Chapter 5
Heartbreak Recipe“Karina, my favorite employee, my lucky charm, my honeybunch sugarplum, why are you here?” Salubong ni Tiffany pagdating na pagdating ni Karina sa TWF. Niyakap pa siya nito, “Bakit ka nandito?”
“Uhm, kasi empleyado mo ko? Bawal na ba?! Banned na ba ako dito?”
Sinalubong rin siya ni Ning with open arms pa, “Karina! You’re back!” Aba’t naging englishera si gaga. Sumunod naman ang mga katrabaho niya at niyakap din siya.
“Guys, hindi ako galing military service ha. Nandiyan lang ako sa McKinley. Anong kadramahan ‘to? Kung makasalubong naman parang sumabak ako sa gyera!” She hugged them back anyway.
Pansin ni Karina, lahat sila dito sa restaurant ay lutang at may tama. Simulan mo kay Tiffany hanggang kay Ryujin na ang hobby ay maggupit ng kuko kapag walang ginagawa.
Lalo naman si Ning na tuwing may uupo sa bar, aalokin agad na umorder sa KarNing at i-like ang Facebook page nila bago bigyan ng order ‘yung customer.
Pero in fairness, na-miss niya dito.
Na-miss niyang hindi makita ang mukha ni Winter. Na-miss niya rin na hindi siya confused sa mga nararamdaman niya.
Sabi nga ni Ning… this isn’t you beh! This isn’t you.
Kaya naman mas tatatagan ni Karina, at mas mawawalan siya ng pake. Lahat ng gagawin niya for Winter, work-related lang at wala nang iba pa.
She’ll also refrain from thinking about the past. She’s been good at that for a long time, kaya naman keri niyang gawin ‘yon.
Hindi ka sure, bading. Feeling niya, lulunukin niya ang mga salita niya sooner or later. But stay positive lang dapat siya.
“Eh kasi naman teh, ang daming customers! Actually, ngayon lang nawalan since patay na oras, pero dinadagsa tayo. Tapos hinahanap nila si Winter,” matawa-tawang sabi ni Renjun.
“At dahil diyan..” Pumunta si Tiffany sa harap niya at hinawi ang kanyang employees, “I have a surprise for you!”
Music to Karina’s ears ang narinig niya sa manager. “Ano ‘yon, Ma’am? May bonus ako? Trip to Japan? Come on, give it to me! I’m so ready!” Grabe lang nag expectation niya sa “surprise” ng boss.
Nilabas ni Tiffany ang tinatago niya sa kanyang likod, “Electric fan from Hanabishi! Napanalunan ko sa raffle. Hindi ko naman magagamit so I figured, ibigay na lang sayo. As a token of appreciation.”
Gustong magwala ni Karina.
“Ma’am, may electric fan din naman kami sa bahay,” masama sa loob na sagot niya. “Kung aircon yan matutuwa ako. Pero sige, salamat.” Kinuha niya na rin, sayang naman.
Saan ka nga naman makakakuha ng libreng electric fan.
Naalala niya bigla kung bakit siya pumunta dito, “May party pala bukas kina..” She looked around para makasigurado na walang ibang tao, “Kina Miss Winter. I think gabi pa naman, so we can prepare here sa morning for the food.”
“Oh guys, ‘wag niyong ipahiya ang resto, okay? Give them the best food they’ll ever taste. Pag-meetingan niyo na lang diskarte niyo,” utos ni Tiffany.
“Eh kung tumulong ka kaya Ma’am? Puro ka candy crush,” walang kagatol-gatol na sabi ni Ning sa boss nila. “Charot. Sabi ko nga magpa-level ka na lang.”
Tiffany left them at pumunta na sa office niya. Karina asked for everyone to sit down sa may duolong table para makapag-meeting sila nang maayos. May mangilan-ngilan lang na customers so may oras pa sila to talk.
“Teh, para kang nagbebenta ng electric fan. Ilagay mo kaya muna sa office?” Pansin ni Lia.
Napatingin tuloy si Karina sa hawak niyang box, “Oo nga ‘noh,” she realized. “Hayaan mo na, ibebenta ko na nga lang.”
Nalihis nanaman sila sa topic.
“Anyways! We can prepare tonight ‘yung mga gagamitin for tomorrow. We can pre-cook everything here then dun na lang iinit. Ayaw daw nila ng packed food, so I suggest we do buffet style.”
Sanay naman na si Karina sa mga ganitong ganap. May mga small parties na pinag-servan na sila before so all of them are not new to this.
“Ano daw palang food ‘yung bet?” Ryujin asked.
Napaisip tuloy si Karina. Wala pa nga palang binibigay sa kanya si Winter pero nasabihan niya ito na mag-text ng gustong food for tomorrow.
“I’ll check, baka nag-message na,” Karina took her phone out.
“Taray, sana all may textmate na idol.”
(1:27pm) Asungot: Nasan ka na? Nakarating ka na
sa resto?
Hindi niya napansin na nakasilip pala si Ning sa phone niya, “Sino si Asungot? Shuta ka!”
Ang weird naman kung sasabihin niyang si Winter ito dahil magtatanong pa ‘yung kasama niya, and Karina doesn’t wanna deal with questions. Especially questions about that certain k-pop idol.
She made a note to herself na ayusin na ang contact name ni Winter sa kanyang phone.
“Ay, si ano yan..” Nahihirapan siyang mag-isip ng alibi. “Si Papa.”
“Asungot tawag mo sa Papa mo?!” Ning shouted. Ang ingay-ingay na nila dito sa restaurant.
“Mag-focus nga tayo!” Pagalit niya sa mga ‘to. “Hindi pa nagsasabi ng food, but I have a few ideas in mind naman na. Let’s do steak and salmon, pwede rin lobsters then samahan natin ng greens and potatoes. Then dessert.”
She turned to Ning, “Ikaw na bahala sa drinks. And please, ‘wag mong alukin ‘yung friends niya ng KarNing! Mamaya magpa-like ka ng page natin!”
“Para san pa’t social media manager ako ng KarNing?!”
Talagang binigyan ng role ang sarili niya?
Pasimple na lang siyang nag-reply kay Winter.
(2:01pm) Me: Yeah. Ano palang gusto niyong
food tomorrow? Ako na ba bahala?
(2:01pm) Winter: Ikaw na. I trust your taste.
Punta ka sa bahay for dinner?
Umiinit nanaman ang ulo ni Karina sa pang-small talk ni Winter sa kanya. They shouldn’t even be texting like this in the first place.
At isa pa, ‘di ba kasama niya ‘yung Kazuha?
“Tayo na raw bahala. Let’s do our best, okay? Since first time ito na we’ll be serving them as a team. Practice na rin for when her hectic schedule starts pati ‘yung sa tour.” Serious queen siya today.
(2:07pm) Me: Baka bukas na. Kasama ko yung team
Oh, ‘di ba. Sweet manhid girl siya ngayon.
A couple arrived at the restaurant, kaya naghiwa-hiwalay muna sila ng mga katrabaho niya.
Naalala tuloy ni Karina si Sungchan dahil dun sa dalawang dumating. Hindi na rin kasi siya tinext pa nito at talagang final na final na ang decision na mag-take sila ng space and time.
Alam naman ni Karina na isang text lang niya kay Sungchan—asking him na ituloy pa rin nila—bibigay kaagad ang kanyang manliligaw.
Pero hindi niya ginagawa.
“Do you even have feelings for me?”
Well...
Kung tatanungin si Karina, she cares a lot about the guy. Tingin niya iiyak siya kapag nawala completely si Sungchan sa buhay niya. Pero wala pa rin siya sa point na talagang in love siya dito.
“Huy. Lalim ng iniisip mo. Si Sungchan, ‘noh?” Ning gave her a drink. Medyo mapakla at lasang-lasa ‘yung alcohol.
Naupo siya sa may counter para harapin ang kaibigan, “Ning bakit ganon? Parang stagnant ‘yung feelings ko for Chan. Hindi siya ano, nag-iimprove,” she admitted.
Natawa lang ang kaibigan niya behind the counter, “Nako teh, mahirap yan. If hindi nag-iimprove after a year, hindi na yan mag-iimprove. Pero tignan mo rin. Baka pag na-miss mo, ma-realize mo na kawalan siya.”
“Pano ‘pag hindi?”
“Oh eh ‘di susulutin ko na. Charing!” Gustong basagin ni Karina sa ulo ni Ning ‘yung baso na hawak niya. “Hoy teh, ang seryoso mo! Hindi ako sanay. What’s poppin’, sister?” Hindi mapigilang hindi matawa ni Karina.
She let out a deep sigh, hindi niya na yata kayang sarilihin ito. “Nung tinanong ako ni Sungchan if there’s someone else, I told him wala..”
“So meron?! Gaga, may kabit ka?”
Winisikan ni Karina si Ning ng tubig sa mukha, “Tanga! Kala mo saken?!”
“Eh ano yang sinasabi mo?!”
Pina-swirl-swirl ni Karina ang iniinom na drink, feel na feel niya na nasa movie siya at main character na nagpapakalasing sa bar dahil sa problema. “There’s no one else ngayon. But..”
Titig na titig si Ning sa kanya, halos mamuti ang mata nito sa pag-aabang, “But?”
“But there’s someone from the past..” She finally blurted. Muntik pa niyang maibuga ang iniinom niya dahil sa dramatic gasp ni Ning with matching pagtakip ng kamay sa bibig. “Na bumalik sa present..”
“Shet, gusto ko yang ganyang drama. Sino yan? Bakit ngayon mo lang nakwento sakin na may past past chuchu drama ka pala?”
“Wala naman akong sinabihan na kahit sino. Si Minju lang, pero sobrang limited lang din ng alam non..” Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya na sabihin ito kay Ning.
Siguro kasi, she has been keeping it to herself and herself only for the longest time, kaya natatakot siya na bumalik lahat ng sakit kapag naikwento niya sa iba at ni-recall ang lahat ng mga pangyayari sa nakaraan.
But here goes nothing.
Seryoso niyang tinignan si Ning, “’Wag mong sasabihin kahit kanino ha,” tumungga siya ng alak, “Si Winter.”
Parang
Comments