Chapter 17

Heartbreak Recipe
Please Subscribe to read the full chapter

“Winter, please, for the love of God, take care of yourself and stay away from the public eye as much as you can, okay?!”

 

Winter groaned beside her, kanina pa kasi pinagsasabihan ni Giselle ang k-pop idol dahil kailangan nang bumalik ng team nila sa Manila, meanwhile, Winter will be staying sa Boracay with Karina.

 

Kahit gustuhin ni Giselle na ipa-iwan si Jackson or Sooyoung for security, nagpupumilit pa rin si Winter na sila lang ni Karina sana ang matira.

 

Syempre, kilig nanaman ang tumbong niya.

 

“Don’t worry, Gemma. Ako na bahala dito,” Karina looked at Winter cutely. “Ako na rin mag-uupdate sayo. Male-late na kayo sa flight, kaya go na.” Tinaboy-taboy na niya ang manager papalabas ng van.

 

Giselle still wouldn’t budge kaya si Winter na ang humarap dito, “Giselle, it’s gonna be fine. Uuwi rin naman kami tomorrow afternoon. Also, we’ll stay naman sa medyo secluded part ng island, we’ll keep it lowkey.”

 

Hindi man sabihin ni Giselle o Winter, alam ni Karina na ang ikinaka-worry lang ng manager ay ‘yung magiging consequences kung sakali mang may makakita sa kanila at ma-issue sila.

 

She opened about it to the k-pop idol the other night, but Winter only reassured her na okay lang ang lahat.

 

“Fine. But if may problem, kahit sobrang liit lang na problem, tawagan mo ako, okay? I have to go..” Giselle looks like ayaw pa niyang umalis, pero baka kasi maiwan sila ng plane.

 

“Take care, both of you,” she pointed at Winter and Karina sternly.

 

“Oo na.. Go na, I wanna be with Karina alone..”

 

Muntik nanaman mapa-pout at peace sign si Karina sa pagkakilig. Hindi rin kasi siya binibitawan ni Winter since they got inside the car para ihatid sina Giselle sa port.

 

She also kept whispering behind Karina’s ear, telling her the activities that the girl planned for the both of them para sa solo stay nila sa Boracay.

 

Nahahawa si Karina sa excitement ng singer if she’s being honest.

 

Winter stayed up all night para mag-last minute book ng hotel, and to search fun yet lowkey activities that they can do na malapit lang doon sa pag-sstayan nila.

 

Feeling princess tuloy si Karina…

 

From sweet girl to princess!

 

“Fine. Sige na. Come here, you guys,” Giselle hugged them before siya lumabas ng sasakyan sa wakas.

 

“Uwi ka na rin kaya? Mag-solo trip na lang ako dito,” pambibwisit niya kay Winter. When the singer frowned, almost as if she really got sad sa sinabi ni Karina, agad niya itong inakap, “Joke lang..”

 

Ano ba yan, dapat ako lang ang maarte dito…

 

“You want me to go home?”

 

Sinabi na ngang joke lang eh! ‘Tong ghoster na ‘to!

 

“Hindi nga po. Dito ka lang sa tabi ko,” sweet niyang sagot pambawi. “Nasan na raw ‘yung susundo na car? Nanlalagkit na ako.”

 

May kasama kasing car ride on the way sa hotel ‘yung na-book ni Winter. Hindi na rin naman magtataka si Karina, dahil sa Shangri-La nag-book ang k-pop idol for their stay.

 

Medyo malayo ito from the main crowd in Boracay kaya dito napagdesisyunan ni Winter na tumuloy sila. Muntik nang ma-vertigo si Karina sa presyo ng pinakamagandang villa, pero para kasing bumili lang si Winter ng candy…

 

Minsan, nakakalimutan niyang grabe nga pala ang yaman ng mga k-pop idols. Para siyang may instant sugar mommy! Instant sugar jowang-hilaw.

 

“Ayun na yata,” Winter pointed outside. Tinulungan sila nung driver from Discovery Shores para ibaba ang gamit at i-transfer sa sosyal na van from Shangri-La.

 

Karina made sure na bihisan si Winter kaninang umaga ng simpleng shirt at pants lang. Pinagsuot niya rin ito ng cap and sunglasses, at ‘yung napaka-OA na face mask.

 

The driver opened the car door for them to get in. Pinauna ni Karina si Winter before she followed suit. Umalis na rin sila kaagad, mukhang wala nga rin idea ‘yung driver sa identity ni Winter.

 

“Sure ka bang hindi tayo kikidnapin nito?” Worried niyang pakli. “Bente lang laman ng wallet ko.”

 

“Bibigay ko sa kanya ‘yung bag ko.. Chanel ‘to.”

 

Napatingin si Karina sa sling bag na suot ni Winter, “Oh siya, ako na lang hoholdap sayo.”

 

Tinawanan lang siya ng singer bago ito humiga sa kanyang hita, napakaluwag kasi sa loob ng van dahil silang dalawa lang ang sakay. “I’m so sleepy..”

 

Karina touched Winter’s face, caressing her cheek with her thumb habang nakatingin lang siya sa mukha nito, “Late ka na kasing natulog kagabi. Matulog ka na lang pagdating natin sa hotel.”

 

Karina felt her phone vibrate sa loob ng bulsa niya. Winter surely felt it too dahil nakapatong nga ang ulo niya sa legs ni Karina. The idol frowned, “Sino yan? Ang aga naman mag-text..”

 

She lifted the singer’s head para kunin ang phone, checking it immediately dahil baka about sa work.

 

(7:02am) Sungchan: Good morning Rina. San ka?

Coffee naman tayo oh. Treat ko.

 

(7:03am) Sungchan: Are we really over?

 

Winter must have noticed the scowl on her face kaya humawak ito sa mukha ni Karina, “Why? Who’s that?”

 

“Si Sungchan.“

 

Si Winter naman ang suminangot at tumagilid ng higa, facing Karina’s stomach nang padabog, “Bakit nagte-text? Anong sabi? Ano raw kailangan?”

 

Imbis na mabwisit si Karina sa messages ni Sungchan, natawa na lang siya dahil sa obvious na pagseselos ni Winter. “Niyayaya akong mag-coffee, treat niya raw,” she answered innocently to tease more.

 

“I’ll buy you a whole coffee machine,” Winter said against her stomach, evident sa boses nito ang pagka-inis. “Bakit ka ba tine-text niyan..? Sabihin mo hindi ka pwede,” the singer whined.

 

Kung may isang bagay kay Winter na hindi nagbago since makilala siya ni Karina, ‘yun ay ang pagiging selosa.

 

She remembers Minjeong being jealous of Jeno back in college dahil binigyan siya ng bulaklak on Valentine’s day nung lalakeng ka-muscle ni Taguro.

 

“Ikaw na mag-reply. Oh,” she gave Winter her phone, not expecting the girl to actually take it para mag-type ng response. Hinayaan nalang niya dahil napaka-amusing ng selosang Winter.

 

Sinilip niya ang tinype na message nito.

 

(7:04am) Me: Bawal

 

(7:04am) Sungchan: Bakit?

 

(7:05am) Me: Kasama ko si bebe

 

“Winter!” Inagaw niya dito ang phone niya, but it was too late dahil na-send na ni Winter ang message. “Magtatanong yan ng kung ano-ano! Tsaka anong bebe?”

 

(7:06am) Sungchan: Seriously?

 

“Fine. Eh ‘di pumayag ka. Pagka-uwing pagka-uwi natin sa Manila tomorrow, go have coffee with him. Ihahatid pa kita,” madramang sagot ni Winter sa kanya. “Sige na, pumayag ka na. Dali.”

 

Pinatong niya ‘yung phone sa bakanteng seat on her right at ni-lock na, not giving time to respond to Sungchan anymore. Kinuha niya ‘yung isang kamay ni Winter at hinaplos ito, “Hindi ako makikipagkape sa kanya, okay?”

 

“Bakit hindi?”

 

“Kasi ayoko.”

 

“Bakit ayaw mo?”

 

“Kasi hindi ako free bukas. Sa weekend ko siya yayayain,” she restrained herself from laughing. Niyugyog siya ni Winter na inis na inis. “Joke lang! Ano ba!” Hinayaan na niya ang sarili niyang matawa dahil sa reaction ng singer.

 

Umayos na ng higa si Winter, nakatingin na ulit siya kay Karina but she didn’t let go of her hand, “Where did you meet him?”

 

Karina lifted a brow sa sudden interest ni Winter sa dati niyang manliligaw. “Sa UST.”

 

“M-Matagal na kayong magkakilala?”

 

“Oo. Pero a year ago lang akong pumayag na bigyan siya ng chance,” she revealed honestly. “Bakit natin siya pinag-uusapan?” Natatawa niyang tanong.

 

She felt Winter shrug, nakangiti ito kay Karina, “Wala lang. I guess gusto ko lang malaman ‘yung mga ganyang details about sayo..” Winter paused, “So.. binasted mo na siya, ganon?”

 

“Sobrang high school ng term na basted, but yes, uhm, pinatigil ko na siya..” She’s still annoyed sa nangyari at mga sinabi ni Sungchan, but it probably needed to happen.

 

Ang sama man isipin, pero at least, napadali ang pag-reject niya dun sa lalake. Napapakiramdaman na rin naman niya the past months na hindi talaga magbu-bloom ang feelings niya for the religious guy.

 

“Bakit mo pinatigil? Hindi boto sa kanya Mama mo?” Karina abruptly stopped brushing Winter’s hair. “Did I say something wrong?” Kumunot ang noo ng singer at umayos ng upo.

 

Mahaba-haba pa ang byahe nila papunta sa Shangri-La, so Karina might as well tell Winter about it. Otherwise, magiging awkward lang ang buong ride.

 

“She never went home,” sinubukan niyang ngumit.

 

“What?” Winter’s face went blank. “D-Diba sabi mo dati malapit na siyang umuwi?”

 

Karina looked away, “Hindi na rin daw nag-measage sabi ni Papa. Dinelete lahat ng accounts niya, she changed her number, pati ‘yung mga kakilala niya doon sa Korea hindi rin sumasagot samin.”

 

Hindi nagsalita si Winter. Ayaw naman ni Karina na ma-require itong may sabihin for the sake of giving comfort. Winter lost her Mom too, so the topic must also be sensitive sa kanya.

 

“It was a long time ago, Winter. Hindi ko na siya iniisip, to be honest. It hurt for a while until it stopped hurting. Nawalan na lang ako ng pake.”

 

Walang anak ang dapat i-abandona ng magulang nila, pero mukhang hindi nabigyan ng memo ang nanay ni Karina.

 

“I’m sorry I couldn’t be there for you.. You had to deal with.. with being ghosted twice. I’m sorry, Karina,” Winter uttered, seemingly feeling embarrassed.

 

Umiling lang si Karina. She doesn’t want Winter to feel bad about herself dahil sa kasalanan ng nanay niya. “Wala rin naman ako nung time na nawala ang parents mo.”

 

Well… Technically, wala siya kasi hindi hinayaan ni Winter na nandiyan siya, but still… “Maraming bagay ‘yung hindi natin nagawa sa isa’t isa. Seven years was a long time.”

 

Winter gave a gentle nod, as if almost regretful, “We can be with each other from now on kapag may mga problems, milestones, or even sa normal day lang.. I wanna make new memories with you.”

 

“Gusto mo ba ng new memory to cherish?”

 

Ang laki ng ngiti ng singer, “Oo! Bakit?”

 

“Ako naman mang-ghost sayo,” Karina deadpanned. Nakatanggap lang siya ng paulit-ulit na hampas galing kay Winter.

 

“’Wag..”

 

Pinagsiklop ni Karina ang mga kamay nila nang sumandal ulit sa kanya si Winter, grazing her lips on the singer’s forehead, “I won’t.”

 

Kung tutuusin, si Karina pa nga ang may takot talaga na baka masaktan ulit siya. Although nakikita naman niya ang determination kay Winter na maging okay ulit sila, there’s still that certain fear looming around her.

 

Hindi na rin niya iniisip muna ‘yung fact na isang taon lang si Winter sa Pilipinas. Mapag-uusapan naman nila ‘yon moving forward...

 

Hay, talagang sa ngalan ng kalandian, susugal ako.

 

Isa siyang babaeng walang kadala-dala!

 

“Ma’am, gusto niyo pong dumaan sa D’mall? May mga bibilhin po ba kayo? Medyo malayo ang hotel sa mga stores..” They heard th

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
I’m super busy lately sa work and personal matters, but rest assured na hindi ko po ito igo-ghost! Updating soon! 🫶🏻

Comments

You must be logged in to comment
LacusClyne1124 #1
Chapter 30: Toooor???
Gungdaengie
69 streak #2
Namiss ko si jopay 😭
tzuyu_once #3
Chapter 30: Author san ka na po:--(( nakakabitinnnnn looking forward sa update nyo. Ganda ng story shuta
Tortillos #4
Chapter 3: YUNG TAWA KO GRABE KAHIT NASA CHAPTER 3 PALANG AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
bigboy123
151 streak #5
Chapter 30: Jopay, kamusta ka na? 🥹
loonygirl22 #6
Huhu read this thinking na complete na siya noooooo! (Also ako lang ba Yunjin fan here??? Parang pwede eh — ugh, er for unrequited love good other person talaga ako!)
elevenelevenfine
#7
andito na din ako hehe
imwinter0101
#8
🤍
oldbellar #9
Chapter 30: hala feeling ko tuloy ako si karina na ghinost ni idol winter 😭😭😭
kaiclip #10
Chapter 30: 🥹🥹