Chapter 23

Heartbreak Recipe
Please Subscribe to read the full chapter

“Pa.”

 

“Mmh?”

 

“Do you think may ibang family na si Mama sa Korea?” Natigil sa pananahi ang tatay niya. “Insensitive ba ‘yung tanong ko? Tusukin mo ako ng karayom kung na-offend ka.”

 

Bumalik na ulit sa kanyang ginagawa ang papa niya, mukha itong matanda sa suot na salamin habang tutok na tutok sa pananahi. He took a while to answer, “Siguro. Hindi ko rin alam, anak.”

 

Wala sa loob na pinaglalaruan niya ang sewing kit sa sofa, trying to keep her mind calm with the thought of her mother. “Anong mararamdaman mo kung meron?”

 

“Hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung buhay pa ‘yung nanay mo o ano. Pabayaan na lang natin siya,” pagtatapos nito sa topic.

 

Halata niya naman ang pagiging upset ng tatay niya sa usapan so she quickly apologized, “Sorry po. Dapat hindi ko na natanong.”

 

Umiling lang ang tatay niya at tinignan siya, “Nanay mo ‘yon, syempre magtatanong ka tungkol sa kanya. Ikaw ba? Anong mararamdaman mo kung may iba pala siyang pamilya?”

 

“Ewan ko rin,” she replied. “Sana lang kasing ganda ko ‘yung anak kung babae man,” tinawanan na lang niya. “Random thoughts lang naman. Napanaginipan ko kasi siya kagabi.”

 

Actually...

 

Ang panaginip niya ay magkasama raw si Winter at ang nanay niya sa Korea, tapos umiiyak ‘yung dalawa at nagso-sorry sa kanya habang si Karina ay kumakain ng balut.

 

Sobrang random. Hindi niya alam kung anong genre ng panaginip niya, comedy ba o drama.

 

“Kumusta pala kayo nung k-pop idol na nagpunta dito? Aba’t bakit hindi na ulit bumalik?” Her father changed the topic.

 

“Wala na ‘yun, Pa. Bumalik na ‘yon sa Korea,” she pretended not to care. “Nakipag-date na nga ako sa iba, kaso failed naman. Bwisit kasi mga lalake,” she joked para hindi na magtanong pa ang tatay niya tungkol sa singer.

 

Isang buwan na rin naman ang nakalipas nung birthday party ni Chaewon, at ‘yun an rin ‘yung huling beses na nakita o nakausap niya si Winter, maliban sa pagse-send ng singer sa kanya ng random photos.

 

Accoring to her, those photos remind her of Karina.

 

Iniisip niya na lang na way ito ni Winter to still keep them close kahit casual lang, kaya hinahayaan na lang niya.

 

One time, nag-send pa ito sa kanya ng photo ng pusa na nakita raw nito sa street. It reminded her of Karina daw dahil ang sungit nung pusa at nangangalmot kapag hinahawakan.

 

Nangangalmot ba ako?!

 

Then may isang beses din na sinend ni Winter ang photo ng Starbucks drink niya, alas tres na ng madaling araw at nasa recording studio ito. Walang caption, it was just a photo of “their” drink.

 

At ang pinaka-nakakapukaw ng puso... was when Winter sent her a photo of her hand holding a microphone, tapos suot nito ‘yung rainbow bracelet na may smiley.

 

She never replied to any of those, at alam din naman niyang alam ni Winter kung bakit. Hindi rin naman niya pinapatigil ang singer sa pag-send ng messages dahil harmless naman ang mga ito.

 

She sometimes wonders kung may nakaka-usap o nakakasama ba si Winter sa Korea aside from Giselle. ‘Yung taong genuine at magtatanong talaga sa kanya kung kamusta na siya.

 

Obviously, hindi ‘yon gagawin ni Karina on a daily basis. She refuses to do so para na rin maiwasan na makapagbigay ng mixed signals.

 

“Masyado mo naman kasing sineryoso ‘yung sinabi ko tungkol sa pagiging challenging, anak,” biro ng tatay niya. “K-pop idol talaga? Hindi ba pwedeng anak lang ng Congressman?”

 

“Ewan ko sayo, Pa! ‘Wag ka na ngang mag-advice,” tumayo na siya dahil narinig na niya ang busina ni Yunjin sa labas. “Papasok na ako. Babush!”

 

“Ayan, challenging din yang accountant, pwede yan. Challenging ang Math eh,” talagang hindi pa ito tumigil sa pang-aasar sa anak. “Ingat pagpasok! Pakisabi kay Yunjin ang sarap ng mga pasalubong niya! Pero mas boto pa rin ako kay Winter!”

 

“Tse!”  

 

She waved at her father bago lumabas ng bahay. As usual, Yunjin is waiting sa labas ng kotse nito to open the door for Karina. She never understood the need of the girl to do that, pero hindi naman niya binibigyan ng kahulugan.  

 

“Morning. Here’s your coffee,” inabot sa kanya ng accountant ang Starbucks coffee at pumasok na sila pareho sa kotse. “Saan mo pala nalaman yang timpla na yan? Saulo na nung barista ‘pag umo-order ako for you.”

 

Nagsuot na siya ng seatbelt at nag-shrug lang sa tanong ni Yunjin, “It’s Winter’s drink. Ang sarap eh..”

 

“Oh, okay.”

 

“Hindi ka ba male-late sa work? Hindi mo naman ako kailangan sunduin sa bahay,” tinignan niya si Yunjin. Every time she looks at the girl, gandang-ganda talaga siya dito.

 

More like admiration of beauty lang naman and nothing else.

 

“Well… Para hindi na mangyari ‘yung pinuntahan ka ni Sungchan sa inyo to pick you up unannounced,” nakasimangot na sabi nito. “He’s so weird. The last time galit na galit sayo, tapos biglang susunduin ka?”

 

Parang mas upset pa si Yunjin kaysa sa kanya. She just laughed lightly to assure the girl, “Ganon naman ‘yon si shunga. Miss lang ako non, baka tinotoyo. But nasabihan ko naman na. Bakit galit ka?”

 

“Eh kasi!” Tinawanan siya ni Karina. “Bakit ka tumatawa?! Ikaw na nga ang inaalala ko.”

 

Yunjin always worries about her.

 

Bigla tuloy pumasok sa isip niya ‘yung sinabi ni Chenle many months ago. About dun sa naging pag-uusap ni Winter at ng accountant tungkol sa kanya. She never brought that up anymore, pero parang gusto niyang malaman…

 

Matagal na rin naman ang nakalipas, tingin niya ay wala na lang ito and they can openly talk about it.

 

“Yunjin, can I ask you something?”

 

“What is it? I prefer kung Math,” biro nito.

 

Karina offered a laugh then went serious again, “Bakit kayo nag-away ni Winter?”

 

“Nag-away?” Kumunot ang noo nito.

 

Karina became hesitant but decided to give it a go, “Nung nagpunta ka sa kanya one time para isauli ‘yung libro na hiniram mo kamo... Nabanggit kasi ni Chenle na nagtalo raw kayo ni Winter.”

 

“Did he tell you what it was about..?”

 

Maingat siyang tumango, gauging her friend’s reaction. Nakita niyang medyo naging stiff si Yunjin. “Oo.. About sa akin daw. I didn’t really want to ask dahil matagal naman na, medyo na-curious lang ako.”

 

Huminga muna nang malalim ang kaibigan niya bago nagpatuloy, “Do you really want to know?”

 

“Ayoko. Kaya nga ako nagtanong eh,” she joked to ease Yunjin’s worry and ‘yung sudden tension sa hangin. “Kung ayaw mong sabihin okay lang naman, pero kung about sakin kasi, parang gusto kong malaman..”

 

Naka-stop ang traffic light, Yunjin fidgeted nervously.

 

Bumaling sa kanya ito, looking shy all of a sudden, “I told her na hindi ko nagustuhan ‘yung pag-handle niya nung.. thing niyo before. Uhm, medyo napagsabihan ko siya.”

 

Karina was taken aback. Out of all the reasons that she expected, ‘yung sinabi ni Yunjin yata ang pinakahuli sa listahan niya. “What do you mean? Uhm, bakit niyo naman pag-uusapan ‘yon?”

 

She does not want to offend Yunjin or anything, pero that’s between her and Winter at labas ang kaibigan nila sa issue na ‘yon.

 

“I don’t know.. I guess nainis lang ako kasi I know what you went through nung time na ‘yon. It was unfair for you.. Nakapagsabi ako ng.. hurtful words siguro sa kanya. I probably went overboard.. I was just trying to defend you.”

 

Oh.

 

Kaya pala aloof siya sa akin during the time na pinalitan ko si Chenle for a few days.

 

Nalilito si Karina.

 

Alam din naman nila Ning at Minju ang mga pinagdaanan niyang hindi maganda sa failed attempt nila ni Winter to make it work, yet hindi naman siya nakarinig sa dalawa na gusto nilang bigyan ng piece of mind ang singer.

 

“I, uhm.. I appreciate you being worried sa naramdaman ko that time, pero nag-usap naman na kami non, Yun..” Nag-alala siya bigla dahil baka nakadagdag ‘yon sa list of things ni Winter to feel bad about.

 

The idol had a lot on her plate already during that time...

 

“Still, sinayang niya ‘yung chance!”

 

“But it was between the two of us. It was also hard for her..” She found herself defending the singer. “Hindi niyo na dapat pinagtalunan ‘yon. We ended in good terms.”

 

Yunjin went quiet. Tumango lang ito, “I know..” Karina barely heard her.

 

The rest of the ride on the way to work ay sobrang awkward para sa kanilang dalawa. Hindi rin alam ni Karina how things transitioned into this incredibly uncomfortable situation.

 

She keeps on asking herself kung okay lang ba sila…

 

Kung bakit ganon na lang maka-react si Yunjin sa nangyari sa kanilang dalawa ni Winter...

 

After a painful 20-minute ride ay nakarating na rin sila sa The Wild Flour. Kita niya si Ning na nasa labas pa lang at mukhang kararating lang din ng restaurant kasabay ng isa pa nilang katrabaho.

 

“Thanks for the ride,” sinira ni Karina ang katahimikan sa wakas. “Ingat ka papunta sa work,” she simply said bago lumabas ng sasakyan. Kumaway lang si Yunjin na parang wala sa sarili.

 

She eyed the car habang papalayo ito.

 

Ang weird.

 

“Napapadalas paghatid sayo non ah,” sambit ni Ning habang papasok sila ng resto.

 

“Nag-iinsist siya eh. Bilang makapal ang mukha, hindi ako tatanggi. Tipid sa pamasahe,” kibit-balikat niyang sagot. May looming worry pa rin doon sa kakaibang moment nila ni Yunjin kanina sa sasakyan.

 

Natigil siya sa paglalakad nang humarang si Ning sa harap niya at taasan siya nito ng kilay, “Pustahan tayo bet ka non.”

 

Napasinghal kaagad siya, “Gaga, ang weird naman non. Friend siya ni Winter,” may weird feeling siyang naramdaman sa sinabi ni Ning. “She’s just friendly, okay? ‘Wag kang mapagbigay ng malisya masyado.”

 

“Hindi naman niya kami hinahatid ni Minju sa work! Ikaw ‘tong laging hatid at sundo ni teh. Parang si Sungchan lang dati,” Ning said. Nasa isip ni Karina, never si Winter. Ano kayang feeling na maihatid ni Winter sa work kung okay pa sila?

 

Charot.

 

“Bobita ka talaga,” pahabol na pakli ng barista.

 

“Hoy! Bawiin mo ‘yon! Hindi ako bobita ha!”

 

“Yes you are,” biglang sulpot ni Tiffany. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang manager. “By the way, approved na ‘yung ni-request niyong ganap but dito lang daw sa malapit para walang cost of transpo. I found a villa with pool here lang din sa Taguig.”

 

Anniversary kasi ng restaurant nila kaya kumantsaw sina Renjun sa mga boss.

 

Pinandilatan niya si Ning, “‘Wag na ‘wag mo na kong aasarin kay Yunjin, please lang,” she harshly whispered to her friend bago lingunin si Tifanny, “Okay na yan. Hindi naman deserve ni Johnny at Lucas ang magandang getaway.”

 

“True.”

 

“Delivery for Karina Enriquez!”

 

Napatingin sila ni Ning sa may entrance ng restaurant. Si Tiffany ay hindi man lang kumibot at mukhang enjoy na enjoy sa kung sino man ang kalandian nito sa texts.

 

Inalala pa ni Karina kung may inorder siya sa shopee. Pero dahil mas makunat pa siya sa naiwang chicharon, hindi naman siya umo-order ng kung ano-ano.

 

“Kuya, ano yan?” Lumapit siya dito.

 

“Aba’y malay ko, Ma’am,” pambabara nung delivery guy.

 

Binusangutan niya ito, “Galit ka kuya?!” Pumirma na siya dun sa form nung rider. Nakita niya ‘yung box, medyo malaki ito. Nabasa niya rin na galing itong Korea at may note na “Happy Anniv TWF!”.

 

“Walang tip, Ma’am?” Hindi pa pala umaalis ang rider sa harap niya.

 

“Pwedeng hug na lang? Priceless ang hug ko. Hindi ka na lugi dito,” she spread her arms para yakapin si Kuya.

 

Sumimangot naman ang driver at parang diring-diri , “Ay, ayoko po. No thanks. Sige, Ma’am!”

 

Hindi matanggap ni Karina na tinanggihan ang yakap niya, “Kuya bawiin mo ‘yon! Kuya akapin mo ako!” Nagdere-derecho lang ang rider papalabas na pakamot-kamot sa ulo.

 

“Ano yan teh?” Ning interrupted.

 

She eyed the package again and shrugged, “Nakapangalan kay Giselle eh, pero from Winter yata ito. Parang gift niya for the team dahil anniv. Ako na magbubukas, tawag ka don ni Ryujin.”

 

Pinatong niya muna ang box sa may dulong mesa. Hindi pa rin naman sila open kaya nagpatulong siya dun sa guard. When she opened the box, puro apple watches ang laman.

 

Ang yaman talaga!

 

Inabot niya kay Tiffany saglit ‘yung mga gifts. Ang bilin kasi ni Giselle dun sa nakasulat ay ipamigay na lang sa mismong party nila. “What if ipa-raffle ko tapos sabihin ko sa akin galing?”

 

“Eh ‘di para kang tanga non, Ma’am.”

 

“So true.”

 

Karina returned to the farthest table kung saan niya nilagay ‘yung malaking box. Then she noticed na may isa pang maliit naman kahon na nakapangalan lang sa kanya…

 

She opened it immediately.

 

It’s a signed album.

 

Natawa siya, dahil bago umalis si Winter sa birthday party ni Chaewon a month ago, biniro niya si Karina na siya raw ang unang bibigyan ng copy ng album ng singer.

 

To Karina

 

Enjoy the album.

Wala namang about sayo diyan.

Hehe :P

 

From Winter

 

Ang lawak ng ngiti ni Karina. Gusto niya biglang ipagmayabang sa lahat na siya ang naunang nakakuha ng album ni Winter! Tapos ‘yung message pa niya, parang ewan…

 

She got her phone to compose a message to the idol. Nag-cringe pa siya sa sarili niya dahil hindi niya man lang nare-replyan ‘yung mga random photo messages ni Winter, tapos kung kailan may gift, tsaka siya magme-message.

 

Bahala na. Friendly message lang naman.

 

(8:34am) Me: Ipapa-auction ko yung album

sa mga fans mong boang

 

(8:35am) Winter: ☹️

 

Hindi ka maku-kyutan, Karina. Hindi! Pero pwede naman ‘yon, ‘di ba? Kung makyutan siya sa friend niya. Nakukukyutan din naman siya kay Ning at Minju, pati na rin kay Yunjin…

 

And speaking of the accountant again...

 

Nag-alala nanaman si Karina sa interaction nila kanina.

 

Hay.

 

Nag-reply na lang siya kay Winter muna at hindi na lang inisip ‘yung unusual car ride with Yunjin this morning. Baka wala lang naman talaga at magiging okay rin sila.

 

(8:37am) Me: Haha joke lang! Thank you, Win. Good luck

sa promotions at kung ano man ang ginagawa niyong

k-pop idols kapag may bagong album.

 

(8:38am) Winter: Karina, uuwi ako diyan after

promotions. Pwede ba tayong magkita non?

 

Nagulantang naman bigla si Karina at parang napakaseryoso ni Winter. Inisip na lang niya, seryoso naman talaga madalas ang singer kaya hindi na lang niya binigyan ng meaning ang sinabi nito.

 

Baka naman gusto lang bumisita at mangamusta.

 

She’d also want to see her kung uuwi man ulit ito sa Pinas. Katulad nga ng sinasabi niya palagi kina Ning, okay naman sila ni Winter at walang sama ng loob.

 

Napatawad naman na niya ang k-pop idol sa ghosting issue nito, at natapos naman sila nang maayos nang walang sumbatan…

 

(8:39am) Me: Sure! Isurprise mo na lang ako sa

bahay ganern. Hekhek

 

(8:39am) Winter: Okay po hekhek

 

“Ay oh, abot-tenga ang ngiti ni shunga,” paninira ni Ning ng moment. “Si Yunjin yan, ‘no?” Sinubukan pa nitong sumilip sa phone ni Karina para makitingin ng messages.

 

“Beh alam mo ba, ang weird kanina nung car ride namin,” hindi niya matiis at inopen na ito kay Ning. “Naalala mo ‘yung sinabi ko sayo na chika ni Chenle before?”

 

“Oh? Na-open mo na sa kanya? Anong sabi?!” Nanlilisik pa ang mata ng kaibigan niya, halatang hindi makapaghintay sa chika.

 

She recalled what her and Yunjin talked about on the way sa resto. Naikwento niya rin kay Ning ‘yung awkward atmosphere after she defended Winter from the accountant.

 

Mukhang pati si Ning ay naloloka sa nalalaman, “So inatake niya si Winter dahil sa ginawa sayo?”

 

“Grabe ka naman sa inatake. Ano yan, Ghost Fighter?”

 

“Manahimik ka nga!” Kinurot siya ni Ning sa gilid. “Based sa kwento mo, parang sobrang caring ni Yunjin sayo to the point na babardahin niya si Winter dahil dun sa nangyari.. Which leads me to the conclusion that..”

 

Kinabahan si Karina, “That..?”

 

“Siya ang nawawala mong nanay.”

 

“Tangina mo teh!”

 

Humagalpak si Ning nang pagkalakas-lakas, “Joke lang, joke lang. Ang conclusion ko talaga is gusto ka niya, okay? Sabi ko naman sayo eh. Nako, good luck sayo beb. Gandang-ganda ka pa man din don kay Marian.”

 

Napahawak si Karina sa dibdib at kumunot ang noo, “Shet, Dingdong era ko na ba? Char.”

 

“Daldalan kayo nang daldalan diyan ha! Kaya maya’t maya tayo napo-post sa social media eh!” At talagang sa kanila sinisi ni Tiffany?! Si Renjun kaya ‘yung nagsulat nung ‘Happy Birthday’ na panget dun sa isang customer na nag-viral…

 

“Get back to work!” Sigaw pa ng manager nila.

 

“Ito na nga!”

 

She looked at Winter’s album one more time. Nakangiti ang singer doon sa album cover, at ngayon ay dalawa na silang naka-smile.

 

Ang swerte ko talaga sa idol friend ko.

 

From idol ghoster to idol friend.

 

Pwede na rin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Puyat na puyat si Winter dahil sa grabehang schedule niya the other day para i-promote ang upcoming album niya.

 

Interviews, press conference, radio guesting, at kung ano-ano pa. A walk in the park na lang sa kanya ang mga ito, but this time, parang mas pagod siya and less… happy and enthusiastic.

 

She misses Karina, and...

 

She’s still worrying about her plan.

 

S

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
I’m super busy lately sa work and personal matters, but rest assured na hindi ko po ito igo-ghost! Updating soon! 🫶🏻

Comments

You must be logged in to comment
Gungdaengie
43 streak #1
Namiss ko si jopay 😭
tzuyu_once #2
Chapter 30: Author san ka na po:--(( nakakabitinnnnn looking forward sa update nyo. Ganda ng story shuta
Tortillos #3
Chapter 3: YUNG TAWA KO GRABE KAHIT NASA CHAPTER 3 PALANG AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
bigboy123
130 streak #4
Chapter 30: Jopay, kamusta ka na? 🥹
loonygirl22 #5
Huhu read this thinking na complete na siya noooooo! (Also ako lang ba Yunjin fan here??? Parang pwede eh — ugh, er for unrequited love good other person talaga ako!)
elevenelevenfine
#6
andito na din ako hehe
imwinter0101
#7
🤍
oldbellar #8
Chapter 30: hala feeling ko tuloy ako si karina na ghinost ni idol winter 😭😭😭
kaiclip #9
Chapter 30: 🥹🥹
fanficethusiast #10
Chapter 30: author balik ka na pls