Rainy Days and Mondays

Humanap Ka ng Panget

“Nakabusangot na naman ‘yang mukha mo, Lunes na Lunes. Pinaglihi ka ba ng nanay mo sa sama ng loob?”

Bungad ni Eunhyuk habang pinapagpag ang basang payong. Pagkatapos ay nilapitan na niya si Sungmin na nakakalumbaba sa pinakadulong seat sa classroom. Mukhang may problema na naman ang kaibigan.

“Hyuk,” Bulong ni Sungmin, habang nakatingin sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang malalakas na patak ng ulan.

“O?” Umupo si Eunhyuk sa katabing seat at pinagmasdan ang kaibigan, naghihintay sa sasabihin nito.

“Hyuk, gaano ka katagal naghintay sa sagot ni Donghae nung nililigawan mo siya?” Sa pagkakataong yun ay humarap na si Sungmin kay Eunhyuk at laking gulat ng kaibigan nang mapansin ang naglalakihang mga eyebags nito. Yung tipong pwede nang ilaban sa jansport.

“Anong klaseng tanong ‘yan? Tsaka teka bakit ang OA naman ata ng eyebags mo? Tapos na tayo sa thesis last sem ah?”

“Tsk, wala. Nevermind.” At tsaka binaling ni Sungmin ang atensyon pabalik sa labas ng bintana.

“Itong kaibigan na ‘to di mo alam kung lasing o ano eh. Nandun ka nung nililigawan ko si Hae, ugok.  Freshmen pa lang tayo nun. Kinakabahan pa tayong dalawa kasi ano bang malay natin, mamaya bigla tayong mapasok sa frat o ma-bully ng ibang estudyante o kung ano pa man. Pero si Hae ang unang lumapit satin at nakipag-kaibigan. At first ayoko talaga sa kanya. O, diba ang gwapo ng bespren mo? Pero kinalaunan hinahanap-hanap ko ang kakulitan niya, ang pagiging clingy niya, so ayun nga, niligawan ko siya. Mga isang buwan din bago niya ko sagutin gawa ng midterms week yun…” Nahihiyang nagkwento si Eunhyuk habang namumula ang pisngi. Narinig naman nitong may binulong si Sungmin habang nakatalikod pa rin.

“Dami mong sinabi tinanong ko lang kung gaano ka naghintay.” At nagbuntonghininga ulit ang binata.

“Taena neto buti nga sinagot pa kita! Tigilan mo yang pagdadrama mo at isara mo yang binatana uma-angge!” Pagkatapos ay bumalik na ito sa upuan sa harap at nilapitan si Hae na kararating lang din.

 

Isang buwan…

 

Apat na linggo…

 

Tatlongpu’t isang araw…

 

Tangina. Cannot be, borrow one. Hindi niya kayang maghintay ng ganun katagal. Kinapa ni Sungmin ang phone sa bulsa at pagkakuha ay agad niyang tinext si Kyu.

[Huy. Ano na? Napagisipan mo na ba?]

Hindi naman na siya pinaghintay ng kausap dahil ilang segundo ay nagreply na din siya.

[bookyu: d p.]

Puta. Ano bang klaseng sagot yan? Tamad na tamad lang ah.

[Kailangan ko na ng sagot mo please. Huhu. Kita tayo mamaya.]

[bookyu: magre-review ako mamaya. May quiz kami next week]

Siya lang ba, o parang nagra-rason naman ‘tong lalaking ‘to? Napakalupit naman ng quiz next week tapos ngayon na magre-review.

[Kailan pa kita makakausap? Iniiwasan mo na naman ba ako? Pagod na kong maghabol.]

Hinintay ni Sungmin ang reply ni Kyuhyun pero nakarating na ang professor niya kaya sinukuan na niya ang phone at tinago sa bag.

Medyo naguilty si Sungmin dahil hindi ito gaanong nakinig sa reporters. Taena ng prof niya, puro pa-report. Ayaw magturo. Ganun pa man, pumalakpak pa din siya at the end of the report, na kunyaring nakinig.

Pagkaayos niya ng gamit ay naglakad na siya papunta sa mga kaibigan, at napakunot ng noo nang makitang nakangiti ng nakakaloko ang magjowa.

“Anong meron?” Tanong nito sa dalawa.

“May bisita ka sa labas.” Sambit ni Donghae habang tinutulak ang kaibigan palabas ng pinto.

“Kanina pa kaya yun dungaw ng dungaw.” Natatawang pahabol ni Eunhyuk.

 

…And there he was.

 

“Hindi kita iniiwasan.” Sambit ni Kyuhyun habang palapit kay Sungmin na nanlalaki ang mga mata sa nakikita. Matagal din siyang hindi nakapagsalita kaya naisipan ni Donghae na sikuhin na ang kaibigan.

“Ehh, ehh b-bakit ang tagal mong sumagot?! Hanggang kailan mo ba ‘ko paghihintayin?!”

“Eh kasi nga—“ Napansin ni Kyuhyun ang biglang pag lapit ng ulo ng mga nakikiusosyo A.K.A. ang mga alagad ni Sungmin kaya minarapat nitong hatakin na lang si Sungmin papunta sa mas tahimik na lugar.

“Pahiram muna, ah?” Paalam nito sa mga kaibigan ni Bansot.

“Geh, kahit ‘wag mo nang ibalik.” Narinig nilang sigaw ni Donghae bago pa man sila makaliko sa kabilang wing ng building.

Chineck ni Kyuhyun ang relo para siguraduhing wala pang masyadong tao sa fire exit, at doon niya dinala si Sungmin.

“Hoy, Cho, hobby mo bang kaladkarin ako kung saan-saan?” Kinumbinsi ni Sungmin ang sarili na naiirita siya pero mas nananalo ang pagka-excite niya sa sasabihin ni Kyuhyun. “Ano? Kailan mo balak magbigay ng sagot? Kapag graduation na?”

“Gusto mo na nng sagot? Sige. Ayoko. Ayokong madamay sa kalokohan mo. Wala rin naman akong mapapala.” Dire-diretsong sagot ni Kyuhyun habang papalapit ng papalapit kay Sungmin, to the point na naiipit na ito sa pagitan ni Kyuhyun at ng pader. Nagulat naman ito nang bigla siyang itulak ng kausap.

“Wow. Pinaghintay mo ko ng ganito katagal tapos ‘yan ang sagot mo?! Tangina mo, Kyuhyun ah. Pinaglololoko mo ba ‘ko?” Hinihingal na sabi ni Sungmin, hanggang sa hindi na niya makayanang pigilan ang mga luha. He was so freaking mad. Ang tagal niyang pinagod ang sarili kakaisip kung papayag ba ‘tong mokong na ‘to para lang pala umayaw siya sa huli. Ang tagal niyang pinaniwala ang sarili na makukuha na niya ang gusto niya.  Ano pa bang pinagkaiba ni Kyuhyun kay Siwon? “Bakit niyo ba ‘ko pinapa-asa ng ganito? Tangina niyong lahat.”

Napabuntonghininga si Kyuhyun. Oo nakukunsensiya siya sa ginawa niya pero narealize niya ang mga risks kung papayag siya kay Sungmin… at hindi siya ganun katanga para ipahamak ang sarili.

“I’m sorry, Sungmin, pero sana maintindihan mo na hindi lahat ng gusto mo masusunod.”

Napaupo na lang si Sungmin dala ng pagod, frustration, at kung ano pa. Bakit ba hindi niya makuha ang gusto niya?

Lumuhod si Kyuhyun sa harap ng humihikbing lalaki at dahan-dahang itinaas ang kamay upang suklayin ang sabog-sabog na buhok ni Sungmin. Lalo pa siyang naguilty nang mapansin ang malalim nitong eyebags, iniisip na hindi pa yata natutulog ang bansot na ‘to kakaisip sa ex niya.

“M--may iba pa namang paraan.. Hindi naman ako ang dead-end. Marami pa namang ibang panget diyan.” Pabirong sabi ni Kyuhyun habang hinihimas ang likod ng kasama. Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ‘to. Dala na lang siguro ng awa.

“No, it’s fine. Hindi na kita kukulitin. I’m sorry for wasting your time so…” KInuha Sungmin ang kamay na nakahawak sa likod niya at ibinalik ito sa gilid ni Kyuhyun. “…you can leave me alone now.”

“Sungmin…”

“Please.” Sungmin closed his eyes and hid his face behind his crossed arms. Ayaw na niyang makipagusap. Ayaw na niyang magsalita.

At nakahinga na siya ng maluwag nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto ng fire exit.

 

Jusko. Ano ba tong ginagawa niya? Hindi pa ba kahibangan ‘to? Hindi pa ba siya napapagod kakangalngal? Bakit ba niya pinipilit ang hindi pwede?

 Bumalik na ng classroom si Sungmin kung saan ang next subject niya. Pagpasok pa lang ng binata ay alam na niyang napansin agad ng mga kaibigan niya mga namumugtong mga mata.

Unang lumapit si Eunhyuk at niyakap si Sungmin, pagkatapos nun ay inakbayan ni Donghae ang kaibigan at kinurot naman ni Ryeowook ang ilong niya.

Pampalubag loob na lang siguro na maya-maya’y may natanggap na text si Eunhyuk, hindi daw makakarating si professor dahil na-extend ang kaniyang meeting. And that subject happened to be their last that day, kaya pinagpasyahan na lang nilang maglakwatsa. Hindi man nila sabihin, pero alam nilang Operation Balik Ngiti ang gagawin nila.

As always, una muna silang lumamon, at tsaka lumaklak ng ice cream, at nagconcert sa loob ng karaoke booth.

After that, dumiretso sila sa park malapit sa dorm ni Sungmin.

“Hindi niyo ba ko tatanungin?” Tanong ni Sungmin pagkatapos niyang maupo sa swing. Tumawa si Ryeowook na nakaupo din sa isa pang swing,  habang nagpapadulas si Donghae sa slide, at nakasabit naman sa monkey bars si Eunhyuk.

“Magku-kwento ka naman kung gusto mong malamin naman di’ba?” Tanong ni Donghae habang umaakyat sa padulasan.

“Pero may gusto akong malaman…” Tanong ni Eunhyuk habang hinahatak si Donghae sa paa pababa (“Tangina mo hyuk mababaldog ako!”).

“Hmm?”

“Sino ang iniyakan mo this time?”

“Oo nga!” Sigaw ni Ryeowook habang pataas ng pataas ang naabot ng swing. “Si Pogi o si Panget?”

Napahinto si Sungmin sa pagpadyak ng paa at napaisip.

“Aissh. Hindi ko alam!” Ginulo ni Sungmin and buhok at tumayo para itulak ng malakas si Ryeowook mula sa likod. “Para silang mga tanga. Paiba-iba ng isip. Paasa ng paasa.”

“Oy puta tama na nalulula na ko! Ahhh nasusuka na ko Min! Masakit na ulo ko!”

“Oo tama yan! Sumakit sana ulo nila gaya ng pagpapasakit nila ng ulo ko. Atras-abante. Puta ano ‘to, swing? Laro? Laro ba ‘to?!”

“Bakit ako nadadamaaaaaaaay!! Huhu.” Iyak ni Ryeowook pagbaba ng swing at gumegewang-gewang palakad kina Eunhyuk at Donghae.

This time si Donghae na ang umupo sa swing, katabi ni Sungmin na kalmado na’t marahang dinuduyan ang sarili.

“Bilang tropa mo, trabaho naming pangitiin ka kapag malungkot ka. Syempre given na yun. But what if…  you really don’t want him back? Baka gusto mo lang yung ideya na nagmamakaawa siyang bumalik ka sa kaniya? Isipin mo munang maigi.”

Madilim na nang magpaalam ang magbarkada para umuwi at magpatuyo na rin dahil basang-sasa na sila ng ulan. Napangiti si Sungmin habang iniisip na bubungangaan na naman ng tita niya si Eunhyuk dahil ‘babaho na naman ang medyas mo lintik ka. Paulan ka ng paulan!’

Abalang nililista ni Sungmin sa isipan kung anong mga pending homeworks ang dapat na niyang gawin dahil ipapasa na kinabukasan nang biglang nanlamig ang buong katawan niya matapos makitang may lalaking nakahoodie ang nakatayo sa harap ng dorm niya.

Tangina hindi kaya… hindi kaya budol-budol gang yun? baka stalker.

‘Diyos ko, please lang po, Lord. Pag-martsahin Niyo po muna ako. Huhu. Gusto kong grumaduate ng intact ang lahat ng parte ng katawan ko huhu.’

Magtatago na dapat siya sa likod ng ilaw ng poste ng biglang humarap ang lalaki at nakita siya.

‘, , . Ito na ba ‘to? Mamamatay na ba ko ng sawi? Huhuhuh grabe. Saklap naman neto.’

Dahan-dahang naglakad ang lalaking nakasuot ng hoodie, making it hard for Sungmin to see his face. Di kaya si slender man ‘to? May katangkaran kasi pero hindi naman nagho-hoodie si slender man…

Hinanda ni Sungmin ang sarili upang tumakbo pero mabilis na nahuli ng lalaki ang kamay nito.

“Sige, subukan mo kong saktan marunong ako ng taekwondo! Gigilingin kita!”

“Napaka-bayolente mo talaga.”

Namumutla si Sungmin na tumingin kung saan nanggaling ang pamilyar na boses.

Itinaas ng lalaki ang dalawang kamay para sana tanggalin ang hoodie niya na inakala ni Sungmin ay sasaktan siya nito kaya agad siyang sinapak sa mukha.

“Ahhh!” Sa gulat ay napaupo sa kalsada ang lalaki, kasabay ng pagkatanggal ng hoodie nito sa ulo.

 

…And there he was.

 

“Ky—Kyuhyun?!”

 

Nanlaki ang mga mata ni Sungmin, bumibilis ang tibok ng puso dahil sa magkahalong gulat at pagtataka. Lalo pa siyang kinabahan nang makitang may tumutulo nang dugo mula sa ilong ng binata.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayarajoy #1
Chapter 11: Authoooor nasaan ka na? T^T
Anyare na kela bookyu at ming?
ladyrapunzel08 #2
Chapter 1: where are u na po?
chunrren10 #3
Chapter 13: Huhu i need more of thisss!!;A;
imyourshupahgirl
#4
Chapter 2: Chapter 2 pa lang ako pero namamatay na ako sa katatawa pucha naman kasi yung pimple ni Cho sa baba ano ba XD
mydelusionalworld
#5
Chapter 13: cge cho pagpatuloy mo yan. ikaka inlove mo yan kay bansot. :) :)
youremyseoul
#6
Chapter 13: grabe kabitin peroo shemmsss anong mga plano ni bookyu XD im so exciteddd naa~ salamat sa update otornimm ♥
HyukkieMyHubby
#7
Chapter 13: Gahd otornim
Cliffhanger...gusto ko malaman plano ni Cho xD pero sana kung tuloy tlga plano ma realize ni Min na kahit papaano may nararamdaman sya kay panget xD
teddybearry
#8
Chapter 13: Shet. Cliff hanger. Shet. Shet. Shet. Napakahaliparot na cho! Yes cho. Dalawa sila ng ama niyang haliparot! Jeske otor. Hahahahahhahahahaha
kyuminsauce
#9
Chapter 13: hahahaha buset ang dami mong alam cho parevision revision pa sana yung revision lelz
HeeApprentice
#10
Chapter 13: Bothered ako dito. Bat sa lahat ng pwedeng role, RING BEARER pa ang gusto ng papa niya XD HAHAHAHAHAHA huhu, kala ko talaga dati close sila ng papa niya :3
Mabubuhay nanaman ang BooKyu emegeeeeehd aaxhkfljg