Chapter 10

Bawal Mahulog, Kaibigan Kita!
Please Subscribe to read the full chapter

Walang katapusang paperworks nanaman. Papalapit na kasi ang foundation week at maraming gustong i-propose ang bawat orgs. Hawak ko ngayon ang COMM TV Org at yung sa Film Club...sabi kasi ni President Eunbi na tig-dalawa daw kada SC member. Pero itong si Rina, talagang hinahakot lahat. Siyempre matic, hawak niya agad yung dalawang orgs nung "bebe" niya. Siya talaga nag-volunteer dun eh. Tapos, gusto pa kunin yung akin.

 

"Chae, kahit ako na diyan. Patapos naman na ako sa orgs ni Minjeong." Pagkulit niya.

 

Eto pa, simula nung nakwento niya sa akin about sa kanila ni Winter, feel na feel nang gamitin ang isang pangalan. Tinanong ko kung pwede rin ba akong maki-Minjeong. Aba, bawal daw! Siya lang daw pwede.

 

Nabanggit niya din yung parang tropa nila sa labas. Ningning pangalan nung isa tapos Aeri ata yung pangalawa. Basta apat daw silang mag-t-tropa simula high school which is really cute. She even showed me some photos as proof...ang cute nila ni Winter! Tapos yung naging strangers set-up nila from first year until this month when it "ended". Ang masasabi ko lang—

 

Winter, ang dami mong alam. Pero relate ako.

 

"Alam mo, teh, kaya ko na 'to. 'Yang sa bebe mo nalang ang asikasuhin mo-" Sagot ko kay Rina nang makisali sa usapan si Pres. Eunbi. "May bebe na si Rina?"

 

Kita ang panic sa itsura ni bakla.

 

"Chae's speaking nonsense, Ate. Don't mind her." Sagot niya agad.

 

"Nonsense ka diyan," I sassed at tinignan ang aming president. "Ate Eunbi, may crush 'yan. Halatang namimiss dahil out of town kaya nagpapaka-busy. Tignan mo-"

 

"Ano ba, hindi ako nagpapakabusy!" Naaasar na siya kaya natatawa ako. "Hindi ba pwedeng bored lang at gusto ko kayong tulungan?"

 

Napasilip si president sa desk ni Rina. "Oh, math at chess. Type mo yung president nila? Sobrang cute no'n."

 

"Rina, cute daw oh~" I said in a teasing way.

 

Hindi kami pinansin at binalik ang atensyon sa mga papel. Natawa si president, "Para kayong mga high school." at bumalik sa desk niya.

 

-

 

"Chae, lunch na. Let's eat!" Aya ni Rina sa akin.

 

"Busog pa ako eh, gusto ko muna tapusin mga papers–"

 

"Maya na 'yan. Kain na muna us. Sabay ka sa amin ng friends ko, you want?"

 

Friends niya...

 

"Wag na, baka ma-OP lang ako." I kindly shook my head. "Tsaka busog pa ako"

 

"OP ka diyan?!" Lumapit siya sa desk ko at hinila ako para tumayo. "Sumabay ka na!"

 

"Rina, busog nga ako!"

 

"Bakit ayaw mong sumabay?" Rina's sulking na. "Magkaaway nanaman kayo ni Yunjin, 'no?"

 

"Eh, bakit ikaw? Porket wala bebe mo ako aayain mo..." I crossed my arms.

 

"What are you saying? Alangan iwan kita dito," Pagaalala niyang sabi. "We're technically besties now~"

 

Pansin ko din, simula nung nakwento ni Rina lahat, mas naging clingy siya sa akin. We've always been close naman ever since we became part of the student body. Mas naging close nga lang lalo these days. Tuwing nababanggit niya si Winter, nalalabas niya yung cute and bubbly side niya which, as a friend, I enjoy seeing. Now, as I contemplate on spending lunch with her and her friends, she's giving me those puppy eyes and it's working.

 

"Tara na, bwiset. Pasalamat ka mukha kang aso!" Nakatanggap ang braso ko ng malakas na hampas. "Ikaw ah, abusive! Akala ko ba besties tayo!" Na-cringe si Rina sa paggaya ko sabay pinalupot ang kanyang braso sa akin.

 

Lumabas na kami ng office.

 

Sabi nga sa pelikulang Casablanca, this is the beginning of a beautiful friendship.

 

-

 

I gulped hard pagdating namin ng cafeteria. Kitang-kita ang lamesa nilang magkakaibigan.

 

Nang makalapit kami sa lamesa nila, agad silang nag-besuhan. They all looked surprised to see me.

 

Hindi ko naman kailangan makipag-beso, diba? 

 

Ay, nevermind–

 

Isa-isa silang nakipag-beso sa akin—Ryujin, Yujin, Gaeul, and Minju...

 

Bukod nga lang sa isa na nanatiling nakaupo at nginingitian lang ako. 

 

Naupo na muli ang mga kaibigan ni Rina. "Girls, I invited Chaewon to join us today." She explained while squeezing my wrist, silently urging for me to sit.

 

Vacant yung dulong magkaharapan. Either sa tabi ni Minju ako uupo, o sa tabi ni Yunjin.

 

I saw the way Minju motioned for me to sit next to her, also seeing the way Yunjin patted the vacant space sa tabi niya. 

 

Kay Minju ako tumabi.

 

Hindi na muna umupo si Rina dahil siya na daw ang oorder. "Sisig diba?" She asked. Tumango lang ako. "Sige, order ko na. Usap muna kayo. I'll be quick lang."

 

Rina, hoy! Wag mokong iwan dito! 

 

Tatayo na sana ako para sundan siya nang pigilan ako ni Minju. "Hey, dala ko rubicks ko. Did you learn the new set of algorithms na tinext ko kagabi?"

 

Puta, hindi!

 

"Hindi, busy ako kagabi eh–"

 

"Hindi kaya," Mahinang singit ni Yunjin. 

 

Luh, nakikisali sa usapan...

 

Napausog naman 'to sa pwesto ni Rina nang tapikin ng katabi niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. "Musta mga papers para sa foundation week?" Tanong ni Ryujin 

 

"Ayun, naaasikaso naman namin. Hawak ko nga yung inyo eh," Sagot ko at tumingin kay Gaeul. "Pati yung film club."

 

"Let me guess, hawak ni Rina yung sa chess?" Hula ni Minju.

 

"Chess at math," I confirmed. "Bakit?"

 

Minju sighed. "Maparaan din pala." Napakunot ang noo ko.

 

"I think Winter trusts her orgs with Rina kaya siya na nag asikaso." I suggested. 

 

"Malay mo hindi lang yun~"

 

"Baliw ka, Minju. Tigilan mo na si Rina. May kausap na nga 'yun. Iyong-iyo na si Winter." Ryujin insisted.

 

Kausap? As in ka-talking stage? Nalilito ako. Bakit ang dating may kausap si Rina na iba? Alam ko namang hindi pa sinasabi ni Rina sa mga kaibigan niya yung tungkol sa kanila ni Winter kaya ano 'tong nasasagap ko? Sa pagkakaalam ko, si Win lang naman ang gusto niya.

 

These girls must have it all wrong, my gosh.

 

"Kausap? Anong kausap?" Tinanong ko na.

 

"Etong si Ryujin kasi," Si Yujin ang sumagot. "Nakikitang may kausap lagi si accla." Lumingon siya kay Ryujin. "Ano ulit yung nakita mong pangalan?"

 

"Basta may heart na red yung contact name," Sigurado niyang sagot.

 

"Kayo naman oh...may heart din naman mga pangalan niyo sa'kin. At kesa pagusapan si Rina ng ganito, ba't 'di niyo nalang diretsuhin sa kanya? " Tanong ni Gaeul.

 

"Baka ayaw pa ma-jinx ni Rina." Sagot ni Yunjin bago isubo ang nabili niyang takoyaki. Bigla itong nag-react na parang napaso sa kinakain niya kaya nilapit ko nalang yung bote niyang Wilkins. Kaso, nasobrahan ko ata ng pwersa na nahulog ito. 

 

Ang lampa ko talaga.

 

"Kaya hintayin nalang natin siya magkwento." Sabi ni Ryujin.

 

"So it's settled?" Minju spoke again, looking at all of us. "Wala akong kaagaw kay Winter?"

 

Sasabihin ko sanang meron pero ayokong pangunahan si Rina.

 

Katarina Yu, asan ka na ba? Pinaguusapan ka na di-

 

"Meron."

 

Lumaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Rina. I spun around quickly, watching her place my sisig plate on the table.

 

"Tagal mo," I whispered loudly. Ngumiti lang siya. 

 

Kinabahan ako. Si Yunjin kasi dapat ang katabi niya.

 

Pero ngayon, si Minju ang tinabihan.

 

Bale si Yunjin na talaga ang kaharap ko, at nasa gitna namin ni Rina si Minju.

 

"Kaagaw din ba kita kay Winter?" Diretsuhang tanong ng katabi ko kay Rina. Nakagat ko ang dila ko.

 

Takte, ang sakit!

 

"Careful," Rinig kong sabi ni Yunjin at inabutan ako ng tissue. Tinitignan niya ako. "May mayonnaise ka." Turo niya sa gilid ng bibig ko.

 

Diwaw, thanks.

 

"So you like her?" Maayos na pagkakatanong ni Rina kay Minju habang hinahalo ang sisig sa kanin.

 

"I thought I was already being obvious." 

 

"Well, has Winter picked up on it?"

 

"I tried telling her pero sa'yo siya tumabi, remember?" Gagi naalala ko yung nangyaring overnight. "And she's dense as ." Dagdag niya na ikinatawa bigla ni Rina. Nakitawa na rin si Minju.

 

Okay, nagtatawanan sila. Mukhang wala pa namang sabunutan na magaganap. Tamang nakikinig lang rin yung iba naming kasama. Ang spotlight ngayon ay nakila Rina at Minju.

 

"Hindi mo pa sinasagot tanong ko." Minju nudged herself lightly to Rina who's busy with her food.

 

"Winter told me something nung overnight sa kanila," Mukhang wala pa talaga siyang balak na sabihing mag-roommates sila. "She likes someone." 

 

Uy, may gusto si Winter? Hindi pa 'to sinasabi ni Rina sa akin...

 

"Hindi ba aromantic siya?" Minju tilted her head.

 

Umiling si Rina, emptying so she could speak. "Naguluhan lang siya no'n kasi isa palang daw nagugustuhan niya."

 

Halos matunaw ang mga kasama namin sa nalaman. Habang si Minju, ay tahimik lang, taking a long sip from her iced coffee.

 

"Lucky ." Minju said quietly na narinig naming lahat, making us all laugh.

 

"Swerte, 'no?" Komento ni Rina.

 

Yunjin cleared . "Speaking of Winter, icocover ulit namin yung chess club para sa event namin sa foundation week."

 

"Have you informed her na ba?" Tanong ni Rina.

 

"Kay Jeno ko pinasabi since vice naman siya nung club." Tumango lang si Rina at inubos na ang natitira niyang sisig. Paubos na rin yung akin. Grabe 'tong sisig na 'to, kabitin. 99pesos tapos ang onti. Buti nalang masarap.

 

Maya't maya, nag-ring ang kaniyang phone. Kita ko ang pag-sulyap nila Ryujin sa screen, trying to have a look kung sino tumatawag. 

 

Buti nalang tumayo agad si Rina. "Girls, sagutin ko lang 'to," She then excused herself to the side.

 

"Guys, tignan niyo siya oh. Grabe ang ngiti." Ryujin noticed, making all of us look at Rina who stood a few centimeters away, leaning on one of the sliding doors ng cafeteria.

 

Ganyan ang ngiti pag down bad.

 

-

 

Dahil pinapabalik na kami ni Ate Eunbi sa office, hindi na kami ni Rina nagkaroon ng time para chumika pa. Mabilisang-CLAYGO ang ginawa namin at nagpaalam na sa mga kasama. 

 

Pagdating namin ng office ni Rina, we both got back to work immediately. Excused naman kami sa classes namin today kaya walang problema kung hindi kami pumasok. Tamang habol nalang ulit sa mga lessons as always.

 

Nag-vibrate ang selpon ko. Tinignan ko yung notif: 1 new message from Jen

 

Jen: Heyy labas ka

 

Huh? Anong kailangan neto?

 

Me: WhyKket?

 

Jen: Can you just? 🙄

 

Me: Eto na 😒

 

I excused myself in the office and went out to see her na naka-sandal sa pader. Ngumiti siya agad nang makita ako.

 

"Oh?" Sinungitan ko siya.

 

"Don't you know how to greet someone?" Sabi niya.

 

"Ginagawa mo dito?" I ignored her question, looking around nang lapitan ko siya.

 

"Bawal ka bang puntahan?" She gave me a light push on my shoulder, kumunot lang ako. "Anyway, you were awkward earlier." Dagdag niya.

 

"Hindi naman." Even though I really was.

 

"You were avoiding me kaya tapos si Minju pa tinabihan mo!" She said, pretending to be mad.

 

I crossed my arms. "Bakit? May problema ba?"

 

"Ang tanong," Yunjin paused. "May problema ka ba sa akin?"

 

I let both my arms fall to my side. 

 

"Silence means yes." Dagdag niya nung hindi ako sumagot.

 

"Okay, for one: nagpasundo sa'yo si Eunchae kagabi," I snapped, taking a step forward. "Two, dalawang oras siyang naghintay sa'yo," Napaatras siya. "And three, pinaghintay mo yung bata dahil nakipagkita ka lang sa ex mo?!"

 

"It was Kaz's birthday, okay?" She reasoned out. "And Eunchae's like sixteen! Anong bata ka diyan?"

 

Inirapan ko lang siya.

 

"Nag-sorry naman na ako sa kanya ah—binilhan ko pa ng dunkin, ba't ka pa nagagalit diyan eh okay na kami?"

 

Kasi wala ka sa dorm lagi!

 

"Umalis ka na nga dito!" Tinulak ko siya palayo. Nakaka-stress siya kausap. At ewan ko ba, kahit huminga lang siya parang kusa nang umiinit ulo ko. "Marami pa akong gagawin."

 

"Ugh, take this muna," May nilagay siyang candy bigla sa kamay ko.

 

F

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TYTFshipper
269 streak 0 points #1
Chapter 25: churchmate pala ang labanan dito 🤧 hahaha haynako ang cuties lang 🥹🥰
asdfghjklmaeee
154 streak #2
Chapter 25: Awww cuties na noon pa 😣
shoheii #3
Chapter 20: mahal?! papatayin nyo po ba ako sa kilig 😣
shoheii #4
Chapter 17: napa kagat ako sa cp ko pls ang gandaaa
bigboy123
144 streak #5
reread~ 🤭
xiaosythe #6
kilig😞
wnddmks_ 671 streak #7
Sisimulan ko na talaga to after finals😭
karwinjeongz
#8
Chapter 25: HOY ANG KILIG KO 😭😭😭 ANG CUTE CUTE NILAAAA hAyy EVERY CHAP NAMAN HUHUHU "ang mahabang panahon kasama siya" WHAT IF MAGDABOG AKO DITO?? High school palang nagtatampuhan na sila, probably unaware of their feelings yet which is rly nice to see 🥹 neeways, thank you sa ud tor!!! looking forward sa next (
6789gu8 #9
Chapter 15: 😭😭😭 dami nangyari jfjfkdkdjf
karwinjeongz
#10
shet may update