Chapter 2

Bawal Mahulog, Kaibigan Kita!
Please Subscribe to read the full chapter

Jusko, minsan na nga lang kaming magkita-kita, kung kailan pa tinoyo 'tong dalawa.

 

"Huy, weekend na weekend akala ko ba good time lang dapat!" Pinagalitan ko yung dalawa na tilang nakatunganga lang habang hinihintay yung inorder naming pagkain. Andito kaming apat sa TGIF ng Robinsons Manila.

 

"What happened ba?" Tanong ni Aeri sa dalawa. "Jimin, baka naasar nanaman si Minjeong sa'yo. You like to annoy her pa naman."

 

Jimin scoffed. "Excuse me? Ako pa nga? I'm the one mad here." Saka nagdabog si anteh pagka-sandal sa leather seat niya habang sinusungitan ang kaniyang katabi ngunit wala naman itong pake sa kaniya dahil busy itong mag-soundtrip sa selpon.

 

Sinipa ko ito sa ilalim ng lamesa, katapat nila kaming dalawa ni Aeri na magkatabi. Nagulat ito at tinanggal ang isang piraso niyang Airpods. "Bakit?" She mouthed quietly, ignoring Jimin who's sulking next to her.

 

"Problema niyong dalawa? Kanina pa kayo di nagpapansinan." Sabi ko.

 

Huminga muna 'to ng malalim bago sumagot. "Ni-reject ko application niya sa chess club." Sabay binalik ang Airpod sa tenga niya. Sinipa ko siya ulit. "Bakit mo naman ni-reject?"

 

"Inaasikaso na niya yung student council." She plainly answered kaya nakatanggap ng sampal ang kaniyang braso mula sa katabi niya. "Bobo maglaro." Nakatanggap nanaman ito ng isa pang sampal.

 

"Maka-bobo ka eh natalo nga kita." Pagtanggol ni Jimin sa kaniyang sarili.

 

Tinaasan namin ni Aeri ng kilay si Minjeong, waiting for another answer.

 

"Hahabulin lang ng mga lalake si Jimin-" Hindi natapos ang kaniyang sasabihin.

 

"Eh bakit si Minju tinanggap mo?" May halong pagkairita sa boses niya. "Pag iba pwede? Ako hindi?"

 

Napakamot ng ulo si Minjeong at 'di na nakasagot nang dumating na ang aming pagkain.

 

Inobserbahan lang namin ni Aeri yung dalawa habang tinutulungan kami nung waitress ayusin ang mga pagkain sa lamesa.

 

Saglit na tinignan ni Minjeong ang puting suot ng katabi niyang nakasimangot sabay kinuha ang tissue na pinagpapatungan ng kaniyang utensils. Binuklat niya ito at inipit sa may leeg ng damit ng katabi. "Ayan, makalat kang kumain eh."

 

"Pff," Inirapan lang siya ni Jimin. At nung pinulot na ni Minjeong ang kaniyang knife at fork para kumuha ng ribs, pinigilan siya ng katabi. "Akin na nga yan. Nakakalimutan mo laging magpunas." Hinayaan lang siya ni Minjeong na punasan ang utensils niya gamit ang tissue galing sa tissue box na nasa gilid ng aming lamesa.

 

While she's at it, napatingin siya sa amin ni Aeri. "Kayo din," Jimin instructed. "Wipe your utensils before eating para sure na malinis."

 

Napalingon kami ni Aeri sa isa't isa habang sinusundan ang naiutos sa amin.

 

Wala naman sa amin ang pagiging clean freak ni Jimin. We know how freaky she can get, at tama lang namang maging hygienic.

 

Napapaisip lang ako ngayon, kung araw-araw ba naman silang magkasama, I can't imagine what it's like for Minjeong nang makita siyang mukhang sanay na sanay na sa bawat kilos ng katabi. Para bang wala lang sa kaniya. 

 

Para bang mag-asawa na sila at patungo na sa kanilang golden anniversary.

 

Lalo na ngayon na kinuhanan ni Jimin ng tissue si Minjeong para ipitin din ito sa leeg-an ng damit niya.

 

"Itim ang damit ko, Jimin." Sabi nito.

 

"Ano naman?" Pagsususngit muli ni Jimin. Tinitignan lang siya ni Minjeong na hindi alam ang isasagot sa kaniya. "Edi 'wag." Hahatakin na sana ito ni Jimin para tanggalin at magdrama pa pero pinigilan siya ng katabi.

 

Minjeong now has her by the wrist.

 

"It stays," Sabi nito. "Kumain ka na diyan." Pinakawalan na niya si Jimin at tinuloy na ang pagkuha ng ribs. Hiniwaan niya din ng piraso ang katabi at pinagsandukan niya ng kanin.

 

Tamang ngiting tagumpay lang 'tong si dramaloo...

 

Tanginang mood swings na 'yan.

 

Ganito ba sila araw-araw? Jusko, Lord. Iniisip ko palang napapagod na ako.

 

Sana okay ka pa, Minjeong.

 

-

 

Pagkatapos ng aming gala, napagdesisyunan namin ni Aeri na makituloy sa apartment nung dalawa ngayong gabi, hoping na magkaayusan na sila.

 

Kung sila ay mag-roommates, kami din ni Aeri ay may sariling apartment. Kwangya University naman ang unibersidad na napasukan namin.

 

Dahil walang umiimik sa kanila kanina nung sinubukan naming mag movie marathon, 'di na namin tinapos ang pelikula at dumeretso na sa kanya-kanyang kwarto. Si Minjeong ang naisip kong asikasuhin, habang si Aeri naman sa isa. Gano'n naman lagi ang pairings namin ever since.

 

Pagkatapos kong maghilamos at magpalit ng pantulog, pumunta na ako sa kwarto ni Minjeong. Nakahiga na ito sa kama niya at nagtutulog-tulugan. Alam kong gising pa ito. Hinagis ko ang Shinchan stuff toy na nasa dulo ng kama niya patungo sa kaniyang mukha.

 

"Tsk, ano ba, Ning?" Binaliwala ko ang inis sa boses niya at masiglang nag-dive pahiga sa kaniyang kama. "Ning, please lang, nagpapaantok na ako."

 

"No kwento, no tulog!" 

 

"Tsk, inexplain ko naman na kanina ah. Hahabulin lang siya ng mga lalake. Ayaw ko."

 

"Bakit?"

 

"Anong bakit?"

 

"Ayaw mong habulin siya ng mga lalake."

 

"Eh kasi..." Humina bigla ang boses ni Minjeong, parang nahihiyang ituloy ang kaniyang sasabihin.

 

"Kilala mo naman 'yon," Panimula ko. "Wala 'yun sa kaniya. Ilan na rin na-basted ni girl-"

 

"Baka mabastos lang siya do'n."

 

"That's not it either, Minjeong. Babae din naman yung Minju na sinasabi ni Jimin. Bakit si Jimin 'di mo-"

 

"'Di kami close." Kumunot ang noo ko. Ang hina ng pagkakasabi niya. Hindi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TYTFshipper
269 streak 0 points #1
Chapter 25: churchmate pala ang labanan dito 🤧 hahaha haynako ang cuties lang 🥹🥰
asdfghjklmaeee
154 streak #2
Chapter 25: Awww cuties na noon pa 😣
shoheii #3
Chapter 20: mahal?! papatayin nyo po ba ako sa kilig 😣
shoheii #4
Chapter 17: napa kagat ako sa cp ko pls ang gandaaa
bigboy123
144 streak #5
reread~ 🤭
xiaosythe #6
kilig😞
wnddmks_ 671 streak #7
Sisimulan ko na talaga to after finals😭
karwinjeongz
#8
Chapter 25: HOY ANG KILIG KO 😭😭😭 ANG CUTE CUTE NILAAAA hAyy EVERY CHAP NAMAN HUHUHU "ang mahabang panahon kasama siya" WHAT IF MAGDABOG AKO DITO?? High school palang nagtatampuhan na sila, probably unaware of their feelings yet which is rly nice to see 🥹 neeways, thank you sa ud tor!!! looking forward sa next (
6789gu8 #9
Chapter 15: 😭😭😭 dami nangyari jfjfkdkdjf
karwinjeongz
#10
shet may update