Asadong Hopia

Humanap Ka ng Panget

 

            Alam niyang kailangan niyang manatili sa kinauupuan niya habang naghihintay. Pero punyemas naman isa’t kalahating oras na siyang naghihintay, namamanhid na puwet niya pero miski-anino ng damuho eh hindi niya masilayan.

            Tumingala si Sungmin at napansing medyo bumibigat ang porma ng mga ulap.

            “Hi, kuya. Nag-iisa ka lang? Gusto mo samahan kita?” Isang boses ng lalaki ang lumapit sa kaniya. Tinignan niya ito at medyo nagulat na naka-maikling skirt at spaghetti strap lang ang tumatakip sa medyo malaman nitong pangangatawan.

            “Ha? Hindi ah! Hindi mo ba nakikitang may kasama ako?” Arte ni Sungmin habang kunyari’y may kausap sa kanang balikat. Agad namang lumayo ang bakla matapos siyang tignan na animo’y nababaliw na ang poging lalaki.

            ‘Tsk,’ Sa isip-isip ni Sungmin. ‘Tangina Kyuhyun pag ikaw hindi nagpakita itago mo na yang mga tigyawat mo dahil titirisin ko talaga isa-isa yan leche!!’

            “Sinasabi ko na nga ba may saltik ka eh.”

            Agad na bumalikwas si Sungmin nang marinig niya ang pamilyar na boses at biglang namula nang maalala niyang umaarte pa rin pala siyang may kausap.

            “Sinong may saltik sating dalawa?! Nilapitan kasi ako ng bakla kanina kaya umarte akong nawawala sa sarili. Nakakatakot eh. Huhu.”

            “Alam mo na ngayon ang feeling ng lapitan ng bakla. Mas nakakatakot ka.” Nagkibit balikat si Kyuhyun pero tumingin sa ibang direksyon nang tignan siya ng masama ni Sungmin.

            “Oo, puro ka ganiyan. Late ka naman! Alam mo ba kung ilang oras na ‘kong naghihintay sa’yo?! Montik ko nang ubusin yung laman ng Slurpee machine! Best friend ko na yung cashier at security guard hindi ka pa rin nagpapakita!” Pasigaw na sabi ni Sungmin. Nanlaki naman ang mga mata niya nang halos sungalngalin siya ng phone ni Kyuhyun. Binasa niya ang nasa text message at medyo napahiya.

            “Sabi mo ‘Oi, magkita tayo sa 7/11 ng 12:00 nn. ‘wag kang male-late.’ Pakyu ka ‘di mo naman sinabi kung saang 7/11 ‘yon! Tine-text kita di ka naman nagre-reply. Tinatawagan kita ‘di ka naman sumasagot. Inikot ko na ‘tong lungsod, nakailang 7/11 na ko, nasinghot ko na lahat ng polusyon, alam mo ba kung anong epekto nun sa mukha ko ha?!”

            Chineck ni Sungmin ang phone sa bulsa at napamura dahil hindi pala niya 'to nadala. “So—sorry na, Kyu…”

            “’wag mo kong tawaging ‘Kyu’, ‘di tayo close.”

            “…hyun. O, ‘di pa ko tapos magsalita kinokontra mo na agad ako.”

            “Tsk! Daming sinasabi. Saan ba tayo pupunta? Bilisan natin gagawa pa ko ng report.”

            “Oo na, oo na.” Tinapon ni Sugmin yung cup niya ng slurpee bago niya hatakin si Kyuhyun palabas ng convenient store at magpaalam sa mga staff doon.

            “Bye, Sungmin! Balik ka ah?” Sabi ni manong guard habang pinagbubuksan niya ng pinto ang dalawang lalaki.

            “Opo! Pakisabi sa anak niyo mag-aral maigi. Thesis muna bago landi!”

            “Hay nako, sana makinig nga ‘yun. Ya—yan na ba si Kyuhyun?”

            “Opo. Pogi no?” Binatukan ni Kyuhyun si Sungmin matapos niyang sabihin 'yun.

            Tinignan ni manong guard si Kyuhyun ng maigi, tapos si Sungmin, tapos bumalik ang tingin kay Kyuhyun at sabay ngumiti. “Aba oo nga! Ang swerte mo sa lalaking ‘yan Sungmin! ‘Wag mo nang bibitawan ‘yan at baka maagawan ka pa ng iba. Ingat kayo ah?”

            Medyo napanganga ang dalawa pero tumango na lang sila at sabay takbo palayo at hindi na nila narinig ang paguusap ni kuyang cashier at ni manong guard.

            “Manong guard, di’ba schedule niyo sa ophthalmologist niyo mamaya?” Tanong ng cashier.

            “Ay oo! Paki-paalala na lang ulit mamaya ah? Medyo lumalabo na nga ‘tong mata ko.”

 

---

 

Hindi ma-gets ni Kyuhyun kung bakit pa niya pinagtya-tyagaan itong bansot na ‘to. At hindi niya din ma-gets kung bakit sa dinami-daming lugar na pwedeng puntahan, sa Zoo pa talaga siya dinala ng mokong.

“Sa Zoo talaga?” Tanong niya habang bumibili si Sungmin ng ticket.

“Bakit pa natin patatagalin kung pwede na ‘kong mamanhikan sa ninuno mo di’ba?”

“Gago.”

Naisip ni Kyuhyun na ipalapa si Sungmin sa mga lion…

“Joke lang.” Ngumiti si Sungmin sabay inabot ang ticket ni Kyuhyun.

…pero next time na lang.

Pansin nilang dalawa ang kakontian ng mga tao. Marahil ito’y dahil sa makulimlim na panahon. Wala pa naman silang dalang payong pareho. Pero hindi ‘to inintindi ni Sungmin. Nandito na eh. Bahala na.

Hindi naman maiwasang hindi mapansin ni Kyuhyun ang pasulyap-sulyap ni Sungmin. Mula pa ‘yun kanina nung habang nagpapakain sila ng unggoy, pinagmamasdan ang mga ahas na medyo wala namang pakialam sa kanilang dalawa, at habang kumakain ng ice cream. Kanina pa talaga. Nakakailang na.

“Teka nga,” Sambit ng binata kasabay ng paghatak kay Sungmin sa braso. “May problema ba sa mukha ko bukod sa tigyawat ko?”

Bahagyang namula ang mga pisngi ni Sungmin nang malamang obvious pala ang minsang pag-titig niya sa kasama.

“Ano… wala.”

Napasimangot si Kyuhyun. “Anong wala eh ka—“

Laking pasalamat ni Sungmin dahil tulad ng hinala niya ay bumuhos na rin ang ulan at kinailangan nilang sumilong sa shed na buti na lang ay may bench para sa mga bumibisita ng zoo at doon na sila umupo.

Napahinga ng malalim si Sungmin habang nilalabas ang kanang kamay para saluhin ang mga patak ng ulan, bumubulong ng pasalamat sa mga ito dahil hindi na niya kailangang magpaliwanag kay Kyuhyun.

Sa tabi niya ay si Kyuhyun na medyo nilalamig na kaya naisipang kumanta na lang habang nagpapatila ng ulan.

“No one ever saw me like you do
All the things that I could add up too…”

Gusto sana siyang asarin ni Sungmin ulit na baka imbis na tumila ang ulan ay baka sumentro sa kanila ang bagyo pero natameme na lang siya nang kilabutan ang buong katawan hindi dahil sa lamig ng panahon kung hindi dahil sa lamig at suaveng boses ni Kyuhyun. Naramdaman na naman niyang umiinit ang mga pisngi niya.

 “I never knew just what a smile was worth
But your eyes say everything without a single word

'Cause there's somethin' in the way you look at me

It's as if my heart knows you're the missing piece”

Bigla niyang naalala ang sinabi ni Ryeowook bago siya umalis kaninang umaga.

            ‘Hoy Sungmin ah. Siguraduhin mong pantakip lang ng butas ang habol mo diyan, nako. Pag ikaw talaga nahulog diyan…’

Pinikit ni Sungmin ang mga mata habang nakikinig sa kinakanta ni Kyuhyun.

“You make me believe that there's nothing in this world I can't be
I never know what you see
But there's somethin' in the way you look at me…”

            Napadilat naman ng mata si Sungmin ng biglang tumigil si Kyuhyun.

“Kyu?”

            “Ah—Ahchhoooo!”

            “,” Kinagat ni Sungmin ang labi sa sobrang guilty. Buti na lang paambon-ambon na lang. Siguro naman makakarating sila sa susunod nilang pupuntahan kung bibilisan nila ang takbo.

            “Bansot, may pupuntahan pa ba tayo? Padilim na eh a—achhooo!” Sabi ni Kyuhyun na may pasinghot-singhot.

            “Uhmm meron pa, kaso kaya mo pa ba? Malapit na lang naman na ‘yun. Kakain lang tayo sa pinapasukan ni papa na restaurant.”

            Nangamot muna ng ilong si Kyuhyun tsaka siya tumango ng ulo.

            “Ano trabaho ng tatay mo?” Naalala niyang tanungin habang naglalakad ng may kabilisan papunta sa sinasabi ni Sungmin. Nakita naman niyang ngumiti ang kasama.

            “Kusinero.”

 

---

“Uy! Nandito na pala si liit!” Bati ng isang chubby na lalaki sa kanila pagpasok na pagpasok sa isang napagakarbo at napakasikat na kainan base sa nakita ni Kyuhyun na bilang ng tao.

“Ay nako. Itigil mo ‘yan.” Asar na sagot ni Sungmin pero niyakap pa rin ang kakilala. “Cho, si Shindong, kaibigan ni Papa. Shindong, si Cho.”

Nagpalit ng bati sila Shindong at Kyuhyun at pinaupo na sila sa pinaka-pribado at tahimik na parte ng third floor.

“Dapat sa roof tayo eh, kaso umulan,” Sabi ni Sungmin na may halong dismaya. “’Yun talaga ang plano ko para mas romantic.”

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Kyuhyun at tsaka kumalumbaba sa lamesa.

“Alam mong hindi ko ma-gets?” Tumingala si Sungmin mula sa pagbabasa ng menu (kahit na kabisado naman niya kung ano ang nakalagay dito) “Kailangan mo lang naman ng panakip-butas pero ako pa pinili mong istorbohin. Hindi ba magseselos jowa mo kung mas pogi ang pinalit mo sa kaniya?”

Namutla si Sungmin nang marinig niya ang sinabi ni Kyuhyun at hindi kaagad siya nakasagot.

“Papaanong?-- Ano kasi—“

“’Wag kang magalala hindi ako galit. Nagtataka lang talaga ako.” Kalmadong sabi ni Kyuhyun ngunit bakas sa mukha niya na manghang-mangha siya sa nakikita niya ngayon. Hindi kasi madalas makita ni Kyuhyun ang ganitong itsura ng kasama. He’s enjoying the view, compared to what he would usually see. Ang lakas mang-charming ng ugok na ‘to pero hindi naman marunong maglabas ng tunay na damdamin.

‘Mga pogi talaga…’ Iling ni Kyuhyun.

Huminga ng malalim si Sungmin at tsaka tinignan ng diretso si Kyuhyun.

“Fine. Oo, plano ko ‘yun. Kasi yung taong mahal ko hindi marunong mag-mahal. So what if… what if I show him what true love is? Yung tipo ng pagmamahal na hindi nasusukat ang halaga ng pagibig dahil sa panlabas na anyo? Eh ano kung panget ka sa tingin ng iba at gwapo ako? Tangina rason ba ‘yun para sabihin na ‘di tayo bagay? Bakit, demonyo ka ba at anghel ako? Hindi ako anghel, Kyuhyun. Maka-sarili ako. Kahit sino gagamitin ko para lang ipamukha sa ex ko na lahat tayo nagmamahal.”

This time, si Kyuhyun naman ang natameme. So much hugot, hindi niya kinaya. Hindi niya akalaing sobrang nagdaramdam si Sungmin dahil sa breakup niya ng jowa niya.

Hindi pa niya alam kung anong pakiramdam ng nasa relasyon. Pero alam niya ang pakiramdam ng maiwan. Alam niya ang pakiramdam ng bawat umaga na gigising siya, kakailanganin niyang ipa-alala sa sarili niya na wala na. Na tapos na. Na lilipas ang panahon na hindi na niya kasama ang taong mahal niya.

“So what do you propose?” Sa tanong niyang ‘yun ay nagning-ning ang mga mata ni Sungmin.

“Ma—magpapanggap lang naman tayo na mahal na mahal natin ang isa’t isa. Na ultimo mga libag natin naghahalo dahil lagi tayong magkasama.”

“Kadiri naman ‘yun.” Sabi ni Kyuhyun habang natatawa-tawa.

“Huwag kang maarte. Buti nga libag lang eh. Paano kung tigyawat? Ayokong mag-migrate sakin ‘yang mga alaga mo.”

Waring sasaksakin ni Kyuhyun si Sungmin ng tinidor kaya umilag ang gwapong binata.

“So...” Sabi ni Sungmin na kumikinang pa ang ngiti kaysa sa hawak niyang kubyertos.

“So…?” Pangaasar na sagot naman ni Kyuhyun.

“So…??? Ano na? Payag kang tulungan ako?”

Sobrang umasa si Sungmin. Hinanda na niyang magtatatalon sa buong floor at yakapin si Kyuhyun at yayain siya sa facial spa sa susunod na linggo bilang pasasalamat pero gumuho yata ang buong mundo niya nung umiling si Kyuhyun.

“Hindi.”

Tumayo si Sungmin at tsaka naglakad papunta sa staff room.

Labis ang pagtataka ni Kyuhyun nang lumabas ang isang nakasimangot na Sungmin na may suot nang apron na may tatak ng restaurant.

“Shindong!” Sigaw ni Sungmin sa phone na nakadikit sa posteng katabi ng hagdan. Direktang naka-connect ito sa kusina sa baba para sa mga staff na nasa third floor at nang hindi na sila akyat-panaog. “Isang plato nga ng Asadong Hopia diyan! Sabayan mo na nang kumukulong sabaw tsaka pakibigay na lang kay Kyuhyun. Salamat!”

            Maya-maya pa’y nai-akyat na ng isang waiter ang order ni Sungmin at inihatid kay Kyuhyun. Hindi ito agad napansin ng binata dahil nakatingin lang siya kay Sungmin na nagse-serve na ng ibang tables.

            “Sir? Sir. Sir!” Napatingin si Kyuhyun sa staff na naglapag ng pinggan sa lamesa niya. “Ito na po yung Asadong Hopia niyo.”

            “A—asadong hopia?” Tanong ni Kyuhyun na may halong pagtataka.

            “Yes, sir. Specialty po namin ‘yan! Gawa po yan ng anak ni Chef Lee yung may-ari ng resto. Ayun siya o, si boss Sungmin. Oi, boss! Ito na yung asadong hopia!”

            Tumingin sa kanila si Sungmin habang hawak ang listahan ng order ng kabilang lamesa. Tumango ito at tsaka lumapit at inabot ang orders ng ibang customers.

            “K—kayo may-ari nito?” Tanong ulit ni Kyuhyun at tinanguan lang siya ni Sungmin.

            “Tikman mo na yan nang malaman mo kung anong lasa ng umasa. Hmmp.”

            Tumawa lang ang staff at tsaka bumaba. Si Sungmin naman ay nag-asikaso ulit ng ibang customers.

            “Natuwa ako sa lasa.” Nakangiting sabi ni Kyuhyun pero nawala rin ito pagtingin niya kay Sungmin dahil hindi pa rin siya nito pinapansin.

            Nasa kanto na sila malapit sa bahay ni Kyuhyun at iniisip na ni Sungmin na itigil na lang ‘to. What’s the point kung hindi naman willing si Kyuhyun? Nagbuntong-hininga siya nang mapansing huminto na si Kyuhyun sa paglalakad.

            “Nandito na tayo.”

            “Okay.”

            “Salamat.”

            “Okay.”

            “Good night.”

            “Okay.”

            “Ang pogi ko.”

            “… Okay.”

            “Lee Sungmin!”

            “Cho Kyuhyun!”

            “Tsk! Yung tungkol sa kanina, pagiisipan ko muna, okay?”

            “Oka—weh?!”

            Nanlaki ang mga mata ni Sungmin sa narinig at nang tumingin siya kay Kyuhyun, bakas sa mukha nito ang pagtataka kung tama ba ang desisyon niya. Pero hindi na niya ito inintindi dahil tumalon na siya para yakapin ang lalaki.

            “Pagiisipan. Ibig sabihin, pwede pang magbago. Sige na good night na.” Sabi ni Kyuhyun sabay baba kay Sungmin.

            “Good night, Kyu!”

            “Kyuhyun kasi!” Sigaw pa ni Kyuhyun pero hindi na ito narinig ni Sungmin dahil tumakbo na ‘to palayo.

            Umiling-iling na lang si Kyuhyun habang nakangiting pumasok sa loob ng gate.

            “Ahh---AHHHCHOOOO!!”

            Bwisit.

 

 

---

A/N: Aaaaaand that's chapter 10! Yay~ Apologies in advance for the delay of the next chapter huhu. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayarajoy #1
Chapter 11: Authoooor nasaan ka na? T^T
Anyare na kela bookyu at ming?
ladyrapunzel08 #2
Chapter 1: where are u na po?
chunrren10 #3
Chapter 13: Huhu i need more of thisss!!;A;
imyourshupahgirl
#4
Chapter 2: Chapter 2 pa lang ako pero namamatay na ako sa katatawa pucha naman kasi yung pimple ni Cho sa baba ano ba XD
mydelusionalworld
#5
Chapter 13: cge cho pagpatuloy mo yan. ikaka inlove mo yan kay bansot. :) :)
youremyseoul
#6
Chapter 13: grabe kabitin peroo shemmsss anong mga plano ni bookyu XD im so exciteddd naa~ salamat sa update otornimm ♥
HyukkieMyHubby
#7
Chapter 13: Gahd otornim
Cliffhanger...gusto ko malaman plano ni Cho xD pero sana kung tuloy tlga plano ma realize ni Min na kahit papaano may nararamdaman sya kay panget xD
teddybearry
#8
Chapter 13: Shet. Cliff hanger. Shet. Shet. Shet. Napakahaliparot na cho! Yes cho. Dalawa sila ng ama niyang haliparot! Jeske otor. Hahahahahhahahahaha
kyuminsauce
#9
Chapter 13: hahahaha buset ang dami mong alam cho parevision revision pa sana yung revision lelz
HeeApprentice
#10
Chapter 13: Bothered ako dito. Bat sa lahat ng pwedeng role, RING BEARER pa ang gusto ng papa niya XD HAHAHAHAHAHA huhu, kala ko talaga dati close sila ng papa niya :3
Mabubuhay nanaman ang BooKyu emegeeeeehd aaxhkfljg