Ang Kunsensiya ni Cho Kyuhyun

Humanap Ka ng Panget

A/N: Akalain niyong last year ko pa sinusulat tong fic na to? Wahahahaa joke. Happy New Year!

 

 

137*137*137*137

 

 

Tae. Yun lang ang kaya niyang isipin sa mga oras na ito. Tinignan niya ulit ang nasagap ng mata niya sa newsfeed sa Facebook at napangiwi. Picture ni Siwon na nakaakbay sa dalawang babae. Mabuti sana kung nakaakbay lang eh. Ang walang hiya, naka topless pa! ! Para lang sa mga mata at kamay niya ang abs ni Siwon…dati. Tapos yung mga babae, kakapirasong tela lang ang saplot sa katawan. Nagdamit pa sila diba?! Tae. Tae talaga.

 

[Nakita mo na piktyur ni Siwon?] Biglang pm ni Eunhyuk sa messenger.

 

[Tangina niya.] Reply na lang niya sa kaibigan. Badtrip. Maya maya pa’y nagreply na rin si Eunhyuk.

 

[Itae mo yan.] Gusto niyang batukan ang kaibigan sa nakakaoverwhelm na semtemyento nito sa kanya.

 

Nagbuntonghininga siya sa huling message ni Eunhyuk na hindi na niya nireplyan. Kung pwede lang. Kung pwede lang niyang iire at itae lahat ng sakit at hinagpis niya para sa ex niya, gagawin niya hanggang sa wala na siyang maitatae pa.

 

[Di kaya i-text mo na lang si panget.] Kumunot ang noo nito sa message ni Eunhyuk. Magre-reply na sana siya kaso nakita niyang ‘typing’ pa si Eunhyuk kaya naghintay siya.

 

[O, ito ang number niya. 090******* Wag ka nang maginarte dahil ninenok ko lang yan sa adviser niya.]

 

[Paano?] Tanong niya.

 

[Sa tulong ng ating dakilang kaibigan na si Ryeowook. Sunod sa pagkadakila ko ang taong yan, I tell you. But seriously, alam mo bang inaalila ni Sir Jongwoon ang kaibigan natin? Kanina kasi naabutan ko si Ryeowook sa table ni Sir sa Teachers’ Lounge, nagaayos ng classcards niya. Eh saktong hawak niya ang classcards ng block nila Cho. Ayun. Napilit kong kopyain yung number niya. Ang hirap mag-explain sa chat ah. -.-]

 

Kailan pa naging personal alalay itong si Ryeowook? Last time Sungmin checked, hindi nagpapaapak ang kaibigan niya. Ni hindi nga siya ma-kontrol ng parents niya. Tapos isang Prof lang sa minor subject, niyuyukuan niya? Aba. Machika nga niya minsan ito.

 

[Sige. Thanks. Pagiisipan ko.] Ang naging reply niya at sinagot ni Eunhyuk ng,

 

[Huwag mo nang pagisipan! Gawin mo na!]

 

Teka lang naman! Hindi ba pwedeng pagisipan ang mga ganitong bagay? Ang text, hindi parang kanin na basta basta isusubo at kapag nabilaukan ka, basta basta mo lang din iluluwa! Tama ba yun? Anyway, basta. Iisipin muna niya kung kakayanin niyang mapahiya ulit sa antipatikong panget na yun.

 

Nirefresh niya ang newsfeed niya at lumabas ulit ang picture ni Siwon but this time, may comment na. Galing ata sa isa sa mga babae na kaakbay ng ex niya.

 

[‘twas definitely a night to remember! I had fun, babe! Muah!]

 

Babe? BABE?! Aba teka.

 

Mga sampung segundo rin niyang pinagisipan kung ano ang ite-text niya kay Cho at nauwi rin ito sa ‘Hi’. Pagkatapos nun ay tinodo niya ang volume ng phone niya para alam niya agad kung may nag text. At nagpaikot-ikot siya sa higaan niya at nagantay. At nagantay ng nagantay ng nagantay.

 

How much time does it take for one to reply a text message? Sampung minuto na yata ang nakakalipas pero ni isang reply ay wala siyang natanggap. Hindi ba naku-curious itong si Cho kung sino ang nagtext sa kaniya? Akala ba niya genius siya? Diba ang genius likas na mapagtanong? At biglang tumunog ang phone niya na agad naman niyang kinuha at tinignan kung galling kay Cho. Akalain mong magre-reply pa pala itong kumag na to?

 

[Who’s this?] Aaminin ba niya ang katauhan niya kay Cho? Pano kung hindi na to magreply? Hays. Ang hirap namang maging secret pseudo-admirer! Pseudo, kasi hindi naman niya talaga inaadmire ang Kyuhyun na to. Hindi po. Hindi talaga.

 

[Ako ang iyong kunsensya.] Sa sobrang panic ay iyon ang nareply niya. Putragis. Dapat talaga pinagisipan niya muna ang lahat ng ito eh! Pero mukha namang effective kasi nag reply agad si Cho sa kanya.

 

[I don’t have time for this. Tell me who you are and what you want so you can leave me alone.] Takte. Naenglish na naman siya nito. Argh.

 

[Kung hindi ngayon, kailan? Kung hindi ako, sino? Ako nga ang kunsensiya mo! And I want you. At tsaka magtagalog ka nga! Nasa bansang Pilipinas ka kaya magtagalog ka.] Wahahaha ang sarap palang mangbwisit ano?

 

[Ah gusto mo akong magtagalog? Eh pu+@%$*%# mo pala eh! Tang*&^%$ mo kang hayup ka! Ayan tagalong yan. At hindi ikaw ang kunsensya ko! Wala ako nun!]

 

[Sige, good night. Bukas na lang ulit.] Ayun na lang ang nareply niya. Natameme na lang siya habang tinititigan ang huling text ni Cho sa kanya. nakakatakot.

 

 

137*137*137*137

 

 

Mabait na bata si Sungmin. Noong nasa Elementary nga siya, binansagan siyang dakilang Teacher’s Pet dahil gustong-gusto siya ng mga teachers niya. Noog High School student naman siya, siya ang taon-taong nahahalal bilang Class President dahil siya ang pinakamatinong estudyante sa buong batch nila, at kayang kaya niyang pasunurin kahit pa ang pinakabully sa klase.

 

Matalinong bata rin siya base sa sinasabi ng transcript of records niya. Magalang, masunurin, mapagkumbaba at higit sa lahat, hindi nale-late. Kaya naman laking galit niya sa sarili niya nang magising siya ng 9:46 am samantalang 8:00 am ang start ng klase niya.  Okay lang sana kung ordinaryong klase ito. Hindi naman naghihigpit ang Prof niya sa mga latecomers dahil siya mismo, late din sa sarili niyang klase. Pero hindi ito ordinaryong araw. Ito ang araw na inannounce ng Professor niya na may long quiz sila.

 

Pak!

 

Kasalanan ito ng panget na yun eh! Kung hindi siya nagreply ng ganun eh di makakatulog siya ng maayos?! Ayan tuloy, nagmamadali siyang umakyat sa fifth floor dahil kinailangan pang masira ng elevator ng building na pinasukan niya.

 

Pakshet!

 

Laking pasalamat na lang niya at considerate si Prof Jongwoon. Lalo na nung nabanggit niyang kausap niya kasi maghapon si Kim Ryeowook na matalik niyang kaibigan kaya siya napuyat kagabi. Kaya ito siya ngayon, nasa harap ng ibang klase ng professor niya. Okay na eh. Nakaisa siya. Sobrang higpit pa naman ng Jongwoon na to pagdating sa quizzes.

 

“Go ahead and start with the quiz as soon as you have found your seat, Mr. Lee.”

 

Buti na lang may 40 minute break siya right after ng klase niya kay Jongwoon. Kaya yan. Midterms nga nagagawa niya within 30 minutes. Itong quiz pa kaya. Heh.

Kaya kampanteng siyang naglakad sa gitna at naghanap ng mauupuan. Pero instead na makakita ng bakanteng seat, laking gulat niya nang magtama sila ng tingin ni Cho na masama ang tingin sa kanya.

 

Paksheeeet!

 

Dali dali siyang umupo sa pinakalikod para maiwasan ang tingin ni Cho dahil nasa bandang harap siya nakaupo.Tinignan niya ang test paper at sinubukang magfocus. Tangina English na lang yan. Pinagaaralan yan mula pa nung Elementary. Sinong bano ang babagsak diyan?

Gustong batukan ni Sungmin ang sarili sa kayabangan. Sa English lang naman kasi ito magaling. Pag dating sa Mathematics, siya ang bano. Nakakasurvive lang naman siya sa Math dahil matyaga siyang tinuturuan ng ex niya dati na si Changmin. Hays. Ang swerte talaga niya sa mga naging jowa niya. Pwera lang kay Siwon. Gago yun eh.

Hindi na siya nagaksaya pa ng oras at agad sanang kukuha ng yellow pad at ballpen nang may marealize siya sa mga oras na yun. Naiwan niya ang bag niya sa dorm at wala siyang dalang kahit ano bukod sa pera at sa phone niya.

 

PAKSHEEETTTTTTTTTTT!!!!

 

‘Seriously Sungmin? Seriously?! Of all days na pwede kang magpakatanga, ngayon pa?!’ Sa isip isip niya. Kinagat ni Sungmin ang labi, kinakabahan. Yung tipong natatae na pero hindi niya mailabas, katulad nang paglabas niya ng phone niya para i-text si Eunhyuk o kahit sino na pwede niyang hingan ng papel at ballpen. Hindi siya pwedeng maglabas ng gadget. That’ll be considered cheating according sa policy ng Professor niya.

Tangina mo Lee Sungmin! Ang tanga mo! Ang tanga tanga mo!

Gusto na sana niyang iumpog ang sarili sa lamesa nang biglang may lumitaw na yellow sheet dito.

 

“Sa susunod, wag kang sasabak sa gera ng walang armas.” Mahinang bulong nito pero sa nakakabinging katahimikan sa paligid, alam ni Sungmin na naririnig sila ng buong klase. Kahit ang prof nila ay nakikinig sa kanila.

 

Namumula, pero padabog na tinanggap ni Sungmin ang ino-offer na ballpen ni Kyuhyun. He heard the other scowled but chose to ignore it. Nagbilang siya hanggang tatlo para pakalmahin ang sarili at nang tumingala siya, nakatalikod na si Cho at naglalakad papunta sa upuan niya sa harap.

Nakakahiya. Kailangan pa talaga niyang sabihin yun sa harap—sa likod ng buong klase?

Bwisit. Panget na nga bwisit pa.

 

Lumipas ang ilang minuto at malapit na siyang matapos sa quiz. May natira pa siyang yellow sheet mula sa binigay ni Cho at pagkabuklat niya ay may nakita siyang note na nakasulat dito.

 

Good luck sa quiz, Kunsensiya.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayarajoy #1
Chapter 11: Authoooor nasaan ka na? T^T
Anyare na kela bookyu at ming?
ladyrapunzel08 #2
Chapter 1: where are u na po?
chunrren10 #3
Chapter 13: Huhu i need more of thisss!!;A;
imyourshupahgirl
#4
Chapter 2: Chapter 2 pa lang ako pero namamatay na ako sa katatawa pucha naman kasi yung pimple ni Cho sa baba ano ba XD
mydelusionalworld
#5
Chapter 13: cge cho pagpatuloy mo yan. ikaka inlove mo yan kay bansot. :) :)
youremyseoul
#6
Chapter 13: grabe kabitin peroo shemmsss anong mga plano ni bookyu XD im so exciteddd naa~ salamat sa update otornimm ♥
HyukkieMyHubby
#7
Chapter 13: Gahd otornim
Cliffhanger...gusto ko malaman plano ni Cho xD pero sana kung tuloy tlga plano ma realize ni Min na kahit papaano may nararamdaman sya kay panget xD
teddybearry
#8
Chapter 13: Shet. Cliff hanger. Shet. Shet. Shet. Napakahaliparot na cho! Yes cho. Dalawa sila ng ama niyang haliparot! Jeske otor. Hahahahahhahahahaha
kyuminsauce
#9
Chapter 13: hahahaha buset ang dami mong alam cho parevision revision pa sana yung revision lelz
HeeApprentice
#10
Chapter 13: Bothered ako dito. Bat sa lahat ng pwedeng role, RING BEARER pa ang gusto ng papa niya XD HAHAHAHAHAHA huhu, kala ko talaga dati close sila ng papa niya :3
Mabubuhay nanaman ang BooKyu emegeeeeehd aaxhkfljg