First Day

Tease

Kabanata 1                                                        

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Hi, ako nga pala si Sofie, 13 years old. at ngayon.. ako ay kasalukuyang nagmamaktol sa kwarto. Bakit? first day kasi kanina. Wala lang, nabadtrip ako eh.

 

"Ate. dali! first day na first day magpapalate tayo." Sumigaw ako habang nakasilip sa may hagdan. Pano ba naman kasi tong kapatid ko, magkaquarter to seven na nagdadamit padin.

 

"OO SANDALI LANG!!" Sandali daw... kanina ka pa dyan. Naglakad lakad ako sa sala namin, kakalipat lang namin dito nung isang araw, walking distance lang sa school. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin, ang haggard ng mukha ko halatang puyat.

"Bye ma!" sigaw ng ate ko habang palabas ng bahay, siraulo yun iwanan daw ba ako.
~*~
"Sofieeeee! i miss you!" bati sakin nung bestfriend ko, si Angel, na may kasamang hug.

Siksikan sa lounge, pano ba naman muntikan na kaming malate. Walking distance naman kami nagpumilit pang ihatid kami gamit yung kotse, yung limang minutong pagpunta sa school naging sampung minuto dahil sa mga epal na tricycle.

"Ba -nickname ko sa bahay- , anong section mo?" may kumalabit sakin tapos bumeso, kapatid ni papa si Mama Vic.

"Di ko pa alam eh, siksikan kasi.. si Chacha anong section?" Si Cha cha yung pinsan ko sa lower batch, first year. May kapatid sya na kabatch ko, si Ivan, di na kailangan tanungin section nun.. malamang first.

"Nahiwalay sakin si bunso, kasama kaibigan nya. Dali, tignan natin yung iyo."

Pagkaalis sa mala mosh pit sa tapat ng bulletin board katapat na namin yung bond paper na may mga sections. Tinignan ko bawat apilyedo, hindi ko makita pangalan ko.

"Ba, eto pangalan mo... Ricarte" sinundan ko yung daliri ni Mama Vic, Ricarte?! anong section yun? never ko pang narinig yun, sa 10 years ko sa school nato first time nagkaron ng Ricarte.

Tinignan ko yung mga pangalan ng kaklase ko, ang naalala ko lang apilyedo ay Abrenas. Di ko kilala yun!

~*~

"Sunduin nyo ko dito ah, di ko alam section nyo." Sabi ko kay Angel sabay bitaw sa kamay niya.

Oo, di kami magkaklase ni bestfriend.. badtrip nga eh, kanina kasi nagreklamo kami nung isa kong kaibigan sa principal, magpapalipat sana kami ng section.. wala, nonsense. Bawal daw kasi by grades daw yun tapos may rules and regulations blah blah blah.

Buong araw puro introductions lang, paulit ulit. 'Hi, i'm Sofie, 13 years old.' kaso may ibang malakas yung trip na mga teacher na hindi kuntento sa salita lang. May ibang gumamit ng candy, talent tsaka drawing.

Pinadrawing kami nung adviser namin ng symbol na magdedescribe samin, gusto ko sanang magdrawing ng tao kasi-- Well, tao ako. Kaso bawal ata yun, kaya nagdrawing ako nung emoticon na poker face kasi lagi akong poker face at mukhang walang pake.

Sa sampung oras ko sa school, ni isang kaklase wala akong nakadaldalan. Nasa may pintuan ako nakapwesto, nasa unahan kasi ako ng pila kanina nung pumasok. Buong araw nakatitig lang ako sa pader sa harap ko.

Pinasulat samin yung schedule namin araw-araw tsaka yung mga pangalan ng teachers, mabilis akong natapos. Isa isa kong tinignan yung mga kaklase ko, may isang familiar yung mukha... sya yung crush ko nung grade 4, si Seth.

~*~

"HOY BAAAAAA!KAKAIN NA!" sumigaw si ate galing sa kainan sa baba.

"OO! SANDALI!" Kinuha ko yung cellphone ko sa ilalim ng unan.

'6:30 pm na pala ilang oras na lang babalik nanaman ako sa walang kwentang school na yun.

Kaklase ko pala si Seth, kilala pa kaya nya ko?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
Kkam-Orange
#2
what the? sila pa dn ni nicky at hilary? ang pogi nya ah. leche. XD update soon~~
ChoKyu
#3
natuwa naman ako sa last diary entry. kaso, panira ung huling sentence. :'< NICKPHIE FTW! :D update soon.
sarahflyy
#4
Thank you~ =))) Mamaya siguro magaUpdate nako. =)))))
ryeong09 #5
Waaaaaaa~~~ I LOVE YOU NA!!!!!! ANG GANDA!!!! sna magupdate k n ulet~~~ =))))))
sarahflyy
#6
Wala ngang pumansin sa wattpad eh. -_- THANK KYU SA COMMENT MO! =))) >:D<
ChoKyu
#7
hi! :3 ang ganda ng kwento, sayang under-rated to. :) payo lang, try mong ipost to sa wattpad, tatangkilikin to, promise. :) pero sana ipagpatuloy mo pa din to. ang ganda kasi~~ un lang, update soon~ \*o*/