Chapter 15

Bawal Mahulog, Kaibigan Kita!
Please Subscribe to read the full chapter

"Let's forget it happened nalang." I recalled what I had said the other day.

 

Of course, Jimin took it to heart. 

 

Kahapon, hindi ko siya makausap. Alam kong sinadya niyang magpakabusy. Sa sala kasi ako natulog—matic kasi, pag galit si Jimin sa akin, sa sofa ko pinapatulog sarili ko dahil parang hindi ko deserve ang aking kutson. And I really meant it when I said na hindi ako makakatulog gawa nung halik na ginawa ko. Mga ala singko ng umaga na ata ako nakatulog. Inasahan kong makakausap ko pa si Jimin bago siya umalis para umattend ng day two nung foundation week pero ayun...hindi niya ako ginising. Umalis siyang walang paalam.

 

Ang kapal naman ng mukha ko kung ikatatampo ko pa 'yun.

 

Pero sinubukan ko talagang bumawi kahapon through chat. Kada late reply niya, hinintay ko at sineen agad. Inintindi ko nalang nung parang ayaw niya pang pagusapan ang nangyari. And she's really great at playing the amnesia game. Siyempre nakakalungkot. Talagang kinalimutan niya.

 

What kiss, Minjeong? Anong kiss pinagsasabi mo? She'd say through chat.

 

Maghapon kong minura sarili ko. I really ed up. Akala ko ba messing up is the best part? Na-scam ata ako ni Ate Eunbi.

 

And so I waited all day kahapon for her replies and updates. Kahit tweet, wala. But thankfully, naisipan akong kulitin ni Chaewon. Kada hintay, nakakatanggap ako ng random messages sa kaniya. Kusa niyang pinapaalam sa akin kung ano ang ganap kay Jimin.

 

Chaewon: Kumakain na.

 

Chaewon: Kain ka na din.

 

Ang weird nga eh. Hindi naman ganito kalamig mag-type si Chaewon. Nakwento kaya ni Jimin yung katangahan ko sa kaniya? Edi galit na din si Chaewon sa akin?

 

Tapos eto pa mga chat niya.

 

Chaewon: Magreply ka.   

 

Nakakatakot! Kay Jimin kasi ako nagrereply at update kaya puro react lang ako sa messages ni Chaewon. Nakakamiss tuloy yung playful at mga walang essence niyang chat.

 

Kada seen at react ko, bigla nalang siyang magchachat ulit. 

 

Chaewon: Ano kinain mo?

 

Ano naman sa kaniya kung anong kinain ko? Ang random lang! Pero kay Jimin ko minessage directly na nagluto ako ng tinola. Sinabi ko pa na paubos na yung stock namin at inaya siyang mag-grocery.

 

Ayun. Sineen lang ako. Nagsabi nalang ako kay Jimin na fofocus nalang ako sa pag-isip ng concept para sa short story naming dalawa. Tinanong ko din siya kung kami pa rin ba o mas gusto niya nalang magsolo. Gets ko naman kung gano'n. 

 

Buti nireplayan niya. Alam niyo ba anong sinabi?

 

...

 

Ang misis 💙: Tayo pa rin.

 

Grabe yung tuwa ko kahapon nung nag-notif ito. Hindi ko kasi ineexpect na rereply siya. Akala ko isiseen niya lang ulit ako.

 

But I don't know how to feel sa sunod niyang message.

 

Ang misis 💙: Leave the writing to me. Just write all the ideas you have in mind for the two characters on a scratch then we'll work on a story. And let's just make them friends nalang pala. The bff trope seems complicated now. Baka maalala lang kita. 

 

Baka maalala lang kita.

 

Anong pinaparating niya diyan? Is it because of the kiss ba? At anong complicated sa bff trope eh ever since ayun na yung go-to trope niya?

 

I sigh as I read more of her dry messages from yesterday.

 

Mga apat na oras akong naghintay sa next message niya, hoping she'd update me dahil sinabihan ko siyang susunduin ko siya. Kakahintay at kakaisip sa kaniya, nakatulog ako sa sofa, edi ang ending, wala akong nalapag na ideas sa scratch document na ginawa ko sa laptop. Magugulat nalang ako paggising, nakauwi na si Jimin. Tahimik siyang kumakain magisa sa dining table ng tinolang niluto ko.

 

Hindi ko nanaman siya nasundo.

 

While she was at it, nagkunwari akong tulog. Natapos din siya agad kumain at niligpit ang pinagkainan. Pagkatapos niya sa kusina, narinig kong pumasok siya sa kwarto ko dahil pintuan ko lang naman ang nags-squeak. Maya't maya, nakabalik na siya sa sala at mararamdaman ko nalang yung pagpatong niya sa akin ng makapal kong kumot. Hininaan niya din yung electric fan dahil alam niyang lamigin ako, tapos pinatay niya pa yung laptop ko para sa akin.

 

Yayakapin ko dapat siya from the back but I didn't want to ruin the moment at hinayaan nalang siyang pumasok sa kwarto niya.

 

That's how yesterday went.

 

Ngayon, day three ng foundation week, nasa apartment pa rin ako while Jimin's at campus. Tinatamad talaga akong umattend, iniiwasan ko din ang COMM TV org nila Yunjin dahil balita ko balak nila akong interview-hin ulit. Tsaka sadyang naging busy rin ako sa mga kinailangan kong habulin na assessments. Pag talagang may nalapag na akong ideas para sa short story namin, pipilitin kong umattend ng day four and five to spend it with her. Balita ko maganda ang ganap sa movie booth ngayon na yung mga student council members mismo ang pumili. Sabi ni Jimin sa akin nung okay pa kami days before na Before Sunset yung movie na pinili niya at sa fourth day daw ipapalabas which is bukas. 

 

Sana maaya ko siya.

 

Kaka-message ko lang din kay Jimin na magiisip na talaga ako for our short story. Kaya eto ako ngayon, nasa sala pa rin, typing away from my laptop.

 

From yesterday's blank page to this:

 

ang kwento natin.docx

 

Jimin, eto mga naiisip kong ideas. May mga notes and descriptions din akong sinama with some explanations kung bakit ko sila naisip. Sorry kung ang corny. I hope we'll be able to use them. Tulong pa din ako sa pagsusulat ha? Project natin itong dalawa HIHIHIH

 

1. Girl #1

 

- basta extrovert tapos maraming kaibigan (popular campus girly siguro?? hays lmk if it's too cliche)

- matino, sobrang bait sa lahat, very matured at maayos kausap

- maganda, yung simple lang

- PARANG IKAW

 

2. Girl #2

 

- eto tahimik naman

- loner and unfriendly 

- let's make her mentally unstable para may angst lang ng onti 

- tapos kaya nalang siya pumapasok sa skul dahil dun kay girl #1

 

Plot idea: Bale ang naiisip ko with this, they are not actually friends. Pero may interes sila sa isa't isa. Sabihin natin "crush" pero basta!!! Yung point ko dito is, matagal na nilang napapansin isa't isa. Lalo na si campus crush kay loner. Inspo ko talaga here ay si mommy at yung gf niya before. Yung all throughout elementary, napapansin na niya pala si mommy. Tas si mommy naman, gano'n din. And from elem to college, kung anu-anong mga maliliit na bagay ang ginagawa nila para magpapansin. 

 

Bale they had secretly been admiring each other for many years na (sa malayuan). Hays, kinikilig na ako agad. Jimin, galingan mo sa pagsusulat ha? Feel ko naman makakarating 'tong kakornihan natin sa austria wahhhh <3 

 

PS medyo inspired din sa atin mga naisip ko kaya sana happy ang ending kapag sinulat mo na. Btw, wag mo masyadong gawing angsty ha? Let's say para ito sa mga nasayang na taon ng pagkakaibigan natin gawa ng katangahan ko.

 

And knowing i won't be able to take it all back, will you still have me? 

 

---

 

I sigh. Okay na ba ito? Send ko na ba agad kay Jimin o ikwento ko sa kaniya para may mapagusapan kami mamaya? Ang kaso, hindi ko pa rin alam kung paano ko siya lalapitan. Jusko, bahala na. Sesend ko na 'to.

 

Biglang nag-vibrate ang selpon ko pagka-send nung attachement kay Jimin—a message from Chaewon nanaman. Ba't ba niya ako kinukulit? Si Jimin gusto ko!

 

Chaewon: Gawa mo?

 

What's it ba sa kaniya kung anong ginagawa ko ngayon?

 

Me: Acads.

 

Buti pa si Chaewon ang bilis mangseen...typing agad siya eh.

 

Chaewon: Musta?

 

Me: Magsend ka pic ng ROOMMATE KO para mamotivate ako dito.

 

I guess, isa na ito sa advantages ko ngayon knowing alam na ni Chaewon about sa amin ni Jimin. I can ask her about my roommate. And I might have sounded demanding sa kaniya pero kasi naiinip na ako. Nangungulila lang at desperadong ayusin ang komplikasyong namamagitan sa aming dalawa.

 

Chaewon: Eto, selfie.

 

After a few minutes, nagsend na si Chaewon ng picture.

 

It's a selfie of Jimin. Grabe ang ganda niya! She's wearing light make-up and everything denim, going well with her blonde hair.

 

Muntikan na akong mawalan ng buhay nung nagsend nanaman 'to ng isa pang selfie, napa-slide ako sa sofa.

 

Ang ganda, putangina—and to think I kissed her!

 

I made my reply.

 

Me: Pasabi ang ganda niya ☹️

 

Chaewon: Kiss mo nalang.

 

Napaayos ang aking pagkakaupo.

 

Sabi na eh, may alam si Chaewon! Kaasar! Pinapasmado na mga kamay ko. But of course, I won't back down.

 

Me: Sige.

 

Hindi na niya ako nireplayan. Kainis 'to kausap—ang cliffhanger! 

 

Teka, kay Ate Eunbi ako magtatanong. Baka kasama din nila.

 

Me: Ate? Pwede ko po bang makamusta vice president niyo? Huhu

 

Yay, nag-seen siya agad.

 

Eunbi: Mj helloo hehe eto siya namumula. Kanina niya pa gamit selpon ni chaewon, why?

 

Teka, ano?! Gamit niya selpon ni Chaewon? Siya ba kausap ko kanina pa?!

 

Eunbi: Btw, balita ko di ka nanaman pumunta. May dance number kami ng sc mamaya tapos center si rina. Baka naman gusto mong isupport...😠

 

Dance number? Sasayaw si Jimin? Kaya ba ang ganda ng suot niya? Bakit wala siyang sinasabi sa akin?

 

Me: Okay po, ate. Kikilos na me here. Pero pwede wag niyo pong ipaalam na manonood ako?

 

Eunbi: Mj, nagaway ba kayo? 🤨

 

Me: ☹️

 

Ikwento ko ba kay Ate Eunbi yung katangahan ko? For sure may mapapayo nanaman siya sa akin. 

 

Me: Kwento ko po sayo pag may time mamaya >.<

 

Eunbi: Pumunta ka na ngayon kasi maya maya busy na kami. Gate 2 parking tayo para wala masyadong tao

 

Me: Okay po :((

 

-

 

"MJ, bakit ang tanga mo?!" Ate Eunbi expressed with frustration. Andito kami naguusap sa loob ng Jimny. "Anong let's forget? Paano? Pinagpala ba siya ng amnesia?!"

 

"Ate, let me explain–"

 

"Don't get me wrong, ha? Even I would do everything to bring my parents back. Pero kung gano'n, baka wala si Maya ngayon and I don't want that." She added, bringing up her daughter. "Do you get my point, MJ? Na kada may mawawala may bago namang dadating—maybe it's what Rina was trying to point out to you kaya siya siguro nasaktan nung parang okay lang sa'yo kung hindi siya dumating sa buhay m-"

 

"Because the way I see it, ate, we would've ended up with each other either way." I interrupted her with my growing voice even though I wanted to shout it out.

 

"But Minjeong..." Pagbigkas ng buo ni Ate Eunbi. Ngayon niya lang ata binigkas ng buo ang totoo kong pangalan. Hindi ko siya matignan sa mata. I know I still messed up. Hindi ko sinasadya, but I have my own reasons why I'm still clinging onto the reality where my mom made it.

 

Tadhana—it's what my father believed in when I asked him about the thought of mom never booking a flight to the Philippines. Either way, he would have probably met her in Korea because the night he met her here, he already had a plane ticket to Seoul kept in his pocket for his supposed flight the next day. 

 

Sa amin naman ni Jimin, parang ako ang naging rason kung bakit hindi sila natuloy ng pamilya niya sa Korea. Hindi ako maiwan ni Jimin and I know her family secretly hates me for it. Gawa nito, mas pinili ko yung mom ko that night I kissed her. Na sana, hindi siya tumuloy sa Pilipinas. Na sana, nakasama niya pa ang girlfriend niya sa huling araw nito. Na sana, sa Korea niya nakilala si dad. 

 

Na sana, sa Korea nalang kami nagkakilala ni Jimin.

 

"If fate isn't real," I began. "Then why are the dots still leading me to her?"

 

Tinitignan lang ako ni Ate Eunbi from Jimin's seat. Either natuwa siya sa mga sinabi ko o nakulangan.

 

"Yung sa paghalik ko po naman," I wanted to explain some more habang hindi pa nagsasalita si Ate. "Totoong hindi ko naman sinadya. I just‐" Napabuntong hininga ako. "I ruined the plan."

 

"Plan?" Tanong niya nang nakakunot.

 

"I had a plan, Ate. Doon sa park kung saan kami nagkakilala nung high school. Matagal ko ding binalak umamin doon. Pero sa apartment lang nangyari lahat. Aksidente pa," I clicked my tongue, nababanas sa sarili ko. "Kainis! That's not how I wanted to kiss her. Hindi pa ako nakakaamin eh tapos hinalikan ko agad? First kiss pa 'yun ni Jimin!" I lightly slammed my forehead on the beep na ikinatawa ni Ate Eunbi.

 

"Hay nako, MJ. Alam mo," She paused. "Planned kisses are great. But unexpected ones? You should've just went with the flow. Andun na eh. Tapos binawi mo pa? May let's forget ka pang nalalaman..."

 

Napakamot ako ng ulo. "Because I wanted it to be special, Ate. Yung gugustuhin niyang maalala. Hindi ako katulad ni Vicky."

 

"Oh, sino may sabing ipasok natin 'yun sa usapan?" Ako naman ang natawa. "Basta MJ, suyuin mo ng malala."

 

"I'm trying, Ate, pero ayaw niya naman pagusapan."

 

"Eh malamang, pinakalimot mo. Tsaka hindi mo naman kasi kailangang idaan sa usap. Pwede mong idaan sa kilos, diba sabi mo gumagalaw ka na?" I nodded. "Paramdam mo lang na sorry ka and let her bring up the issue—wag ikaw. And if you can lang naman, imbes na umamin ka, iparamdam mo na din yung matagal mo nang nararamdaman para sa kaniya. It's that simple." 

 

"And if I mess up some more?" Mahina kong tanong.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TYTFshipper
269 streak 0 points #1
Chapter 25: churchmate pala ang labanan dito 🤧 hahaha haynako ang cuties lang 🥹🥰
asdfghjklmaeee
153 streak #2
Chapter 25: Awww cuties na noon pa 😣
shoheii #3
Chapter 20: mahal?! papatayin nyo po ba ako sa kilig 😣
shoheii #4
Chapter 17: napa kagat ako sa cp ko pls ang gandaaa
bigboy123
144 streak #5
reread~ 🤭
xiaosythe #6
kilig😞
wnddmks_ 670 streak #7
Sisimulan ko na talaga to after finals😭
karwinjeongz
#8
Chapter 25: HOY ANG KILIG KO 😭😭😭 ANG CUTE CUTE NILAAAA hAyy EVERY CHAP NAMAN HUHUHU "ang mahabang panahon kasama siya" WHAT IF MAGDABOG AKO DITO?? High school palang nagtatampuhan na sila, probably unaware of their feelings yet which is rly nice to see 🥹 neeways, thank you sa ud tor!!! looking forward sa next (
6789gu8 #9
Chapter 15: 😭😭😭 dami nangyari jfjfkdkdjf
karwinjeongz
#10
shet may update