Okay.
TeaseKabanata 14
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
April 1, 2012|Sunday
Buong araw si Nicky lang iniisip ko, Ano na kaya ginagawa nya ngayon? Kahit isang beses kaya naisip niya ako? Dalawang araw palang ang nakakalipas namimiss ko na kagad siya. Nasayang yung 10 months namin, sampung buwan kaming magkaklase ni isang beses hindi ko man lang narinig yung boses nyang tinatawag ako... Yung for no apparent reason bigla nya kong tatawagin, tapos pag tinanong ko siya kung bakit ngingiti lang sya sakin tapos sasabihin nyang wala lang. Lintek na pangaasar kasi yan, leche.
In the span of 3 months, he changed.
Eto OA ah, pero syempre sensitive ang mga babae pag sa little things. Konting hindi mo lang pagkausap sa babae may meaning na kagad. We tend to overexaggerate things kumbaga, OA kami eh.
Dati lagi akong piniPM nyan, tanong ng tanong mapaHW o Quiz man yan. And he never forgets to include smileys at the end of his sentences, nakakatuwa kasi... kahit napakasimple nyang bagay yung 2 symbol na yun ':)' kapag siya gumamit sakin parang achievement, kasi kahit hindi kita sa mukha nya alam kong napangiti ko siya. Ok corni, pero lahat naman daw ng bagay nagiging corni kapag inlove ka. Nung nagJanuary, dun sya nagbago... sa iba na sya nagtatanong, tuwing ako nagtanong sakanya kahit nga magmukha nakong tanga kakatanong mabalik ko lang yung smiley nayun OK na'ko.
Sabihin ko nalang kaya sakanya? Parang ang pangit kasi nung kinikimkim ko sa sarili ko yung nararamdaman ko. Yung magagalit ako na umaasa ako sa wala kahit in the first place wala naman syang kaalam-alam sa feelings ko. Pero there's something na nagsasabi sakin, "wag. pano kung masaktan ka sa sagot niya?" it's that little voice in my head, pero handa naman akong masaktan para sakanya eh... wag lang masobrahan kasi baka di ko na makaya.
Nicky Perez
"Nick."
"?"
"Crush kita. Okay lang?"
"ok"
| |
Ayy. Anobayan, parang gusto kong bawiin. Pero pano? lagyan ko kaya ng "APRIL FOOLS" kaso parang hindi bagay, ang seryoso naman kasi masyado nung sagot niya. Aish~ wag na nga lang. Bahala na.
Hindi ko na alam, parang masyado akong nagbago.. parang mahal ko talaga sya. Ang corni ko shet.
April 3, 2012|Tuesday
Napagisip-isip ko na, babawiin ko nalang yung sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit basta parang gusto ko lang bawiin.
Nicky Perez
"Uy Nick."
"?"
"Yung sinabi ko sayong
"Crush kita. Okay lang?" joke lang yun ah.
pangApril fools, ang seryoso mo
kasi sumagot kaya
di ko nadagdagan sa dulo. =))"
"okay."
| |
Di ko malaman kung dapat ba'kong matuwa kasi wala siyang pake, o maiyak kasi wala syang pake. Hayy. Anobayan, tapos ngayon nagsisisi naman ako na binawi ko. Ang pangit kasi nung feedback nya dun sa una eh parang "Ah okay may gusto ka sakin, K." ,parang ganun.
Mas naguguluhan na ko sa sarili ko, kahit nung Algeb namin hindi ako nagkaganito eh. . BAKIT BA KASI MAHAL KITA NICKY MELVIN PEREZ?! alam nyo ba yung feeling na parang ang sarap ipagsigawan sa buong mundo na mahal na mahal ko siya, pero minsan okay ng ibulong ko nalang sa tenga nya kasi sya rin naman yung mundo ko. Yieeee HAHAHAHA CHOS.
April 5, 2012|Thursday
Nicky Perez
"Aah gosh. ang gulo kong
kausap. SORRY.
-_-" totoo na talaga to..
Sorry ang FC ko.
Wag lang 'ok' isagot mo please.
Kung ano unang pumasok sa isip mo
pagkatapos mong basahin to
yun yung isagot mo please.
Di na naman siguro ako mapapahiya
dahil dito sa sasabihin ko noh?
Crush kita...
Nung secod quarter pa,
nadala kasi ako dun sa pangaasar nila...
Sorry, hindi ko pala kayang dedmahin
yung pangaasar nila
gaya ng sinabi mong gawin ko.
Sana wag magbago yung
turing mo sakin dahil dito,
friends padin?
Mas okay ng friendzoned ako
kesa hindi mo ako pinapansin..
Thank you =)))
wag mo nalang sana ipakita sa iba to."
"Okay. Alam ko nayun dati pa."
"Pano?"
"Basta. Madami akong tenga. :)"
| |
Ayun. Nakita nyo yung dalawang symbol na yun? Yan lang naman inaantay ko eh. Madami akong tenga. So it's either bungangera ako at narinig nya ako, or isa dun sa mga nakakaalam sinabi sakanya. Either way, nabalik ko na yung pinakaaantay ko.. he smiled. he smiled. Napangiti rin ako nung syempre.. ngumiti sya eh. And oo, ganun ko siya kamahal.
Mas okay ng friendzoned ako kesa hindi mo ako pinapansin..
Comments