Erin

Tease

Kabanata 19                                                      

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 




First time magkakaron ng ibang POV. HAHA. =)))








Erin's POV


NagCR si Bailee, magte10 minutes na syang hindi bumabalik. Hindi muna kami nagorder ni Mama kaya hinanap namin si Bail. Nakita namin syang nakatayo, may tinitignan siya pero natatakpan niya. Naglakad yung tinitignan niya... Nicky?! Akala ko ba masama yung pakiramdam niya kaya hindi makakasama?

Sinundan ni Bail sila Nick tsaka yung isang girl na hindi ko kilala. Medyo lumapit kami ni Mama... hindi ko naririnig yung sinasabi nila Nicky. Kiniss ni Nicky yung girl sa lips, Sino ba tong babaeng to? Diba sila ng kapatid ko?!

Pagkaalis nung babae tumalikod na si Bailee tapos naglakad palayo.

"Sof!" Huminto sa paglakad si Bailee, lumapit si Nicky sakanya tapos nagsalita,

"Bakit ka nandito?"

"Bakit? Bawal na ba akong magMall dito ngayon?"

"Nakita mo ba yung nangyari?" May iba pa bang nangyari?! Sino nga ba yung babaeng kasama ni Nicky?

"Ang alin ba? Yung kasama mo sya tsaka sila Tita, Yung sinabi ni Hilary na sya yung kasama mo, Yung tinawag mo syang Babe, Yung hinug ka nya o yung kiniss mo siya? Kung lahat yun. Edi Oo." HILARY? SI HILARY TINGSON?! KAIBIGAN NI BAILEE YUN AH.

"Bakit ka ba nagagalit? Hindi na naman tayo ah."

"Alam ko. Sino ba nagsasabing galit ako?"

"Eh parang galit na galit kasi yung boses mo eh."

Hinawakan ni Bail yung kamay ni Nicky na nakahawak sakanya, "Ang pinakaayaw ko kasing tao yung sinungaling." tapos tinanggal ni Bail yung pagkakahawak ni Nick sa kamay niya. Naglakad ulit siya palayo.

Tumakbo si Nick palapit kay Bail tapos yinakap niya sa likod si bunso. "Nick bitawan mo ko. Hindi na tayo hindi mo kailangan gawin to." Hindi sya bumitaw. "Nick. Isa. Dalawa.--"

"Kahit umabot ka pa ng isang libo dyan hindi ako bibitaw."

"Putangina Nick bitawan mo ko o babaliin ko braso mo."

"Baliin mo na lahat, basta patawarin mo ko. Wala lang yung kay Hilary..."

"NICK ANO BA." tinanggal ni Bail yung braso ni Nick sa may bewang ni Bail. "Bakit mo ba ginagawa to? Ano ba talaga ako sayo? HA?!" pinagtitinginan na sila ng mga tao.

Hinila ni Nick si Bail tapos nagsorry sa mga tao. "Wag kang magsorry sakanila, ikaw nagumpisa nito dito. taapusin natin dito."

"Bakit ka ba kasi nagagalit ha?!" Nagalit na ata si Nicky.

"Hindi nga ako galit. Tangina naman oh." nagexplain nanaman si Nicky kung bakit daw nandun si Hilary.

"Hindi mo nga kailangan magexplain. Bakit ka ba nageexplain sakin... Nick naguguluhan na'ko." Napaupo si Bail sa lapag.

"Sof. tumayo ka dyan Sof."

"Sof sorry talaga. Sorry sof. sorry."

May binulong si Bail, hindi na namin narinig. Tumakbo si Bail palayo kay Nick parang nagulat pa sya na nandun kami pero ngumiti parin sya.. para siguro hindi magalala si Mama,

Nasaktan mo na ko Nick, wala ng magagawa yung Sorry mo. Bumulong si Bailee, hindi ko nalang pinansin. Tinignan ko si Nicky sa may likod, nakatayo lang sya tapos hawak-hawak yung panyo nya.


Pumunta kami sa isang resto, sabi kasi ni Bailee dun daw kami kumain. Pagkaupo namin tumayo sya tapos may pinuntahan, "Hi tita, kaibigan po ako ni Nick, nakita ko po siya kanina nakatayo lang." Ngumiti sakanya yung mommy ni Nicky, "Gusto ko lang po sanang ibilin sainyo.. baka po kasi nagaalala kayo eh." tapos bumalik na sya sa may table namin.

Pagkaupo ni Bail, dumating si Nicky sa table ng parents nya... may sinabi yung mommy nya tapos tinuro si Bailee, nagsmile din si Bailee dun sa mommy.. pagkatingin ni Nicky nawala kagad yung ngiti nya. Nagwait si Nicky sa mommy nya tapos pumunta sa may table namin,

"Sof. pwede ka bang makausap?" Ang tibay rin ng mukha nitong lalaking to noh. Tinignan ko si Bailee, tinitignan lang niya si Nicky... hindi sumasagot. Lumilipad ata utak nito eh,

"Sorry Nicky ah, pwede next time nalang." Nung bumalik si Mama umalis na kami, tinake-out nalang daw niya.

Nalakad papunta si Bailee sa parents ni Nicky tapos nagsmile, "Alis na po kami Tita." tapos dinaanan lang niya si Nicky.







3 weeks ng hindi kumikibo si Bailee. 3 weeks naring hindi kumakain. Sabi nya samin ni Mama wag nalang daw sanang sabihin sa iba na wala na sila ni Nicky, baka kung ano pa daw kasi gawin dun sa tao. Bakit ba kasi ang bait-bait ng kapatid ko dun sa lalaking yun eh.

"Asan na ba si Bailee? Tawagin mo nga at hindi na kumakain yun, nagkasakit lang yung boyfriend nya akala mo namatayan eh." Tumayo ako sa kinauupuan ko tapos umakyat. Hay nako Papa, kung alam mo lang kung ano yung pinagdaanan ng bunso mong anak. Hindi pa nga sila nagbbreak ni Nicky tapos nakita na nyang may ibang babaeng hinalikan yung lalaki.

"Bail? Bail!" kumatok-katok ako sa pintuan ng kwarto niya, hindi nya binubuksan. Narinig ko yung apak nya palapit sa pintuan,









BAM!

Nagmadali akong buksan yung pintuan. nakita ko si Bailee may hawak-hawak na notebook nakahalumpasay sa lapag...



















..May dugo. Tumakbo ako palapit sa ulo nya tapos nagsisigaw, "Ma! Pa! Kuya! Si Bailee!" tumingin-tingin ako sa kwarto nya, nakita ko yung isang pader may dugo... inuuntog nya siguro yung ulo nya dito araw-araw.

Pagkadating nila Mama tumawag kaagad sila ng ambulansya, binuhat nila si Bailee tapos naiwan yung notebook. Kinuha ko yung notebook nya tapos umupo sa kama at tumapat dun sa pader. Ang daming nakasulat or naengrave na sulat..

I love you Nick.

Nicky Melvin Perez

April 13 2012

Tapos puro pangalan na ni Nicky.. binuksan ko yung notebook ni Bail, diary nya pala 'to.










June 13, 2011|First day namin






Badtrip na badtrip ako kanina, pano hindi kami magkaklase ni bestfriend... ako lang babaeng tigaSection 4 dati, anubayun. unfair. Buong araw tuloy nakatingin lang ako sa pader. Aish~ Pero medyo natuwa naman ako... nakita ko kasi yung crush ko dati nung Grade 4... Si SETH DOMINIC ALVAREZ <3333 yieeee. HAHAHA. Matutulog na nga ako, para makita ko ulit si Seth bukas.

Sunod sunod yung mga sulat nya, puro tungkol kay Seth... hanggang dumating dun sa isang dateless na entry.


GAAAAAAH. NAAASAR TALAGA AKO. NAALALA MO YUNG SINABI KONG KAKLASE NAMIN NA SNOB, MAHANGIN, FEELING GWAPO AT PAEPAL SA MUNDO?! OO SI NICKY PEREZ. PANO BA NAMAN INAASAR SYA SAKIN... MGA LECHENG KAKLASE. ASAR NA ASAR TALAGA AKO SAKANILA, I JUST WANT TO RIP THEIR THROATS OFF. HOW DARE THEY PAIR ME UP WITH THAT.. THAT.. SHOW-OFF GUY.. AKALA MO SINONG GWAPO KUNG UMASTA. TCH. HINDI NALANG MAMATAY.


Natawa ako dun sa entry nayun, biruin mo galit na galit pala yung kapatid ko dun. Nagskip ako ng ilang pages, may isang page kasi na. medyo crunchy parang nabasa.


Hayy Diary, kung alam mo lang kung gano na'ko naguguluhan ngayon. Diba nga inaasar nila ako kay Nicky, ayun natamaan ata ako ni Kupido eh... Alam mo ba araw-araw ko ng tinitignan yung pwesto nya, tapos napapangiti narin ako tuwing ngumingiti sya. Hindi ko na alam kung anong nangyayari saakin, para akong napopossess... pwede ko ng palitan si Linda Blaire. Gabi-gabi iniiyakan ko na sya, minsan nga nagugulat nalang ako pinagdadasal ko na pala sya. Yung isang beses nakatayo lang ako sa cr tapos iniiyakan ko siya... ayoko kasing magkagusto sakanya eh. Ayokong mainlove, ayokong masaktan. huhuhu. Sorry Diary nababasa na kita, di ko kasi mapigilan yung luha ko eh. Alam mo yung feeling na pinapartner ka nila sa isang taong alam mong wala kang pagasa pero umaasa ka parin? ang hirap, sobrang hirap.


Ilang page din yung basa... gabi-gabi narin pala siyang umiiyak. Hinanap ko yung sa April 13, yun kasi yung araw na naging sila.


Hi Diary! Naaalala mo pa siguro si "strawberry Nick" HAHA. ANG KORNI TALAGA NG MGA KAKLASE KO. Diba sya nga, piniem ko kasi siya kaninang madaling-araw... tinanong ko siya kung pwede bang maging kami.. hanggang makalimutan lang niya si Hilary. Oo, si Hilary Tingson yung kaibigan ko. Pumayag naman siya, pumayag din siyang sumama sa dinner namin kasi birthday ni Mama ngayon... HAPPY BIRTHDAY MAMA. HAPPY BIRTHDAY MAMA. Binilhan nya ko ng Cotton Candy tapos hinawakan nya yung kamay ko inisway sway pa nga nya eh. Tinanong rin sya ni Mama kung pano daw naging kami akala ko talaga nun sasabihin na niya, pero nagmake-up sya ng kwento... kilig na kilig ako nun, yung pagkakakwento nya kasi parang meron talaga syang feelings para saakin... alam mo yun? Yung ang soft soft nung ngiti nya tapos ang ganda nung kinang ng mata nya. Basta. HAHA. INLOVE NANAMAN SAKANYA. Parang nung Feb 11 lang inamin kong mahal ko na sya, after 2 months kami na bigla. YIEEE. HAHAHA.


Ganun pala yun, ang gusto talaga ni Nicky si Hilary tapos nagsilbing panakip butas si Bail. Hay Bail bakit ba ang tanga mo?! Pinunta ko dun sa pinakabagong sinulat nya... May mga drop ng dugo yung page, hindi nya man lang ba napansin yun?


Hi Diary. Andito ulit ako, umiiyak pero may drops na ng dugo... umiiyak na siguro ako ng dugo... ay hindi, sa ulo ko pala yun... isang oras ko narin sigurong inuuntog yung ulo ko sa pader... Gusto ko kasi magkaAmnesia, yung parang kay Jun Pyo sa Bof tsaka kay Daoming Xi sa Meteor Garden or kay Apollo sa Amnesia Girl, yung isang tao lang makakalimutan mo.. Sana sya yung makalimutan ko. Gusto ko kasing malayo sa sakit eh. Dati lang sinabi ko, "Okay lang ba sayo maging Panakip Butas ka lang? Yung may kahati ka sa atensyon ng minamahal mo? Ang sakit pakinggan no? Pero pano kung sabihin ko sayo na saakin okay lang? Okay lang yung kahit kami, sya parin yung mahal nya? Yung magkatabi kami pero siya parin tinitignan nya? Tanga ba ako dahil mahal na mahal ko sya? Pero pano kung sa huli, mahalin nya rin ako? Pero pano kung ayaw ko na..." Akala ko kasi pag nawala na si Hilary sa puso nya pwede na kong makapasok, kaso... hindi pala nawala si Hilary, hindi ba sapat yung ginawa ko para sakanya? hindi ba ako sapat para sa puso niya? Si Hilary parin pala talaga yung tinitibok ng puso niya.. Pano ni Sof? si Baby Sof niya? Wala na? Ganun nalang yun? Hindi pa nga kami nagbbreak may bago kagad sya.. Isang beses ko palang nasabi sakanya na mahal ko siya, hindi dalawa pala. Pero nung pangalawa sinabi nya sakin puppy love lang daw yun. Wag na daw ako umasa, ako lang daw masasaktan sa huli. Pero pano kung okay lang sakin masaktan? Basta sa dulo siya yung makukuha ko? Tanga ba ako dahil mahal na mahal ko siya kahit nasaktan na niya ako? Wait lang.. kumakatok si Ate Erin...


Ang dami nya pa sigurong gusto sabihin kaso hinimatay na siya eh.. May malaking splat ng dugo sa may corner nung page... may natakpan na sulat..










Mahal parin kita Nicky.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
Kkam-Orange
#2
what the? sila pa dn ni nicky at hilary? ang pogi nya ah. leche. XD update soon~~
ChoKyu
#3
natuwa naman ako sa last diary entry. kaso, panira ung huling sentence. :'< NICKPHIE FTW! :D update soon.
sarahflyy
#4
Thank you~ =))) Mamaya siguro magaUpdate nako. =)))))
ryeong09 #5
Waaaaaaa~~~ I LOVE YOU NA!!!!!! ANG GANDA!!!! sna magupdate k n ulet~~~ =))))))
sarahflyy
#6
Wala ngang pumansin sa wattpad eh. -_- THANK KYU SA COMMENT MO! =))) >:D<
ChoKyu
#7
hi! :3 ang ganda ng kwento, sayang under-rated to. :) payo lang, try mong ipost to sa wattpad, tatangkilikin to, promise. :) pero sana ipagpatuloy mo pa din to. ang ganda kasi~~ un lang, update soon~ \*o*/