Chapter 15

Heartbreak Recipe
Please Subscribe to read the full chapter

KarNing Minju

 

(8:09am) Ning: When I call your name, please

say present.

 

(8:09am) Ning: Yung babaeng mas marupok pa sa

kahoy na may bukbok

 

(8:10am) Me: Present!

 

(8:10am) Ning: Yung napatanong ng “What are we?”

kay Miss Lawyer at sinagot ng “Best friends”

 

(8:11am) Minju: Present!

 

(8:11am) Me: Huhuhuhu

 

(8:12am) Minju: Huhuhuhu

 

(8:13) Ning: Buti pa ako single lang haha

 

(8:13) Ning: */nalungkot */lumunok ng watusi

 

“Hi..”

 

Sumasakit ang pisngi ni Karina sa pagpipigil mangiti. She did her best na mag-poker face lang bago humarap kay Winter, “Hi.”

 

“Nakapag-pack ka na for Bora?” Umupo ang singer sa usual seat niya in front of Karina, nangalumbaba pa at halatang ginagawa rin ang best niya para hindi mapangiti katulad ng private chef.

 

Isang araw pa lang ang lumipas since Winter’s birthday party, and as much as they want to talk already, literal na wala silang mahanap na tamang tyempo.

 

Nasa bahay si Kazuha, and ‘pag kagabi naman, nasa rehearsals si Winter para sa next concert niya in Thailand.

 

Tingin ni Karina, sa Boracay na sila makakapag-usap. ‘Yun ay kung kakayanin. Pero ang sabi ni Winter sa kanya kagabi, she’ll “surely” make time daw for her. Hindi niya raw hahayaan na hindi sila makapag-usap nang maayos.

 

“Mmh, kagabi. Ikaw?” Sagot niya sa tanong ng singer. She was waiting na bumaba si Kazuha from upstairs pero walang kasunod na bumaba si Winter. “Umalis na ba si.. Kazuha?”

 

Hindi sumagot si Winter. Nakatulala lang kasi ito sa mukha ni Karina, specifically sa labi niya. Halos ngumanga pa ito. Nag-iinit ang mukha niya sa ginagawang pagtitig ni Winter.

 

“Winter?”

 

Their eyes met, bumalik na sa katinuan si Winter, “O-Oh? Anong sabi mo?”

 

Ano ba! Ang landi-landi ko nanaman!

 

“Tinanong ko kung nakauwi na si ateng actress mong frennylyn mercado na mahilig kumadong-kandong kahit hindi ka naman jeep,” tuloy-tuloy niyang sagot. Winter looks confused. “Kung nakauwi na kako si Kabruha.”

 

Natawa si Winter, labas ang dimple. Nanghihina ako sa mga dimple-dimple na yan! “Oo. Kaninang madaling araw. Pinahatid ko kay Jack.”

 

“Hindi mo hinatid?”

 

“No..”

 

“Ahh..” Tumalikod ulit si Karina para lang ngumiti.

 

“What about..” Napalingon siya kay Winter over her shoulder. “Ako naman mag-cook for you. For a change,” the singer shyly suggested. “Tapos ikaw naman dito, panoorin mo ako.”

 

Bilang marupok nga si Karina kay Winter lately, pumayag siya, “Okay..”

 

Nilipat ni Karina ang apron niya kay Winter before they exchanged positions. Ngayon, parang siya naman tuloy ang napapatitig sa k-pop idol na kahit kakagising lang ay ang ganda-ganda...

 

“Pano ba ‘to..” Hindi malaman ni Winter kung anong gagawin sa hawak niyang spatula. Nagpiprito lang ng hotdog, talsikan pa ang mantika. “Aray.. Bakit ‘pag ikaw hindi naman tumatalsik.”

 

Two months ago, baka kung ginagawa ito ni Winter sa harap niya, mabibwisit lang si Karina. Pero ngayon... bakit ang cute?! Lord, gabayan niyo talaga ako. Tangang-tanga na ‘ko!

 

Parang naririnig ni Karina na sinasabi ni Lord na “Ikaw ba naman ang sabihan ng “It’s always been you”, ewan ko na lang kung hindi ka manghina”.

 

Hay!

 

She took her phone out, kinuhanan niya ng photo si Winter habang hirap na hirap itong magluto ng hotdog at itlog.

 

KarNing Minju

 

(8:30am) Me: *photo attachment* yung idol

niyo tagaluto ko lang

 

(8:31am) Minju: Tanungin mo rin kaya ng

“what are we” tas pag compare natin sagot nila

ng kapatid niyang bwiset

 

(8:32am) Ning: Sobrang bitter ni bakla hahaha.

Kaw ba naman bebe tawag sayo yun pala ang meaning

bebest friend hahahaha

 

Na-distract siya sa mahinang pagsigaw-sigaw ni Winter sa harap niya. “Kailangan mo ba ng tulong? Parang mamamatay ka diyan, hotdog at itlog lang yan.”

 

“Yeah.. Masakit sa arms ‘yung talsik,” Winter pouted. “Dito ka. Help mo ko..?” She motioned for Karina to come near her. “Kung okay lang..” Nahihiya nitong dagdag.

 

Karina didn’t even hesitate na puntahan si Winter, natawa pa siya dahil wala pang limang minuto ang k-pop idol behind the pan, eh sobrang gulo na dito sa counter.  

 

“Ayan, tignan mo. Hindi na okay yan. Nasunog na ‘yung pan, ang lakas kasi ng apoy mo. Iba na lang gawin natin..” She put the pan in the sink, umuusok-usok pa ito.

 

Winter is just grinning from ear to ear, “Can we do ‘yung stir fried chicken na maraming veggies? ‘Yung lagi mong niluluto sa umaga. I don’t know what it’s called.”

 

“Chicken fajita?”

 

“Mmh.”

 

“Okay, I’ll get the ingredients,” she was about to turn around when Winter reached for her hand. “Bakit?” Napatanong tuloy siya. Ang higpit kasi ng hawak sa kanya nito.  

 

Hinila lang siya ng singer papalapit sa kanya, “Can I hug you?” Hindi inaasahan ni Karina ang biglaang tanong nito. “K-Kahapon pa kita gustong i-hug, b-but Giselle and Kazuha were always around..”

 

She would be lying kung sasabihin niyang hindi niya na-miss ang yakap ni Winter. So she nodded slightly, letting the singer pull her into her arms naturally.

 

Karina thinks it’s cute na naka-rest ang ulo ni Winter sa dibdib niya habang nakayapos ang kamay around her waist, “I’m sorry hindi pa tayo nakakapag-usap.. Also.. Sorry you cried the other night. I hated seeing you cry.”

 

“Ako rin, pumapanget ako. Hindi nakaka-fresh.”

 

Winter laughed against her chest, “You’re never ugly.” Wala sa loob na napapahaplos si Karina sa buhok ni Winter, brushing it repeatedly. “Sorry akala mo wala akong pakialam..”

 

It’s funny how Winter can be this soft kay Karina. Kapag kasi pinapanood niya ang mga interviews ng k-pop idol, parang napaka-cold at mysterious ng aura ni nito sa harap ng camera.

 

Kung alam lang ng fans niya na sobrang magpabebe ang idol nila!

 

“I’m just glad nasabi ko sayo ‘yung nararamdaman ko. Tingin mo rin naman kasi yata wala lang din sa akin..”

 

“I should have read between the lines,” Winter admitted.

 

Nagulat sila pareho sa malakas na yapak ni Giselle papunta sa kitchen, “Umagang kay landi naman pala dito!” Naghiwalay sila ni Winter ng yakap na para bang nahuli sila ng magulang.

 

“Winter tama na yang kakayakap! We have a meeting, yan ang inuuna mo!” Giselle continued scolding. “Ikaw naman Jopay, harot harot ka rin eh ‘no? Let’s get to work, people! Chop chop chop!”

 

“Ikaw na lang kaya umattend,” tamad na sagot ni Winter sa manager. Patagong magkahawak ang kamay nila ni Karina. “Tinatamad akong lumabas.. Masakit ulo ko.. Ouch..”

 

Gustong sabihin ni Karina na dapat magpaturo si Winter kay Kazuha ng acting, pero ‘wag na lang. Baka kumandong lang ito sa singer.

 

Giselle didn’t buy it, “’Wag mo kong artehan, Kim Minjeong. Male-late na tayo. Take a bath and have Jopay prepare the food to go na lang. Wala nang time na kumain tayo dito. Mr. Lee is waiting!”

 

“Okay..” Winter let go of Karina’s hand regretfully. Bumulong pa ito bago umalis at tumaas, “Epal si Gemma.”

 

Karina had to hold back her laugh. Kahit pabiro-biro si Giselle, takot siya dito minsan!

 

“Well, well, well,” Giselle started nang mawala na si Winter, pestering Karina sa kanyang mapanuksong tono. “Tignan mo nga naman ang buhay.. Two months ago, halos sabunutan mo si Winter.”

 

“Oo nga, tapos ngayon ikaw na gusto kong sabunutan,” pilya niyang sagot kay Giselle. “Oh how time flies.”

 

Inirapan lang siya ng manager, “You should be nice to me, Jopay. Ako magpo-protect sa inyo kapag mag-jowa na kayo. Gosh, it’ll be so stressful. Hihingi na agad ako ng raise kay Winter.”

 

“Anong jowa?! Wala pang ganon!”

 

“Wala pa. Malapit na, if you guys aren’t stupid and pabebe enough,” Giselle snickered.

 

Lumapit sa kanya si Karina at sinalpakan ng tinapay ang bunganga nito, “Ayan. Breakfast ka muna. Ito rin coffee mo.” Niluwa ni Giselle ‘yung loaf bread at binato ito kay Karina, “Yuck!”

 

“This is why Team Kazuha ako!”

 

Nagpanting ang tenga ni Karina sa narinig, “Eh ‘di kayo na lang maging mag-jowa. Team Kazuha ka pala eh.”

 

“Ire-remove kita sa Boracay team!”

 

Mabilis na pumunta si Karina sa tabi ni Giselle, patting her head softly, “Joke lang, ikaw naman. Nakabili na ako ng bikini. Alangan naman isuot ko ‘yon sa Wild Flour para lang hindi masayang, ‘di ba? Have some mercy.”

 

Giselle’s phone rang kaya hindi na nila natuloy ang kanilang banter. Karina just focused on cooking, talagang sinasarapan niya ang pagluluto para naman masarap ang meal ni Winter for brunch.

 

From tasteless egg, to well-seasoned chicken.

 

Napangiti siya sa sarili dahil naalala niya ‘yung pag-hug nila kanina and how sweetly Winter asked for it. She also appreciates that the singer apologized sincerely dahil daw ayaw niyang nakikita si Karina na umiiyak.

 

Ang sakit-sakit na ng mukha niya sa kakangiti.

 

Kaso... Ang toxic trait niya ay isiping may kapalit na lungkot ang konting kasiyahan...

 

Pero baka naman favorite na siya ni Lord this year. Hello? Binigay lang naman niya ‘yung slurpee niya dun sa batang palaboy sa labas ng 7-Eleven nung isang linggo.  

 

(9:02am) Yunjin: Sa TWF ako mag-lunch later.

Nandon ka ba? :D

 

(9:04am) Me: Yess wala kasi si Winter and Giselle

today for rehearsals. Kita tayo? Sabay na tayo mag-lunch.

 

(9:04am) Me: Monday na Monday ang gala mo

 

(9:05am) Yunjin: Hahaha sabi mo kaya you’ll

treat me :p

 

‘Yun nga pala ang pinangako niya sa accountant. She’s thankful for Yunjin dahil siya halos ang dahilan kung bakit sila nakapag-usap kahit papaano ni Winter nung isang gabi.

 

(9:06am) Me: Hahaha oo na po :p

 

She packed Winter’s food along with Giselle’s and Jackson’s. Nilagyan niya ng extra fruits ‘yung para sa singer, even putting a simple note na hindi naman niya ginagawa dati.

 

“Let’s go, Win,” nagmamadaling sabi ni Giselle pagbaba ni Winter.

 

Nakaayos na ito, mukha na ulit siyang k-pop idol. Gandang-ganda lang si Karina sa long hair nitong may curtain bangs, tapos mukhang ginawa niyang wavy ang buhok niya for today.

 

“Una ka na, I’ll just..” Tumingin siya kay Karina, and Giselle immediately got the message kaya umuna na itong lumabas kasabay ni Jackson.

 

Nilapitan siya ni Winter, binigay niya na sa singer ‘yung food that she meticulously cooked. “Ginawa ko ‘yung chicken fajita na gusto mo. Ingat kayo sa byahe and sa meeting.”

 

“See you tonight? Pupunta ka ba sa resto? Gusto mo sumama ka sa meeting?” Winter asked, hindi alam ni Karina kung seryoso ba ito o ano.

 

She could only laugh, “Anong gagawin ko don? Pupunta ako sa resto. I’ll meet your friend din. We’ll have lunch.. Babalik ako dito tonight..” Pinag-iisipan din kasi niya ‘yung suggestion ni Giselle kahapon na dito na siya mag-stay since tomorrow ang flight nila.

 

“Parang mas nakikita mo na si Yunjin kaysa sakin,” biro ni Winter, though may pagkaseryoso sa tono nito na napansin ni Karina. “Uhm, close na talaga kayo?”

 

“Oo? Casual lang. She’s nice..”

 

Winter smiled at her, “Okay, sige. Ingat ka ha.. Text mo ‘ko..?” Hindi alam ni Karina kung lalapit ba siya kay Winter. Para kasing nagho-holdback ‘to sa paglapit sa kanya.

 

“Paloadan mo muna ako, wala na akong load,” she joked. Pero wala na nga yata siyang load...

 

“Okay. Magkano?”

 

Ang cute talaga, ano ba yan. “Joke lang, ikaw naman. Wala akong cellphone, actually. Kuha mo kaya ako?”

 

“Come here nga.. Tinotopak ka nanaman,” Winter opened her arms, waiting for Karina na tanggapin ang offer niyang yakap. Syempre, lahat ng blessings ay tinatanggap ni Karina. She let herself melt in Winter’s arms.

 

“Dito ka tulog mamaya? Usap tayo..” Bulong sa kanya ng singer.

 

Masyado na silang nasasanay sa yakap ng isa’t isa. Hindi na yata tama ito!

 

“Okay.. Kukunin ko lang ‘yung mga bagahe ko sa bahay after ng lunch namin,” she uttered in Winter’s neck. Narinig nila ‘yung malakas na sigaw ni Giselle from outside. “Sige na, nabibwisit na si Gemma.”

 

Bineso niya si Winter bago ito umalis.

 

Tinignan siya nito na parang hindi natuwa, “Para naman tayong mag-tiyahin sa ginawa mo.”  

 

“Were you expecting something else? Okay na ‘yon.”  

 

“Okay,” Winter sulked. “Bye.. I’ll see you later.” She finally walked over to the door, pero palingon-lingon pa rin siya kay Karina na pinapanood lang naman ang kanyang paglabas.

 

They waved at each other one final time.

 

Napatalon na lang si Karina sa sofa at siniksik ang mukha sa unan, “Ang rupok rupok mo bakla ka! Hindi nakaka-proud!”

 

(10:02am) Winter: Nakaalis na kami

 

(10:02am) Winter: Hehe

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(10:03am) My Jopay: Kainin mo na yung food.

Hindi ka pa kumakain. Magagalit sakin si Tiffany

 

(10:03am) Me: Gusto ko ikaw magagalit

 

“Gosh, look at you. Para kang elementary na ka-text ‘yung crush niya,” Giselle expressed in disbelief. “Nagkausap na ba kayo? I saw you guys going downstairs nung night ng birthday party mo, right?”

 

Winter beamed, “Hindi pa talaga.. But we’re planning tonight. Ayoko nang patagalin pa na iniisip niyang wala lang sakin lahat. Gusto ko rin makapag-explain sa kanya kahit sobrang long-overdue.”

 

Nagseryoso bigla si Giselle, “Win.. I know I’ve been rooting for you guys, but be careful, okay?”

 

“I know. I can’t lose her again, Giselle,” Winter responded promptly, wincing at the thought of losing Karina in her life for the second time around. Hindi niya hahayaang mangyari ‘yon.

 

“Just talk to her about everything; what you guys are going to deal with, what she is getting into, if you decided to give it a try. Iba na ‘yung dati sa ngayon, ‘kay?” She knows this is Giselle being her manager.

 

Alam rin ni Winter na tama siya. Kailangan nilang ma-discuss ni Karina ‘yung past, as well as ‘yung magiging future nila, kung papayag pa ang assistant manager na bigyan pa sila ng chance.

 

She nodded at Giselle, smiling gratefully sa pagbibigay nito ng helpful insights, “Yeah.. Though hindi pa nga rin sure kung bibigyan niya pa ako ng chance past friendship..”

 

Her manager give her an absurd look, “Are you kidding? She looks like a lovesick puppy. Pareho kayo. My God.”

 

“We can never be sure, okay? Mamaya gusto na lang pala niyang maging friends lang... Okay lang naman... I mean, as long as nandiyan siya...”

 

Giselle lifted an eyebrow, “Right. Then your next album is gonna be full of songs about being friendzoned. You’re such a loser,” umiling ito. “Talk to her. Reassure her. I don’t know. But gain her trust again.”  

 

“I will...” She sighed, “Basta ayoko siyang mawala.”

 

“Ikaw lang naman ‘yung nawawala bigla, Miss Idol Ghoster,” her manager sniggered. “Charot lang.”

 

Sumandal na lang ulit si Winter sa kanyang seat, getting her phone again to text Karina dahil nami-miss na niya ulit ito.

 

She still can’t believe that the private chef confronted her the other night. While it was a good thing, Winter is also beating herself up dahil sa mga pinaramdam niya kay Karina.

 

The girl sounded so badly hurt and wounded, and it was all because of her.

 

It made her somehow realize na ‘yung naramdaman niyang sakit sa mga sinabi ni Karina the day after ng paskuhan, wala pa sa kalingkingan ng dinadala ng assistant manager since the day she left her.

 

She wants to make everything right this time...

 

And although nasa isip pa rin niya ‘yung mga sinabi ni Chaewon at Giselle, gusto niyang harapin ‘yung mga ‘yon na kasama si Karina. Again, kung hahayaan pa siya nito.

 

Ang dami lang na-realize ni Winter after the night of her birthday party.

 

Karina is letting her guard down para sa kanya, at ayaw niyang mapunta lang ‘yon lahat sa wala.

 

(10:10am) My Jopay: Okay. Galit ako. Now eat

 

(10:10am) Me: Yes po. Masusunod po

 

“Abot mo nga ‘yung food..”

 

“Why? Gutom ka na ba?” Giselle sounded confused pero inabot rin naman nito ‘yung paper bag na pinadala ni Karina para sa kanila.

 

Maarteng napangiti na lang si Winter, “Not really. Pero sabi kasi ni Karina kumain na raw ako. Magagalit daw siya,” kinikilig siya sa thought. Well... hindi naman talaga ‘yun ‘yung exact na sinabi, kinilig pa rin siya.

 

Sabi nga nila, we all have our own truths.

 

Giselle let out an exaggerated scoff, “Grabe! Paano ko kaya kayo masu-survive sa Boracay? Gosh. Dapat ‘di ko na pinasama ‘yung Jopay na ‘yon.”

 

Hinampas siya ni Winter, “Eh! Hayaan mo nga. I wanna be with her.”

 

“As if!” Her manager exclaimed. “Magshu-shoot ka don, and it’s not like kaya mo siyang harot-harotin in public. Poor you, I heard marami siyang biniling bikini..” Ngumisi pa ito.

 

“Alam mo hindi ko alam kung boto ka ba samin o hindi eh,” tinignan niya ng masama ang manager. “Ang gulo mo.”

 

“I’m a little bit of both.”

 

She took a photo of the food na binigay ni Karina. Napansin niyang may maliit na papel na nakasingit sa food box, so she took it out at binasa ito.

 

I hope you do well today.

 

Igiling mo igiling mo.

 

-J

 

She squirmed in her seat, gulat na gulat pa si Giselle sa pag-irit niya kaya nakatanggap siya ng mahinang sabunot dito, “Kung kikiligin ka manahimik ka ha! Nakakagulat ‘to.”

 

(10:27am) Me: Thank you, cheerleader

 

(10:30am) My Jopay: Hellö ro4ming number 2,, ni karina

pakipasahan siya ng., load goextra99 last txt na toh xalamat ..,,

 

“Giselle, pahiram nga ako ng phone mo, I’ll use your GCASH..” Utos niya sa katabi.

 

“At bakit?”

 

“Papaloadan ko bebe ko,” kinilig siya sa sariling salita. “Is that how the kids say it these days? Bebe ko? Bebe time? I heard it from Chae.”

 

Simangot na simangot ang manager niya na inabot ang phone sa kanya, “What even are you saying? Jusko. You’ve officially lost it. Kazuha is going to flip if she finds out about you and Karina. Maldita pa man din ‘yon.”

 

“Hayaan mo siya. ‘Di ko naman siya bebe.”

 

“Stop saying bebe! Sobrang cringy!”

 

She ignored ang pagputak ni Giselle sa tabi niya. Ginoogle pa niya kung paano gamitin ang GCASH at kung paano mag-send ng load through the app. Madali lang naman kaya sinendan niya kaagad si Karina.

 

(10:35am) Me: Natanggap mo na po load?

 

(10:36am) My Jopay: opo,, eNkz

 

Tawang-tawa nanaman si Winter kay Karina. Bentang-benta talaga sa kanya ang jokes ng assistant manager, and she thinks she’s never going to get over it.

 

She’s never going to get over her.

 

(10:47am) My Jopay: Dito na ako sa Wild Flour

 

Winter didn’t dare squeal again dahil baka sapokin na siya ni Giselle… Pero kasi, inupdate siya ni Karina!

 

(10:48am) My Jopay: Kasama ko na si Yunjin

 

Okay, this time hindi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
I’m super busy lately sa work and personal matters, but rest assured na hindi ko po ito igo-ghost! Updating soon! 🫶🏻

Comments

You must be logged in to comment
Gungdaengie
45 streak #1
Namiss ko si jopay 😭
tzuyu_once #2
Chapter 30: Author san ka na po:--(( nakakabitinnnnn looking forward sa update nyo. Ganda ng story shuta
Tortillos #3
Chapter 3: YUNG TAWA KO GRABE KAHIT NASA CHAPTER 3 PALANG AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
bigboy123
132 streak #4
Chapter 30: Jopay, kamusta ka na? 🥹
loonygirl22 #5
Huhu read this thinking na complete na siya noooooo! (Also ako lang ba Yunjin fan here??? Parang pwede eh — ugh, er for unrequited love good other person talaga ako!)
elevenelevenfine
#6
andito na din ako hehe
imwinter0101
#7
🤍
oldbellar #8
Chapter 30: hala feeling ko tuloy ako si karina na ghinost ni idol winter 😭😭😭
kaiclip #9
Chapter 30: 🥹🥹
fanficethusiast #10
Chapter 30: author balik ka na pls