Chapter 7
Heartbreak RecipeTW // Mention of death
Aaminin ni Winter, naging childish siya sa ginawa niyang “tactic” para mapalapit ulit kay Karina. She didn’t think it through, at sinunod lang niya ang unang pumasok sa isip niyang paraan.
Ayan tuloy, they both suffered the consequences of what she’s done—Karina being pissed and fed up, and Winter… missing Karina badly.
She felt what it’s like to be close to Karina again after so many years, tapos nawala lang ulit. She blew it. Ano ngang tawag don? Panandaliang ligaya…
She feels sad.
But she knows Karina needed to let off the steam na nararamdaman niya. Kulang pa nga ang mga nasabi niya kay Winter kung tutuusin. She deserved way worse than that.
Pero baka nga naman kasi hindi na ganoon kalakas ang impact niya kay Karina.
Matagal na rin naman ‘yung nangyari, and it’s possible that the girl got over her a long time ago. Talagang nabwisit lang siguro sa kanya for basically being forced to work here...
She composed a message.
(10:03am) Me: Hi..
She deleted it immediately.
(10:05am) Me: Hello..
Again, dinelete niya ito dahil ano nga naman ba ang pinagkaiba ng Hi sa Hello?!
(10:08am) Me: I miss your food
I miss your tasteless egg.
Nag-give up na si Winter dahil wala namang kwenta ang mga pinagtata-type niya messages. Pero gusto niya kasing makipagbati…
Gusto niya na ng ceasefire, at gusto niya nang itigil ang pagiging childish niya kay Karina. She wanted to make it up to her in a different way, at hindi sa way na laging maaasar si Karina sa kanya.
Gusto niya rin sanang sabihin dito that the Minjeong she used to be is gone. But will it matter? Eh ang most memorable memory ni Karina sa kanya ay ang kanyang ghosting skills.
“I miss Jopay,” Giselle voiced out habang kumakain sila ng niluto ni Chenle. “Can’t you guys kiss and make up? Gusto ko ng kimchi and tofu stew niya.”
Nag-init ang mukha ni Winter sa thought na mahahalikan niya si Karina. Parang hindi pwede at hindi siya karapat-dapat.
“And I miss you being talkative! Naririnig na lang kitang nagsasalita kapag may shoot for your reality show. Dito sa bahay, you’re so quiet.. Kanta ka lang nang kanta with your piano!”
“Sine-save ko lang ang energy ko for the first show ng tour. Malapit na kasi. Wag kang OA,” Winter said with sass. “And the singing, it’s practice.”
“Or,” tinuro ni Giselle ang tinidor niya sa mukha ni Winter, “You miss our Jopay too. Bakit kasi hindi ka na lang mag-sorry? Para okay na kayo.”
“It’s not that simple,” she replied so quickly. “Tsaka si Karina, walang pakialam ‘yun sa sorry. She decides when to forgive someone. And obviously, malayo pa ako sa pila.”
Tinatawanan na lang ng manager niya ang kadramahan ni Winter, “You want me to force her to return dito? Tayo pa rin naman ang masusunod.”
Mabilis na tumanggi si Winter, “No. If—and only if—bumalik siya dito, dapat sariling decision na niya. Ayoko nang dagdagan pa ‘yung inis niya sakin.. Nakakatakot siyang magalit.”
Hindi niya maalis sa utak niya ‘yung outburst ni Karina last week. She still can hear the pain and exhaustion sa boses nito. And she figured, Yunjin’s presence must have triggered something sa kanilang private chef.
“Ask her boyfriend or something. For sure he knows kung paano susuyuin si Karina,” mapang-asar na sabi ni Giselle.
“Hindi niya raw boyfriend ‘yon. Tsaka dinelete niya kaya ‘yung iba nilang photos sa IG,” dere-derecho niyang sabi.
“Stalker much?” Giselle teased knowingly.
“Sinong stalker?” Sabat ni Kazuha. Dumerecho ito kay Winter at umupo sa lap niya. Napahawak na lang si Winter sa bewang nito para hindi ma-out of balance ang kaibigan. “May stalker ka?”
“No. Actually, siya ‘yung stalker,” Giselle teased. “Ang daming seats, Kazuha. Sa lap talaga ni Winter maupo? Naasiwa ako sa inyo.”
Hindi pinansin ni Kazuha ang huling sinabi ni Giselle. She was just giving Winter a questioning look, “You like someone, Win? Who? I’m intrigued...”
“Why? Selos ka, ‘noh?” Talagang pinu-push ni Giselle ang “theory” niya na may gusto si Kazuha kay Winter.
“Giselle stop—“
“And if I was jealous nga? What if nagseselos pala talaga ako Win because I’m unconditionally and irrevocably in love with you?”
Natahimik bigla silang lahat dito sa dining table. Hindi sure ni Winter kung isa nanaman ‘to sa pakulo ng kaibigan niya to make her flustered pero… bakit parang may laman?
Wala naman siguro.
“Guys, it was a joke!” Kazuha laughed, though Winter noticed that it’s a bit shaky. “That was just my line sa isang drama. Don’t take me seriously.” She got up from Winter’s lap at naupo na nang maayos.
“Oh wow. Anyways.. I cleared your schedule tomorrow, Win.” Winter is thankful that Giselle changed the topic. “Anong oras ba tayo pupunta sa cemetery?”
The one thing that she’s been dreading.
“Lunch time..” Malumanay niyang sagot.
Winter still can’t find the strength to look back sa death ng kanyang parents. Feeling niya, she’ll breakdown as soon as they get to the place where they are buried.
“You want me to come? I’ll cancel ‘yung lakad ko with my friend,” Kazuha kindly offered.
Umiling si Winter, offering her friend a grateful smile in return, “No, I’m okay. Chae would be there naman. I’ll, uhm.. I can do this.”
“If you say so..” Kazuha squeezed her hand under the table. “Also, nasaan pala na pala si Karina? Sabi niya bebentahan niya ako ng electric fan. I kinda miss her cooking too.”
Napangiti si Winter sa mention ng kalokohan ni Karina.
Kinuha nanaman niya ang kanyan phone from her pocket to type a message habang nag-uusap si Giselle at Kazuha ng kung ano man.
(10:32am) Me: Bati na tayo..
Tinitigan muna niya ito before she hit the backspace repeatedly. Gusto niya lang naman magkabati na sila. Kahit pa araw-araw siyang bigyan nito ng itlog na walang lasa.
Hay.
Baka nga wala nang pag-asa na magkaayos silang dalawa.
—
Isang linggo na simula nang makalaya siya sa bahay ni Winter, and Karina feels better.
A huge weight has been lifted off her chest dahil finally, nabungangaan na niya ang magaling na ghoster from South Korea. Honestly speaking, kung mas nakapag-rehearse lang siya, mas malala pa don ang sasabihin niya.
Para bang binigyan lang niya ng rightful chance si Jimin para awayin si Minjeong. Wala naman kasi siyang chance dati to do that.
But then again, a lot of years have passed. Kasama sa pagkalimot niya sa pagkatao ni Minjeong ang pagpapalaya niya sa sarili niya ng galit. Kaya kahit gusto niyang mas maraming sabihin, hindi na rin niya alam kung paano.
Naging kalmado naman siya at nawala kahit papaano ang galit niya after the confrontation. Her wrath a week ago was mostly triggered by Winter’s sudden presence in her life again.
She’s satisfied sa ginawa niyang paglabas ng galit dahil at least, nagkaroon ng idea ang k-pop idol na hindi natutuwa si Karina sa inakto nito.
So sa madaling salita, tahimik ang buhay niya lately.
Walang nangungulit at walang nagpapa-init ng ulo niya on a daily basis.
Though nami-miss ni Karina si Jackson at Gemma... Si Winter, malamang hindi. Bakit nga naman niya nami-miss ‘yon?! Puro sakit lang ng ulo ang ibinibigay nito.
Akala pa nga ni Karina ite-text pa siya nito after nung party, at mangungulit na bumalik. But the idol kept true to her words.
“Grabe! Sobrang starstruck pa rin ako kay Winter. Gago beh, muntik ko nang jowain si Chaewon dahil sa pa-surprise niya. Hindi ko kinaya,” Minju swooned. “Inggit na inggit lang ‘yung mga katrabaho ko!”
Hindi man nakikita ni Karina si Winter, talaga namang araw-araw siyang rindido sa pagpa-fangirl ni Minju. Darating ang oras na susupalpalin na lang niya ito sa mukha para manahimik.
“Ang bait niya rin pala sa personal! Beh, tignan mo ‘to oh. Hindi niya alam na vini-videohan siya pero tinulungan niya ‘yung matanda nung nahulog ‘yung mga dala. What an angel!”
At hindi lang yan, talagang habang naglilitanya si Minju tungkol sa guardian angel niya na si Winter, may background music din sila ng mga songs nito. Napilitan tuloy si Karina na makinig.
“Teh, ginawa mong santo. Puro ka Winter! Baka Winter na rin natatawag mo sa mga pasyente niyo,” pabalang na sabi ni Karina. “’Di ba, Ning?”
Panay lang ang kuha ni Ning sa nilulutong orders for KarNing. Pinagamit kasi sila ni Minju ng kitchen at buryo rin daw ito ngayong gabi kaya dito sila nagpe-prepare ng kanyang business partner.
Nag-shrug lang ito, “I don’t know, girl. Minju has a point.” Talaga namang naging English-speaking na ito porket naka-bonding ang mga burgis na friends ni Winter nung party.
“Bakit ka nga pala hindi na pumupunta sa house nila? Back to TWF ka na ulit? Anyare?” Pinause muna ni Minju ang pinapanood at pinunta ang focus kay Winter.
Si Ning ay natatawang nagha-hum lang nung song ni Winter na pinakinggan ni Karina sa vinyl player nung nakaraan.
“Uhh... Change of plans lang. Kailangan ako sa TWF eh,” she lied. Ang totoo, pinapatawag siya ni Tiffany sa office bukas. Malamang sa malamang, iko-confront nito si Karina dun sa nangyari.
“Hoy Minju, jowa mo ba ‘yung Chaewon?” Pang-iintriga bigla ng barista nilang kaibigan. “Kung sakali, magiging sister-in-law mo pala si Winter. Tapos pag napangasawa ni Karina si Sungchan, magro-rosary siya every day.”
Bakit naman napunta bigla sakin?!
Talaga namang hagalpak kung hagalpak ‘yung dalawa kay Karina kapag napagtitripan si Sungchan!
Ni hindi na nga sila nag-uusap masyado nung lalake, maging mag-asawa pa kaya?! Tsaka parang natakot si Karina dun sa pagro-rosary every day. Parang… masusunog siya if ever.
Pinagbabato na lang niya ng ginagayat niyang carrots ‘yung dalawang bruha. “Minju sagutin mo ‘yung tanong! Tawa-tawa ka diyan.”
“Friends lang kami talaga! Ano ba..” Malanding nagpipigil ito ng tawa, “Pero minsan tinatanong niya ako kung kumain na ako. Tapos “bb” tawag niya sakin..”
Natatawa si Karina sa itsura nito. Para kasing everything is flashing before Minju’s eyes at mapapatanong ito bigla kay Chaewon ng “What are we?” kapag nagkita ulit sila.
“Hindi ka naman nagsabi ng I love you?” Makahulugang tanong ni Ning kay Minju. Talagang tinignan siya nito. Bwiset.
“Bakit naman ako magsasabi ng I love you?! Hindi ko naman siya girlfriend!”
Napalakas nanaman ang tawa ni Ning, “True lang!” Natawa na lang din siya.
Napansin ni Karina na after niyang ikwento kay Ning ang nangyari at mailabas kay Winter ‘yung inis niya sa presensya nito, she feels refreshed. Char!
‘Yung tipong sobrang daming tension ng katawan niya, tapos nakapagpamasahe siya sa magaling na masahista—parang ganon.
Although she stands by what she said doon sa letter niya kay Minjeong dati, saying na hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nitong pang-goghost.
Unless...
Ah walang unless unless!
Pero... naalala niya ‘yung pa-pep talk ni Ning sa kanya the night after the party nang mag-inom sila at malasing ang kaibigan niya.
“Alam mo teh.. Ito ha! Walang halong eme. Ilang taon kayo non? 17? 18? ‘Di ba sa ganong age, prone tayo sa mga ano, sa sobrang pagmamahal. Pero prone din tayo sa mistakes and bad decisions!”
“Pero hindi naman excuse ‘yun sa ginawa ni ateng idol. Baka kung ako ikaw, sinuntok ko ‘yon sa mukha!”
“But! Ito ha! But! What if, Jimin and Minjeong were not meant to stay in each other’s lives talaga. Baka kaya nag-meet kayo ulit, to get to know each other as Winter and Karina naman. Ya know, pana-panahon lang yan.”
Napapa-iling na lang si Karina. Parang wala kasing sense. Ano naman pinagkaiba non, ‘di ba? Mas okay na ‘yung hindi nila kilalanin ang isa’t isa. Lalabanan niya ang tadhana.
Unless... Ito nanaman ‘yung unless! Unless talagang may mahanap siyang reason to get to know Winter again... Kaso parang far-fetched.
“Niyaya akong mag-dinner ni Chae tomorrow, nasabi ko na ba?” Nabalik ang atensyon niya kay Minju. “Lunch dapat, kaso aalis daw sila ni Winter. Nagulat nga ako eh, dadalaw daw sila sa puntod.”
Bago pa man makapagtanong si Karina, naunahan na siya ni Ning, “Puntod nino raw?”
“Ng parents nila.. Feel ko nga nadulas lang siya na nasabi niya sakin. Pero ayun... Ang sad nga eh. Ang tagal ko nang sinusubaybayan si Winter pero ngayon ko lang nalaman na wala na pala siyang magulang.”
Mga ilang segundo rin bago nag-register sa utak ni Karina ‘yung sinabi ni Minju. She physically couldn’t move for a while because of what she heard.
Nagkamali ba siya ng rinig?
“Patay na ‘yung.. parents nila?” Even saying it feels wrong. “K-Kailan pa raw?”
“Ay hindi ko na natanong teh, baka galit sa tsismosa, mamaya dalawin pa ako,” pabalang na sagot nito.
Natahimik na lang ulit sila. Medyo mabigat ‘yung topic.
Tumutugtog lang sa background ‘yung mga kanta ni Winter. ‘Yung carrots ay kung ano-anong klaseng shape na ang nagagawang gayat ni Karina dahil bigla nga siyang nawala sa focus.
Napapatanong na lang siya kung kailan kaya nawala ang mga magulang ni Winter… Kung sinong nandiyan para sa kanya nung mga panahong namatay ang parents nito.
Nasa Korea ba siya non? Nakauwi ba siya para dalawin ang lamay ng magulang niya?
“Alam niyo mga bakla, ‘di talaga ma-say kung anong mga pinagdadaanan ng tao ‘noh? Lalo ‘yung mga celebrities na akala mo walang pinagdadaanan, tapos deep inside, meron pala…”
“Oo nga eh,” sagot ni Ning. “Sana may support system si Winter nung mga time na nawala parents niya. I mean, it must have been hard kasi na
Comments