TxtM8

Humanap Ka ng Panget

Chapter 11

 

“Good morning, oy.”

Napasinghap si Sungmin pagpasok niya ng banyo at montik nang mapamura. Pinagsisisihan na niyang binigyan niya ng duplicate key itong kaibigan niya.

Ganun pa man, ngumiti rin siya agad para ibalik ang bati kay Ryeowook na sa mga oras na ‘to ay naga-apply na ng day cream sa mukha sa harap ng salamin.

“Good morning din.”

Kanina’y sa salamin lang siya tinitignan ng kaibigan pero inikot pa nito ang ulo para matignan niya ng personal si Sungmin na tinignan lang din siya ng may halong pagtataka.

“May dumi ba sa mukha ko?” Tanong ni Sungmin habang lumalapit sa salamin.

Nakatitig pa rin si Ryeowook sa kaniya matapos itong umiling.

“Ganda ng ngiti ah. Napasarap tulog?

Nagsisinungaling si Sungmin kung sasabihin niyang oo, napasarap lang ang tulog niya. Pero ang totoo, alas-tres na ng madaling araw bago niya tuluyang maipahinga ang utak. Kapag kasi sinasara niya ang mga mata, lalong lumalakas at lumilinaw ang mga sinabi ni Kyuhyun.

“Pagiisipan ko muna, okay?”

 

“Pagiisipan ko muna, okay?”

 

“Pagiisipan ko muna, okay?”

 

Naramdaman niyang nagvibrate ang phone sa loob ng bulsa niya at agad niya itong tinignan. Bumalik ang ngiti niya nang makita nagreply si Kyuhyun sa text niya

Sungmin: [Good morning J]

BooKyu: [Istorbo ka. Natutulog pa ‘ko.]

Sumimangot ng husto si Sungmin sa nabasa. Magta-type na sana siya ng reply pero may isa pang text na dumating galing pa din kay Kyuhyun.

[Good morning din.]

Agad na bumalik ang ngiti ni Sungmin at nag-type pabalik. Dami ring kaartehan nitong si panget eh.

[Wala ka bang klase? Bakit natutulog ka pa?]

Ramdam ni Sungmin na matatagalan pa si Kyuhyun bago magreply kaya napagdesisyunan niyang magsipilyo na lang muna.

Nakapagmumog na si Sungmin pero wala pa ring reply si Kyuhyun. Napaka-moody naman netong taong ‘to. Kinuha niyang muli ang phone at magte-text na sana siya ulit pero sunod-sunod ang dumating na texts.

BooKyu: [!!!]

BooKyu: [Late na ko!]

BooKyu: [Sheeeeeetttt!]

Napahagikgik si Sungmin, hindi namamalayan na kanina pa siya pinapanood ni Ryeowook, tahimik na pinagmamasdan ang pagngiti, tapos pagsimangot, tapos pagngiti ulit niya. Tangina baliw na talaga ‘tong kaibigan niya.

“Naku naku naku naku naku! Min, ah. Ano, kayo na ba ulit ni Fafa Siwon?”

Napatayo ng diretso si Sungmin at tsaka binelatan ang kaibigan.

“Si Kyuhyun ‘to.” Ba’t naman aakalain ni Ryeowook na si SIwon ang katext niya? Eh ni hindi nga nagpaparamdam yung magandang hayup na ‘yun.

“ANOOOO?!! SI CHOPANGET ANG KA-TEXT MO? Eh bakit kung makahagikgik ka diyan kala mo kiniliti ka sa singit ng pinakamagandang lalaki sa mundo?!”

Mabuti na lang at nakapagtakip si Sungmin ng tainga on time.

“Huy grabe ka kay Kyu. ‘Di naman siya ganun ka-panget!”

“At hindi rin siya ganun kagandahang lalaki.” Haaaaaaaard. “At wait! O-M-G!  Anong nangyari kahapon?! Ano nang ganap sa inyong dalawa?!”

“Wala leche. Nalaman niya plano ko! Hindi ko alam kung sinong madaldal na hinayupak ang nagsabi sa kaniya at wala akong pakialam kung sino man siya. Huhugutin ko isa-isa mga kuko niya!”

Nanlaki ang mga mata ni Ryeowook at tsaka tumawa ng malakas.

“HA-HA-HA- uhmm oo tama yan…” Ryeowook gave his friend a calculating gaze, kung baga tinantsa muna niya ang kaibigan bago dagdagan ng, “Anong sabi ni Cho?”

“Hindi daw siya galit. Nagtataka lang kung bakit ginagawa ko ‘to.” Nagkibit balikat si Sungmin at ngumiti. “Pero pagiisipan daw niya.”

Ngumiti si Ryeowook sa kaibigan. “Good luck. At least kung pumayag man siya, malinaw na isa’t isa para walang masaktan.” Although kahit siya, may maliit na pagduda sa sinabi niya.

 

***

 

Sungmin: [Na-late ka ba ng bongga?]

Sorry na. Hindi niya kayang pigilan. Sadyang makati lang ang mga daliri niya at super bored na siya sa klase. Sinamantala ni Sungmin ang pag-CR ng professor at tsaka nagtext kay Kyuhyun. Second subject na niya ito at nagaalala nagtataka na siya kung ano na ang nangyari kay Kyuhyun.

BooKyu: [Hindi naman. Mas late pa yung Prof kesa sa’kin. Wag ka nang mag-text nasa klase ako.]

Sungmin: [Eh di hindi.]  Madali naman siyang kausap! Itinago na niya ang phone sa ilalim ng notebook niya nang bumalik na ang prof.

Maya-maya pa’y may nagvi-vibrate sa lamesa niya. Inisip niya na baka si 8888 lang ‘yun pero nagulat siya nang makitang si Kyuhyun ang nag-text.

BooKyu: [Good.]

[Anong good?] Nagtatakang reply ni Sungmin.

BooKyu: [Hindi ka na nagtext. Madali ka naman palang kausap.]

Ahh ganun?

Bahala na kung mahuhuli siya. Eh sa masarap mambuwisit eh.

[Kyu.]

Hindi nagreply ang kumag. Sobrang GC naman neto.

[Kyuhyun.]

[Huy.]

[Cho.]

[Cho Kyuhyun!]

[CHO KYUHYUN!??!!]

Nilubayan na ni Sungmin ang phone ng may kasamang ngiti pero naramdaman niya ulit itong nagvibrate ulit.

BooKyu: [ANO?! PUTANGINA BEAST MODE NA AKO. PAG AKO NAPAHAMAK SA KAKULITAN MO SUSUNUGIN KO TRANSCRIPT OF RECORDS MO SABIHIN MONG HINDI KO KAYA.]

Shocked and satisfied all at once sa nabasa niyang reply, nagingiting ipinasok ni Sungmin ang phone sa bag at hindi na ito hinawakan until lunch break. Iniimagine niyang umuusok na ang ilong ni Kyuhyun sa galit at mas lalo siyang ngumiti.

Goal achieved.

Binaling na ulit ni Sungmin ang atensyon . Nagsalubong naman ang kilay niya ng lumapit sa kaniya si Hyukjae.

“Anong meron?” Tanong niya sa kaibigan nang idinikit nito ang upuan  sa kaniya.

“Tsk,” Hyukjae rolled his eyes, “’Di nakikinig amp. Magpartner tayo!”

Tumingin si Sungmin sa kaniyang paligid at oo nga, may team-up na nagaganap. Kung para saan, hindi siya sure. Tinanong niya si Hyukjae pero sinimangutan lang siya nito at pinandilatan.

Sunget!

Inikot muli ni Sungmin ang tingin at nakita si Donghae. Lalapitan na dapat niya ito para magtanong pero napahinto siya nang makitang may kausap pa ang kaibigan.

“Wag mo na siyang lapitan dahil busy yan sa kausap niya.”

Pansin ni Sungmin ang nakahalong pait sa mga salita ni Hyukjae at tsaka tinignan ang kausap ni Donghae. May itsura. Kaakit-akit ang ngiti at ang mga mata. The guy looked so ing good he even caught himself swooning over him. But Hyukjae caught him first. Which is why nakatingin sa kaniya ngayon ng masama ang kaibigan.

“Pati ba naman ikaw?! Urgh.” Yumuko na lang si Hyukjae, naguumapaw sa selos pero walang magawa.

Naguilty si Sungmin. Aba malay ba niyang may ganito palang ganap.

“Sino ba yun?” Malumanay niyang tanong at tsaka bumalik sa tabi ng kaibigan.

Tinignan ni Hyukjae si Sungmin na para bang nagtatanong ng ‘Saan ka ba nagpupupunta at wala kang kaalam-alam?!’ bago siya nagkibit balikat. “Kim Kibum daw pangalan niya. Bagong transferee.”

Tumango si Sungmin at tinignan muli ang dalawang naguusap. “Magkakilala sila ni Hae?”

“Classmates daw sila nung kinder hanggang elementary.” Sa pagkakataong ito ay malungkot na ang tono ng kaibigan. Inakbayan niya si Hyukjae at tsaka ginulo-gulo ang buhok.

“Ito naman! Napakaseloso! Wala ka bang tiwala kay Donghae?”

Tinignan siya ni Hyukjae at tsaka umiling.

“Hindi yun…”

“Eh ano?”

Ibinaling ni Hyukjae ang tingin sa boyfriend at sa kausap nito bago bumulong kay Sungmin. “Yung mga tingin ni Kibum kay Donghae…” Nilapit ni Sungmin ang ulo para marinig ang sinasabi ng kaibigan. “…masyadong malagkit.”

Natameme si Sungmin. Hindi niya nakikita ang nakikita ni Hyukjae, but perhaps hindi niya kasi boyfriend si Donghae. Pero naiintindihan niya ang nararamdaman ng kaibigan. Dahil siya mismo, maraming beses nang naramdaman ang nakakatakot, nakakainis, at nakakabahalang pakiramdam na ‘to.

Jealousy.

Isang lason. Pero nandiyan yan dahil may dahilan. Nate-threaten si Hyukjae gaya ng naramdaman ni Sungmin kay Siwon.

Nagbuntong hininga si Sungmin at inakbayan si Hyukjae.

“Hyuk, sa lahat ng tao, ako ang nakakaintindi sa nararamdamn mo. And you know what? What you’re feeling is valid. Ikaw yung jowa, eh. But Hyukjae, hindi inaalagaan ‘yan. Tinatanggap ‘yan at pinupunan ng pansin para masolusyunan.”

Something flashed in Hyukjae’s eyes, something bitter.

“At sa’yo talaga nanggaling yan?” Sabi niya ng nakangisi at halatang naiinis. Pero nakita niya ang gulat at sakit na naramdaman ni Sungmin na sumalamin sa mga mata nito, at agad niyang niyakap ang kaibigan.

“I’m sorry. Oh god, Sungmin…  I’m so sorry. Hindi ko sin—“

“Ayos lang.”

Hinigpitan ni Hyukjae ang yakap niya, dahil alam niyang hindi. Nakahinga lang siya ng maluwag nang niyakap siya ni Sungmin pabalik, kahit na medyo matamlay ‘to.

“Sorry. Gago ako. Sorry talaga Min…” Kinagat ni Hyukjae ang labi at huminga ng malalim. Gusto niyang batukan ang sa sarili dahil napaka-insensitive ng sinabi niya gayong ang gusto lang namang sabihin ni Sungmin ay naramdaman din niya ‘to, na nagkamali siya dahil dito, at natuto siya mula dito. Hindi na dapat siya nag e-emote.

Bumitaw na si Sungmin at magaan na sinapak ang braso ni Hyukjae.

“Tama na baka mabading ka pa sakin.” Bulong nito habang taimtim na ngumiti sa kaibigan.

“Gago bading talaga ako. Pero hindi sa’yo.” Natatawang sabi ni Hyukjae. Tinignan niyang muli si Donghae na nakaupo na katabi si Kibum. Pero ang ‘di niya inaasahan ay yung sabay nilang pagtinginan sa isa’t isa, matapos lumingon si Donghae para hanapin siya.

Kinawayan siya ng boyfriend at tsaka nginitian. Hindi kaagad nakahinga si Hyukjae, pero ibinalik pa rin niya ang ngiti, yung kita gilagid. At tumawa naman si Donghae ng pagkalakas montik na siyang mapagalitan ng Prof nila.

“Sungmin,” Kinalabit ni Hyukjae si Sungmin sa braso.

“Hmm?” Tanong ni Sungmin habang nakikinig sa Prof (dahil ayaw niyang ma-miss out na naman ng lecture)

“Posible kayang mas lalo ka pang ma-in love sa taong mahal na mahal mo na?”

Napatingin sa kaniya si Sungmin. Ngumiti lang ito at nagkibit balikat. “Ano sa tingin mo?”

Oo.

Hindi na niya sinagot si Sungmin at sa halip, nginitian na lang din niya ‘to at nakinig na sa lectures, he groaned when he realized na kailangan nilang gumawa ng music video.

 

***

 

Lunch break na at inexcuse ni Sungmin ang sarili, nagdahilan na magba-banyo muna siya tsaka siya susunod sa canteen. Tumango naman sina Hyukjae at Donghae at dumiretso na sa canteen.

Sungmin made a slight detour sa campus para makapagisip. Eh sa gusto niyang mag emote eh. Nagulat na lang siya nang dalhin siya ng mga paa sa gymnasium. And almost too instantly, his eyes zeroed in on Siwon. Nakasando, jersey shorts, at rubber shoes. Agad niyang naagaw ang bola at nag-dunk. Napigilan ni Sungmin ang sarili bago pa man siya makasigaw ng appraisal sa ex.

Ex.

Punyetang salita.

It’s the only word in his dictionary that could screw him over. Lalo na kung may pangalan na Choi Siwon ‘to.

Malawak naman ang gym kaya hindi nahirapan si Sungmin na magtago. Pinanood niya si Siwon hanggang sa mag call ng time-out ang coach nila. Nakita nito kung paano siya uminom, magpunas ng pawis, suklayin ang buong gamit ang kamay, at ngingitian ang ka-team sa job well done.

Hindi na namamalayan ni Sungmin na nakangiti na rin siya. Jusko. Bakit ba ganito na lang ang epekto ni Siwon sa kaniya? Bakit ba takot na takot siyang bitawan kung ano man ang naging meron sila?

Pinilit ni Sungmin na ipikit ang mga mata at tumalikod na, not noticing na pagtalikod at paglabas niya ng gym, napatingin si Siwon sa direksyon niya. Ngumiti ang gwapong binata bago tumakbo para habulin si Sungmin.

“Min!”

Sigaw ni Siwon pero mukhang hindi siya narinig ng ex dahil masyadong malaki pa ang distansiya nila mula isa’t isa. Nasa catwalk na si Sungmin nang maabutan niya ito. Kahit pawis na pawis at hinihingal na siya, pinilit pa rin niyang makaabot sa tabi ni Sungmin.

“Teka, Sungmin!” Laking ngiti naman niya nang marginig na siya ni Sungmin dahil huminto na ‘to sa paglalakad at lumingon para tignan siya.

“Si—Siwon?”

Agad namang lumapit ang binata sa harap niya, sobrang lapit, na ultimo pawis ay naaamoy na ni Sungmin.

‘Huhu Lord naman eh. Bakit niyo ko pinaparusahan ng ganito. ‘Di ko na siya pwedeng tikman. ‘Di na siya akin eh.’

 “M-may kailangan ka ba?” Chineck muna ni Sungmin kung nakalawit ang dila niya bago pa man siya magtanong.

Lumaki ang ngiti ni Siwon at marahang hinawakan ang kanang kamay ni Sungmin.

“Ika—“ Ikaw. Hindi na ‘to nasabi ni Siwon dahil biglang may humagip na ng kamay ni Sungmin.

“HOY BANSOT NA WALANG ALAM KUNG HINDI BWISITIN AKO!”

“Kyuhyun!” Gulat na sigaw ni Sungmin nang maramdaman ang pilit na paghatak ng kaniyang kamay, kumpara sa napakagiliw na pagkakahawak ni Siwon dito.

“Uy te—teka saan mo dadalin si Sungmin?” Tanong ni Siwon na gulat na gulat sa pangyayari. He looked scandalized.

Tinignan ng masama ni Kyuhyun si Siwon at tsaka sumagot habang nakangisi, “Sa langit.”

Parehong napanganga sina Sungmin at Siwon sa narinig, dahil malamang ay iba ang pagkakaintindi ng dalawang ‘to. Samantalang ang ibig sabihin lang naman ni Kyuhyun dun ay dadalian niya ang buhay ni Sungmin. Pero hindi nga sila nagkaintindihan kaya hindi na niya napansin ang pamumula ng pisngi ng taong hinihila niya palayo sa ex nito.

“M—Min?” Tinawag ni Siwon si Sungmin ng may pagtataka pero hindi na nakasagot si Sungmin dahil may tinanong naman si Kyuhyun.

Huminto na sila sa likod ng Theatre Arts building at dun na nakapagsalita si Sungmin.

“Ano?” Tumingin ng masama si Sungmin sa taong nakahawak sa kamay niya at pinapaulit si Kyuhyun sa tanong niya pero nagbuntong hininga lang ang lalaki, halatang numinipis ang pasensiya.

“Wag na ako na lang.” Walang pagatubiling kinapkapan ni Kyuhyun si Sungmin sa pantalon at dumaing nang naghurumentado si Sungmin.

“Uy ano ka ba ‘wag diyan!” Singhal ni Sungmin at ‘di sinasadyang matamaan si Kyuhyun sa mukha ng hita… na pinalo naman ni Kyuhyun.

“Wag ka ngang maarte! Nahawakan ko naman na yan ngayon ka pa makikiliti!” Naiinis na sigaw ni Kyuhyun at tsaka inagaw ang bag ni Sungmin.

“Gago hindi ako nakikiliti! Naba-bother ako sa ginagawa mo at tsaka ano ba— ano bang ginagawa mo?!” Hindi siya sinagot ni Kyuhyun dahil nakita na ng binata ang hinahanap niya.

Gustong gusto ni Sungmin matawa pero halos idukdok na ni Kyuhyun ang phone niya sa mukha.

Halos maduling na siya sa nakikita pero pinilit pa rin niya itong basahin. Nanlaki ang mga mata niya sa text messages (more like death threats) mula kay Kyuhyun.

BooKyu: [Ano hindi ka na nagreply?!]

BooKyu: [Pakyu ka nahuli ako ng prof ko!]

BooKyu: [I hate you Lee Sungmin]

BooKyu: [Wag na wag kang papakita sakin.]

BooKyu: [MAGREPLY KA!!!!!]

BooKyu: [KINGINA MO KA LAGOT KA SAKIN PAG NAGKITA TAYO.]

BooKyu: [GAGAWIN KONG MISERABLE BUHAY MO.]

BooKyu: [ Magha-hire ako ng hitman.]

BooKyu: [Ipapasa ko sayo lahat ng tigyawat ko.]

Napalunok si Sungmin. Dahil mukhang may balak si Kyuhyun na totohanin ang lahat ng sinabi niya. Kyuhyun’s hand was still around his wrist habang hawak niya ang phone niya, kaya natakpan pa ni Kyuhyun ang huling text message niya kay Sungmin.

“Hindi ko pa tapos basahin.” Pilit inagaw ni Sungmin ang phone niya pero inilayo to ni Kyuhyun na nagbabalak burahin ang huling message.

“Wag na. Kapareho lang ‘to ng mga nabasa mo.” Iling na sagot ni Kyuhyun habang hirap na pinipindot ang settings upang burahin ang message.

Sa inis ay kinagat ni Sungmin ang kamay ni Kyuhyun at sa gulat, nabitawan nito ang phone.

“AHA!!!”

“Sungmin!!!”

Hindi na niya inintindi si Kyuhyun at nakangising binasa ang message.

BooKyu: [Huy. Magreply ka naman. Kung hindi buburahin ko na number mo sa phone ko.]

Hindi alam ni Sungmin kung anong itsura niya nung mabasa niya yung text. Pero sa itsura ni Kyuhyun na naaasar, malamang nakangiti siya. Naaasar lang naman si Panget kapag nakikita niyang malaki ang ngiti ni Bansot eh. Yung nakakaloko.

“Naka-save na number ko sa phone mo?” Tanong ni Sungmin, naguumapaw sa tamis ang tono ng boses na may halong pangaasar. Pinandilatan siya ni Kyuhyun.

Sinamantala ni Kyuhyun ang ngiti na yun at inagaw niya ang phone ni Sungmin, agad na binura ang thread sa inbox.

“Hu—huy!! Ba’t mo ginawa yun?!”

Nagkibit balikat Si Kyuhyun. “Walang kwenta yung thread.”

Sumingkit ang mga mata ni Sungmin when he narrowed his eyes at Kyuhyun, pero mabilis din itong nawala dahil may naalala siya bigla.

“Uy teka. Napagisipan mo na ba?”

Kyuhyun quirked his brow. “Ang alin?”

Sinimangutan siya ni Sungmin, dahil alam niyang alam ni Kyuhyun kung anong tinutukoy niya.

“Yung ahh… yung tungkol sa kahapon…” Kinamot ni Kyuhyun ang batok ng ibaling ang tingin sa ibang lugar bukod sa direksyon ni Sungmin.

This picked Sungmin’s interest. Nakita niyang nagbuntong hininga si Kyuhyun bago ito umiling.

“Iniisip ko pa.”

Huwaw. Gandang lalaki.

Pinigilan na nito ang sarili bago pa man siya mang-alaska.

Wala nang sinabi si Sungmin at tumango na lang siya bago tumalikod si Kyuhyun paalis.

Pero dahil nakakaadik bwisitin si Kyuhyun, sumigaw siya ng, “Tsaka promise! Magre-reply ako agad-agad huwag mo lang burahin number ko sa phonebook mo!”

“Pag hindi ka tumigil ikaw mismo buburahin ko sa mundo!” Sigaw ni Kyuhyun pabalik, pero nakangiti na ‘to sa kanya bago lumiko papuntang Library.

Buti na lang na-printscreen ni Sungmin yung thread. Wala lang. Pambuwisit lang kay Kyuhyun some other day.

Chineck niya ang oras, at narealize na thirty minutes na lang ang natitirang oras para makakain siya. Papayat siya sa pinaggagawa niyang ‘to. Nagbuntong hininga siya at nagjogging patungo sa direksiyon ng canteen kung saan naghihintay ang bagot na bagot na niya mga kaibigan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayarajoy #1
Chapter 11: Authoooor nasaan ka na? T^T
Anyare na kela bookyu at ming?
ladyrapunzel08 #2
Chapter 1: where are u na po?
chunrren10 #3
Chapter 13: Huhu i need more of thisss!!;A;
imyourshupahgirl
#4
Chapter 2: Chapter 2 pa lang ako pero namamatay na ako sa katatawa pucha naman kasi yung pimple ni Cho sa baba ano ba XD
mydelusionalworld
#5
Chapter 13: cge cho pagpatuloy mo yan. ikaka inlove mo yan kay bansot. :) :)
youremyseoul
#6
Chapter 13: grabe kabitin peroo shemmsss anong mga plano ni bookyu XD im so exciteddd naa~ salamat sa update otornimm ♥
HyukkieMyHubby
#7
Chapter 13: Gahd otornim
Cliffhanger...gusto ko malaman plano ni Cho xD pero sana kung tuloy tlga plano ma realize ni Min na kahit papaano may nararamdaman sya kay panget xD
teddybearry
#8
Chapter 13: Shet. Cliff hanger. Shet. Shet. Shet. Napakahaliparot na cho! Yes cho. Dalawa sila ng ama niyang haliparot! Jeske otor. Hahahahahhahahahaha
kyuminsauce
#9
Chapter 13: hahahaha buset ang dami mong alam cho parevision revision pa sana yung revision lelz
HeeApprentice
#10
Chapter 13: Bothered ako dito. Bat sa lahat ng pwedeng role, RING BEARER pa ang gusto ng papa niya XD HAHAHAHAHAHA huhu, kala ko talaga dati close sila ng papa niya :3
Mabubuhay nanaman ang BooKyu emegeeeeehd aaxhkfljg