Official ba?

Tease

Kabanata 15                                                      

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 



April 13,2012|Friday

8 days na ang nakalipas nung umamin ako, ayun.. NGANGA parin ako. Di naman sa ineexpect kong bigla nalang syang magkakagusto sakin dahil sinabi ko yun.. pero itatry ko, just once.

 Nicky Perez                                 x 

   "uy nick."

   "?" 

  "bakit ayaw mong ligawan si hilary?"

    "mahal pa nya ex nya" 

   "ah."

  "natanong mo?"

  "wala lang..."

  "k."

 |                                                                        | 

eto na talaga.... ano ka ba Sofie, umamin ka na.. malay mo.. magkapagasa. hingang malalim. whooo.

 

   Nicky Perez                                   x  

  "nick."

  "oh?"

  "bawal bang maging tayo?"

  "..."

  "hanggang makalimutan mo lang sya." 

  "bahala ka."

  "=)))" 

  "k."

  "night."

  Nicky is currently offline.

 |                                                                        |

 

Yeees! ang lowlife ko no? Wala. Mahal ko eh, kahit Panakip Butas lang. Payagan na.



Oo na. Ang babaw ko na, parang ang easy easy kong tignan. Pero ang naisip ko kasi, wala akong patutunguhan kung puro lang ako antay ng miracle na magkakagusto din sya sakin. So habang kami, ay feel na feel eh noh?, gagawin ko lahat para magkagusto rin sya sakin. kahit 1% lang ako na bahala dun sa natitira.

Madaling araw kasi naging kami. Birthday ni mama ngayon, tinext ko siya kung okay lang ba sakanya kung sumama siya samin sa Seoul Garden -sa SM north lang yan XD-

Nagkita kami sa may skydome, ang gwapo nya parin talaga.. okay hindi ko maimagine na ako nagsabi nun, parang kailan lang nung tinatawag ko syang snob at feeling gwapo.

Nakaskinny jeans sya tapos nakajacket, HAHA di ko alam kung anong shirt ang suot nya nakazip kasi yug jacket nya eh. Yun parin yung jacket na suot suot niya, yungnlagi nyang gamit-gamit last year. Blue and black na plaid.

"Okay lang ba sayo 'to?" Hayy Sophie Bailee Cruz, tanong ng tanong.

"Okay lang." tumingin ako sakanya, gulat na gulat, tumingin din sya sakin tapos ngumiti. "Kailangan din 'to para makalimutan ko si Hilary." Oo nga pala. Napilitan lang siya.

Hinila nya yung kamay ko tapos nagmadaling maglakad, "Anong flavor gusto mo?"

"Ha? A-ano?" Di ko namalayang nakatayo pala kami sa may Cotton Candy na stand, masyado akong naStar-struck sakanya.

"S-strawberry nalang." Inabot sakin ni aten nagbebenta yung cotton candy na pink, ang kinuha nya sakanya bubblegum. Nung mauubos na yung akin inabot nya yung kanya,

"Oh. Hindi naman ako kumakain ng cotton candy eh."

"Eh bakit mo binili yan?" Hindi ko kinuha yung cotton candy, baka nagjjoke lang sya tapos sabihing patay gutom ako.

"Eh kasi alam kong.kulay blue paborito mo." kinuha nya yung kamay ko tapos pinahawak na sakin yung cotton candy nya.

Naninibago ako sakanya, masyado syang bumabait. Naglakad kami papuntang Seoul Garden, nung nakarating na kami nandun na sila mama nagaantay.

"Ma, si Nick... ano ko.." Nakatingin lang sila samin, biglang kinuha ni Nick yung kamay ko tapos inintertwine.

"Boyfriend nya po." ngumiti sya tapos tinaas yun kamay naming dalawa. WTH nick, bakit parang tuwang-tuwa ka pa. Kinikilig ako wag kang ganyan.

Ngumiti lang sila mama saming dalawa kahit si papa nginitian lang kami. Nakakagulat, parang wala lang.

Nakilala na sya nila Mama, pati nila Ate... ano na ang status naming dalawa?


Official na nga ba?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
Kkam-Orange
#2
what the? sila pa dn ni nicky at hilary? ang pogi nya ah. leche. XD update soon~~
ChoKyu
#3
natuwa naman ako sa last diary entry. kaso, panira ung huling sentence. :'< NICKPHIE FTW! :D update soon.
sarahflyy
#4
Thank you~ =))) Mamaya siguro magaUpdate nako. =)))))
ryeong09 #5
Waaaaaaa~~~ I LOVE YOU NA!!!!!! ANG GANDA!!!! sna magupdate k n ulet~~~ =))))))
sarahflyy
#6
Wala ngang pumansin sa wattpad eh. -_- THANK KYU SA COMMENT MO! =))) >:D<
ChoKyu
#7
hi! :3 ang ganda ng kwento, sayang under-rated to. :) payo lang, try mong ipost to sa wattpad, tatangkilikin to, promise. :) pero sana ipagpatuloy mo pa din to. ang ganda kasi~~ un lang, update soon~ \*o*/