Chapter 8

Bawal Mahulog, Kaibigan Kita!
Please Subscribe to read the full chapter

Jimin isn't difficult to read. Maybe that's just our seven...eight years of friendship talking, but I know when something is up and she won't tell me.

 

But I'm not one to force it out of her either. That's why I usually wait. Hinahayaan ko siyang magkwento. And I've been waiting since the overnight that took place.

 

Since then, she has been acting weird—weird in a sense I can't quite explain. But this kind of weird is the good and confusing kind, I guess. 

 

Basta...she's awkward, pero in a cute way. Tatawanan niya mga sinasabi ko kahit wala namang nakakatawa. I would also repeat myself often dahil parang distracted siya na ewan. Wala din namang problema sa akin. I just find the sudden shift of behavior weird because she's not usually like this. Jimin's playfully confident, but lately she isn't. Kaya feel ko may something.

 

I catch her staring quite a lot, and whenever I'd ask a penny for her thoughts o kung may problema ba siya, she'd always deny it and tell me she's okay. What concerns me is how often she has been stuttering. I notice how extra careful she's been with me lately. Parang bine-baby niya ako when it's usually the other way around. Kaso ang dating sa akin ay parang nalaman niya na may sakit ako at iilang araw nalang ang natitira kaya wagas niya akong alagaan. It's honestly concerning, at balak ko siyang i-confront about this.

 

Jimin, hindi pa ako mamamatay!

 

She's been inviting me frequently for lunch rin sa cafeteria at unti-unti ko nang nakikilala ang mga kaibigan niya na halos magkatunog ang mga pangalan. Jimin even had to quiz me sa mga names nila.

 

Ryujin's a wack-o, pero kakaiba pag nagseryoso. Yujin's also a wack-o, but she's funny. Gaeul's the mother of the group, the most mature, pero masaya kasama. Si Minju naman...she's complicated, but nice. As for Yunjin, solid siya kasama, very down to earth at ang random ng trippings niya lagi.

 

Lagi niya nga akong trip eh, at tipong sinasakyan ko lang. 

 

Kanina, nagpaalam siya sa akin kung pwede niya daw ba akong ipost sa IG story niya para manginggit. Hindi ko nga ito nagets. Sino naman iinggitin niya? Ang pagkakaexplain niya ay para lang daw ma-softlaunch yung friendship namin. Sabi ko go lang. Kaibigan naman ito ni Jimin kaya parang kaibigan ko na rin sila. Ayokong maging KJ sa paningin nila. Ayokong mambasag ng trip since they've been so welcoming sa akin.

 

Ngayon, saktong paguwi namin sa bahay, tahimik si Jimin. Hindi daw ako dapat pumayag kay Yunjin. 

 

"Now everyone thinks you guys are a couple," Sabay pinakita niya yung IG story ni Yunjin. I don't get it. Selfie lang naman namin 'yun. "She even posted the picture on Twitter." Yung Twitter post naman ang pinakita niya sa akin sabay scroll sa comments. 

 

I sigh. The people are putting malice between me and Yunjin. Grabe, bakit ang i-issue nila? Buti nalang wala akong Twitter. Eto din rason kung bakit sila Jimin, Ning, Aeri, at Jeno lang ang laman ng IG ko noon, tapos nadagdagan na lately gawa nung mga kaibigan ni Jimin. Pansin ko din na gawa nung pag-mention sa akin ni Yunjin, dumami ang followers ko—mga taga-SMU ito panigurado. Siyempre, hindi ko sila finollowback. Okay na yung ganitong small circle. Si Chaewon nga finollow na din ako. Of course, finollowback ko siya.

 

"Jimin, wag ka na magalit," I sulked next to her on the sofa. "Chat ko nalang si Yunjin. Papa-delete ko 'yun-"

 

"Hayaan na. Na-post na eh." Sagot niya na may halong inis. "Kain na tayo." Tumayo na siya at pumuntang kusina.

 

No. Ayokong ganito si Jimin. Ayokong naiinis siya sa akin. I need to fix this. Kailangan ko si Jeno.

 

Me: Brad, need ko help mo.

 

Jenobilat: Anoyun, miss maam?

 

Me: Gagawa ako twitter.

 

Jenobilat: Huwaww pinost ka lang ni mareng yunjin eh

 

Me: Ipopost ko si Jimin.

 

And yes, Jeno knows about me and her. Sinabi ko sa kaniya ang lahat. Matagal na, actually. I had to.

 

Jenobilat: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHHAHA

 

Me: Anong nakakatawa don?

 

Jenobilat: Inggit ata misis mo asjdhgajfadk

 

Inggit? bakit naman siya maiinggit?

 

Tsaka misis ang tawag niya kay Jimin because of the fact that we're living together. Hinahayaan ko lang naman. Hindi ko din naman siya pinapayagan na tawagin siyang Jimin.

 

And I happen to like the sound of misis, ang sarap pakinggan.

 

Me: She's pissed, not inggit. 

 

Jenobilat: Ganun na rin yun boss

 

Jenobilat: Tanong mo pa siya

 

Mabilisan kong tinignan si Jimin na sineset up ang dining table.

 

Totoo bang naiinggit siya? O kabag lang ito ni Jeno?

 

Tutulungan ko dapat siyang ayusin ang lamesa pero sabihan niya ba naman ako na be a good puppy and just sit down...siyempre...napaupo talaga ako. Ganito ako usually 'pag may toyo siya. 

 

Me: Maya ko na siya kausapin.

 

Me: Fresh pa ang toyo huhu

 

Jenobilat: Alam ko na boss

 

Me: ??

 

Jenobilat: Tama yung naisip mo

 

Jenobilat: Gawa ka twitter tas post mo siya don

 

"Minjeong, umupo ka na dito." Rinig kong sabi ni Jimin mula sa kusina. I immediately obeyed at umupo sa lamesa, tahimik lang ako at patuloy na ka-chat si Jeno.

 

Jenobilat: Post ka din pic niyo

 

Me: Okay okay.

 

Jenobilat: Hoy seryoso?!!! 

 

Jenobilat: BOSS AKO DAPAT UNANG FOLLOWER MO HA

 

"Minjeong, put your phone away," Saway sa akin ni misis. Nakaupo na rin siya. Nagkasalubong ang kilay ko nung nakita kong sa harapan ko siya umupo at hindi sa tabi ko. "Mamaya na 'yan." Dagdag niya pa, referring to my phone.

 

"Teka, last. Replayan ko lang 'to." Sabi ko sa kaniya.

 

Me: Jimin una kong ffollow.

 

Jenobilat: OKAY SANAY NAMAN NA AKONG MAGING TALUNAN

 

Jenobilat: Eto nga pala username ni misis @katarinabluu

 

Jenobilat: Tapos eto akin @jenotalunan

 

Natawa ako ng malakas! Bakit ginawa niyang username yung inaasar sa kaniya! Takte, laptrip!

 

"What's so funny?" 

 

Hala...

 

Pinatay ko na ang selpon ko at pinatong sa lamesa.

 

"Wala po," Mahina kong sinabi. I'm legit scared when Jimin is being like this. "Tara, kain na."

 

...

 

Habang kumakain, nagkaroon akong chance para kuhanan siya ng picture. Taking stolen photos of her has become a habit of mine for many years now. Yung phone ko, punong-puno ng stolen pics niya. Iilang pictures ang meron na ako na nakanganga siya habang natutulog, nakakunot dahil inis siya sa akin, umiiyak gawa nung mga malungkot na pelikulang napanood namin, and many photos of her looking silly and very, very beautiful. Jimin is aware of this at inamin niyang gusto niya din tuwing kinukuhanan ko siya ng litrato. Gano'n din siya sa akin. She's a person who's also fond of keeping memories. Kung ako, na maraming stolen pictures niya, mas marami ang stolen pictures niya of me sa selpon niya. Hindi daw siya papatalo haha...it's our thing.

 

"Wag mo lang ipopost para kunwari sa'yo lang 'yan." I recall her saying to me a few years ago. 

 

Jimin makes me feel special.

 

Patapos na kaming kumain at ang awkward ng silence namin ngayon. Tipong tunog ng kutsara at tinidor lang ang rinig ko. Nahuhuli ko nanaman siyang patingin-tingin sa akin. Ano meron? Pangit ba ako today? May tinga ba ako sa ngipin?

 

"Minjeong-"

 

"Jimin-" We called each other at the same time.

 

"Ikaw muna," Sabi ko.

 

"No, ikaw muna." She insisted.

 

I sigh. "Something's bothering you ba?" I asked her. This is the second time I asked that this week. "Feel ko something's off talaga and you're not telling me."

 

She shook her head. "I'm very much fine, Minjeong." She assured me, but her voice was low. 


"Yung regla ko lang siguro 'to." Oh. Nireregla siya. I should've been more attentive.

 

"Is that why ang init ng ulo mo now?" I asked carefully.

 

Kumunot ang noo niya. "People think you and Yunjin are a thing."

 

"It doesn't bother me naman Jimin," Sabi ko sa kaniya. "Balak ko nga gumawa ng Twitter para sabihan sila eh."

 

"You don't have to do that," She responded while finishing off her plate. "Nasabihan ko na sila."

 

Oh.

 

"A-anong sinabi mo? May I know?" I asked curiously. Hindi ako tinitignan ni Jimin.

 

Alam kong iniiwasan niya ang mga mata ko. "Secret." Sagot niya, sabay tumayo at dumeretso sa kusina, leaving me alone here.

 

Nakakaasar ha. 

 

Habang busy siyang maghugas sa lababo, tahimik akong gumagawa ng Twitter account. Busog na kasi ako and I can't finish my food. Eto ako ngayon na kakatapos lang mag sign-up. Wala pa akong profile picture at background photo. Mamaya na 'yun. Ramdam ko din ang pagiging boomer ko sa mga ganitong bagay. @Winter1234567 ang ibinigay na username sa akin. Ang pangit, what the ? Napapalitan ba ito? I immediately contacted Jeno.

 

Me: Brad, paano palitan username? @Winter1234567 ang ibinigay sa akin.

 

Jenobilat: Hala ka, di na yan mapapalitan! 🫵🏻🤣

 

Bakit feel ko ginagago lang ako neto?

 

Jenobilat: Dapat pinalitan mo na nung pagsign up mo

 

Kung ganun, ang malas ko naman. Minadali ko pa kasi.

 

Me: Okay, hayaan na.

 

Jenobilat: Finollow na kita wahahah abangan ko pag-tweet mo kay misis tas reretweet ko para makita ng mga taga SMU!!!!

 

Ayun sana balak ko. I-tweet ko siya tapos maraming makakita. Ever since Jimin assured me about liking to be seen with me, wala na akong pake sa iniisip ng ibang tao kapag magkasama kami. At para lang matabunan yung issue namin ni Yunjin, ipopost ko siya.

 

I'd rather be rumored with Jimin than with anyone else.

 

Pero okay lang kaya kay Jimin 'yun? Yung stolen picture lang naman na kinuha ko kanina ang ipopost ko tapos may heart emoji since sabi ni Jeno na ang paggamit ng emojis ay isang simpleng paraan para ma-express ang sarili. Para iwas misunderstanding sa chat, mag-emoji daw para alam yung mood at tone. Ang dami niyang alam 'no? Ang sungit ko daw kasi mag-chat. Baka ma-off daw si Jimin sa akin which is ayaw ko naman mangyari. Jeno has been helpful in teaching me how to express myself better as a person kaya super thankful ako sa kaniya.

 

Going back to Jimin, alam ko naman na username niya.

 

Teka, stalk ko nga muna.

 

Jenobilat: Hoy followback moko 😔

 

Me: Pagisipan ko, bye!

 

Iniwan ko na ang chat namin ni Jeno at sinearch ang username ni Jimin.

 

As expected, ang dami niyang followers. 5077 tapos 182 lang ang following niya. F-follow back niya kaya ako pag finollow ko siya?

 

Yung profile picture niya ang ganda. Ito yung pinili kong selfie! Kaya pala siya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TYTFshipper
269 streak 0 points #1
Chapter 25: churchmate pala ang labanan dito 🤧 hahaha haynako ang cuties lang 🥹🥰
asdfghjklmaeee
153 streak #2
Chapter 25: Awww cuties na noon pa 😣
shoheii #3
Chapter 20: mahal?! papatayin nyo po ba ako sa kilig 😣
shoheii #4
Chapter 17: napa kagat ako sa cp ko pls ang gandaaa
bigboy123
144 streak #5
reread~ 🤭
xiaosythe #6
kilig😞
wnddmks_ 670 streak #7
Sisimulan ko na talaga to after finals😭
karwinjeongz
#8
Chapter 25: HOY ANG KILIG KO 😭😭😭 ANG CUTE CUTE NILAAAA hAyy EVERY CHAP NAMAN HUHUHU "ang mahabang panahon kasama siya" WHAT IF MAGDABOG AKO DITO?? High school palang nagtatampuhan na sila, probably unaware of their feelings yet which is rly nice to see 🥹 neeways, thank you sa ud tor!!! looking forward sa next (
6789gu8 #9
Chapter 15: 😭😭😭 dami nangyari jfjfkdkdjf
karwinjeongz
#10
shet may update