Biology

Tease

Kabanata 3                                                        

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

 

 

"May test tayo ngayon. No time for review kasi naannounce ko na yun kahapon. Seats apart!" May quiz nga pala ngayon, okay lang yun madali lang naman. Nagstay lang ako sa pwesto ko ang pinaurong ko nalang yung mga nasa paligid ko, si Seth medyo umurong paharap si Pau din. Ang katapat ko tuloy sa gilid ko yung kaibigan nila Nicky si James.

 

 

Mga limang minuto ang nakalipas may narinig akong sumisitsit. Tumingin ako sa right ko nakita ko si James kinakalabit si Seth, si Seth tumatawa lang.

"Seth dali na. Pahiram na ko ng ballpen." Bulong ni James, nagmamakaawa pa. Pinanuod ko lang silang dalawa, si Seth pinipigil yung tawa nya. Sinilip ko si Nicky, pinagttawanan lang nila ni Patrick si James. Ngumingiti-ngiti narin ako habbang nagsasagot, pero natameme ako dun sa sunod na sinabi ni James.

"Eto naman kasing si Nicky kala mo di kaibigan. To think na tinutulungan ko na nga syang ligawan si Sophie." Napatigil akosa pagsulat tumingin ako sa pwesto nila James. Si Seth nakangiti sakin, si James naman tinataas-baba nya yung kilay nya sakin. Sinilip ko ulet si Nicky, itong kumag na'to ngumingisi-ngisi lang.Tch. Tinignan ko si Pau sa harap ko, walang imik di nya siguro narinig. Buti naman.

Di ko nalang sila pinansin, nagsagot nalang ulit ako. Tumahimik na si James pinahiram na siguro ni Seth ng ballpen yung tukmol nayun. Naaasar talaga ako dun sa sinabi nya di ko alam kung bakit. Basta. Grrr.


"Okay. Pass your papers." Sabi ni Ma'am nung nagbell na. double period kami ngayon maglelesson nalang kami mamaya kailangan kasi makaabot na kami sa schedule, next week kasi practice na para sa field demo.

Field demo, meron naman siguro sa ibang school nyan. Basta every year ginaganap talaga yan celebration para sa birthday ni Mama Mary. Nung GS kami bawat batch pinaglalaban, so competition talaga. Pero ngayong HS wala ng laban-laban sayaw-sayaw nalang. 1 month talaga dapat ang practice, ewan ko kung bakit ngayon 2 weeks nalang.

First practice namin sa covered court kami, 9 sections kasi batch namin kaya dapat malaki space. Unahan sa venue ng practice pagSeptember na, tutal wala pang steps tambay mode muna kaming lahat. Nasa may dulo kami ng court dun daw kami kasi... Malay ko kung bakit. Katabi lang namin yung section nila Angel, kaya spazz kami tungkol sa Super Junior.

After lunch dun muna ko sa mga kaklase ko sumabay kasi magiistart na daw talaga yung practice. Nagforward kaming konti para daw may space para sa ibang section sa likod. Nasa harap ko si Suzy tsaka Nina si Nadine naman sa likod ko, pero minsan nagpapalit kami ni Nadine sya muna sa likod ni Suzy.

"Sophie.Sophie." nakita ko sa gilid ko si Lhyle may hawak-hawak na papel.

"Bakit?" inabot nya sakin yung papel tapos umupo sa tabi ko. Binuksan ko yung papel, may nakasulat na riddle.

Ano ang matatagpuan ng isang beses sa Syria, dalawang beses sa India at tatlong beses sa Pilipinas na may 6 letters.

"Alam mo ba sagot dyan?" Binasa ko yung riddle, familiar sya pero nakalimutan ko na yung sagot.

"Hindi. Tanong mo kay Kaize." Matalino kasi si Kaizer, top 2 yun eh.

"Hindi din daw nya alam eh." Napakamot sya sa ulo nya. Ano ba kasi trip nito, kung ano ano iniisip.

"Bakit di mo tanong kay Mark? Isa sya sa matatalino sa batch natin eh." Tumingin tingin syasa may harap namin. Hinila nya yung papel tapos tumakbo, nakita na ata nya si Mark. Tumulala nanaman ako pano walang makausap, sinilip ko si Angel... buti pa sya may kausap.
 

Nagiipit ako ng buhok wala na kasing magawa di naman kami nagppractice eh.Tumakbo si Lhyle tapos tumabi sakin.

"Ano? alam mo na ba yung sagot?" Tinignan ko sya habang kagat kagat yung ipit ko.

Huminga sya ng malalim tapos humindi gamit yung ulo nya. Hindi alam ni Mark yung sagot?! Nagpout nalang ako tapos nagisip ng pwedeng sagot. GAAAAH. ang hirap magisip. ;~; "Kanino mo ba kasi nalaman yan? Bakit di mo tanong sakanya?"

"Kay Nicky." N...Nicky? "Kupal naman kasi yun eh, ang damot damot."

"Edi tanungin mo ulit mamayang second recess" Hayyy. basta wag lang ako madamay pwede na.

"Oo nga noh. Samahan mo ko ah." Tumayo sya tapos tumakbo palayo.

"Ho-Hoy!" Aish. Bakit ko ba kasi sinabi yun eh Hinayaan ko nalang sana syang mahirapan magisa.


HI SAYO AKING NAGIISANG SUBSCRIBER. =))))

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
Kkam-Orange
#2
what the? sila pa dn ni nicky at hilary? ang pogi nya ah. leche. XD update soon~~
ChoKyu
#3
natuwa naman ako sa last diary entry. kaso, panira ung huling sentence. :'< NICKPHIE FTW! :D update soon.
sarahflyy
#4
Thank you~ =))) Mamaya siguro magaUpdate nako. =)))))
ryeong09 #5
Waaaaaaa~~~ I LOVE YOU NA!!!!!! ANG GANDA!!!! sna magupdate k n ulet~~~ =))))))
sarahflyy
#6
Wala ngang pumansin sa wattpad eh. -_- THANK KYU SA COMMENT MO! =))) >:D<
ChoKyu
#7
hi! :3 ang ganda ng kwento, sayang under-rated to. :) payo lang, try mong ipost to sa wattpad, tatangkilikin to, promise. :) pero sana ipagpatuloy mo pa din to. ang ganda kasi~~ un lang, update soon~ \*o*/