Chapter 3

Heartbreak Recipe
Please Subscribe to read the full chapter

“Oh, where’s Jopay?”

 

Winter is still stuck sa kanyang kinakaupuan. She cannot fathom within herself kung talaga bang nangyari ang nangyari 10 minutes ago.

 

She’s pretty sure si Jimin ‘yung babae na nandito sa bahay kanina.

 

In fact, she’s not pretty sure. She’s totally sure that it was Jimin. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha nito.

 

Ang napakagandang mukha nito.

 

“Winter, earth to. Nasan si Jopay?” She got out of her trance dahil sa malakas na boses ni Giselle.

 

“Her name’s not Jo—” umiling siya, she doesn’t even know kung saan nakuha ni Jimin ‘yung Jopay na pangalan. Did she just make that up? Or naalala niya ba ‘yung...

 

Hindi rin naman tanga si Winter para hindi mapansin ‘yung pagiging all over the place ni Karina nang makita siya nito at tawagin niyang “Jimin”. She’s just confused kung bakit kailangan magpanggap nito na hindi niya kilala si Winter.

 

Nagtaka ka pa...

 

“She had to go, may emergency lang daw,” sabi na lang niya. She doesn’t want Giselle questioning her kung kakilala niya ba si Jimin.

 

“Okay? Kukunin ba niya ‘yung job? She looked a bit desperate kanina, for the lack of the better term,” Giselle uttered. “May ginawa ka ba? I feel like you’re lying. Why’d she leave? Shouldn’t you be talking about the terms and conditions with her already?”

 

Winter looked up kay Giselle from her seat, ignoring her questions, “Anong background niya? What did she tell you? Tell me about her nga,” curious na tanong nito sa manager. “Her full name, her birthday..”

 

Giselle stared at her for a while, parang nagtataka ito sa weird na kinikilos at sinasabi ni Winter.

 

“Well, she’s from The Wild Flour pala. Assistant manager daw. Did we see her yesterday? I don’t think we did,” Giselle wondered. “Here, look at her CV na lang. Malay ko ba sa birthday niya,” she handed Winter the file.

 

“She looks promising. Tsaka masarap ‘yung food ng KarNing, in all fairness. The menu is just a bit silly, but masarap naman.”

 

Hinablot kaagad ni Winter ‘yung file ni Jimin.

 

“Easy.. Baka mapunit mo. Geez..”

 

Karina Yu Enriquez

College Education — University of Santo Tomas

 

Well, that pretty much confirmed it. Her name, and also the university that she graduated from.

 

She browsed through the CV a little bit more para mas makasigurado at mas makita niya ‘yung personal information ni Jimin.

 

“Her birthday is...”

 

April 11, 1996

 

“I knew it. It’s really her,” bulong niya sa sarili. Ayaw na niyang mas mawirdohan pa si Giselle sa kanya so she offered her manager an innocent smile, “So bakit nga raw kailangan niya ‘yung job?”

 

Natawa si Winter nang kunin ni Giselle ‘yung isa pang container ng food galing sa KarNing. She got curious kaya kumuha rin siya and they both started eating in the living room.

 

“Wow, this is really good.”

 

“I told you!” Excited na sabi ni Giselle.

 

“Anyways, apparently, The Wild Flour is going to start laying off employees because of the pandemic. Jopay seemed sure na matatanggal siya. I felt bad nga for her eh..”

 

May realization na bumalot kay Winter, “Ahh, maybe that’s why they all looked tensed kahapon nung nandon tayo. Maybe we were their last hope? Hmm..”

 

May naiisip si Winter na gawin, pero ayaw muna niyang mag-resort dito. Instead, she looked at the CV again at tinignan ‘yung contact number ni Jimin.

 

“Also, can you stop calling her Jopay?”

 

“Well, she kept calling me Gemma! And why do you keep looking at her information ba? You seem so invested sa kanya. Ang fishy mo,” Giselle noticed.

 

Nagmaang-maangan lang naman si Winter, “You’re making things up. Obviously, I need to review her background and information well if I’m going to hire her.”

 

“What if she doesn’t wanna get hired anymore? It’s still weird na umalis siya bigla. You must’ve done something wrong.”

 

Winter hates how accurate Giselle is pagdating sa pagbabasa sa kanya. It’s like kilalang-kilala niya na si Winter like the back of her hand.

 

“She will get hired.”

 

I’ll make sure of that.

 

“If you say so,” her manager shrugged at tumayo na ito. “Mag-ayos ka na. We’ll have a meeting with the tour organizer. Then may quick rehearsals ka mamaya sa studio with your back-ups.”

 

Winter knows that she has a lot of stuff to do ngayong araw at marami siyang kailangang intindihin. However…

 

She just can’t take her mind off Jimin. Or Karina.

 

Or Jopay?

 

Whichever name ang ginagamit nito, or kung may mga nagbago ba sa kanya, Winter is very much willing to find out.

 

“Giselle.”

 

“What?”

 

“Can I get the number ng TWF. ‘Yung Tiffany ba ‘yon? Basta the one you’re in contact with.”

 

Giselle eyed her again suspiciously, “You’re acting weird talaga.. But here, hanapin mo na lang diyan sa contacts,” she gave her phone kay Winter.

 

Tiffany Hwang—TWF

 

Winter smiled, “Thanks.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kung may dalawang wish si Karina ngayong oras na ‘to, ang pinakauna ay sana panaginip lang lahat ng nangyari kanina. Na sana ay hindi na lang niya nakita ulit si Minjeong.

 

Pangalawa, sana tumigil na sa pagsasalita ‘yung angkas driver niya dahil walang ibang maintindihan si Karina sa sinasabi nito kung ‘di “’Di ba, Ma’am?”

 

Panay lang naman ang “Oo nga po” niya kahit wala siyang idea sa mga lumalabas sa bunganga ng rider.

 

Tuwing pinipikit ni Karina ang mata niya, nakikita niya ‘yung itsura ni Minjeong kanina. Kaya naman minabuti niyang dumilat lang at hindi halos kumurap. Masakit sa mata, pero titiisin niya.

 

Buti na lang ay tumawag bigla si Ning kaya na-distract ang utak niya from Minjeong.

 

“Hello?!” Pasigaw niyang sagot para marinig ng kaibigan.

 

“Beh anong balita? Yayaman na ba tayo? Natanggap ba KarNing?”

 

Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Ning na sinabotahe niya ang business nila. Gusto naman kasi talaga niya ‘yung raket kaso…

 

Bakit ba ako pinaglalaruan ng panahon? Talagang siya pa ‘yung magiging boss?! At bakit ba siya nandito?! Para guluhin ang buhay ko?!

 

“Kwento ko na lang sayo mamaya, Ning! Uuwi lang muna ako!” Naririnig pa rin ni Karina ‘yung walang humpay na salita ng angkas driver, na akala yata ay siya ang kinakausap ni Karina.

 

“Oh siya, sige sige. Sana good news. Ingat beh! Sabi nga ni Sungchan, God bless! Eme!” Halos mabilaukan si Ning sa pagtawa sa kabilang linya.

 

Pagkauwi ay naabutan ni Karina ang papa niya sa sofa na natutulog.

 

Medyo naalimpungatan ito sa pagdating ng anak, “Rina? Nakabalik ka kaagad? Kamusta ‘yung sa KarNing?”

 

“‘Di ko tinanggap, Pa. Masama ugali nung boss. Mabaho rin hininga,” pagsisinungaling niya. Ang bango niya, to be honest. Parang nag-stay pa nga sa ilong ni Karina ‘yung pabango ni Minjeong.

 

“Ay oo, ‘nak, mahirap makipagtrabaho ‘pag may amoy ang bibig. Hayaan mo na, hindi naman ata kawalan.”

 

Actually, malaking kawalan ito kay Karina at sa KarNing lalo na’t mawawalan pa sila ng trabaho sa The Wild Flour.

 

Ayaw na lang muna niyang isipin ang mga kaganapan ngayong umaga at pumasok na lang siya sa kwarto para umidlip.

 

Pinilit niyang hindi isipin si Minjeong at mag-focus na lang sa thought na magkikita sila ni Sungchan mamaya.

 

Sungchan.

 

Sungchan.

 

Si Sungchan na may rosary bracelet.

 

Tingin ni Karina ay hindi na rin naman sila magkikita ulit ni Minjeong. Or Winter. Or Summer. Or Autumn. Pwede ring Tag-ulan at Tag-tuyot. Kung ano man ang inimbentong screen name nito para sa sarili.

 

Out of sight, out of mind, ika nga.

 

 

 

December 2013. Paskuhan sa UST.

 

Hindi makita ni Karina si Minju sa dami ng tao.

 

Kanina pa niya hinahagilap ang kaibigan pero wala ito dun sa food stalls kung san sila naghiwalay kanina.

 

Inannounce na sa stage na Mayonnaise na ang magpe-perform. Ang alam ni Karina, Parokya ni Edgar ‘yung susunod sa kanila.

 

Inis na inis siya na hindi niya makita si Minju at cannot be reached din ang phone nito.

 

Nag-decide na lang siya na lumapit na sa may stage kahit wala ang kaibigan. Gusto niya kasing mapakinggan ‘yung “Jopay”.

 

“Ay puk—“ Halos sumubsob si Karina dahil hindi niya napansin na may babae palang nakayuko at nag-aayos ng sintas ng sapatos.

 

Kita ni Karina na natumba ito sa pagkakadali niya, “Hala, ate! Sorry! Hindi kita nakita! Ba’t ka kasi nakayuko diyan!”

 

Tiningala siya nung babae na parang in-pain pa ang itsura. Kung medyo na-starstruck man si Karina sa cuteness nung girl, hindi na niya pinahalata.

 

“Okay lang.. Kasalanan ko naman, nakaharang ako sa daan,” paumanhin nung babae kay Karina. “Sige daan ka na, Miss. Sorry ulit..”

 

Dahil medyo nakonsensya naman si Karina sa pagkakatadyak niya sa cute na babae, naisipan niyang mag-offer dito ng tulong, “Akin na, ako na magsisintas ng shoes mo.”

 

Halata ang pagkagulat nito sa offer niya kaya umiling agad ‘yung babae at tumanggi, “Hala okay lang, ‘wag na. Nakakahiya naman.”

 

“Okay lang, ako na,” Karina insisted.

 

Nag-crouch siya at sinintas ang tali ng sapatos ng babaeng hanggang ngayon hindi pa rin niya alam ang pangalan. Gusto na niyang tanungin ito… Kaso baka weird.

 

“Thank you. Sorry sa abala, baka hinihintay ka na ng mga kasama mo. Go na,” medyo naku-kyutan si Karina dito dahil parang hiyang-hiya siya sa kanya.

 

“Wala nga akong kasama eh, hindi ko makita,” tumayo na siya. She looked around again kahit alam niyang wala na halos chance na magtagpo pa sila ni Minju sa dami ng tao dito.

 

Narinig niya ang mahinang tawa nung babae kaya napatingin siya dito, “Bakit?”

 

“Nawawala rin ‘yung kasama ko. Kanina ko pa hinahanap,” sabi nito. “Pareho pala tayo.”

 

“Magandang gabi, USTe! We are Mayonnaise! Sana mag-enjoy kayo sa set namin!”

 

Nagkatinginan silang dalawa ni ate girl.

 

Si Karina ang unang nag-offer, “Tara, gusto mo tayo na lang muna magsama? Boring manood mag-isa,” mukhang skeptical ito kaya ngumiti ulit si Karina, “Hindi ako kidnapper, promise.”

 

“Alam ko naman. Wala naman sigurong kidnapper na ganyan kaganda,” mukhang nagulat din ‘yung babae sa sariling sinabi. “Ay, I mean hindi ka naman mukhang kidnapper.”

 

Natawa na lang si Karina at inabot ang kamay nito, “Tara, lapit tayo sa may stage.” Thankful siya na hindi bumitaw ‘yung girl sa kanya hanggang sa makahanap sila ng perfect spot.

 

“Okay ka na dito?” She asked the girl.

 

Tumingin pabalik ‘yung babae sa kanya, at parang may naramdaman si Karina na kakaiba sa kanyang tiyan at dibdib.

 

Never naman kasi siyang naniwala sa mga love-at-first-sight na yan. Tingin niya, sa pelikula at mga libro lang nangyayari ito.

 

Ang ganda niya, sabi ni Karina sa sarili.

 

“Okay na ako dito,” ngumiti ito pabalik. Sumenyas siya kay Karina sa may stage, as if telling her na doon sa bandang tumutugtog mag-focus at ‘wag sa kanya.

 

Jopay, kamusta ka na?

Palagi kitang pinapanood, nakikita

Jopay, pasensya ka na

Wala rin kasi akong makausap at makasama

 

“Wag ka nang mawala! Wag ka nang mawala!” Amused na pinapakinggan ni Karina ‘yung babae na todo sa pagkanta. In fact, maganda ang boses nito at pwedeng maging singer.

 

Nagkatinginan muli sila nung chorus na, ngiting-ngiti sa isa’t isa at sabay kumanta, “Dadalhin kita sa aming bahay, ‘di tayo mag-aaway, aalis tayo sa tunay na mundo!”

 

Dadalhin kita sa aming bahay

‘Di tayo mag-aaway

Aalis tayo sa tunay na mundo

 

Nang matapos na ang set ng Mayonnaise, nakita niyang may kausap sa phone ‘yung babae. Mukhang na-contact na ito ng kasama niya.

 

May biglang lungkot na naramdaman si Karina. Hindi niya rin alam kung bakit, pero para siyang na-attach dun sa babae bigla.

 

Pota, ang OA ko. Wala pa nga kaming dalawang oras magkasama, pagpapagalit niya sa sarili. Pero kasi, ang captivating ni ate…

 

“Uhm, i-meet ko na ‘yung sister ko ha.. Nakontak ko na kasi siya..”

 

Pansin ni Karina na katulad niya, parang ayaw pa rin nitong umalis kaagad, kaya naman naglakas-loob siya, “A-Ano palang name mo?”

 

Napangiti ‘yung cute girl, “Minjeong. Ikaw ba?”

 

“K— Jimin. It’s Jimin,” ngiti niya pabalik kay Minjeong. Ito kasi ang binigay na name sa kanya ng mama niya. At isa pa, walang ibang tumatawag na Jimin sa kanya.

 

“Okay.. sige.. Thank you for tonight, Jimin.”

 

Akmang paalis na si Minjeong nang hindi na talaga matiis ni Karina, kakapalan na niya ang pagmumukha niya, “Wait!”

 

Mabilis pa sa alas-kwatro ang paglingon muli ni Minjeong sa kanya, “Bakit?”

 

Napalunok na lang siya sa kaba, “Dapat ano, dapat binibigay mo sakin ‘yung phone number mo. What if hindi mo ulit masintas ‘yung shoes mo next time, ‘di ba? One text away lang ako..”

 

Napakagat sa labi si Minjeong at tumingin ito sa baba na parang nahihiya, “Oo nga.. Tama.. Sige..”

 

Hinugot ni Karina ang phone niya at binigay kay Minjeong na agad naman tinype ang kanyang number.

 

“Thanks..”

 

“Bye, Jimin..”

 

Karina really likes the sound of her name galing kay Minjeong.

 

“Bye..”

 

Nang makauwi na siya, tinext niya kaagad si Minjeong. Umaasa siyang hindi wrong number ang ibinigay nito.

 

(11:54pm) Me: Hi, Minjeong. Si Jimin ‘to. Kung hindi ikaw si Minjeong, mamatay ka na. Charot. Hahaha

 

Uy, nag-send sa iMessage.

 

(12:30am) Minjeong: *Nabuhay* Hi. Si Minjeong ‘to,

don’t worry. Haha. I had fun kanina :)

 

Pinaghahampas ni Karina ang sarili ng unan, “Ano ba keshe!”

 

 

 

Hapon na nang magising si Karina. Pinutakte nanaman siya ni Ning ng texts at galit na galit ito na hindi siya pinuntahan ni Karina sa restaurant.

 

Nakita rin niya na may isang text galing sa unsaved phone number.

 

(2:32pm) +639187654321: Hi. I want to order

KarNing Manok. Twenty orders for tonight, 7pm.

Here’s the address…

 

Nagtaka siya dahil usually, sa Facebook page nila umoorder ang mga customers. At ang alam din ni Karina ay hindi naman niya pino-post ang personal cellphone number niya sa page.

 

Pero sino nga naman ba siya para tumanggi sa bulk order?

 

(4:46pm) Me: Okay! I’ll have it booked for delivery tonight. Thank you!

 

(4:55pm) +639187654321: Is it okay if you deliver

it yourself? I need to inquire something din kasi.

Oorder pa ako ng marami soon 😘

 

(4:55pm) +639187654321: ☺️**

 

(4:56pm) +639187654321: Oops sorry haha

 

“Napaka-weirdo naman nito, may pa-kiss pa,” Karina uttered to herself.

 

(4:58pm) Me: Sure! Under what name po pala ito?

 

(5:00pm) +639187654321: Jackson Wang!

 

Bumangon na kaagad si Karina dahil marami-rami siyang gagawing orders. Buti na lang at pare-pareho ang mga ito kaya hindi na siya mapapagod masyado.

 

Hindi naman talaga sila tumatanggap ng rushed orders before, pero since mahina nga ang KarNing lately, they’ll take what they can get.

 

She dialed Ning’s number.

 

“And on the third day, she rose again!” Eksaheradang bungad nito.

 

“Si ateng OA naman!” Umikot na lang ang mata ni Karina, “Hindi ako makakapunta diyan, may bulk order tayo. Ako na bahala,” sabi niya sa kaibigan.

 

Ito na lang ang way niya para makabawi kay Ning dahil sa pananabotahe niya sa kanilang business. Nag-iisip pa rin kasi siya ng irarason kay Ning kung anong naging dahilan kung bakit hindi matutuloy.

 

Sana lang hindi pa nakekwento kay Minju nung kaibigan niya ‘yung nangyari.

 

“Sure ka? Sige ako na lang mag-aasikaso ng delivery,” offer ni Ning sa kanya. “Send mo lang ‘yung address, name, and contact number niya.”

 

Nag-umpisa nang mag-prepare si Karina sa kitchen. Ni-loudspeaker na lang niya ang cellphone para makausap pa rin si Ning.

 

“Ang weird nga, actually. Gusto niya ako na ang mag-deliver dun sa address. Gusto raw akong makausap dahil may gustong i-inquire. Baka may future bulk orders pa sila,” Karina recalled. “Magpapasama na lang ako kay Chan later.”

 

“Okay, sige sige. ‘Pag need mo ng help, text mo ko ha. Wait lang, nandito si Ma’am Tiff,” binaba na rin agad ni Ning ang call.

 

Mabilisan niyang tinext si Sungchan about sa pagsundo sa kanya mamaya before 7pm dito sa bahay nila. Mabilis naman pumayang ang kanyang manliligaw.

 

Natuwa naman si Karina sa pagiging busy niya bigla sa paggawa ng orders for Jackson Wang dahil at least, nawala sa isip niya si Minjeong.

 

After a few days, I’ll forget it ever happened.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Why did you ask for a new sim pala kanina? Did you need to text someone?” Tanong ni Giselle kay Winter pagpasok nila ng van.

 

Kakatapos lang nila sa meeting with NationLive PH. Sila kasi ang tour organizer kaya mandatory na mag-meeting sila to explain the stage layout and other necessary details about the tour.

 

Papunta na sila ngayon sa rehearsals.

 

Sinilip ni Winter ang phone niya to check kung nag-reply si Jimin sa kanyang text message, but she was just left on read.

 

“Wala naman. One year akong mag-stay dito, so I think it’s essential na may sarili akong sim card,” she reasoned out. She didn’t want to tell Giselle na kaya niya ‘yon ginawa ay para maka-order kay Jimin ng food.

 

Another reason is for her to contact Tiffany herself... Which is something na hindi pa niya nagagawa.

 

Masyado pa siyang busy, kaya ipagpapabukas na lang ni Winter ang pag-contact sa general manager ng The Wild Flour.

 

“Right. Anyways, we’ll drop you off sa studio then dederecho ako sa HQ natin. We’ll pick you up na lang later. Sasamahan ka ni Jackson don.”

 

Tumango lang si Winter sa sinasabi ng manager, “Alright. Quick rehearsals lang naman ‘yon since halos finalized na nung nasa Korea tayo.”

 

“Oh, by the way, Jopay hasn’t contacted me yet. Sure ka ba na she’ll take the job? Because if not, then I’ll start looking for another one na,” Giselle asked with worry.

 

Nakangiti lang na umiling si Winter sa manager, “I’m sure she will. Don’t worry. Ako na mag-handle don. Intindihin mo na lang ‘yung ibang matters. ‘Wag mo nang problemahin ‘yung sa food.”

 

“O..kay? You’re weird. But thanks, I guess,” pinanliliitan pa rin siya ng mata ni Giselle. And Winter can’t really blame her dahil napaka-unusual nga naman ng kinikilos niya.

 

I just want to see Jimin again...

 

(6:00pm) Jimin: Hi, Mr. Jackson. Confirm ko lang

po, the address is at 32nd street right?

 

Wala na kasing ibang maisip si Winter kanina na name, kaya kay Jackson niya ito pinangalan. Because if she introduced herself again, for sure hindi tatanggapin ni Jimin ‘yung order niya.

 

(6:01) Me: Yes. ‘Yung studio don. Bababa

na lang ako later kapag nandon ka na :)

 

“Gosh, this is so pathetic,” bulong ni Winter sa sarili. But she couldn’t care less right now. Gusto niyang makita ulit si Jimin kahit alam naman niyang ayaw siyang makita nito.

 

It has been years. Matagal nag-wonder si Winter kung kamusta na siya... She’d always wonder what kind of life Jimin is living right now.

 

Kahit alam niyang wala siyang karapatan malaman.

 

Nakarating na sila sa may basement. Winter looked at Giselle, “I’ll get going. You sure ayaw mong sumama?”

 

“No, kakausapin ko pa ‘yung team for the shoot ng reality show mo. Take care sa rehearsals, kay?” Her manager looked at Jackson, “Take care of her, Jack. I’ll see you guys later.”

 

On the way to the studio, she received a call from Kazuha. Winter smiled, “Hi, I missed you,” she told her friend. “Why’d you call?”

 

“Can’t I call my best friend now? Nakakatampo ka. You haven’t contacted me since you landed,” Winter can tell na medyo nagtatampo ito.

 

Sanay na siya sa mga ganitong pag-iinarte ng kaibigan and it’s not something na hindi niya kayang i-handle.

 

“I was gonna call you tonight pagkauwi. ‘Wag ka nang magtampo. I’ll facetime you later. Papunta ako sa rehearsals now, so I have to go..” She said with regret.

 

Narinig niya ang dramatic na pag-sigh ni Kazuha, “Fine. I miss you too, by the way. Laters!”

 

She got to their rented studio at nandon na ang mga back-up dancers niya. All of them are Koreans kaya she’s required to talk to them in that language.

 

It was nearing 7pm at hindi na mapakali si Winter kaya nag-ask siya ng break sa choreographer. Malapit na rin naman silang matapos dahil nga run-down na lang naman ang ginagawa nila ngayon.

 

Tinignan niya agad ang phone niya and as expected, may text na si Jimin.

 

(6:47pm) Jimin: Malapit na po kami sa building. I think

okay na po na bumaba na kayo :)

 

Kami? May iba siyang kasama? Although Winter realized na marami nga naman ‘yung orders niya, so Jimin must have asked someone to accompany her.

 

(6:50pm) Me: Okay. Pababa na.

 

Winter suddenly felt the feeling na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
I’m super busy lately sa work and personal matters, but rest assured na hindi ko po ito igo-ghost! Updating soon! 🫶🏻

Comments

You must be logged in to comment
ccelineeeee_
#1
Chapter 30: miss u tor
wishwishwish #2
otor, miss na kita :((
LacusClyne1124 #3
Chapter 30: Toooor???
Gungdaengie
83 streak #4
Namiss ko si jopay 😭
tzuyu_once #5
Chapter 30: Author san ka na po:--(( nakakabitinnnnn looking forward sa update nyo. Ganda ng story shuta
Tortillos #6
Chapter 3: YUNG TAWA KO GRABE KAHIT NASA CHAPTER 3 PALANG AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
bigboy123
167 streak #7
Chapter 30: Jopay, kamusta ka na? 🥹
loonygirl22 #8
Huhu read this thinking na complete na siya noooooo! (Also ako lang ba Yunjin fan here??? Parang pwede eh — ugh, er for unrequited love good other person talaga ako!)
elevenelevenfine
#9
andito na din ako hehe
imwinter0101
#10
🤍