Nicky Melvin Perez

Tease

Kabanata 23                                                      

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 




"So~ ang sinasabi mo sakin ay... may gusto ka kay Melvin?" naglalakad kami ni Angel sa may lounge, tinakpan ko yung bibig nya tapos nagnod.

"Sabi ko sayo gamitin mo yung code name eh. Ang ingay ingay nito." Tinanggal ni Angel yung kamay ko sa bibig nya tapos tinitigan ako ng masama,

"Seryoso ka talaga dyan sa sinasabi mo?" tumango lang ulit ako sakanya tapos naglakad ng mabilis, "hindi mo ba napapansin, SYA LANG KAYA BLUE EYES DITO SA NOTRE DAME HIGH.. Well, may isa pa and that's his little sister." tapos tinitigan nya ko with her as-a-matter-of-fact look.

Kagabi lang nakaisip ako ng code name para kay Melvin, which is blue. Hindi naman ganun kaobvious diba? umOo ka nalang please?! Pinagtatawanan parin ako ni Angel kasi sobrang obvious daw. Nagtutulakan kaming dalawa pero huminto kami nung nakita namin si "blue".. Inayos ko yung uniform ko tapos tinaas yung kamay ko para kawayan sya, "Hi Melvin.."

"Ano naman kaya problema nun?" nagshrug lang ako kay Angel tapos nagpatuloy sa paglalakad, "Baka masama lang yung pakiramdam" Naglakad lang ako ng naglakad, si Angel naman nasa likod ko sinusundan lang ako.

Ano kaya nangyari kay blue, hindi nya ako pinansin kanina.. parang wala ako dun sa hallway na pinaglalakaran nya, wala.. invisible. Parang kaluluwa, parang... Hindi, baka hindi nya lang talaga ako nakita.. nakayuko kasi siya, Oo ganun na nga.. Pero nagHi ako sakanya, Hindi.. Mahina lang talaga yung boses ko tapos madami pa syang iniisip kaya ganun..

"Weh?! Ginawa mo sakanya yun?!" napahinto ako sa paglalakad kasi narinig ko sila Hilary na nagtatawanan.

"Oo nga. Wala naman akong magagawa kung tanga-tanga si Nick at nagpauto sakin." »Hilary

"I heard may girlfriend sya that time?"

"Di ko alam eh.. pero whoever that girl is ang tanga nya at binoyfriend nya ang isang tangang kagaya ni Nicky Melvin Perez." »Hilary

Pumasok ako ng CR pagkarinig ko nung pangalan na sinabi ni Hilary, bakit parang lahat sila kilala kung sino yung Nicky-guy nayun?! Napahinto sila sa paguusap tapos tumingin sakin, huminga ng malalim si Hilary tapos tumingin sakin..

"Sus Bailee, akala ko kung sino na." tapos ngumiti sya sakin, nagHi ako sakanya tapos nagkunwaring nagsasalamin.

"Hilary, Sorry sa pagtanong ah.. pero sino si Nicky Melvin Perez?" tumingin sya sakin, nagsmile tapos shinake nya yung head nya.

"Don't tell me hindi mo kilala si Nicky?!" nagnod lang ako sakanya tapos nagsad face,





"Sya yung lalaking sunod ng sunod sayo recently lang." Napanga-nga ako sa sinabi nya, may itatanong pa sana ako sakanya pero biglang pumasok si Angel,

"Ahh. Sya pala yun, Thank you Hilary." Nagsmile ako tapos nagbye sakanya.


"Angel. Sino si Nicky?!" Parang nagulat pa siya pero tumingin sya sakin, poker face.

"Nicky?! Wala akong kilalang Nicky."

"Oh?! Bakit si Hilary parang kilala nya?"

"Baka kaibigan yun ni Hilary."

"Ah, Ok." parang nakahinga sya ng maluwag tapos ngumiti sakin,

"Bakit mo naman natanong yun?" nagshrug lang ako tapos naglakad.


Hindi ko rin sure kung sino si Nicky at sino si Melvin, walang akong memories nilang dalawa.. Kaya di ko sure kung sasabihin ko kung maniniwala ako kay Hilary, pero yung pagkwento nya kasi sa kaibigan nya about dun kay Nicky parang kilalang-kilala nya.. pero bakit naman magsisinungaling si Melvin saakin diba?!

Naguguluhan na'ko... Sino ka ba talaga Nicky Melvin Perez?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
Kkam-Orange
#2
what the? sila pa dn ni nicky at hilary? ang pogi nya ah. leche. XD update soon~~
ChoKyu
#3
natuwa naman ako sa last diary entry. kaso, panira ung huling sentence. :'< NICKPHIE FTW! :D update soon.
sarahflyy
#4
Thank you~ =))) Mamaya siguro magaUpdate nako. =)))))
ryeong09 #5
Waaaaaaa~~~ I LOVE YOU NA!!!!!! ANG GANDA!!!! sna magupdate k n ulet~~~ =))))))
sarahflyy
#6
Wala ngang pumansin sa wattpad eh. -_- THANK KYU SA COMMENT MO! =))) >:D<
ChoKyu
#7
hi! :3 ang ganda ng kwento, sayang under-rated to. :) payo lang, try mong ipost to sa wattpad, tatangkilikin to, promise. :) pero sana ipagpatuloy mo pa din to. ang ganda kasi~~ un lang, update soon~ \*o*/