Flashback; at least a month ago

Tease

Kabanata 25                                                      

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

 

 

BINAGO KO YUNG WRITING TECHNIQUE KO. YUN LANG. HAHAHA. SOBRANG LATE. >.<

 
"Bail!!! May nagaantay sayo sa labas!" Dali-dali akong bumaba ng hagdan, kinuha ko yung sapatos ko saka ako umupo sa may sala para magsapatos.
 
"Bail." tumingin ako kay mama, busy syang sumisilip sa labas kaya nagpatuloy ako sa pagsusuot ng sapatos.
 
"Yung kasama ni Angel sa labas.." tumingala ako sakanya tapos nagtaas ng kilay, "sya ba yung Melvin?" medyo naging bitter yung expression ko sa mukha kaya yumuko ulit ako tapos medyo umiling.
 
 
"Ma alis na'ko ah!" sumigaw lang sya ng Oo galing sa kwarto nila, lumabas ako ng bahay tsaka naglock ng gate.
 
"Sophieeeee~" tumalon-talon papunta si Angel sakin, yinakap nya ko kaya kumapit nalang ako sakanya.
 
"Hi Sof." tumingin ako sakanya, may dala-dala syang paper bag along with his homeless guy look. Ngumiti nalang ako sakanya tapos hinila ko si Angel papasok ng kotse.
 
 
Pumunta kami sa mall, pagkaakyat namin sa second floor humiwalay samin si Nicky kami nalang daw maghanap ng makakainan, umakyat pa kami ni Angel ng isang floor papunta sa food court.
 
Huminto kami sa may korean store tapos dun nagorder, hindi ako fan ng spicy food pero dahil fan ako ng korean kahit maanghang yung pagkain nila naadik na rin ako dito.
 
Kadahilanang kakatapos lang ng Christmas, marami kaming pera ni Angel ngayon, kami narin bumili ng pagkain ni Nicky. Dahil hindi namin alam kung ano gusto niya, dun nalang din namin siya binilhan ng pagkain.
 
 
30 minutes ang dumaan at patapos na kaming kumain ni Angel, napahinto ako ng may nakita akong lalaki na huminto sa likuran ni Angel. Maikli yung buhok niya, nakajacket na plaid na blue tsaka black, nakaSkinny jeans tapos nakaearphone na puti.
 
Inabot sakin ni Seth yung ballpen kong HBW nginitian ko sya tapos nagThank you, nagbye silang dalawa ni Josh sakin tapos si Nicky umalis lang. "Pssh. Snob kala mo sinong gwapo." pabulong kong sabi, narinig ata ni Nicky kasi nag-snicker sya. Whatever! Nagmadali akong naglakad papunta kay Angel.
 
Ngumiti sakin yung lalaki tapos kumaway, ang familiar masyado nung ngiti nayun, miss na miss ko na yun. Umupo siya sa upuan katabi ni Angel, kumaway ulit sya kay Angel tapos tumingin sakin,
 
"Eto naman kasing si Nicky kala mo di kaibigan. To think na tinutulungan ko na nga syang ligawan si Sophie." Napatigil ako sa pagsulat tumingin ako sa pwesto nila James. Si Seth nakangiti sakin, si James naman tinataas-baba nya yung kilay nya sakin. Sinilip ko ulet si Nicky, itong kumag na'to ngumingisi-ngisi lang.Tch.
 
"Hi Sof!" ngumiti ulit sya sa'kin -that breathtaking smile- hindi ako umimik, masyado akong nagugulat sa nakikita ko.
 
"Oi Lhyle. Lagot ka kay Melvin." mga hirit nito ni James. tsk. Oo, si Lhyle ulit. Lahat ng bagay dinedepende nya sakin, nagmumukha akong babysitter. Si Melvin kilala nyo na yun. Si Nicky Melvin Perez, HAHAHAHAHA. parang pangGay no? Okay jk lang yun. Bakit kaya absent yun? Baka namatay na. Sana nga. LOL. jk ulit yun. 
 
Nawala yung ngiti sa mga mata niya, napalitan ng pagaalala, tumingin ako kay Angel ganun din yung ekspresyon sa mukha niya.. gusto kong ngumiti pero di ko magawa.
 
Tinitignan ko lang si Nicky pagkabalik ko sa room, tumatawa nanaman sya, inaasar kasi kay Tam. tch.
 
"Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik"
 
Ngumiti ako sakanila, pero medyo pilit.. mas lalong nag-alala sila Angel sakin, halos limang minuto na kasi ako hindi umiimik, pero di ko parin magawang magsalita...
 
Communion na, 2 lines. Bakit hindi pa sya pumipila? hayy. Tapos nakita ko sya bigla suminit sya dun sa kabilang pila, sya na yung nasa harap... sakto umalis yung nasa tapat ko... Yieee, para kaming ikakasal. Hahahaha. Yung moment na magkatabi kayo ng crush mo tapos may pari sa harap nyo, parehas kayong nakatingin sa altar... kaso bigla nya kinuha yung ostya. Ayun tapos na yung 'kasal kasalan' effect ko, wala man lang "you may kiss the bride kahit sa cheeks lang. Kinuha ko narin yung ostya sa palad ko tapos bumalik sa pwesto ko.
 
"Sof?" Kinaway-kaway nung lalaki yung kamay nya sa may mukha ko, pinikit-pikit ko ang mga mata ko.
 
"Aladin, alam mo namang bawal tayo." Napatingin kami ni Pau sa likod, si Tam tsaka si Nicky nagpapractice. Tumahimik yung buong room tapos pinanuod sila.
"Mahal na mahal kita Flerida, alam mo yan." Yung pagsabi ni Nicky nun, parang totoo, parang mahal na mahal nya talaga si Tam. Kinuha nya yung dalawang kamay ni Tam tapos pinisil nya parehas, inult nya uli yung sinabi nya... Mahal na mahal kita.
"NICE NICK!" Sumigaw yung isa nyang kaibigan tapos ngumiti sya. Napangiti rin si Tam, wala lang kay Tam yun... pero kay Nicky parang issue sakanya yun. Nagblush pa nga sya eh.
 
Pumikit ako ng matagal, may naramdaman akong tumulo sa may pisngi ko. "Sof okay ka lang?" Pagkadilat ko nakita kong nilalapit nung lalaki yung kamay nya sa may pisngi ko,
 
Yinakap ko si Krisha for the last time, tapos bumulong ako... "hindi nya ako kinausap buong school year. hayy."
Tinanggal nya yung hug nya sakin tapos nagsalita, "Edi mauna kang makipagusap, malay mo nahihiya lang." Tumingin ako sakanya tapos ngumiti, binalik nya yung ngiti tapos tinulak ako sa pwesto ko kung nasaan nakatayo si Nicky. Kaming dalawa lang yun naduon, nakatayo ako sa harap ng upuan ko tapos siya nakatayo sa likod ng upuan ko. Huminga ako ng malalim tapos binuka ko yung bibig ko,
 
"N-nick...." Hindi ko pa nga natatapos sabihin yung pangalan nya umalis na kagad sya sa pwesto ko, naglakad sya papunta kanila Patrick.
 
".... I love you."
 
Konting urong nalang nya ng daliri nya mahahawakan na nya yung mukha ko, napailing ako tapos sumandal, napansin niya siguro na naiilang ako kaya nilayo niya ulit yung kamay niya. "Sof okay ka lang?" sabay silang nagtanong ni Angel, tumingin ako kay Angel tapos ngumiti, tumango ako tapos tinuro yung Kimchi soup sa may harapan ko, "Ang anghang kasi eh." tumawa si Angel pero yung lalaki mahahalata mong nagaalala parin, nilayo ni Angel yung soup bowl sa tapat ko, "wag ka ng kakain pinagaalala mo kami ni Ni-Melvin eh." ngumiti ako sakanya tapos tumango.
 
"Dali tara na." Tumayo si Nicky tapos tumuro sa kisame, tinaasan ko siya ng kilay kaya nagsalita ulit sya. "Dahil okay ka na, tara nuod na tayo sa sine." ngumiti sya parang proud na proud sa prinopose nyang idea, hindi siya usually ganito kaEnergetic o talagang naninibago lang ako kasi naalala ko na kung pano talaga siya dati. "Umupo ka nga." medyo nagpout sya Aysus. daming alam nagppacute pa. "Bakit?" Aynako, ang tigas ng ulo di nalang sumunod. "Kumain ka muna, tsk." Umupo sya tapos ngumiti, "Yieee. nagaalala si Sof sakin" Medyo nagscrunch yung mukha ko dahil sa sinabi niya, until now he can still read me perfectly. "Tch. Feeling nito, ako kasi nagbayad dyan sa pagkain mo, sinasayang mo pera ko eh." Ngumiti nalang sya tapos umupo, nakatingin lang ako sakanya bawat nguya, bawat subo niya. Ang creepy alam ko pero namiss ko kasi yung nakikita sya tapos ganito yung ayos niya, ganito kasi yung mukha niya nung nainlove ako sakanya---No, hindi yung mukhang patay gutom. Ganito yung buhok niya nun, yung ngiti nya, yung damit nya, kuhang-kuha nga niya pati yunh earphone eh.
 
Yan yung suot-suot niya nung birthday ni Mama, yung araw na nalaman ng buong pamilya ko na kami na ni 'Melvin'
 
 
"Isang gabi po kasi piniem ako ni Sof sa facebook...". . Don't tell me sasabihin nya? FML. tinakpan ko yung dalawang kong mata. fcker naiiyak ako.
"... sinabi nya sakin may crush daw sya sakin. Tapos naisip ko, bakit di nalang siya? inaasar din naman kami sa room nun.. hanggang araw-araw tinitignan ko siya, hiyang-hiya naman akong kausapin sya..." Napatingin ako kay Nick, whuuut? Aah, gets ko trip nito.. gagawa ng kwento. Ngumiti ako sakanya, tapos ngumiti rin sya.
"... kaya ang pinagawa ko ng moves yung mga kaibigan ko, lagi nilang tinatanong si Sof "pano kung ligawan ka ni Nicky?" pero sabi nila hindi daw sumasagot si Sof..." napatawa ako sa sinabi nya, naalala ko pa yun... yung isang buong linggo nila akong ginugulo dahil dun. Nakakatuwa yung pagkwento ni Nick, parang totoo parang merong spark.
"...umpisa second quarter inasar na kami, umpisa rin po nun tinitignan tignan ko na sya... hanggang ayun po, haha. gets nyo na po yun. kaso hindi ko po siya niligawan, di ko po kasi alam kung pano." ang soft soft ng ngiti ni Nick, alam nyo yung nagfflutter yung heart ko. Nakakatuwa kasi, parang may feelings sya sakin. Assumera talaga ako, grabe.
 
Naubo-ubo ako kaya napahawak ako sa may leeg ko, takteng laway, pinalo-palo ko yung dibdib ko tapos umubo ulit. Napatingin silang dalawa sakin, nagaalala nanaman sila. "Sorry. Nasamid ako sa laway ko." Maluha-luha kong sinabi. "Aish, Sophie anubayan." Inabot ni Angel yung inumin nya sakin, ubos na kasi yung strawberry milk ko.
 
Nagmadaling kumain si Nicky tapos tumayo, "Tara na kasi. Malas ata dito eh, kanina pa nagaganyan si Sof eh, Tara na dali, busog na'ko. Promise" tapos tinaas pa niya yung right hand niya na parang nagPapanatang Makabayan.
 
 
 
Naglakad-lakad muna kami pagkabili namin ng movie ticket, hindi ko alam kung ano yung papanuorin namin si Nicky kasi yung bumili.
 
Huminto kami sa may Candy Corner nagccrave nanaman kasi ako sa cotton candy, mabilis ako magkakaDiabetes kung ganito ako palagi. May familiar na babae na lumapit samin, ako palang nakapansin sakanya kaya nagkunwari akong busy sa pakikipag-usap kay Ateng Seller.
 
"H-hilary?" Narinig kong nautal si Nicky medyo malayo saakin. Napatingin din si Angel na nasa tabi ko, nagpaalam siya sakin na may itatanong lang sya kay Melvin pero alam ko naman na pipilitin lang nila umalis si Hilary para wala akong maalala. pssh.
 
"Hi Angel." medyo narinig ko si Angel na nag-hum ng okay. Sumilip ako sakanila, naaninag ko yung nagaalalang mukha ni Nicky, tumingin si Hilary sakanya tapos nagsmirk.
 
"Hi Nicky" bati sakanya ni Hilary na may pagkabitter at parang ngfflirt. "Uhh. Sino yung kasama niyo?" naramdaman kong nakatingin si Hilary sakin kaya nakipagusap ulit ako kay Ateng Seller.
 
"Sino?" sabay na sagot ni Angel tsaka ni Nicky na parang kinakabahan.
 
"Ayun oh. Yung bumibili ng cotton candy sa Candy Corner." tatlong pares na ng mata yung nararamdaman kong nakatitig saakin, hindi ko yun pinansin tapos nagpatuloy sa pakikipagusap kay Ateng Seller.
 
"Pssst." nagkunwari akong walang naririnig habang sinisitsitan ako ni Hilary, "Si Sofie bayun?" narinig kong bumulong si Hilary.
 
Huminga ako ng malalim tapos umikot para tumingin sakanila, yung mukha ni Angel tsaka ni Nicky sobrang priceless parang ineexpect nila na magugulat ako.
 
"Hilary?!" gulat kong sinabi, sinilip ko ulit yung mukha nung dalawa, parang takot na takot.
 
"Hi Sofie!" ngumiti si Hilary sakin, kaya kumaway ako sakanya tapos naglakad palapit sakanilang tatlo. Huminto ako sa tapat nila tapos nagsalita ulit,
 
"Anong ginagawa mo dito?" tinaasan ko siya ng kilay, hindisiya sumagot kaya nagsalita ulit ako "Magisa ka lang ba? Gusto mo sumama ka samin? Bilhann ka nalang namin ni Nicky ng extrang movie ticket." tapos ngumiti ako sakanya.
 
Tumingin ako kay Angel tsaka kay Nicky, yung tingin nila sakin akala mo baliw ako. Wala naman silang magagawa eh may Amnesia ako diba? Kinuha ko yung kamay ni Hilary tapos hinila sya papunta sa tabi ni Angel, nginitian ko silang dalawa tapos tinulak si Nicky papunta sa bilihan ng ticket nung medyo nakalayo na kami kanila Angel bigla siyang nagsalita,
 
"Bakit mo pinasama si Hilary satin?" yung boses niya parang galit, alam kong nagagalit siya kasi nalaman niyang niloko lang pala siya ni Hilary. Masakit syempre, yung pagtinignan mo kaming dalawa parang ako talaga yung gusto niya pero once na ipakita mo sakanya yung babaeng dating kinakabaliwan niya asahan mong makakalimutan niya kaagad ako.
 
"Promise ako magbabayad." tapos tinaas ko yung right hand ko sa harapan niya.
 
"Kahit ako na magbayad. Pero hindi yun yung sinasabi ko.. Bakit mo siya pinasama?"
 
"Kaibigan naman natin si Hilary ah."
 
"Hindi ko parin gets eh. Tayong tatlo lang dapat nila Angel nageenjoy ngayon."
 
"Edi paalisin sabihin nalang natin wala na akong pera kaya hindi natin siya masasama." sumbat ko tapos umikot tsaka naglakad pabalik kanila Angel at Hilary.
 
Hinila ni Nicky yung braso ko tapos naglakad pabalik sa may bilihan ng ticket. "Hindi naman sa ganun, ang sinasabi ko lang.. Sana naisip mo na dapat araw natin tong tatlo ni Angel, alam mo na.. walang salin-kitkit."
 
Tinanggal ko yung hawak nya sa may pulso ko, "Masaya naman kasama si Hilary eh. Promise! Kabarkada namin yan." tapos ngumiti nalang ako sakanya.
 
 
 
 
Okay. Hindi na ako natutuwa. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Angel sa may likuran ni Nicky with matching nakakapit na Hilary. Okay lang naman sakin, since hindi na nga naman kami ni Nicky AND wala akong naaalala, the teases, confessions, reunions, even what happened here in the same mall sakanila ni Hilary. Patuloy lang kami sa paglalakad na apat, ilang oras pa kasi bago yung palabas na pinili ni Nicky.
 
Mga ilang beses ko rin nakita si Nicky na sumisilip saamin ni Angel pero biglang hinahatak ni Hilary yung braso niya pra nasakanya ulit yung atensyon. Yung mukha ni Nicky tuwing linilipat niya yung atensyon niya saming dalawa, parang nagsosorry kasi nga dapat araw naming tatlo to nila Angel. Kaso, biglang may linta nang nakakapit kay Nicky. Di ko naman inakala na ganito magiging aksyon ni Hilary since nung narinig ko sila nung isa nyang kabigan sa CR, niloloko lang daw niya si Nicky noon, kasinungalingan lang ba yun?
 
"Angel. Sofie. May paguusapan lang kami ni Nicky ah. Wait lang." Tumingin samin si Nicky na parang nanghihingi ng tulong, sumunod kami ni Angel sakanila mga 2 meters away. Huminto sila sa parang deserted part ng mall, sumilip si Hilary sa may labas kaya sinabi ko kay Angel na ako nalang yung susunod para hindi mahuli.
 
 
 
"Ano bang relasyon niyo ni Sofie ha? Bakit lagi nalang kayong magkasama?" Hindi ko makita yung nangyayari kasi pag lumapit pa ako ng kahit ilang tapak lang makikita na nila ako. Bakit ganun nalang yung way ng pagtanong ni Hilary kay Nicky? Sila parin ba? 
 
"W-wala. Kaibigan ko lang yun." NICKY MELVIN PEREZ NAUUTAL? Seryoso?! Kaibigan... hanggang ngayon kaibigan parin? lagi nalang ganun? Kailan ba magiiba tingin niya sakin?
 
"You better be just friends with her.. kasi once na nalaman kong may something sainyo, asahan mo..."
 
"Oo promise! Magkaibigan lang talaga kami ni Sof. magkaklase kasi kami last year kaya ganun.. alam mo na." tapos tumawa bigla si Nicky ng mahina.
 
"Dapat lang. You promised na ha.. pag yan di mo tinupad, I'm telling you.. magbbreak na tayo." Wait. What?! I thought... . Naglakad ako palabas ng parang hall, tinakpan ko yung bibig ko para hindi mahalata na umiiyak nanaman ako. Saktong-sakto pagkalabas ko nakita ako ni Angel na umiiyak, dire-diretso ako sa paglalakad tapos si Angel nasa may gilid ko sumusunod nalang.
 
"Huy Angel!" Narinig ko si Hilary na sumigaw. Nandyan kaya si Nicky? Bawal niya akong makitang umiiyak, mahahalata na niya ako. "Nasan si Nicky?" tanong ni Angel kay Hilary habang hinihimas yung likuran ko.
 
"Ah. nagCR muna.. Wait, ano nangyari kay Sofie?" naramdaman kong lumalapit si Hilary saakin kaya pinunasan ko yung mga luha ko. Kaso nahuli niya ako.
 
"Are you crying? Bakit?" Sinenyasan ko siya ng wait tapos nagkunwaring lumulunok para full effect. "May naipit na sili sa ngipin ko, ang anghang.." tapos patuloy ako sa pagiyak, "..ang sakit tuloy ng bibig ko, pati yung tiyan ko." Ang sakit sobra.. ang sakit na. Bumulong ako kay Angel na samahan akong umuwi, sabi ko ako nalang magbabayad nung ticket namin kay Nicky sa school. Pinunasan ko ulit yung pisngi ko tapos tumingin kay Hilary. "Hilary, Uwi na'ko, ang sakit na ng sikmura ko di ko pala talaga kumain ng maraming maanghang. Sorry. Pakisabi rin sakanya na babayaran ko siya dun sa movie ticket namin ni Angel, Sorry talaga." 
 
"Huy. Sof! Sof!" Kinakalabit ako ni Angel parang sinasabihan ako na tinatawag ako ni Nicky. Nagdahilan nalang ako na talagang masakit na yung sikmura ko kaya di ko na kayang gumalaw masyado.
 
Masakit na sobra, sa sobrang sakit nakakaasar na. Ganun lang ba talaga yung halaga ko sakanya? Kaibigan? Hanggang dun nalang talaga?  
 
Magkaibigan lang talaga kami ni Sof.  
 
Magkaibigan lang talaga kami. 
 
Magkaibigan lang talaga. 
 
Magkaibigan lang.
 
Magkaibigan.
 
Kaibigan.
 
 
Kahit nasa loob na ako ng kwarto ko hindi parin mawala sa isip ko yung pagkasabi ni Nicky nung anim na masasakit na salitang yun, Paulit-ulit nalang.. wala nang ibang salita na pumasok sa isip ko kundi yung anim na'yun. Nung bakasyon, second option ako.. Hanggang ngayon ba naman? hanggang ngayon kung kelan sure na ako na nandyan na yung 1% na request ko kay Lord.. Masakit.
 
Pagkatapos magkwento ni Nicky nung 'love story' namin bumulong sya kay ate Charm, nagcue ulit sila ate Mary kay Tito Alan, pinatugtog ni Tito Alan yung River flows in you, bakit biglang sobrang senti? 
Nung wala ng nagbubulungan huminga ng malalim si Nicky tapos tumingin sakin, naglock yung tingin namin sa isa't-isa, isang minuto narin siguro kami nakatulala parehas, unti-unting nagkangiti sa mukha nya kaya ngumiti narin ako. Huminga ulit sya ng malalim bago nagsalita, "Sof..." tinaasan ko sya ng kilay habang nakangiti parin, "..I love you."  

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
Kkam-Orange
#2
what the? sila pa dn ni nicky at hilary? ang pogi nya ah. leche. XD update soon~~
ChoKyu
#3
natuwa naman ako sa last diary entry. kaso, panira ung huling sentence. :'< NICKPHIE FTW! :D update soon.
sarahflyy
#4
Thank you~ =))) Mamaya siguro magaUpdate nako. =)))))
ryeong09 #5
Waaaaaaa~~~ I LOVE YOU NA!!!!!! ANG GANDA!!!! sna magupdate k n ulet~~~ =))))))
sarahflyy
#6
Wala ngang pumansin sa wattpad eh. -_- THANK KYU SA COMMENT MO! =))) >:D<
ChoKyu
#7
hi! :3 ang ganda ng kwento, sayang under-rated to. :) payo lang, try mong ipost to sa wattpad, tatangkilikin to, promise. :) pero sana ipagpatuloy mo pa din to. ang ganda kasi~~ un lang, update soon~ \*o*/