24 [updated]

Tease

Kabanata 24                                                      

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 




"Sof! will you be my prom date?" Nakaluhod si Melvin sa may field namin, Nakatingin lang ako sakanya. Nakatayo kami ni Angel sa may 2nd floor; Naguusap lang kami tungkol sa mga HW ng biglang sumigaw si Melvin.

Nakatingin lang ako sakanya, Ang tagal na nyang nakaluhod pero hindi nya pinapahalata. Ang daming nakapalibot na kulay blue sakanya, Halatang pinaghandaan.

Atleast 10 minutes have passed and he was still kneeling, chin up and facing me. Blue balloons and blue rose petals were scattered around him. Tumingin-tingin ako sa paligid, lahat sila huminto sa ginagawa nila tapos tinitignan kaming dalawa ni Melvin. Kung kagaya parin ako ng dati sana kinikilig na ako ngayon.. Pero hindi eh.

Pinunasan ko yung mata ko, hindi ko parin mapigilang maiyak... yumuko ako, "Sorry Nick"


"Sophie! HUY SOPHIE!!!" hinabol ako ni Angel... Dumire-diretso ako sa pagbaba ng hagdan,

"Sof." tumingin ako sa harap ko... nakita ko si Melvin may hawak paring blue na rose tapos hingal na hingal. Hinawakan nya yung braso ko tapos ngumiti, "Is it a yes or a no?" Napayuko ako then i shook my head, "Sorry.. no." Nabitawan nya yung braso ko, "B-bakit?!"

Tumingala ako tapos tinitigan ko sya ng masama, "Hanggang kailan mo ko gagawing second option?" Nanlaki mata nya tapos tumingin sa likod ko kung nasan si Angel.

"Wag mo syang tignan kasi di din nya alam. Sagutin mo ko. Hanggang kailan mo ko gagawing second option?! Ha Nicky?!"

"Dati pumayag ako kasi ako mismo may gusto tsaka akala ko pag nawala na si Hilary sa puso mo, may space na para sakin... pero hindi eh, kulang parin talaga yung pagmamahal ko para sayo."

Nakatingin lang sya sakin tapos nakanga-nga, "kelan mo pa naalala?"

"About a month ago."





Flashback



Chineck ko yung fb ko, nagmessage kasi si Beth sakin about sakanila ni Daniel. Hayy, boring~~ kinalkal ko yung messages ko... Binuksan ko yung convos namin ni Pau,

Paula Anderson

Sophie!! <3 <3 Bili tayo bukas ng Strawberry Nick. :">

Sofie Cruz

Sige! =)) May Nick polish ka?

Paula Anderson

Wala. Maikli na nails ko eh.. ginupit ko gamit yung Nick Cutter. =)))


So kilala ko yung Nick?! Sino bayun? Nangalkal pa ko ng ibang convos na pwedeng magbigay ng clue kung sino yung Nicky at kung sino si Melvin.


Wala nakong iba pang nakitang mga convos, ang layo na nung iba... Sino ba kasi yung Nicky tsaka ka-ano-ano ko siya?!

Bumaba ako para kumuha ng yakult sa ref. Nung nasa hagdan na ko nakita ko si Mama tsaka si Ate Erin sa may kainan... parang ang lalim ng pinaguusapan nilang dalawa,

"May progress ba yung memories ni Sophie?" tinanong ni Mama si ate Erin,

"Wala siguro, hindi naman niya nakukuwento eh."

"A few weeks ago kasi nagising sya tapos sinigaw nya yung pangalan ni Nicky." tinignan ko yung reaksyon ni ate Erin, parang gulat na gulat sya..

"Tapos may kinuwento sya sakin, bago daw nyang kaibigan.. si Melvin."

"Pano naman naging bago yun?! eh si Nicky rin yun." Binato ni Mama si ate Erin ng twalya, medyo lumakas kasi yung pagkakasabi nya.

"Yun na nga... at alam mo ba?" tinaasan ni Ate ng kilay si Mama, "...gusto nya si Melvin."

"Pano nangyari yun? Nagkikita ba silang dalawa?" »Ate Erin

"Yun nga rin yung gusto kong malaman eh..." Nagsimula akong bumaba, tumingin sila sakin tapos nagChange topic,

"Oh Sophie. Kanina ka pa ba dyan?" naghindi ako tapos dumiretso ako sa may refrigerator,

"Bakit parang ang seryoso ng pinaguusapan nyong dalawa? Ganun ba kaimportante yun?" Tanong ko habang umiinom ng Yakult,

"Ahh. Oo naman, syempre importante yun..." Tumingin si Mama kay Ate tapos parang kinindatan nya yun, "Diba Elaine?!" Tumango ango si Ate kaya umakyat na ulit ako sa kwarto ko.

Bago ko pa mabuksan yung pintuan narinig ko si Mama na nagsalita, "Nasaan na ba yung diary ni Sophie?"

"Bakit?"

"Itatago natin bago pa niya makita."

"Nasa kwarto nya rin yun eh... sa may dulong drawer."

"Kunin mo mamaya pag tulog na sya."



Nagmadali akong pumasok ng kwarto.. kinalkal ko lahat ng mga cabinet at drawers ko sa kwarto. Huli kong kinalkal yung sa bedside table ko, pagkabukas ko nung 3rd drawer nakita ko yung diary na sinasabi nila..

Dali-dali akong tumakbo sa pinto, nilock ko yung doorknob tapos tumakbo pabalik sa kama ko. Binuksan ko yung diary, yung first entry tungkol kay Seth...

Badtrip na badtrip ako kanina, pano hindi kami magkaklase ni bestfriend... ako lang babaeng tigaSection 4 dati, anubayun. unfair. Buong araw tuloy nakatingin lang ako sa pader. Aish~ Pero medyo natuwa naman ako... nakita ko kasi yung crush ko dati nung Grade 4... Si SETH DOMINIC ALVAREZ <3333 yieeee. HAHAHA. Matutulog na nga ako, para makita ko ulit si Seth bukas.

Napangiti kagad ako nung entry nayun, naalala ko pa nun sinulat ko yun nung umiiyak ako sa kwarto ko.

Bawat lipat ko ng page mas nagiging blurred yung naaalala ko... Wala na masyadong familiar... Pero nung nakadating ako sa may gitna may isang crunchy na page, binasa ko yung nasa unahan nung entry nayun.

Hi Diary!! May sasabihin ako sayo bukas. Hindi ko na kasi kayang itago eh. Gusto kong isigaw sa buong mundo na mahal na mahal ko siya.. kaso ayokong sabihin sakanya, baka kasi hindi na nya ko pansinin... Wala namang magbabago eh kasi di rin naman nya ko pinapansin... Inisnob nga nya ko nung kinausap ko siya eh... Akala ko hindi lang ako yung hindi nya pinapansin sa room ㅠ ㅠ. Ako lang pala talaga... May clue ka na ba kung sino? HAHAHAHA Kunwari nalang di mo siya kilala.

Di ko na binasa yung crunchy page.. parang ang fragile kasi, yung tipong konting dikit lang ng daliri mapupunit na sya.

April 13, 2012

Hi Diary! Naaalala mo pa siguro si "strawberry Nick" HAHA. ANG KORNI TALAGA NG MGA KAKLASE KO. Diba sya nga, piniem ko kasi siya kaninang madaling-araw... tinanong ko siya kung pwede bang maging kami.. hanggang makalimutan lang niya si Hilary. Oo, si Hilary Tingson yung kaibigan ko. Pumayag naman siya, pumayag din siyang sumama sa dinner namin kasi birthday ni Mama ngayon... HAPPY BIRTHDAY MAMA. HAPPY BIRTHDAY MAMA. Binilhan nya ko ng Cotton Candy tapos hinawakan nya yung kamay ko inisway sway pa nga nya eh. Tinanong rin sya ni Mama kung pano daw naging kami akala ko talaga nun sasabihin na niya, pero nagmake-up sya ng kwento... kilig na kilig ako nun, yung pagkakakwento nya kasi parang meron talaga syang feelings para saakin... alam mo yun? Yung ang soft soft nung ngiti nya tapos ang ganda nung kinang ng mata nya. Basta. HAHA. INLOVE NANAMAN SAKANYA. Parang nung Feb 11 lang inamin kong mahal ko na sya, after 2 months kami na bigla. YIEEE. HAHAHA.

Isa-isa ko ng binasa, bawat lipat ko ng page bagong batch ng luha yung tumutulo. Nung naka limang page na ako dun naging clear lahat ng naaalala ko, yun yung pinakagusto kong entry sa diary ko...



Yun kasi yun araw na nakilala sya ng buong pamilya namin, as in ng lahat. Umpisa pinakabata hanggang sa mga lola at lolo ng parents namin.. biruin mo yun, nakilala na sya ng buong Cruz family tapos biglang BAM! wala na.


Hi Diary! Guess what happened today? ang KV sobra. Pumunta kami nila Nick sa reunion, well hindi lang kaming dalawa.. HAHAHAHA. syempre kasama sila Mama, nakilala na sya nila Lola... wala ng kawala eh no.. Hahaha. Pano yun pag natapos na tong deal namin? Bbye "nak" na? Wooh~ yaan na muna yun.. kwento ko muna sayo yung nangyari.. Ganito kasi yun..


Nakapunta kami medyo late na pano sinundo muna namin si ate Jess, girlfriend ni kuya, nung nandun na kami sakto nagpprogram na... Nagtinginan silang lahat samin, kilala na nila si ate Jess pero si Nick hindi.

"Oh Sophie. sino yang kasama mo?" Lahat tuloy ng atensyon napunta samin, eto naman kasing si ate Charm eh. Napakamot ako sa braso ko tapos ngumiti, "Ahh. siya?" tapos tinuro ko si Nick sa tabi ko, "Hehehe"

Naglakad sila ate Mary sa kinakatayuan namin tapos hinila si Nick papuntang stage, nginitian ko nalang sya tapos nagthumbs-up. Umupo kami dun sa table sa may tapat ng stage, lumapit si Ivan sakin..

"Diba si Nicky Perez yan? Bakit nandito? Close kayo?" Eto namang pinsan ko eh, Bakit kasi ka-batch kita eh. Ang dami-dami magtanong, bago pa ko makasagot kahit sa isang tanong nagsalita sila ate Charm at ate Mary sa tapat ng mic.

"Oh. Oh. Oh. tahimik na. Iinterviewhin natin yung kasamang lalaki ni Sophie.. Sino may tanong sakanya?" Eto namang mga taong to, di man lang tanungin si Nick kung okay lang sakanya.. tsk. Napansin siguro ni Nick na nagaalala ako sakanya kasi pagtingin ko sakanya sumensyas sya sakin ng 'okay' sign.

"Bago pala muna yung tanong nila, Anong pangalan mo?" Binigyan ni Tito Alan si Nicky ng isa pang mic, nagthank you si Nick tapos nagsalita.. "Nicky po." Naghiyawan sila, di ko alam kung bakit.. ang weird ng pamilya ko.

"Wag kang mag-po, nagmumukha kamin matanda." Nagtawanan sila tapos nagumpisa sa pagtanong kay Nicky.. Parang okay lang naman sakanya, Okay lang kaya sakanya kung sila na yung kikilalanin nyang second family?

May binulong si ate Charm kay ate Mary tapos naghigh-five silang dalawa. Umubo si ate Mary tapos linapit yung mic sa bibig nya.. "Okay, ang awaited question.." nagCue si ate Charm kay tito Alan tapos nagpatugog ng drumroll... 'dun dun dun dun dun' umaarte pa si ate Charm na kunwaring nagdadrum with matching headbang pa. Hahaha. Pagkahinto nung tunog sakto nagsalita si ate Mary, "Kayo ba ni bb Sophie namin?" Naghiyawan nanaman sila tapos inantay yung sagot ni Nick,

"Hehe. Opo, kami po ni Sof." Lahat sila nagsigawan yung iba nagpalakpakan pa. Tinakpan ko yung mukha ko kasi inaasar nila ako, kinalabit ako ni Ivan tapos nagsalita "Nice. Nicky ka pala ah." Tinanggal ko yung kamay ko sa mukha ko tapos tinignan sya ng masama pero ngumiti rin ako.

Umakyat si Tita Odette sa stage tapos hinatak yung mic sa kamay ni ate Mary, "If you don't mind naman anak. Pwede mo bang ikwento yung lovestory nyo ni Sophie?" tapos nginitian nya si Nick. Bumaba si tita tapos nagCue ulit kay tito Alan.. tumugtog yung kanta ng Super Junior sa 4th album nila, yung Coagulation, kumeKpop din pala tong pamilya ko. Hahaha.

Pagkatapos ikwento ni Nicky lahat ng nangyari, nope hindi yung totoong nangyari, yung isang version ang kwinento nya. Nung nagkainan na lahat sila binebaby si Nicky, bagong anak daw nila.. sus utot nila agawin daw ba sakin yung babe ko.

Nung maguuwian na halos lahat ng pinamimigay nila at pasalubong nila ninong na kay Nicky na.. tanggap na tanggap talaga nila si Nicky, walang awkward awkward sakanila.. puro lang sila tawanan at kwentuhan... nakakatuwa.

Lumapit sakin si 'babe' tapos ngumiti, "Ang bait sakin ng family mo.." nagthank you sya sakanila pati narin sakin, nung naglalakad kami papunta sa kotse may binulong sya pero di ko narinig masyado kasing mahinhin yung pagkakasabi nya. "Ano yung sabi mo?" kinalabit ko siya tapos binilisan ko yung lakad ko para katabi ko siya, "Wala. sabi ko ang saya nilang kasama." ngumiti sya sakin tapos binuksan yung pintuan nung kotse namin.

Hinatid namin si Nicky sa bahay nila, ihahatid ko sana siya pero sabi nya wag na daw, baka daw kasi mapano ako pabalik sa kotse. Ngumiti nalang ako sakanya at nagGood night pero deep inside nasasaktan ako kasi alam kong hindi pa niya nasasabi sa parents niya yung tungkol saamin, kailan nya kaya kami gagawing legal sa parents nya? gusto ko kasi mafeel yung nafeel niya kanina. yung matawag na 'anak' ng magulang ng boyfriend mo, yung ma-accept ka ng buong pamilya nya kahit hindi mutual ang feelings niyo.. basta tanggap nila ako okay na.



Linipat ko ulit yung page, ito yung mga araw na hindi kami nagkikita kasi nasa office na si papa.

Nangbobola nanaman si 'babe' sa chat at text, hindi nya nakakalimutang magPM ng 'Good Morning babe' saakin. Totoo na kaya? Is this really it Lord? Ito na ba yung pinapangarap kong lovestory? Sana ito na yun noh? Pero kung hindi.. kung panaginip man to, please Lord wag mo na akong gisingin, kasi Lord finally... Reality is much better than my dreams.

Ang fresh masyado nung feeling sa utak ko, yan yung araw na nakangiti lang talaga ako... nangawit na nga halos yung panga at pisngi ko kakangiti, pero nung sumunod na entry gumuho yung mundo ko.

Diaryyyyyy~ Hulaan mo anong date ngayon. hahahaha. May 13 na!! First month namin ni Nickeeeh. Hindi parin kami bati, kasi ang bitter nung sagot niya kanina sakin... Sumbatan daw ba akong puppy love lang lahat, wag na daw akong umasa.. pero kanina lang nagtext sya,

From: bb Nick <3

Sof. Sorry abt dun sa kanina, parang ang bitter pakinggan. Thank you dun sa 1 month. =) Naabot natin yung goal, nawala na si Hilary sa puso ko. Tnx talaga Bail. :))) Sorry ulit.

Ngayon ko lang naintindihan yun feeling na, kahit ang sakit sakit sa part mo nagawa mo paring sabihing "im happy for you." Ayan hala.. magkakabrown spots ka nanaman Diary, kunwari pawis yan ah.. maiinit kasi, hindi ako umiiyak... pawis lang talaga yan. LINTIK NA PILIPINAS, SA SOBRANG INIT PATI YUNG MATA KO PINAGPAPAWISAN NA. SHET. HAHAHAHA. Huy mamaya na ah. Punta daw kaming mall eh, hindi makakasama si 'babe' kasi di ko siya sasabihan, tapos na nga naman kami eh.. kahit hindi talaga.

Hulaan mo anong nangyari kanina sa mall.. haha.. nothing much. Nakita ko lang naman yung 'babe' ko -di ko nga sure kung pwede ko pa siyang tawagin nyan pagkatapos ng nangyari kanina.- na kasama yung totoong nilalaman ng puso nya, nagyayakapan, nagtatawagan ng babe, nagkkiss... nagmamahalan. Hayy. kahit kailan hindi talaga ako magiging enough para sakanya, kahit kailan hindi ako yung magiging laman ng puso niya... in the first place rin naman alam ko ng walang pag-asa, bakit ko nga ba pinagpilitan? Wala.. ganun naman lahat ng tao eh, pag nagmahal nagmumukhang tanga.

Alalang-alala ko pa yung pagsigaw nya sakin nung nasa Pampanga kami, "Huy Babe!" Yung feeling na parang kailan lang yun, tapos bigla ko siyang narinig na tawagin si Hilary nun.. Ang sakit sobra.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
Kkam-Orange
#2
what the? sila pa dn ni nicky at hilary? ang pogi nya ah. leche. XD update soon~~
ChoKyu
#3
natuwa naman ako sa last diary entry. kaso, panira ung huling sentence. :'< NICKPHIE FTW! :D update soon.
sarahflyy
#4
Thank you~ =))) Mamaya siguro magaUpdate nako. =)))))
ryeong09 #5
Waaaaaaa~~~ I LOVE YOU NA!!!!!! ANG GANDA!!!! sna magupdate k n ulet~~~ =))))))
sarahflyy
#6
Wala ngang pumansin sa wattpad eh. -_- THANK KYU SA COMMENT MO! =))) >:D<
ChoKyu
#7
hi! :3 ang ganda ng kwento, sayang under-rated to. :) payo lang, try mong ipost to sa wattpad, tatangkilikin to, promise. :) pero sana ipagpatuloy mo pa din to. ang ganda kasi~~ un lang, update soon~ \*o*/