Final Chapter na nga ba?

Tease

Kabanata 26                                                      

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

 

 

WAAAAAH. NAGULO YUNG TIME SA STORY. SORRY~ DI KO NALAGAY DAPAT FOURTH YEAR NA SILA. SORRYYYYY. KUNWARI NALANG FOURTH YEAR NA SILA PLEASEEEEE?
 

 

 

Simula nung second mall incident, iniwasan na ni Sofie sila Nicky and Hilary, pero hindi parin alam ni Nicky na naaalala na niya ang lahat. She successfully stayed away from him until that day,
 
"Angeeeeel~ Ano na kasi yung sagot sa #5?" kinalabit ko siya ng kinalabit pero hindi talaga siya nakikinig sa'kin. Tumingin siya sa'kin tapos tinaas yung notebook niya. "Hindi kita papakopyain hanggang di mo sinasabi sa'kin kung bakit mo nilalayuan si Melvin."
I rolled my eyes tapos tinalikuran ko siya, "Andali-dali lang ng Physics eh. Tingin mo kailangan ko yung mga sagot mo. Psh." tapos crinoss ko yung arms ko sa may chest ko tsaka bumulong "parang hindi kaibigan."
 
"Haynako Sofie Bailee Cruz. don't be such a baby. Araw-araw akong ginugulo nung tao for your information, kapag nagkakasalubong daw kayo or both of you are in the same hallway either bibilisan mo daw yung lakad mo o magiiba ka ng direksyon ng paglalakad. Seriously, anong nangyari?" She grabbed my arm and forced me to look at her, seryoso talaga sya.. you can even hear it in her voice, bago pa ako makasagot biglang may nagbato ng paper airplane galing sa may open field.

Being the curious girl, kinuha ko yung laruan I was about to throw it back when I saw the words "OPEN PLEASE" scribbled on one of its wings.

Bailee, Can you please stand up and look down? :)
 
After reading the note I stood up and that's when I saw him,
 
"Sof! will you be my prom date?" Nakaluhod si Melvin sa may field namin, Nakatingin lang ako sakanya. Nakatayo kami ni Angel sa may 2nd floor; Naguusap lang kami tungkol sa mga HW ng biglang sumigaw si Melvin.
 
Nakatingin lang ako sakanya, Ang tagal na nyang nakaluhod pero hindi nya pinapahalata. Ang daming nakapalibot na kulay blue sakanya, Halatang pinaghandaan.
 
Atleast 10 minutes have passed and he was still kneeling, chin up and facing me. Blue balloons and blue rose petals were scattered around him. Tumingin-tingin ako sa paligid, lahat sila huminto sa ginagawa nila tapos tinitignan kaming dalawa ni Melvin. Kung kagaya parin ako ng dati sana kinikilig na ako ngayon.. Pero hindi eh.
 
Pinunasan ko yung mata ko, hindi ko parin mapigilang maiyak... yumuko ako, "Sorry Nick"

 
"Sophie! HUY SOPHIE!!!" hinabol ako ni Angel... Dumire-diretso ako sa pagbaba ng hagdan,
 
"Sof." tumingin ako sa harap ko... nakita ko si Melvin may hawak paring blue na rose tapos hingal na hingal. Hinawakan nya yung braso ko tapos ngumiti, "Is it a yes or a no?" Napayuko ako then i shook my head, "Sorry.. no." Nabitawan nya yung braso ko, "B-bakit?!"
 
Tumingala ako tapos tinitigan ko sya ng masama, "Hanggang kailan mo ko gagawing second option?" Nanlaki mata nya tapos tumingin sa likod ko kung nasan si Angel.
 
"Wag mo syang tignan kasi di din nya alam. Sagutin mo ko. Hanggang kailan mo ko gagawing second option?! Ha Nicky?!"
 
"Dati pumayag ako kasi ako mismo may gusto tsaka akala ko pag nawala na si Hilary sa puso mo, may space na para sakin... pero hindi eh, kulang parin talaga yung pagmamahal ko para sayo."
 
Nakatingin lang sya sakin tapos nakanga-nga, "kelan mo pa naalala?"
 
"About a month ago."
 
"What?! Last month? Nung nagmall tayo nila Angel? WTH SOFIE, BAKIT HINDI MO SINABI SAKIN? DON'T YOU TRUST ME?" Tinaasan niya ako ng boses, usually pag ganito nagsSorry na ako tapos tahimik. But not this time, nag-tsk lang ako tapos tumingin ulit sakanya.
 
"Bakit? Ako ba pinagkatiwalaan mo? You didn't even tell me NA KAYO PARIN NI HILARY EH." Tumingin lang sya sakin, hindi umiimik. "What? You don't believe me? Do you want me to narrate what happened between you and hilary during your "little chat"?! HUH?!"
 
"stop." nagsmirk lang ako inaantay siyang magsalita, "look, hindi mo alam yung buong storya so you don't have any rights to shout at me like that." tumawa ako ng malakas tapos pumalakpak, "Ano nga naman bang alam ko tungkol sainyong magsyota. eh hamak na kaibigan lang naman ako. Diba Nick? MAGKAIBIGAN NGA LANG NAMAN TAYO." with that, naglakad ako palayo tapos umakyat ulit. Sinundan parin ako ni Nick tapos hinila niya yung braso ko, "Sof. Sorry, I didn't mean to shout at you like that." pilit kong tinanggal yung kapit niya sa may braso ko, "Hindi na ako madadaan sa ganyan Nick."
 
 

 
The following days consists of Sophie ignoring Nicky. Nagdaan yung prom, sports fest, even the Graduation ball, hindi niya talaga pinansin si Nicky. But still, you can never hide the feelings.
 
 
 
 
"Sof! Ang ganda mo ngayon~" sabi sakin nila Kaizer, nambobola. Nagkumpol-kumpol kaming mga dating 2-Section 4 sa may labas ng gymnasium. Ang bilis ng oras, parang kailan lang kami-kami pa yung magkakaklase, kami pa yung magkakasama sa iisang room.

Tinignan ko sila isa-isa, kahit na'ba itong section na 'to ang pinakasinusumpa ko sa buong High School life ko, naging pamilya ko rin naman sila. They helped me get through alot of stressing schoolworks, kahit na nung second year kami ay feeling ko left out na left out ako sa section namin.

Si Madison pumunta ulit dito sa Notre Dame High para lang makumpleto kaming lahat, lumipat na kasi siya ng school pagkaThird year namin. Kahit na ba napaepal at pam-pam nun, isa rin yun sa mga nakakausap ko, namiss ko rin yung kakupalan nun noh.

Si James kahit na ba siya yung nagumpisa nung lecheng "NickPhie" na pairing na yan, sya parin yung president ng fans club ko.. dejk. HAHAHA.

Si Justine, ang pinaka-founder, siya yung kaklase namin na nakahawak nung *toot* ni Nicky kaya nagumpisa yung pangaasar samin.

Si Seth, Hay Seth~ bakit kasi di nalang sayo? Siguro kung sayo ako nainlove di sana nasira ng bonggang-bongga ang buhay ko.

Si Pau, the ever so loving na walking sunshine ng Section 4, Bakit kaya di ka nagustuhan ni Nick noh? Bakit kaya di nalang siya sayo inasar? Kaso ayaw ko rin na masaktan ka, syempre bestfriend kita eh.

Kusa ng gumagalaw yung mata ko, parang may hinahanap talaga siya, hanggang sa nakita ko yung familiar cerulean eyes na yun..

Nicky Melvin Perez, ang lalaking nagbago ng buhay ko, dadating pa kaya yung araw na mamahalin mo rin ako? Pero, sino nga naman ba ako para magAssume? eh si Sophie Bailee Cruz lang naman ako, ang hamak na kaibigan ni Nick. Ano nga naman bang karapatan kong magkagusto sakanya? Eh kaklase lang naman niya ako. Hay~ Ano ba kasi ang nasayo at ikaw ang nagustuhan ko? 2 years Nick.. 2 years. Makakaget over pa kaya ako sayo? Di ba talaga sapat yung dalawang taon na yun para magkaroon ka ng feelings para saakin? kahit 1% man lang?

Nakita kong naglalakad si Hilary papunta kay Nicky kaya linayo ko na yung tingin ko sakanya. Lumapit sa'kin yung mga kabarkada ko, kabarkada namin nila Hilary.

"Soooooof! Grabe namiss kita!" sabay yakap sa'kin nila Angel. Ang oOA talaga nitong mga taong 'to, parang kaninang umaga lang eh magkakasama kami. Isa-isa kaming nagyakapan at nagsabihan ng 'i miss you's, magkakaibigan nga kami.. lahat kami OA. HAHAHAHA.

"Sof." kinalabit ako ni Hilary, lahat sila tumahimik,  alam kasi nila yung issue samin dati nila Nicky. Ngumiti ako sakanya tsaka ko siya niyakap. Alam ko naman na mabait si Hilary at hindi niya yun ginawa on purpose. Everything happens for a reason nga naman.

"Akala ko talaga galit ka parin sakin." Sabi niya pagkatapos bumitaw sa yakap ko.

"Galit parin ako sayo noh." Yung tingin niya sakin gulat na gulat, "Pano ba naman, di mo na ko pinansin after nung nagMall tayo. Nakakapagtampo kaya." Nag-HMPH ako tapos tinalikuran siya. Tumawa siya ng malakas kaya humarap ulit ako sakanya, "Bakit naman ako magagalit sayo? Alam ko naman na may rason ka kung bakit mo ginawa yun, and kung ready ka'na, you can always talk to me about it." Nagsmile siya sakin, teary-eyed, tapos yinakap ulit ako. "Ang bait bait mo talaga Sof, Sorry." hinawakan ko yung dalwang pisngi nya tapos pinunasan yung mga luha sa may ilalim ng mata niya, "Uy ano ka ba, yung make-up mo masisira!" bumitaw siya tapos nagpunas ng luha, nag-hug kami one last time bago siya pumunta kanila Angel.

"Huy. Bakit parang tulala ka? Wag mong sabihing iiyak ka na?" tinusok tusok ni Angel yung tagiliran ko.

"May iniisip lang. Bakit naman ako iiyak? Di ako OA katulad ng barkada natin noh." Tumingin kami parehas kanila Brent tapos sabay na tumawa, "ang OA talaga nila." sabay pa naming sinabi.
 
"Yan bang iniisip mo eh si Nicky yan?" Kilalang-kilala talaga ako nitong bestfriend ko, "Bago matapos yung araw na'to, lapitan mo na siya, ayan lang siya oh, nasa harap mo." Tinuro niya si Nicky gamit yung lips niya, hinawakan niya ako sa may balikat para itulak ako ng mahina. "Remember, last day na natin 'to." She  patted my back tsaka naglakad papalayo.

Bago pa'ko makalapit kay Nicky ng isang hakbang, pumunta si Ma'am Liz sa tabi ko. "Ang bilis ng oras noh?" Parehas lang kaming nakatingin sa may Open Field namin, pinapanood yung mga batchmate kong magemote at magsiiyakan. "Parang kailan lang kayo pa yung mga anak kong makukulit at maiingay. Pero ngayon matured na matured na kayo. Grabe. Tignan mo nga, ikaw ang tangkad tangkad mo na, mas matangkad ka na sa'kin." Tumawa ako ng mahina pero hindi nagsalita, hinayaan kong si Ma'am Liz ang dumaldal. Pero yung sunod niyang sinabi, dun talaga ako naging speechless, literal.

"Wala ba talagang pag-asa na magkabalikan kayo ni Nick?" Napayuko nalang ako. Yan rin yung gusto kong malaman. naisip ko. I slowly shook my head and whispered silently, "Nakakasawa na Ma'am. Nakakapagod." She turned her body para nakatapat na sya sakin, pinagpag niya yung toga ko saka hinawakan yung kamay ko. "Alam mo Princess, walang mangyayari kung walang magaapproach sainyong dalawa, nagaantayan lang kayo eh. Maybe it's time to talk about it, nasa iisang lugar lang kayo, you might as well grab the chance and clear things with him." Nagumpisa akong maglakad papunta kay Nick, tumingin ulit ako sa likod ko at nakita ko halos lahat ng mga kaklase ko at kabarkada ko na nakatingin sakin, yung iba sakanila nagnnod, yung iba nakathumbs-up, si Hilary nakasmile lang sakin.
 
Maybe it's time to let go, Should I tell him to forget about me and everything that happened for the past 2 years? Anong sasabihin ko sakanya? Na kahit anong sabi ko sa sarili ko na oras na para kalimutan siya, Di ko parin mapigilan yung puso ko na isigaw yung pangalan niya? Na kahit ilang beses niya akong sinaktan eh mahal na mahal ko parin siya?
 

Kinalabit ko siya tapos kumaway, "Hi Nick." tumingin siya sakin tapos ngumiti. "Pwede ba tayong magusap?" Ang hina ng boses ko, he still has that effect on me. His smile still has the ability to make me feel weak on the knees. Pero yung ngiti niya, parang walang nangyari, Did he already forget? Maybe it really is the time.
 
Naglakad kami side by side, dun kami sa Open Field dumaan papunta sa may Flag Pole. He stopped in the middle of the stage tapos nagsalita, "Ano ba yung sasabihin mo sakin Sophie?"  He never calls me by my first name, usually Sof lang or nung kami pa, Babe. Did he really? "Nick..." I hugged him and whispered everything, lahat ng sinabi ko, it's only for his ears to hear.
 
 
 
Naglakad kami ni Nick pabalik sa may Gymnasium, after nung last kong sinabi sakanya bigla siyang naging gloomy. Could it be? Na sad ba siya dahil dun? Assumera ka talaga Sophie Bailee Cruz. Kahit kailan.

Huminto ako sa tapat ng mga kaklase ko nung 2-Section 4 pa'ko at kanila Brent, Nick is still standing behind me. "Guys, dahil official graduates na tayo, gala tayo. Tapos na naman yung ceremony 3 hours ago." Walang pumapayag, adik talaga tong mga to. "Okay. My treat."
 
Pumunta kami sa Rob Galeria, dun kami sa van namin sumakay, konti lang kasi yung mga nakasama yung iba hindi pinayagan kasi may plans daw yung parents nila. Sila Angel, Kaizer, Nadine, Hilary, Nicky, Pau, Suzy, James, Joshua, at si Ma'am Liz lang ang nakasama, pero dahil ex nga ni Hilary si Jake sinama ko na siya, pati si ate Erin; So all in all, 13 lang kami, so ako lang talaga ang magbabayad. Pero in case na magkulang yung pera ko, nakasunod lang sila Mama sa'min.
 
Lahat na ata ng pwedeng gawin sa mall nagawa na namin, nanuod ng movie, naglaro sa arcades, binilhan ko din sila ng small gift isa-isa. at dahil mag-sseven o'clock na nandito kami sa KFC para magdinner, oo na cheap na kung cheap. Pano ba naman kasi malapit ng mag10 thousand ang gastos ko, sila Joshua kasi sugapa sa paglalaro. Pero ang nakakagulat, tahimik lang si Nick, pero hindi awkward yung atmosphere, tahimik lang talaga siya.

Nung matatapos na kaming kumain, nagclear ako ng throat para makuha yung attention nila, "Uy uy uy. may sasabihin lang ako." Ayaw nila makinig sakin HUHUHUHU. Bumanat pa sila James, "Baka naman hindi importante yan ah. Kumakain pa kami." nagpout ako tapos nagsalita ulit, "Promise important 'to." Tumingin si Kaize sakin tapos nagsalita, "Dali, Gulatin mo kami Ms.Sophie Cruz."
 
 
"Pupunta na'ko ng Korea, ewan ko nalang kanila ate kung susunod ba sila, pero I think i'll stay there for good." Sinabi ko ng isang hingahan. Halos lahat sila nakabuka yung bibig, halatang gulat.
 
"Uy Sof. Alam naman naming sinabi ni Kaizer na gulatin mo kami, pero wag ka namang magjoke ng ganyan." Sabi ni Hilary.
 
"I'm not joking." Sagot ko sakanya, straight-faced.

"Uy weh. Ang corny mo Sophie. Can't you see we're not laughing? Stop joking na." Si Din hanggang ngayon may accent parin pag nagtatagalog, hindi talaga siya nakakatapos ng isang sentence ng hindi nagiEnglish.

"Hindi nga ako nagjjoke, promise!"

"Yan ba yung dahilan kung bakit ka tahimik kanina pa Nicky?" Si Ma'am Liz yung nagsalita, lahat sila tinuunan ng pansin si Nick, inaantay yung sagot niya. Nagnod siya, pero hindi niya inalis yung tingin niya sa pagkain niya.

"Alam mo na naman pala, why aren't you trying to convince her out of this?"
 
"Yan yung gusto niya eh, yan yung alam niyang tama. Ano pang magagawa ko?" Yung pagkakasabi nya nun, grabe. Nick kung alam mo lang, sabihin mo lang na magistay ako gagawin ko.
 
After nung sagutan nila Ma'am Liz tumahimik na lahat tapos nagpatuloy sa pagkain, after what seemed like an hour or so, umalis na kami sa mall at hinatid na sila pauwi, isa-isa at dahil sa malapit lang samin nakatira sila Nicky -hindi walking distance ah- siya yung huling ihahatid.
 
Lahat sila, bago bumaba niyayakap muna ako tapos nagtthank you at sinasabi na pagisipan ko daw muna yung plano ko. Nung nahatid na si James sakanila, which is malayo saamin, si Nicky nalang ang natitira. Walang nagsasalita saamin.
 
Ang awkward kaya, pano ba naman, dalawa lang kami dito sa van, kasi naman si ate Erin nagstay sa mall kasama nila Papa, hatid ko daw muna yung mga kasama ko tapos ittext nalang daw nila ako kung saan magkikita sa airport para iarrange yung flight ko papuntang Korea. Magkatabi lang kami ni Nicky, pero atleast one person apart. Nakatingin siya sa may bintana sa side niya ako rin ganun. Patulog na sana ako nang bigla siyang magsalita,

"Bakit ka pupuntang Korea?"

"Ewan ko. Siguro para narin makapagmove-on at makalayo sa sakit."
 
"Ah. So dun ka na talaga? Di ka na babalik?"

"Di ko pa sure. Pero siguro, Oo."
Pagkatapos nun di na siya nagsalita, tumingin ako sakanya expecting na nakatingin siya sakin, pero dun parin siya sa bintana nakatuon.

Mga 1 hour ang nakalipas bago kami nakarating sa bahay nila Nick, pagkalabas niya ng kotse sumunod ako sakanya saka hinatid siya sa front door nila.

"Siguro last time na nato at baka hindi na kita makita ulit, kaya lulubusin ko na. Bye Nick. Mamimiss kita, Grabe." Hinug ko siya at kiniss sa cheeks. Tumalikod na'ko at nagsimulang maglakad pabalik ng kotse ng may narinig akong maliit na boses,

"Ate Sophie? Ikaw bayan? Di ka man lang ba magbbye sakin?" tumalikod ako tapos nakita ko si Mikayla, yung little sister ni Nick, na nakapajama at magulo yung buhok. Obviously kakagising lang nitong batang 'to. Nagcrouch down ako tapos tinap yung lap ko, "Bakit naman kita makakalimutan Mikay-kay? Dali punta ka dito, hug mo si Ate Sophie mo." Tumakbo si Mikayla sakin habang nakakapit sa teddy bear na binigay ko sakanya dati, yinakap nya ako may leeg ko, mamimiss ko 'tong baby girl na'to.
 
Siguro nagtataka ka kung pano ko naging ka-close si Mikayla, nung nagkaAmnesia kasi ako lagi akong sinasama ni Nicky dito at lagi kong nakakalaro si Mikayla. Bumitaw ako sa yakap niya tapos nakita kong umiiyak na pala siya, "Uy. Mika-kay, wag ka nang umiyak. Uuwi lang si Ate Sophie, promise babalik ako, pero di ngayon." shinake niya yung ulo niya tapos lalong umiyak, "di ko paaalisin si ate Sophie, isang taon akong nagantay di mo na'ko binalikan." pinunasan ko yung luha niya tapos yinakap ko ulit siya, tumingin ako kay Nick, kailangan ko na kasi talagang umalis, aayusin pa namin flight ko. Naglakad si Nick palapit sa'kin tapos pilit na pinapabitaw si Mikayla sa leeg ko, "Mikay-kay, may ibibigay si Ate sayo, kaso di niya makuha kasi nakahug ka parin sakin." bumitaw sya tapos ngumiti, "Talaga may gift ka sakin ate Sophie?" nagnod ako tapos tumayo at naglakad papunta sa kotse, kinuha ko yung pink na paperbag dun tapos inabot kay Mikayla. Hinila ko yung lalaking teddy bear palabas ng paperbag tapos inabot kay Mikayla, "See? May partner na si Sofie bear mo." Tumakbo si Mikayla papasok ng bahay nila pagkatapos magbye sakin at magkiss sa cheek ko. Rinig na rinig hanggang dito sa labas yung pagtakbo ni Mikayla paakyat pati narin yung paggising niya sa Mommy niya.
 
Kami na naman ni Nick yung naiwan, nagbye nalang ako sakanya tapos bumalik sa kotse, hindi ko na siya tinignan ulit, masyado na kong nahirapan umalis nung nakita ko si Mikayla, what more kung makita ko yung malungkot na expression ni Nick?
 
Dumiretso kami sa may NAIA, on the way dun, nagvibrate yung cellphone ko, pagkakita ko nagtext si Nicky sakin.
 

From: Nick
 
Sophie, Lumabas ulit si Mikayla, Bakit mo daw siya iniwan? Papakita pa naman daw niya sayo yung mga binili ni Mommy na teddy bear, anak daw ni Sofie bear tsaka ni Nicky bear, yung binigay mo kanina. Aantayin daw niya yung pagbalik mo, sana daw bigyan mo ulit siya ng teddy bear next time para may kapatid na daw si Bailee.
 
 
 
Bago ko pa malock yung phone ko at mabalik sa bulsa ko, nagvibrate ulit sya, may text ulit si Nicky.
 
 
 
From: Nick
 
Atsaka, Mamimiss din kita. Mag-ingat ka dun ah! :) 
 
 
 
 
 
 
사랑해.
 
 
fin. 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 dejoke lang noh. :))) Part 1 palang yan nung fanfic ko, hindi nung chapter. HAHAHA. Gitna pa nga lang yan eh. Anyway, Gusto niyo bang makita si Mikayla?

 
 
Tapos ito yung teddy bears niya, sila Sofie bear at Nicky bear.. 
 
 
tapos ito naman si Bailee bear.

 
Sino pa ba pwede? Si James at Jake ba?

Oh eto si Jake, ex ni Hilary at kabarkada nila Nick.
 
 
 
Eto naman si James, ang founder ng "NickPhie" na OTP. XD
 
 
wala na akong maisip kung sino pa.. next time nalang^^
 
 
nga pala, yung mga susunod.. Nick's POV na. umpisa nung first year sya hanggang nung umalis si Sophie papuntang Korea. :)
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
Kkam-Orange
#2
what the? sila pa dn ni nicky at hilary? ang pogi nya ah. leche. XD update soon~~
ChoKyu
#3
natuwa naman ako sa last diary entry. kaso, panira ung huling sentence. :'< NICKPHIE FTW! :D update soon.
sarahflyy
#4
Thank you~ =))) Mamaya siguro magaUpdate nako. =)))))
ryeong09 #5
Waaaaaaa~~~ I LOVE YOU NA!!!!!! ANG GANDA!!!! sna magupdate k n ulet~~~ =))))))
sarahflyy
#6
Wala ngang pumansin sa wattpad eh. -_- THANK KYU SA COMMENT MO! =))) >:D<
ChoKyu
#7
hi! :3 ang ganda ng kwento, sayang under-rated to. :) payo lang, try mong ipost to sa wattpad, tatangkilikin to, promise. :) pero sana ipagpatuloy mo pa din to. ang ganda kasi~~ un lang, update soon~ \*o*/