Mga Bulong ni Bansot

Humanap Ka ng Panget

“Ui, Min, marami pa namang ibang pangit diyan...” Hinimas-himas ni Eunhyuk ang likod ng kaibigan at tsaka umupo sa harap nito, katabi si Donghae sa kanan na tumango sa sinabi ni boyfriend.

 

“Noong humingi ka sakin ng payo kung paano ba mag-aya ng date, oo sinabi kong magpakatotoo ka lang. Pero hindi ko naman aakalaing sobrang katotohanan ang sinabi mo sa kaniya.” Sambit ni Ryeowook at tsaka tumabi kay Sungmin.

Si Ryeowook ang pinakabata sa kanilang magkakaibigan at siya lang din ang irregular. Kakatransfer niya lang kasi mula sa ibang school kaya ayun.

But anyway, tatlo silang nakatitig sa nanlulumo na si Sungmin dahil tangina, sino bang hindi manlulumo? Si Lee Sungmin, ang taong habulin, hindi makuha ang kaisa-isang pangit na niyaya niya? Ilang sandali pa’y umasim na naman ang mukha niya nang maalala ang sinabi ng panget.

 

“…are you free this Friday night?”

 

“Shhh!!” Saway ng Librarian sa kanilang dalawa pero hindi ito inintindi ni Sungmin. Tinignan niyang maigi ang reaksyon ni Cho nung malaglag ang librong hawak nito pero… blanko lang mga mata nito sa likod ng naglalakihang eye-glasses niya.

 

“Cho? Ang sabi ko—“

 

“I heard you the first time.” Nagbuntonghininga ang binata, tinignan siya mula ulo hanggang paa, at tsaka ngumisi. “Ahh… so you’re Lee Sungmin.”

 

‘Whew. Kilala na niya ko. At least hindi ko na kailangang magpakilala pa. Less hassle.’ Nangingiti pang sabi ni Sungmin sa sarili pero ang ngiting yun ay nawala nang marinig ang sumunod na salita ng kausap.

 

“…yung stalker ko.”

 

“S—stalk—ano?!”

 

“Sssshhh!!” Saway ulit ng Librarian na hindi na naman pinansin ng dalawa dahil abala sila sa pagsukatan ng tingin.

 

Tumango si Kyuhyun. “Di’ba isang linggo ka nang nagtatanong tungkol sakin? Kumalat sa buong campus na stalker kita dahil sa mga pinaggagawa mo, you didn’t know?” Ang mahangin nitong sabi habang ngumingisi.

 

‘Hindi ka lang pala panget… mahangin ka pa.’ Bulong nito sa sarili.

 

“Hoy, Bansot. Kung mahangin man ako, wala ka na dun.” Kyuhyun crossed his arms against chest and glared at Sungmin who widened his eyes.

 

‘Ang sabi ni Eunhyuk matalino to, marunong din pala siya ng telepathy?’

 

Nagbuntong hininga si Kyuhyun. “Panget lang ako pero hindi ako bingi. Ang lakas mong bumulong, Bansot.”

 

“Shhhh!!!”

 

Tinaasan ni Sungmin ng kilay ang taong mas matangkad pa sa kaniya nung tumayo kaya naman kinailangan niyang tingalain ito. “BANSOT?! SINONG TINATAWAG MONG—“

 

“OKAY. THAT’S IT. BOTH OF YOU, OUT!”

 

At yun nga ang ginawa ng dalawa. Naglalakad sila palabas habang masama pa rin ang tingin ni Kyuhyun kay Sungmin.

 

“Kita mo na? Dinamay mo pa ko sa kalokohan mo.”

 

Sungmin cringed sa tonong ginamit ng lalaki. Hindi pa niya lubusang kilala itong Cho na to pero halatang ito ang nakakatakot na side niya.

Nauna nang naglakad si Kyuhyun sa kaniya at sa gulat niya, huminto ito sandali at tinignan uli siya mula ulo hanggang paa. Yung feeling tuloy ni Sungmin, parang nasa ROTC pa siya sa sobrang lisik ng mata ni Kyuhyun na parang ROTC Officer. Feeling niya pagagapangin na siya nito sa field habang suot suot ang katakot-takot sa init na ROTC uniform, sheeetttt! Been there, done that. Never again. Narinig niyang nagbuntonghininga ang binata at tinignan niya ito. Okay. Mukhang kalmado na siya. Medyo maaliwalas na ang mukha niya.

 

“Listen, Lee. Please lang, kung marunong kang umintindi, ibang tao na lang ang pagtuunan mo ng pansin at wag na ako. Sa ikatatahimik ng buhay nating dalawa, let’s stay away from each other and pretend that nothing happened a while ago.” Kyuhyun looked at Sungmin with pleading eyes before turning around and walking away, malamang maghanap ng tahimik na lugar. Yung walang istorbo.

 

Malinaw sa kaniya ang lahat. Kaya nga pagkatapos noon ay hindi na siya nagpakita pa kay Cho. Hindi pa nga niya naitatanong sa lalaki kung pwedeng maging sila, nabasted na agad siya. Ouch. And to think na ganoong itsura ang nambasted sa kaniya… double ouch.

 

But no worries. Hahanap na lang ulit siya. Sabi nga ni Eunhyuk kanina, marami pa namang ibang panget diyan.

 

Pero bakit sa twing maghahanap siya ng kasing panget o mas panget pa sa kaniya… ang mga mata ng lalaking yun ang naalala niya? Kumunot ang noo niya. Ang weird lang din. Mula nung huli silang nagkausap—which was three days ago, palagi na niyang iniikot ang pangingin kung nasa paligid lang si Cho. Hindi kaya…

 

ARGHHHH!

 

Hindi. Natatakot lang siya na baka magkita nga sila. Tinutupad lang niya ang hiling ng antipatikong panget na yun. Hangga’t maaari, ayaw niyang magkasalubong ang landas nilang dalawa.

 

“Okay, dismiss.”

 

“Huh?” Tumingin si Sungmin sa kanan at nakitang tinitignan siya ni Eunhyuk ng nakakaloko.

 

“Tapos na klase?” Tanong ni Sungmin sa kaibigan na siya namang ikinalaki ng ngiti ni Eunhyuk at umiling.

 

“Tulala ka ah… may iniisip?”

 

Oh no. Hindi kaya… hindi kaya malakas na naman ang mga bulong niya? Hindi kaya narinig ni Eunhyuk ang mga iniisip niya?

 

“Malamang yung panget.” Hula ni Ryeowook at tsaka tumawa si Donghae at si Eunhyuk.

 

“Saan naman galing yun?! Yung panget agad? Hindi pwedeng ibang bagay? Hindi pwedeng yung ex?”

 

“Pag si ex, malungkot, pero pag si panget ang iniisip, nakabusangot. Umamin ka nga, Min. Tinamaan ka no?” Tanong ni Donghae habang nilalapit ang mukha sa kaibigan.

 

“'xcuse me?! Baka kayo tamaan ko diyan! Tigilan niyo nga ako.” Asar na tumayo si Sungmin at tsaka dire-diretsong naglakad palabas ng pintuan at hindi nakitang may papasok din sa pinto na yun.

 

'! Ang bango!' Una niyang naisip instead na magpanic dahil muntikan nang tumalbog sa sahig ang pwet niya kung hindi lang siya nasalo ng nakabangga.

 

Tangina ang cliché! Pero okay lang. Mabango naman siya eh.

 

Tiningala niya ang ulo para tignan ang nakasalo sa kaniya at makapagpasalamat pero napasinghal na lang siya at naitulak papalayo ang lalaki na natumba sa labas ng classroom.

 

ang laki ng pimple!

 

ang laki ng pimple!

 

ang laki ng pimple!

 

 

Paulit ulit niyang sinabi sa sarili at nang matauhan ay akmang tutulungan na niya sana ang lalaki but his hand was slapped away.

 

Yung mga matang yun, nanlilisik na naman habang tinitignan siya.

 

“I… I’m…” Tinaas ni Cho ang kamay pagkatayo niya, preventing Sungmin from speaking any further.

 

“Just get out of my way, please.” Sabi nito at tsaka naman gumilid si Sungmin para makadaan ang nagligtas sa kaniya mula sa bingit ng kapahamakan. Hindi man lang siya nakapagpasalamat. Tinulak pa niya. Pero nagulat lang naman kasi siya sa laki ng pimple ni Kyuhyun sa baba eh. Huhuhu may naninirahan na ba dun?

 

Nakalabas na siya sa hallway nang magsisunuran ang mga kaibigan na kanina pa nanonood sa eksena nilang dalawa.

 

“Putragis yung moment niyo Min, lakas maka-Wattpad.” Comment ni Eunhyuk. Gusto ni Sungmin umiyak puta.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayarajoy #1
Chapter 11: Authoooor nasaan ka na? T^T
Anyare na kela bookyu at ming?
ladyrapunzel08 #2
Chapter 1: where are u na po?
chunrren10 #3
Chapter 13: Huhu i need more of thisss!!;A;
imyourshupahgirl
#4
Chapter 2: Chapter 2 pa lang ako pero namamatay na ako sa katatawa pucha naman kasi yung pimple ni Cho sa baba ano ba XD
mydelusionalworld
#5
Chapter 13: cge cho pagpatuloy mo yan. ikaka inlove mo yan kay bansot. :) :)
youremyseoul
#6
Chapter 13: grabe kabitin peroo shemmsss anong mga plano ni bookyu XD im so exciteddd naa~ salamat sa update otornimm ♥
HyukkieMyHubby
#7
Chapter 13: Gahd otornim
Cliffhanger...gusto ko malaman plano ni Cho xD pero sana kung tuloy tlga plano ma realize ni Min na kahit papaano may nararamdaman sya kay panget xD
teddybearry
#8
Chapter 13: Shet. Cliff hanger. Shet. Shet. Shet. Napakahaliparot na cho! Yes cho. Dalawa sila ng ama niyang haliparot! Jeske otor. Hahahahahhahahahaha
kyuminsauce
#9
Chapter 13: hahahaha buset ang dami mong alam cho parevision revision pa sana yung revision lelz
HeeApprentice
#10
Chapter 13: Bothered ako dito. Bat sa lahat ng pwedeng role, RING BEARER pa ang gusto ng papa niya XD HAHAHAHAHAHA huhu, kala ko talaga dati close sila ng papa niya :3
Mabubuhay nanaman ang BooKyu emegeeeeehd aaxhkfljg