Diary Entries

Tease

Kabanata 9                                                      

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 


Diary Entries

February 15 | Wednesday

Homeroom. Naka-PE kaming magkakaklase para daw makapaglaro. Nagbasketball yung mga boys sa covered court kaming mga girls nanuod lang. Nung na kay Nicky na yung bola dun lang kami nanuod TALAGA ni Pau, three points shot yung ginawa nya pumalakpak si Pau ako rin sana papalakpak kaso tumingin bigla si Josh sakin tapos nag thumbs-up sabay sabi,

"Ang galing magbasketball ni Nicky noh?"

Nginitian ko nalang sya, sanay narin kasi ako. Nagtanggalan ng t-shirt yung mga boys kaya naasar si Nadine kasi bigla syang nagcomment.

"Ang laki ng s ni Gabriel."

HAHAHAHA. Natawag tuloy na ert tumitingin kasi sa s. Naboringan na kami sa laro ng boys, namukha na kasing strip show yug iba. nakaSando yung iba nakatopless. Naglaro kami nila Suzy ng Ice-ice water, alam nyo yun? parang habulan pero pagna-tap ka nung taya kailangan nakaFreeze ka lang. Nagsisitili kami dun sa may cafeteria, takbo dito. takbo doon.
Nung bumalik na sa room mga 75% ng tao dun basa sa pawis, mukha kaming mga basang sisiw. Si Nicky umupo sa may likuran katapat kasi ng upuan nya yung AC baka matuyuan ng pawis. Nangasar nanaman si Josh, inulit nya yung sinabi nya sakin kanina narinig sya ni Matt,

"Payag ka nun Sophie? Ginag^go ka nyan oh."

Pinalo ko ng malakas si Josh tapos lumapit ako kanila Pau nagpapalamig kasi sila sa tapat ng AC, akala ko nakalayo na'ko sa pangaasar eh biglang may tumawag sakin...

"Sophie! Sophie!" Tumingin ako kay Ivan tapos nagtaas ng kilay, "Bakit?" sabi ko.

"Ang galing magbasketball ni Nicky noh?" Paulit-ulit. Oo na. Oo na. Sya na magaling. HIM ALREADY. Dinedma ko sya tapos nagpaypay ulit.

"Uy! Sophie joke lang yun ah!" Hindi ko sya pinansin kasi naguusap kami nila Pau. "OY! SOPHIE! SOPHIEEEEE!" Hay nako. Ang ingay. "Oo na. oo na." tapos nginitian ko sya.

Tinignan ko si Nicky, dedma lang sya nakatulala parang ang lalim ng iniisip. Siguro si Tam iniisip nun, o kaya si Hilary. Hindi na ako nagAssume na ako iniisip nun, alam ko namang hindi eh.

Yung moment na lahat ng kaklase nyo boto sainyong dalawa, pero yung mismong taong pinapartner sayo hindi.

February 27 | Monday

Morning Assembly. Pinilit kong hindi sya tignan buong assembly, ang hirap kaya. ㅠ_ㅠ

After 2 hours, recess na namin nung section na namin yung lalabas ng Assembly Hall hinanap ko sya, huminto yun tingin ko sa isang lugar nakaharang yung ulo nila Ivan, nung umabante si Ivan nakita ko siya nakatingin.

Nagtama yung mata namin ng ilang segundo, pero yung ilang segundong yun, naging dahilan kung bakit ako nakangiti buong araw.

Nakarinig nanaman ako ng kanta sa isip ko,
"Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito, sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso, sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay, sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako"

Palagi ko nalang nariinig sa isip ko tong kantang to. IdaDownload ko na nga lang para masaya.

February 28 | Tuesday

Nangalkal ako sa fb, tinignan ko yung profile nya ngpost sya ng video...

Sa isang sulyap mo 143 (Official Video)

"Yan nanamang kantang yan, paulit-ulit" sabi ko pa sa sarili ko. Naalala ko bigla kahapon, YIEEEEE. HAHAHA. :")

Ang saya lang magfeeling na sakin nya dinededicate yung kanta, na para sakin yung lyrics. "Sa isang sulyap mo, napaibig ako.♥"

Ay. Oo nga pala, pwede rin naman sila magkatinginan ni Hilary. Wag na nga lang magAssume. Lechugas na buhay.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
Kkam-Orange
#2
what the? sila pa dn ni nicky at hilary? ang pogi nya ah. leche. XD update soon~~
ChoKyu
#3
natuwa naman ako sa last diary entry. kaso, panira ung huling sentence. :'< NICKPHIE FTW! :D update soon.
sarahflyy
#4
Thank you~ =))) Mamaya siguro magaUpdate nako. =)))))
ryeong09 #5
Waaaaaaa~~~ I LOVE YOU NA!!!!!! ANG GANDA!!!! sna magupdate k n ulet~~~ =))))))
sarahflyy
#6
Wala ngang pumansin sa wattpad eh. -_- THANK KYU SA COMMENT MO! =))) >:D<
ChoKyu
#7
hi! :3 ang ganda ng kwento, sayang under-rated to. :) payo lang, try mong ipost to sa wattpad, tatangkilikin to, promise. :) pero sana ipagpatuloy mo pa din to. ang ganda kasi~~ un lang, update soon~ \*o*/