Iwasan na'ko ng lahat wag lang ni Nicky.

Tease

Kabanata 12                                                      

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 



March 9 | Friday

Iniiwasan nya talaga ako, ano bang ginawa ko sakanya? crush ko lang naman sya ah--- okay hindi crush, nagkagusto lang naman ako sakanya ah... Is that so bad?!
Lunch time

"Alex. samahan mo ko CR tayo." Magpapractice kasi dapat yung group namin para sa play namin kaso kulang-kulang yung actors namin, lahat sila nawawala. Wala man akong role except sa pagigin narrator may karapatan din akong magalit kasi si Pau at ako yung scriptwriter pero kami yung nagmumukhang Director.

Tumayo na kami ni Alex tapos naglakad palayo dun sa table. Nung nakalayo na kami ng konti, mga 5 meters, huminga nako ng malalim.

"Hayy.--" Pagkatingin ko sa harap namin nakita ko si Nicky kasama yung iba nyang kaibigan nagaantay sila sa tapat ng teacher's room. Naglakad lang kami ng diretso ni Alex nang bigla silang tumingin samin, pinilit kong hindi matense. Ako lang ba naoAwkwardan sa atmosphere dito? Nakita ko sa peripheral view ko na siniko ni Madison si Nicky sa may bewang, si Nicky wala lang imik tinanggal lang nya yung tingin nya samin ni Alex.

Pagkalabas namin ni Alex ng CR dun kami sa parehas na hallway dumaan, kung nasaan sila Nicky. Nasa dulo palang kami ni Alex umalis na sila, nakita ata ako ni Nicky. Halatang nilalayuan nya 'ko, may inaantay pa kasi sila eh napilitan lang umalis kasi dadaan kami.

March 13|Tuesday

Hay. Ako lang talaga hindi nya pinapansin sa klase, lahat sila nakausap na niya. Hindi, nandyan pa si Roil (bakla si Roil.) Hindi pa nya nakakausap yun, inaasar lang nila yun pero di pa nya yun nakakausap.

"Roil! Roil!" Tumingin akosa likod ko, nakita ko si Nicky sinisigawan si Roil. Daheck men? Tinakpan ko nalang yung mukha ko, naiiyak nanaman ako. Shet. Shet.

Filipino Time

Pinayagan kaming magpractice para sa play namin, hindi na nagpractice yung group namin ayaw naman nila eh. Nagdaldalan nalang kami ni Pau.

"Aladin, alam mo namang bawal tayo." Napatingin kami ni Pau sa likod, si Tam tsaka si Nicky nagpapractice. Tumahimik yung buong room tapos pinanuod sila.

"Mahal na mahal kita Flerida, alam mo yan." Yung pagsabi ni Nicky nun, parang totoo, parang mahal na mahal nya talaga si Tam. Kinuha nya yung dalawang kamay ni Tam tapos pinisil nya parehas, inult nya uli yung sinabi nya... Mahal na mahal kita.

"NICE NICK!" Sumigaw yung isa nyang kaibigan tapos ngumiti sya. Napangiti rin si Tam, wala lang kay Tam yun... pero kay Nicky parang issue sakanya yun. Nagblush pa nga sya eh.

Napangiti nalang ako tapos nakipagdaldalan kay Pau, pero hindi mawala sa isip ko yun, bakit pag sa iba sya inaasar parang kilig na kilig pa sya. pero pag saakin, parang ayaw na ayaw nya. *singhot singhot* Kinuha ko yung panyo ko tapos tinakpan ko yung ilong ko, "Ano ba yan. Sinisipon ulit ako." tapos sinundan ko ng tawa, nakitawa narin si Pau.

Pero si Joshua parang nagets nya, pinatong nya yung kamay nya sa balikat ko tapos pinisil yung balikat ko, hinawakan ko yung kamay nya tapos tinanggal ko sa balikat ko. "Eto naman OA, sinisipon lang yung tao akala mo mamamatay na'ko." tapos suminghot ulit ako, nagets rin ata yun ni Pau kasi yung tingin nya sakin parang naaawa pero tumawa nalang kaming tatlo.


Ito si Tamia Soliz. maganda, mabait, tsaka matalino. Perfect kumbaga. Tapos walang Princess Disease, kaya hindi na dapat ako nagtataka kung bakit tuwang-tuwa si Nicky pag sakanya naaasar. Ano nga naman bang laban ko kay Tam? kahit sino hindi matutuwa pag sakin inasar sakin eh.

Hayy. Hindi ko nga alam bakit ako nagseselos eh, wala nga naman akong karapatan. Inasar lang naman sya sakin, wala ngang nagconfirm kung may gusto ba sya sakin o wala. Kaya ayaw kong inaasar eh.. masasaktan ka lang sa huli.

March 15|Thursday

Last laboratory day na namin to, Review week na kasi next week. 15 days left nalang, labing limang araw ko nalang sya makikita... hinde, onse nga lang eh.

"Si Nick yang dinodrawing mo no?"

"Huh? A-ano?" Napatingin ako sa drawing ko, medyo hawig nga ni Nicky... sya kasi laging iniisip ko. Tinignan ko ng masama si James, isa sa pasimuno kun bakit ako nasasaktan ngayon.

"Si Nicky ba yan?" Napatingin ako kay Karla, pati ba naman ikaw? Tinago ko nalang yung HBW ko tapos tumulala. Umupo si James sa harap ko, tapos nagSmirk.

"Pano pag linigawan ka ni Nicky?" huminga ako ng malalim tapos tumayo, "Ma'am Liz. patulong naman dito oh!"

Pagkabalik ko sa upuan ko, tinitigan ulit ako ni James. Nagtatawanan sila ni Matt, nung nakaupo na'ko tumigil sila tapos tumingin sila parehas sakin.

"Sophie. may crush ka ba kay Nicky?" Hayy. Kung alam mo lang.

"Haha. hindi noh." Hindi, kasi mahal ko sya. Mahal na mahal.

"Pano kung ligawan ka nya?"

"Eh kung tanungin nyo muna sya kung posible mangyari yunDiba?" I make no sense. BooHoo.

"Huh?"

"Wala. Wala."

Hayy. Para naman mangyayari yun, wala namang kaakit-akit sakin. Ang chubby chubby ko, tapos hindi ako maganda.. Para namang may magkakagusto sakin.

I .

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
Kkam-Orange
#2
what the? sila pa dn ni nicky at hilary? ang pogi nya ah. leche. XD update soon~~
ChoKyu
#3
natuwa naman ako sa last diary entry. kaso, panira ung huling sentence. :'< NICKPHIE FTW! :D update soon.
sarahflyy
#4
Thank you~ =))) Mamaya siguro magaUpdate nako. =)))))
ryeong09 #5
Waaaaaaa~~~ I LOVE YOU NA!!!!!! ANG GANDA!!!! sna magupdate k n ulet~~~ =))))))
sarahflyy
#6
Wala ngang pumansin sa wattpad eh. -_- THANK KYU SA COMMENT MO! =))) >:D<
ChoKyu
#7
hi! :3 ang ganda ng kwento, sayang under-rated to. :) payo lang, try mong ipost to sa wattpad, tatangkilikin to, promise. :) pero sana ipagpatuloy mo pa din to. ang ganda kasi~~ un lang, update soon~ \*o*/