa nagpost ang mga tao sa Red Diary hindi pa naming malalaman na ginawa mo yun sa harap ng klase ni Dimalinao!”

 

Unti-unting namula ang mga pisngi ni Sungmin. Nagtago na kasi ang lahat ng confidence niya at natira na lang ang pagkahiya sa tuwing naalala niya ang pinaggagawa niya last time. Hindi naman kasi niya akalaing lalabas yun mula sa apat na sulok ng classroom enebe.

 

“Oops?” Sabi na lang niya sabay pasok ni Eunhyuk kasunod si Ryeowook sa classroom.

 

“Oh! Andito na pala ang Anatomy and Physiology’s Next Top Model! AHAHAHAHAHA” Bati ni Eunhyuk sabay upo sa tabi ni Sungmin. Si Ryeowook naman ay sa unahan nila naupo.

“Inamo.” Sambit ni Sungmin habang naglalabas ng homework.

 

“Tas puta may nagtag pa sakin sa post. Ako daw si Banyo King HAHAHAHA buti na lang may tabo tayo sa C.R. kaya may proof ako na hindi ako yun.” Tuloy-tuloy ang tawa ni Eunhyuk hanggang sa makapasok ang Prof.

 

“Okay, guys. Bring out your homework.”

 

Napaupo ng diretso si Eunhyuk, at tsaka bumulong kay Sungmin.

 

“May homework?”

 

“Hindi mo alam?” Ngumisi si Sungmin sa kaibigan.

 

“Hala! Sorry, wala ka nga pala last meeting! Hindi ko nasabi sayo! Sorry poooo.” Bulong ni Donghae na nagkamot ng ulo tsaka nag-peace sign pagtalikod ng Professor para magsulat sa white board.

 

“Tsss… Kung hindi lang kita mahal…” Sabi ni Eunhyuk sabay bato ng ballpen sa boyfriend pero sinadya niyang hindi ito tamaan.

 

Inilapit ni Sungmin ang ulo kay Eunhyuk sabay bulong ng, “Facebook pa more.”

 

“Inamo.” Sagot ni Eunhyuk.

 

 

 

137*137*137*137

 

 

 

“Hi, Sungmin.”

 

Natigil sa paghinga si Sungmin kasabay ng paghinto at pagbilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung naparami ba siya ng kanin kaninang lunch-break o dala ng napakainit na panahon. Bigla niyang naramdaman ang pagsiko ni Ryeowook sa tagiliran niya at doon siya natauhan. Tinignan niya ng maigi ang taong nasa harap niya. Nakangiti, maaliwalas ang mukha, nakakasabik haplusin ang malalambot na hibla ng buhok, makinis na kutis… nakakamiss.

 

“Hi… Siwon.”

 

Kung may bahid man ng kalandian ang pagbati niya ay hindi na niya yun sinasadya.

 

“Uhmm… ano kasi…” Panimula ni Siwon. “Are you fre—“

 

“Excuse me, nakaharang kayo sa daanan.”

 

Agad na nailipat ni Sungmin ang tingin sa taong nagsalita at hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil nagpakita na si Kyuhyun. Aba, mailap pa sa taong may utang ang lalaking to kung makaiwas.

 

Nasa pagitan na siya nila Siwon at Sungmin pero imbis na sumagot ay umatras siya ng kaunti para magbigay daan. Naglakad na ang binata sa pagitan nila pero dala siguro ng gulat ay hindi na niya napansin si Cho dahil bumalik na ang kaniyang tingin kay Siwon na nakangiti pa rin sa kaniya.

 

“Hoy, Bansot.”

 

Muli siyang natauhan at binaling ang atensiyon kay Kyuhyun at—teka.

 

“BANSOT NA NAMAN?!” Singhal niya sa lalaki.

 

“Ano gusto mong itawag ko sa’yo? Kunsensiya? Ipapaalala ko lang yung blazer ko. Mahal yun eh. Pakibalik na lang.” At tsaka tumalikod at nagpatuloy na sa paglalakad. Habang nakanganga na lang si Sungmin at nakatitig sa likod ni Cho Kyuhyun.

 

“Sung—“ Tatawagin na sana ni Siwon si Sungmin para kunin muli ang atensyon nito nang bigla itong nagsisisigaw ng,

 

“HOY PANGET! ANG KAPAL NG MUKHA MO! HUWAG KANG MAGALALA IPAPA-LAUNDRY KO PA YUN! PAKISAKSAK NA LANG SA BAGA MO PAGKABIGAY KO SAYO!”

 

Nagtinginan ang lahat ng tao sa paligid habang siya’y humihinga ng malalim. Maya-maya pa’y naglakad na ito palayo.

 

“Te—teka! Min! Sungmin!”

 

Saglit na lumingon si Sungmin para tignan si Siwon.

 

“Next time na lang Siwon. Maglalaba pa ‘ko.” At tsaka siya tumakbo palayo.

 

Umiling-iling na lang si Ryeowook habang pinapanood ang munting eksena.

 

 

 

137*137*137*137

 

 

“Utang na loob. Ilang beses mo ba balak kuskusin yang blazer na yan?” Sigaw ni Ryeowook habang nagluluto ng hapunan nila.

 

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na sila sa dorm na tinutuluyan ni Sungmin dahil nagpapatulong itong si Ryeowook sa homework niya sa Rhetoric na hindi niya masimulan dahil pagdating na pagdating nila ay agad na nilabhan ni Sungmin ang blazer ni Kyuhyun.

 

“Nakakahiya naman kasi sa kaniya! Tsaka okay yung sigurado. At least wala siyang marereklamo dahil mas malinis pa ‘to kesa sa mukha niya!” Sigaw ni Sungmin mula sa laundry room. Surrrrriiiii! May laundry room sa dorm nila.

 

“Baka 99.9% germ-free na yan ah.” Comment ni Eunhyuk sa Skype katabi si Donghae na nasa kwarto niya. Sila naman… may ibang project na pinagkakaabalahan.

 

Hindi na pinansin ni Sungmin ang mga kaibigan dahil mas busy pa siya sa pagkuskos ng tela ng blazer. Iniimagine na lang niya na mukha ni Cho Kyuhyun yun at medyo nawawala na ang pagkabadtrip niya.

 

Kaya lang medyo nadistract siya nang marinig ang landian ng mag-jowa sa Skype.

 

“Ui! Putragis! Hae, wag diyan!”

 

“Ang arte mo naman! Saglit lang ‘to…”

 

“Wag kang makulit! Tssss…”

 

“Leche ang arte nito!”

 

“Wag ka kasing malikot! Ayan nalaglag na yung phone ko!”

 

“Hoy! Ang kakati ninyo! Ayokong manood ng live habang kumakain!” Sigaw ni Ryeowook habang tumingin sa laptop na nakapatong sa lamesa na kakainan nila.

 

“Ito kasi si Hae eh!”

 

“Kanina mo pa kasi hawak yang phone mo! May kabit ka ba?!” Naka-pout na si Donghae.

 

“Wag ka ngang adik! May nire-research lang ako!” Inis na sagot ni Eunhyuk.

 

“Tungkol na naman saan?” Tanong ni Ryeowook habang naghahain. Naisampay na rin ni Sungmin ang damit (sa awa ng Diyos) at hinhintay na lang niya ito matuyo. Ayaw niyang mag-dryer. Mas gusto niyang masinagan ito ng araw, naway masinagan din ng araw ang may-ari nito at kunin na ni Lord. Joke. Next time na lang siguro kapag puspusan na ang galit ni Sungmin sa kaniya.

 

Naupo na si Sungmin sa hapagkainan at dapat sana’y magkakamay ito but his hand was slapped away bago pa man siya makahawak sa binagoongang baboy.

 

Nakabusangot na tinanggap niya ang kubyertos na binigay ni Ryeowook at tsaka nilantakan ang ulam (“Dahan-dahan lang uy!” Sabin g nakasimangot na Ryeowook) Haaaaayyy ang sarap kumain kapag gutom. Kahit sila Donghae at Eunhyuk ay natatakam na rin.

 

“—Paano Lumandi.”

 

“Ha?” Tanong ni Sungmin na nakanganga dahil naudlot ang pagsubo niya ng kanin sa narinig at tumingin kay Eunhyuk sa screen.

 

“Tips Kung Paano Lumandi. Nagresearch kasi ako kung paano nga ba lumandi. Obviously hindi naman gumana ang paghuhubad mo sa harap niya so baka ang type niya ay yung medyo pa-demure?”

 

“O, baka hindi ka niya type talaga?” Singit ni Ryeowook na siyang pinandilatan ni Sungmin kaya sumubo na lang ng kanin.

 

“Eto, makinig ka Min. Tip #1”

 

 

137*137*137*137

 

 

Naghanap si Sungmin ng mauupuan sa loob ng Library at napangiti nang may nagsitayuan na sa lamesang malapit sa lamesa ni Kyuhyun.

 

TIP #1: Make eye-contact. Kailangan yung tingin na parang nanghuhubad. Yung tipong makalaglag underwear.

 

Napakalumbaba na lang si Sungmin. Eh mukhang wala namang balak alisin ng lalaking to ang mga mata niya mula sa librong binabasa. Tsss. Kaya naman nagexperiment na lang siya. Inilagay niya ang ballpen sa nguso at inipit gamit ang bibig at ilong at tsaka binilangan kung kailan ito malalaglag. After three minutes, he therefore concludes na hindi ito magandang pampalipas oras. Tiningnan niya muli si Kyuhyun at nagbuntonghininga.

 

Eh kung bilangin na lang kaya niya ang pimples ni Kyuhyun? O sige.

 

“1…2…3…16…”

 

“Ehem…”

 

Laking gulat na lang niya nang magtama ang mga tingin nila. Okay. Cue na to.

 

Sungmin willed himself to hold the other’s gaze. Kahit na medyo nakakaduling, pinilit niyang wag tanggalin ang tingin mula kay Cho Kyuhyun. At para may effects, nagpapiki-pikit pa sita at kinurap-kurap ang mga mata. Beautiful eyes, kung baga.

Ang sabi ni Eunhyuk sa kaniya, hintayin niyang lumapit ang target sa kaniya at yun nga ang ginawa niya nung tumayo si Kyuhyum mula sa kinauupuan at naglakad papunta sa kaniya. Huminto siya sa harap ni Sungmin at nagabot ng putting panyo.

“May dumi ka ata sa mata. O, ito ang panyo. Wag mo na lang din ibalik baka sore eyes na yan, mahawa pa ko sayo.” At tsaka siya bumalik sa upuan  niya.

 

137*137*137*137

 

 

“Peyl puta! HAHAHAHAHA!!” Sabay-sabay na nagsitawanan ang tatlong kaibigan sa group video call habang siya naman ay nakasimangot. Gigil na nakahawak sa panyo.

 

“Leche kayo.”

 

“Oh siya sige, yung TIP #2 na lang.”

 

 

 

137*137*137*137

 

 

 

TIP #2: Try mong mag pick-up line. Kapag ngumiti siya, ibig sabihin may chance ka pa. Pero kapag nagbook siya ng flight papuntang Africa makaiwas lang sayo, hanap ka na lang ng iba.

 

Medyo nakakagago yung tip #2 pero ginawa pa rin niya.

 

“Cho Kyuhyun!”

 

Lumingon si Kyuhyun at nakitang tumatakbo si Sungmin papalipat sa kaniya. Hinihingal pa.

 

“Ano yun? Isosoli mo na ba ang blazer ko?”

 

“Hindi pinapatuyo ko pa.” Umiling-iling si Sungmin at itinaas ang kamay saglit at huminga ng malalim.

 

“Your body is 65% water…” Sabi niya, “And I’m thirsty.” Sabay ngiti ng napakatamis.

 

Inayos ni Kyuhyun ang salamin sa mata at tsaka sumagot, “Actually, there can be a considerable variation in body water percentage based on a number of factors like age, health, weight, and gender. In a large study of adults of all ages and both es, the adult human body averaged ~65% water. The estimation of body water will vary with factors such as type of population, age of people sampled, number of people sampled, and methodology. So there is not, and cannot be, a figure that is exactly the same for all people, for this or any other physiological measure.”

 

“Uhmm…” Nawala ang ngiti ni Sungmin.

 

 

 

137*137*137*137

 

 

“HAHAHAHAHAHAHA THIRSTY, ULOL! HAHAHAHAHAHA!”

 

Ang sarap lang siguro ibalibag ng laptop ni Sungmin kung yung mga mukha ng kaibigan niya ang nakikita niya ano?

 

“Sabihin niyo na lang kung ano ang TIP#3!!”

 

 

 

137*137*137*137

 

 

 

TIP #3: Compliment him. Pero huwag mong sabihan ng gwapo kung panget naman talaga. Instead, magfocus ka sa ibang magandang traits niya.

 

“Alam mo,”

 

Napasinghal si Kyuhyun nang bigla na lang lumitaw si Sungmin sa likuran niya. Akala niya kasi siya lang ang tao dito sa C.R. dahil lahat ng blockmates niya ay nasa open field. P.E. class nila ngayon. Naghihilamos lang siya saglit at pagtingin niya sa salamin ay nandoon na si Sungmin.

 

“Ang alin?!” Sigaw niya. Badtrip. Aatakihin pa ata siya sa puso.

 

“Ang… tangkad mo pala ano?” Seryosong sabi ni Sungmin.

 

“Huh?”

 

“Wala. Bye.” Sabay talikod at labas ng C.R.

 

 

 

137*137*137*137

 

 

“Puta ihahampas ko na sa inyo tong makapal na librong hawak ko! Eh sa wala na kong makitang ibang maico-compliment sa kaniya eh! Kesa naman plastikin ko siya!”

 

“Ti-TIP #4” Naluluhang sabi ni Eunhyuk dala ng sobrang tawa.

 

 

 

137*137*137*137

 

 

 

TIP #4: Body Language. Ilabas mo na ang natatago mong Da Moves. Gumawa ka ng paraan para magkaroon kayo ng physical contact at panatilihin ito for as long as you can.

 

 

Inintay ni Sungmin ang labasan nila Kyuhyun mula sa classroom at nagaabang sa may hagdan. Ito ang plano niya: Kunyari ay magkakabanggan sila at magpapatulog siyang pulutin ang mga librong nalaglag sa sahig at magkakahawak sila ng kamay.  Sakto naman ang pagakyat niya dahil labasan na nila Cho at ngumisi siya sandali nang makita ang pamilyar na mukha at tsaka inexecute ang plano.

 

“Kyu—!!”

 

Pero wala sa plano niya ang matapilok ng totohanan kaya naman bago pa sumalpok ang mukha niya sa sahig ay nahatak na niya ang mga binti ni Kyuhyun.

 

“AAAAHHHH!!” Sigaw ng kawawang binata mula sa pagkakahatak at pagkakatumba.

 

Pagtingala ni Sungmin ay nakita niyang nakatihaya na si Kyuhyun sa harapan niya. Nanlilisik ang mga matang nakatingin si Kyuhyun sa kaniya habang dinuduro siya. Yumuko siya ulit at tsaka tumambad sa kaniyang harapan ang bahagi ng katawan ni Cho Kyuhyun ma pinapagitnaan ng dalawang hita niya.

 

‘Nailigtas ako ng itlog niya…!’

 

At tsaka siya sumigaw ng pakalakas-lakas.

 

 

 

137*137*137*137

 

 

“Ang extreme naman ng physical contact na yan! HAHAHAHAAHA!! Saved by the eggs!”

 

Hindi na nakapagpigil at pinagbabatukan ni Sungmin ang mga kaibigan.

 

“Ayoko na! Pahamak yang tips tips na yan sa buhay pagibig ko!”

 

“Eh last na naman na ‘to eh! Ito na talaga. Panigurado effective ‘to.” ‘Hopefully. Utang na loob, Lord, pagbigyan niyo na ang best friend ko.’

Gusto pa sana idagdag ni Eunhyuk pero nevermind.

 

“Last na yan ah. Pagkatapos niyan ayoko na. Hindi ko na gagambalain pa si Cho Kyuhyun.”

 

“Oo nga. TIP #5”

 

 

137*137*137*137

 

 

 

TIP #5: Ang pinakagasgas na tip pero usually effective naman. Be yourself.

 

 

7:00 am na pero hindi pa rin bumabangon si Sungmin sa kama. Nakatingin lang siya sa kisame at nagiisip.

 

Be yourself.

 

Ano ba ibig sabihin nun?

 

Paano niya gagawin yun?

 

Ano ipapakita niya kay Kyuhyun ang birth certificate niya bilang pagpapatunay na si Lee Sungmin nga siya? Tssss. Labo.

 

Sa inis ay ginulo na lang niya ang buhok at padabog na kinuha ang blazer mula sa sampayan at tsaka nagplantsa. Bahala na mamaya.

 

Taimtim siyang naghintay sa tapat ng library dahil naiwan niya ang library card niya sa dorm at no library card, no entry policy kasi sila kaya eto siya ngayon, inaabangan na lang si Kyuhyun sa labas.

 

Napagdesisyunan na rin niya na mag-apologize na lang dahil sa unos na ipinaranas niya kay Kyuhyun. Hahanap na lang siguro siya ng ibang po-pormahan. Tutal paniguradong si Kyuhyun na lang naman ang kaisa-isang panget na hindi na-attract sa kaniya. Hays.

 

At speaking of Kyuhyun, nakita niya itong lumabas na ng library at agad siyang lumapit dito.

 

“Cho!”

 

Napapitlag si Kyuhyun sa lakas ng boses ni Sungmin. Agad naman siyang nagbuntonghininga at huminto sa paglalakad.

 

Iniabot ni Sungmin ang blazer kay Kyuhyun at binuka ang bibig para sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin pero naunahan na siya ni Kyuhyun.

 

“Okay, sige.” Sabi niya ng walang kaemo-emosyon.

 

“Sige?” Napataas ang kilay ni Sungmin sa narinig.

 

“Payag na ‘ko.”

 

‘Payag saan?’ tanong ni Sungmin sa sarili at naghihintay ng sagot. Nakita pa niyang huminga si Kyuhyun ng malalim sabay titig sa kaniya ng diretso.

 

“Ligawan mo muna ako.”

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayarajoy #1
Chapter 11: Authoooor nasaan ka na? T^T
Anyare na kela bookyu at ming?
ladyrapunzel08 #2
Chapter 1: where are u na po?
chunrren10 #3
Chapter 13: Huhu i need more of thisss!!;A;
imyourshupahgirl
#4
Chapter 2: Chapter 2 pa lang ako pero namamatay na ako sa katatawa pucha naman kasi yung pimple ni Cho sa baba ano ba XD
mydelusionalworld
#5
Chapter 13: cge cho pagpatuloy mo yan. ikaka inlove mo yan kay bansot. :) :)
youremyseoul
#6
Chapter 13: grabe kabitin peroo shemmsss anong mga plano ni bookyu XD im so exciteddd naa~ salamat sa update otornimm ♥
HyukkieMyHubby
#7
Chapter 13: Gahd otornim
Cliffhanger...gusto ko malaman plano ni Cho xD pero sana kung tuloy tlga plano ma realize ni Min na kahit papaano may nararamdaman sya kay panget xD
teddybearry
#8
Chapter 13: Shet. Cliff hanger. Shet. Shet. Shet. Napakahaliparot na cho! Yes cho. Dalawa sila ng ama niyang haliparot! Jeske otor. Hahahahahhahahahaha
kyuminsauce
#9
Chapter 13: hahahaha buset ang dami mong alam cho parevision revision pa sana yung revision lelz
HeeApprentice
#10
Chapter 13: Bothered ako dito. Bat sa lahat ng pwedeng role, RING BEARER pa ang gusto ng papa niya XD HAHAHAHAHAHA huhu, kala ko talaga dati close sila ng papa niya :3
Mabubuhay nanaman ang BooKyu emegeeeeehd aaxhkfljg