24 days left

Tease

Kabanata 11                                                      

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 



March 6|Tuesday

May mass pala yung section namen, dapat magvovolunteer akong tagaOperate nung mga lyrics eh. Yung tagalipat ng slides sa PowerPoint kaso naunahan ako ni Nicky, si Joshua kasi nagSakristan kaya magkatabi sila. tss. kala mo gay eh.

Magkatabi ulit kami ni Pau, lagi naman eh, Nagusap usap muna kami nila Nadine kasi wala pa naman si Father. Bawat 5 segundo siguro sumisilip ako sa right side ko, andun kasi si Nicky. Nagtatawanan sila nila Josh pero hindi ko masyado pinapansin sila Joshua...

"Gustong-gusto ko pag nakikita kitang nakangiti."

Nung nagstart na yung mass, hindi ako masyadong nakinig nagdadasal kasi ako kaso napakaselfish nung dasal ko...

Lord,

Alam mo ba tuwang-tuwa ako pag nakikita ko siyang nakangiti, yung tumatawa sya kahit malayo sakin, parang humihinto yung oras tapos sya lang ang nakikita ko parang natutunaw yung puso ko.

Pero may isa syang klase ng tawa na ayaw ko, Yung tawang ginagamit nya pag inaasar sya kay Tamia o kaya kay Hilary... Ang selfish Lord no?


Lord, bawal bang kahit isang araw lang, hindi... kahit isang oras nga lang eh. Lahat ng ngiti nya para sakin, lahat ng tawa nya dahil sakin?

Eto Lord cheesy na kung cheesy,


pero nung nagkagusto ako sakanya dun ko lang nalaman yung sagot ko sa tanong ng NESCAFE "Para kanino ka bumabangon?"

Kasi, ayaw na ayaw ko ng hindi pumapasok hindi ko kasi siya makikita. Gusto ko araw araw nasisilayan ko yung ngiti nya. Yung tipong simpleng prisensya lang nya okay na ako.

Communion na, 2 lines. Bakit hindi pa sya pumipila? hayy. Tapos nakita ko sya bigla suminit sya dun sa kabilang pila, sya na yung nasa harap... sakto umalis yung nasa tapat ko... Yieee, para kaming ikakasal. Hahahaha. Yung moment na magkatabi kayo ng crush mo tapos may pari sa harap nyo, parehas kayong nakatingin sa altar... kaso bigla nya kinuha yung ostya. Ayun tapos na yung 'kasal kasalan' effect ko, wala man lang "you may kiss the bride kahit sa cheeks lang. Kinuha ko narin yung ostya sa palad ko tapos bumalik sa pwesto ko.
Lord thank you dun ah. Sige na Lord, kahit isang araw lang. please?


"Uy para saan yang mga damit na dala nyo?" Naglalabasan kasi sila ng gamit nila, tapoa nagtutupi ng ma damit.

"Costume. May presentation tayo mamaya sa Music diba?" Nanlaki yung mata ko. OO NGA PALA. YUNG COSTUME KO!!! Panic Sophie, magPanic ka.

Tumakbo ko sa may Payphone tapos naglagay ng 5 piso, "Lecheng PLDT. dali. daliii." Hindi umilaw yung maliit na screen sa telepono. Okay patay ako.

Tumakbo ulit ako pabalik sa table namin sa lounge. kalma Sophie kumalma ka, itetext mo na lang yung mama mo. Oo yun na lang gagawin ko. WALA AKONG LOAD! TAKTENG BUHAY NAMAN OH.

"Sinong may load sainyo? Extra load. Hiram ako. Dali, Pleaseee~?" Inabot sakin ni Nina yung cellphone nya, nagmadali akong nagtype.
To: 0922*******

Ma. Yung costume ko naiwan ko sa kwarto. Padala mamayang afternoon break. Plain Black t-shirt, yung binili nating palda tapos black na rubber shoes. THANK YOU! =)))

Binalik ko kay Nina yung cellphone nya, ang kailangan ko nalang gawin antayin mag afternoon break.

"Okay lang ba 'to?" Lumabas ako ng cubicle tumingin sila sakin, tapos ngumiti.

"Si Sophie KPOP na KPOP talaga." sabi ni Diane sakin.

"Yiee. magugustuhan ka lalo ni Nicky nyan." pagkatapos sabihin ni Nina yun pumasok ulit ako sa cubicle ng pabiro "Wag na nga lang. Haha"

Nakamalaking black shirt ako, sabi ko kay mama plain eh ang binigay ba naman may babaeng chihi sa gitna. Tapos skirt na may pagkaballoon, 1 inch ang taas nya sa tuhod ko. tapos black shoes hindi sya rubber, basta mukha syang converse pero puro black tapos may mga zipper.

Pagkabalik namin sa room nakita ako ni Joshua, tinuro turo nya ko tapos tinabig-tabig nya si Nicky. Ayy nako kahit kailan.

Ang fail nung grupo namin nila Kaize, hindi namin alam kung ano yung lyrics tsaka kung ano yung gagawin. HAHAHA.

Okay. Nahihiya na'ko, naglalakad ako pauwi ng nakaMini skirt. Nakakahiya tinitignan nila ako. Huhuhu gusto ko ng umiyak ayaw ko pa naman ng center of attraction.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
Kkam-Orange
#2
what the? sila pa dn ni nicky at hilary? ang pogi nya ah. leche. XD update soon~~
ChoKyu
#3
natuwa naman ako sa last diary entry. kaso, panira ung huling sentence. :'< NICKPHIE FTW! :D update soon.
sarahflyy
#4
Thank you~ =))) Mamaya siguro magaUpdate nako. =)))))
ryeong09 #5
Waaaaaaa~~~ I LOVE YOU NA!!!!!! ANG GANDA!!!! sna magupdate k n ulet~~~ =))))))
sarahflyy
#6
Wala ngang pumansin sa wattpad eh. -_- THANK KYU SA COMMENT MO! =))) >:D<
ChoKyu
#7
hi! :3 ang ganda ng kwento, sayang under-rated to. :) payo lang, try mong ipost to sa wattpad, tatangkilikin to, promise. :) pero sana ipagpatuloy mo pa din to. ang ganda kasi~~ un lang, update soon~ \*o*/