Chapter 4

Bawal Mahulog, Kaibigan Kita!
Please Subscribe to read the full chapter

Sabay na kami ni Minju pumunta ng room 110 kung saan gaganapin ang first general assembly ng chess club. Kanina pa nag v-vibrate ang phone ko. Kita ko naman na puro text ni Minjeong ang mga nagnonotif.

 

Hinahanap niya ako, inaabangan niya ako, at hinihintay niya ako.

 

Oh, diba...si excited. Tapos ang lakas niyang mang-reject.

 

Hindi ko siya nirereplayan dahil gusto ko din siyang ma-surprise. Yung pagsali ko ng chess club para makasama siya—ito ata ang pinakaunang pagsasama namin together after our first three years in college bukod sa pagiging classmates namin sa iilang subjects na before. Pero kahit magkaklase kami, hindi ko siya nakakasama sa mga groupings or activities.

 

Minjeong always prefers to do things solo kasi.

 

I remember nga one time, ikinatampo ko yung isang pair activity na nangyari. Of course I turned to Minjeong first. Gusto ko siya maging partner kahit marami nang gustong makipag-pair sa akin. But she turned me down.

 

Hobby niya sigurong i-reject ako. 

 

Basta simula ngayon, I won't let her turn me down na. Ba't ako matatakot sa isang cute na baby, diba? And for one, I'm older. Hindi ko alam sa sarili ko bakit mahilig akong magpa-under sa kaniya.

 

I guess it's because I also like being babied by her. Minjeong is very domestic lalo na sa akin. She takes care of me very, very well. Kaya madalas, hinahayaan ko lang siya, lalo na sa mga gusto niya. My way of letting her win.

 

But I still hate it 'pag nakukuha niya lagi gusto niya kahit 'di ko gusto. Take our set-up as an example.

 

Bumabalik nanaman yung inis ko just by thinking about it, tch.

 

"You good?" I came back to my senses pagkatapos akong tapikin ng kasama ko. "Parang ang lalim ng iniisip mo."

 

Tumawa ako ng mahina. "Nainis lang sa naalala ko."

 

Nakarating na kami ng room 110. Binuksan ko ang pinto at pinauna si Minju na makapasok. We're greeted by Jeno from a few distances away. "Good afternoon, welcome to chess club's first general assembly. For security, ano po yung passcode?" Tanong niya kay Minju.

 

"Four one one zero zero." Sagot ni Minju.

 

"Okay, Miss. You may pass through."

 

Bibigkasin ko din sana yung passcode kaso pinahinto ako ni Jeno. "Kahit dumeretso ka na po, Miss Yu." Ay, wow. Okay? Hehe. "Miss Pres is expecting you."

 

Wahh...the special treatment, hello?

 

First lady yarn?

 

However, I'm reminded na wala pang nakakaalam na matagal na kami ni Minjeong na magkakilala. Let alone we're living together. Siguro may alam na 'tong si Jeno. 

 

His smile...I think it's meant to tease me.

 

Me and Minju enter the room some more. It's quite dim, but not too dark. Malaki rin ang kwarto at pakalat na nakapwesto ang mga armchairs. There's a big spotlight at the center front, indicating na doon si Minjeong mamaya.

 

Iilan nalang ang vacant na upuan, wala nang magkatabi na pwede para sa amin ni Minju kaya kailangan naming maghiwalay. I sigh, hindi ko expect na punuan ang club na 'to. At tama nga si Yunjin. Maraming lalaki dito. I tried to look for more women na nakapasok din kaso mga tatlo lang nabilang ko.

 

"Rina, I have to pee saglit. Kahit mauna ka nang umupo." I nodded and let her off.

 

I scan the room. May isang vacant na upuan sa first row, mga lima sa bandang gitna, at isa sa may bandang likod. Siyempre, kinuha ko na yung nasa likod dahil ayoko nang makipagsiksikan sa gitna. Ito din ang pinakamalapit eh. I notice there's a bag on the seat next to mine. I wonder tuloy kung saan uupo si Minjeong. Gusto ko sa tabi niya.

 

I scan the room again to look for the girl on my mind kaso wala siya. I decided to text her.

 

Me: Minjeonggg

 

Me: Where ka po? 🥺

 

MJ ❤️: Kakatapos ko lang mag cr

 

MJ ❤️: Room ka na?

 

Me: Yeahh

 

Me: I wanna see president minjeong in action na 👀

 

MJ ❤️: Otw haha

 

MJ ❤️: Kasama ko po si minju pabalik since nag cr din siya

 

Ah, okay. 

 

Naunahan pa akong makita ka.

 

Hindi ko na nireplayan si Minjeong and left her on read, hoping na makabalik na sila ni Minju ng room.

 

Maya maya, I felt my phone vibrate.

 

MJ ❤️: Andito kami canteen, sinamahan ko muna siya bumili ng tubig.

 

Weird. Knowing Minjeong, hindi niya basta basta sinasamahan kung sino sino.

 

MJ ❤️: May gusto ka ba?

 

I typed.

 

Me: La 

 

Ba't ba ako nagtatampo eh manhid 'tong kausap ko? Pwes, hindi marunong manuyo.

 

MJ ❤️: Wala? Okay po.

 

See?

 

Tinabi ko na ang phone ko sa bulsa nang maramdaman kong may nagtanggal nung bag na nakapatong sa katabi kong upuan. I look up to see it's just Jeno. 

 

I guess tabi kami.

 

We greet each other with a smile.

 

"Ikaw pala 'tong katabi ko eh. Musta? Maya maya mag-sstart na ang assembly." He began talking. "Wait natin si Pres. Sabi niya c-cr lang daw siya."

 

Yeah, nag-cr date at canteen date sila ni Minju.

 

"Ano pala ganap today?" I decided to ask.

 

"Wala masyado. Papakilala lang si Pres tapos diretso laro na," Simple niyang sagot. Tumango nalang ako.

 

There was an awkward moment of silence after. Hindi ko alam ano pang pwede kong sabihin o matanong.

 

Siya rin bumasag ng katahimikan. "Uh, Miss Yu. Karina Yu, right? Or Katarina?"  

 

"Just call me Rina like how the others would."

 

"Ah, okay, sige. Rina." He tries out my name.

 

"Nga pala, what brings you here? Hindi ka ba busy sa student council?" Naisipan niyang makipag-small talk.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TYTFshipper
269 streak 0 points #1
Chapter 25: churchmate pala ang labanan dito 🤧 hahaha haynako ang cuties lang 🥹🥰
asdfghjklmaeee
153 streak #2
Chapter 25: Awww cuties na noon pa 😣
shoheii #3
Chapter 20: mahal?! papatayin nyo po ba ako sa kilig 😣
shoheii #4
Chapter 17: napa kagat ako sa cp ko pls ang gandaaa
bigboy123
144 streak #5
reread~ 🤭
xiaosythe #6
kilig😞
wnddmks_ 670 streak #7
Sisimulan ko na talaga to after finals😭
karwinjeongz
#8
Chapter 25: HOY ANG KILIG KO 😭😭😭 ANG CUTE CUTE NILAAAA hAyy EVERY CHAP NAMAN HUHUHU "ang mahabang panahon kasama siya" WHAT IF MAGDABOG AKO DITO?? High school palang nagtatampuhan na sila, probably unaware of their feelings yet which is rly nice to see 🥹 neeways, thank you sa ud tor!!! looking forward sa next (
6789gu8 #9
Chapter 15: 😭😭😭 dami nangyari jfjfkdkdjf
karwinjeongz
#10
shet may update