Just an ordinary Tuesday

Tease

Kabanata 8                                                        

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 



February 14

Nauna akong pumasok, ang bagal kasi tumayo ni ate Erin kaya iniwan ko na sya. Naglakad na ko papuntang school, pagkadating ko 6:35 palang matagal pa yung bell. Nakita ko si Angel may dalang mga bulaklak, ibibigay daw nya kay Ma'am Laila yung isa naming paboritong teacher. Hindi ako nakabili para kay Ma'am Laila, si Ma'am Liz lang nadalhan ko pano na?

"Angel. Hindi ako nakabili ng regalo para kay Ma'am Laila. =((" Sabi ko pa naman dadalhan ko sya.

"Bili nalang tayo ng cupcakes kanila ate Erin yung nalang bigay mo, wala rin akong nabili para kay Ma'am Liz eh." Oo nga pala, project nga pala nila magbenta ng mga kung ano-ano para sa Valentines.

Nung umakyat na si Angel pumila na ako sa harap ng room namin, himala walang nangaasar. Baka nakalimutan na nila, bakit?! Okay. Ang desperate ng tunog ko.

Pagkaupo ko sa pwesto ko may naglagay ng note sa desk ko, ano nanaman trip nito ni Joshua? Binuksan ko yung papel -na pinilas nya sa Bio Notebook ko- Natuwa ako sa sinulat nya, pero di ko pinahalata..

Happy Valentines sainyo ni Nicky. YIEEEEEEEEEE!!!!

Tinago ko yung papel sa bag ko, baka magalit pa pag tinapon ko. Hindi joke lang ayaw ko lang talaga itapon. HAHAHAHA.

"Yieeee. Tinago nya." kiniliti pa 'ko ni Josh, tinitigan kosya ng masama tapos kinuha ulit yung papel.

"Edi itatapon." Naglakad ako papunta sa basurahan, syempre mabagal lang in case na pigilan nya ko.

"Joke lang. Eto naman hindi mabiro. Umupo ka na nga." Napangiti ako, balak ko pa naman itapon tapos hanapin nalang mamayang uwian. Joke lang hindi ako desperada.

Ang bilis ng araw, Lunch na kagad namin. Di kami sumabay ni Angel kanila Beth O.P kami dun... pano si Betina nagpapakabaliw kay John Michael, kay Jilliane naman may nangliligaw na first year si Michael. Ang cute no? parehas ng pangalan. Tapos kay Jasmine [Jazz for short ayaw nya ng Jasmine pangbabae daw. HAHA] may nagkakagusto din si Brett, nakalimutan ko yung pangalan nung isa eh. Tapos si Ellie, Marian tsaka si Yuri puro One Direction. HAHAHA. Fangirls eh. Kaya ang ending sumabay kami ni Angel kanila Brent kaibigan ni Hilary.

Bumili kami ni Angel ng mga cupcakes saka lollipop sa Peterfic sweets, yung pangalan ng tindahan ng Section 3. Binigay na namin kanila Ma'am Liz yung regalo namin, parehas pagkain yung napunta kay Ma'am Liz. HAHAHA. May extra akong white chocolate na lollipop, kakainin ko sana kaso ayaw ko sa white chocolate kaya tinago ko nalang sa bulsa ko.

Katabi ng table namin yung stall ng section 5, sayang. dapat si Renz yung pinagbantay nila. Song Dedication booth yung kanila kaya mabenta, tutal may barya pa kami ni Angel napagplanuhan naming magdedicate.

"Dedicate-an ko kaya si Nicky?" Kaso sinasabi nila yung pangalan, malalaman pag ganun.

"Daliii!" Hinila ako ni Angel, siraulo talaga 'to natuwa pa.

"Teka. May pera kadin eh, dedicate-an mo rin si Gelo." -evil smile-

"Joke lang. Eto naman. Kanila ate Erin nalang natin idedicate." Ayun, ang ending nagpadedicate kami ng SJ songs para kanila ate Erin. Pssh. Sayang.

Bakit ang bilis ng oras pagTuesday? HAHA bitter eh. bakit ba. Magiging sinungaling ako pag sinabi kong hindi ako umasa na mangyayari YUN. Syempre nagAssume ako, Valentines nga naman wag sayangin. Tinitignan ko lang si Nicky pagkabalik ko sa room, tumatawa nanaman sya, inaasar kasi kay Tam. tch.

"Minamasdan kita Nang hindi mo alam Pinapangarap kong ikaw ay akin Mapupulang labi At matinkad mong ngiti Umaabot hanggang sa langit Huwag ka lang titingin sa akin At baka matunaw ang puso kong sabik"


Nababaliw lang ba ako o pinapatugtog talaga yun? Saktong-sakto eh. Inasar nanaman sya, ngumiti nanaman sya. Pagsakin inaasar dedma lang? Pag sa iba,-ehem pag crush nya ehem- akala mo nanalo sa lotto. Hmph.

Tumulala nalang ako tapos inantay maguwian, nung advisory na nagayos na'ko ng gamit, kinapa-kapa ko yung bulsa ko, NAWAWALA YUNG HBW KO! HINAWAKAN NI SETH YUN. hinanap ko sa bag ko wala din, kinapa ko ulit bulsa ko may matigas, baka yun na yun... pagkahila ko...

*CHENEN*chocolate lollipop.


Ayy. BV. Pagkayuko ko, nakita ko yung HBW ko nakasipit sa blouse ko. puteeeeek. ang OA ko pa magreact nakasipit lang pala sa damit ko. BV talaga.

Nung bumalik na si Josh sa upuan nya kinalabit ko sya tapos inalok ng lollipop, pagkakagat nya dapat kakagat ulit sya bigla akong umepal---

"Sakanya dapat yan eh." tapos sumimangot ako para effective.

"NICK! NICKYYYYY! gusto mo ng chocolate? dali naaaaa~ masarap yan!!!" pilit nyang pinapakain si Nicky nung binili ko na inubos naman ni Nicky, nakakatuwa kapag kaibigan mo yung bestfriend ng crush mo. Kaso ako rin nabablack mail eh. Naaalala nyo yung note na pinagsulatan kong crush ko si Nicky? na kay Josh daw yun pag di ko daw sya tinulungan sa mga SW at HW ipaapakitadaw nya kanila James yun. May disadvantage din yung ginawa ko. Nakakaasar.

Nakikinig ako ng mga storya sa radyo nung may pinatugtog bigla...

"Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito, sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso, sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay, sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako"

Napangiti ulit ako, lahat nalang ng kanta tungkol sakanya, lahat nalang. EDI SYA NA. SYA NA.

"You know you're inlove when all the love songs makes sense." They all make sense. THEY ALL F^CKING DO.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
Kkam-Orange
#2
what the? sila pa dn ni nicky at hilary? ang pogi nya ah. leche. XD update soon~~
ChoKyu
#3
natuwa naman ako sa last diary entry. kaso, panira ung huling sentence. :'< NICKPHIE FTW! :D update soon.
sarahflyy
#4
Thank you~ =))) Mamaya siguro magaUpdate nako. =)))))
ryeong09 #5
Waaaaaaa~~~ I LOVE YOU NA!!!!!! ANG GANDA!!!! sna magupdate k n ulet~~~ =))))))
sarahflyy
#6
Wala ngang pumansin sa wattpad eh. -_- THANK KYU SA COMMENT MO! =))) >:D<
ChoKyu
#7
hi! :3 ang ganda ng kwento, sayang under-rated to. :) payo lang, try mong ipost to sa wattpad, tatangkilikin to, promise. :) pero sana ipagpatuloy mo pa din to. ang ganda kasi~~ un lang, update soon~ \*o*/