Chapter 6

Heartbreak Recipe
Please Subscribe to read the full chapter

Maagang gumising si Karina ngayong araw para pumunta sa bahay ni Winter. Nauna na siya don at susunod na lang sila Ning around after lunch.

 

Kailangan niya pa kasing mag-prepare ng breakfast para sa k-pop idol at kay Giselle. Of course for Jackson din. Parang ayaw niyang pagsilbihin si Kazuha... Masakit pa rin ang mukha niya sa pagkakadali nito habang niyayakap si Winter.

 

“Morning. Bakit parang lutang ka?”

 

Tumingin siya kay Winter, “Ikaw ba naman ang makasama araw-araw, kahit sino magiging lutang talaga.”

 

Si Ning naman kasi, niyaya siyang ituloy ‘yung inuman session nila kagabi after nilang mag-prepare for today’s party. Sobrang curious ng business partner niya sa nangyari sa kanila ni Winter before.

 

Sabi pa ni Ning, mukha raw siyang matino dati. Nagiging clown daw pala ang mga tao kapag nago-ghost.

 

“Anong lulutuin mo?” Talagang umupo pa ‘to sa counter at pinanood si Karina habang nag-aasikaso sa kusina.

 

“Hulaan mo. May oatmeal, almond flour, sugar-free maple syrup, bananas.. Ano sa tingin mo lulutuin ko?”

 

Halatang natuwa si Winter bigla sa pagiging responsive ni Karina kaya excited na ngumiti ito, “Ano?”

 

“Sinigang na baboy,” walang ganang sagot ni Karina.  

 

Karina had to keep in her smile nang tumawa si Winter nang napakalakas at halos rinig sa buong bahay. Nawala lang ang maliit na ngiti niya sa labi nang bumaba na si Kazuha.

 

She went straight to Winter at binigyan ito ng halik sa pisngi, “Morning, my friend.”

 

Ganon na pala ang morning greeting ng friends. Balak niyang halikan si Ning sa pisngi kapag nakita niya ulit ito.  

 

“Morning, guys! Morning, Win! Morning, Kazuha! Morning, Jopay!” Natatawa pa rin talaga siya sa nickname na ‘yon na mukhang minahal na ni Giselle, katulad ng pagmamahal ni Karina sa pangalang “Gemma”.

 

“Oh, may party ka later. I won’t be here since I’m meeting with my siblings, so I trust na it’s going to be chill and not chaotic, Winter. Bawal ka rin uminom,” parang nanay si Giselle kung makapangaral.

 

Tinuro pa niya si Karina, “Bantayan ‘to, Jopay.”

 

“Ba’t ako?”

 

“Well, I don’t know, ikaw taga-watch ng health niya eh,” kibit-balikat na sagot ng manager.  

 

Ginawa na nga siyang chef, ginawa pa siyang dietitian. Ano naman kaya ang susunod na role ni Karina dito sa bahay ng bwiset na artistang ‘to? Baka next time, gawin naman siyang Doktor.

 

“Don’t worry, Giselle. I’ll watch over Winter. As always,” Kazuha ruffled Winter’s hair na para itong bata. “Ingat ka with your plans.”

 

Taray, nanay yarn?

 

Umalis na si Giselle. Si Karina at ‘yung dalawang celebrity na lang ang naiwan sa bahay. Si Jackson ay nag-offer ihatid si Giselle sa kung saan ito pupunta.

 

Sobrang awkward para kay Karina nito.

 

Pinapanood siya nung dalawa habang gumagawa ng oatmeal pancakes. ‘Yung tipong tutok na tutok talaga sila sa bawat galaw niya.

 

“So, Karina..” Pwede bang nood na lang? ‘Wag nang usap? “How is it living with Winter here? Surreal ba na you’re with a celebrity like her?” Ano raw?

 

“Hindi naman ako dito nakatira..” She replied. “Tsaka dedma naman diyan kay Winter, mas maganda pa ako diyan.” Kita niya ang pagkagulat ni Kazuha sa kung gaano niya ka-casual kausapin si Winter.

 

Nagkatinginan silang dalawa ng k-pop idol. “I mean, oo, ang saya saya. Gusto kong magtatalon kada-oras.”

 

Hindi niya inexpect ang mala-taklesang tawa ng kaibigan ni Winter, “Ang funny mo! I feel like we can be great friends. Do you wanna come with us? We’ll go shopping today.”

 

“We will?” Confused na tanong ni Winter sa kaibigan.

 

“Yeah! Wala ako masyadong dinalang clothes from Korea, so bibili na lang ako dito. Please?” Hindi na lang tinitignan ni Karina ‘yung dalawa.

 

Masyado kasi silang cute for her liking.

 

“Fine. Sama ka, Karina?” Si Winter naman ang nag-offer sa kanya.

 

She only shook her head politely, “Mag-aayos pa ako ng mga gagamitin dito for tonight. Kayo na lang. Unless you’re uncomfortable na maiwan akong mag-isa dito? Hindi ako magnanakaw, promise!”

 

Natawa nanaman si Kazuha. Tawa na lang nang tawa ang bruhildang ‘to.

 

“Oo naman. You can stay here. Sure kang ayaw mong sumama ha?”

 

Karina offered a fake smile, “Yup. Here, kain na kayo. I’ll be in the backyard, tatawagan ko lang sila Ning.” Iniwan na niya ‘yung dalawa sa may kitchen.

 

Hindi naman talaga niya tatawagan si Ning. Ang totoo, gusto niyang mag-yosi. Hindi smoker si Karina, and in fact, she doesn’t like the smell of it.

 

Pero kapag nakaka-feel siya ng tension sa katawan at sa kanyang paligid, parang gusto lang niyang bumuga. Hindi muna niya sinindihan ‘yung cigarrette na kinuha niya sa kanyang bag.

 

She just sat sa may malaking chair near the small pool. There were a lot of things na pumapasok sa isip niya.

 

First is ‘yung past niya with Winter. Second is Sungchan still ignoring her texts. Pangatlo ‘yung nakita niya ang papa niya kagabi na nakatingin sa photo ng mama niya habang umiiyak.

 

It was a heartbreaking sight to see.

 

When she was about to light the cigarette, may nagsalita bigla sa likod niya, “Fun fact, smoking kills.”

 

Si Winter. Of course, si Winter.

 

It’s like she’s everywhere.

 

Binitawan na lang ni Karina ang yosi at tinago na lang sa bulsa niya, “Fun fact, ghosting kills too. And yet, buhay na buhay ang diwa mo.” Comeback of the year!

 

Winter didn’t respond to her snarky comment. Karina did her best para pigilan ang sarili niya na hindi ma-guilty, but she still felt that way.

 

“We’ll get going. You sure you don’t wanna come with?”

 

“I’m sure.”

 

She heard Winter’s footsteps papalabas ng backyard. Karina just couldn’t help herself, “Winter.”

 

“Yeah?” Mabilis ang sagot nito.

 

“Sorry about that. That was uncalled for.” And petty.

 

Karina knows she has every right in the world to feel that way towards sa taong nang-iwan nang basta sa kanya, pero minsan lang naman, she’s choosing to be the bigger person.

 

Parang na-speechless yata ang k-pop idol at hindi nakasagot. “You can go. I’ll make a call.”

 

“O-Okay..”

 

And this time, totoong tumawag na siya kay Ning. Winter left with Kazuha at siya na lang ang natira dito sa napakalaking bahay.

 

“Kamusta naman, ex ni Winter Kim ng South Korea?”

 

Hindi niya napigilang hindi matawa, “Shuta ka, Ganyan na lang ba ang tingin mo sakin?! And she’s not my ex.” She entered the main house again.

 

Habang kausap si Ning ay tumitingin-tingin siya sa mga awards ni Winter na naka-display sa may living room.

 

Marami rin photos si Winter receiving the said awards on stage, looking the happiest Karina has seen her. “Ang dami niyang awards, Ning. She looks happy sa photos. Maybe.. leaving me was for the best.”

 

“Marami ka rin namang awards.”

 

“Ano?”

 

“Best in I love you kahit walang label.” Walangyang Ning talaga ‘to! “Kemi lang bhie! Pero seryoso, okay ka lang diyan? Hindi pa kami makapunta kasi marami pang customers.”

 

She noticed something doon sa isang photo ni Winter sa Korea. “I’m okay.. Wait lang beh ha.”

 

She picked up the photo. May laman itong maliit na bulaklak sa loob. Parang preserved flower pero parang hindi.  

 

Wait..

 

Ito ‘yung.. ‘yung artificial daisy na ibinigay ni Karina dati.

 

Nananadya ba talaga siya?!

 

Binitawan na lang niya ito na para bang allergic siya dun sa bulaklak. Hinampas-hampas muna niya nang mahina ‘yung photo frame bago ibalik sa pinaglagyan.

 

Nagmasid-masid pa siya.

 

She saw the vinyl player malapit dun sa grand piano sa may living room. Amazed pa rin siya na may kasamang grand piano itong rented house. She got curious kaya lumapit siya dun sa turntable.

 

Nakita niya ‘yung isang vinyl CD na album yata ni Winter, hindi siya sure. She looked at the cover... si Winter nga. She figured ito siguro ‘yung latest album nung singer.

 

Nagdadalawang isip pa si Karina kung ipe-play niya o hindi.

 

Hindi naman siya mamamatay kapag pinakinggan niya. At least siya lang mag-isa dito. She can pretend the next day na wala siyang narinig.

 

Unang-una, nanood muna siya sa YouTube kung paano ba magpatugtog sa turntable dahil ayaw naman niyang masira ito. Mamaya magtanong pa si Winter kung bakit hindi na gumagana.

 

Nang ma-gets na niya...

 

She lifted the vinyl record carefully, dahil ito ‘yung sabi sa video. Binaba niya ito dun sa mismong player at nilagay yung tonearm sa pinaka edge nung CD.

 

She waited for it to play. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan na marinig ang boses ni Winter. Siguro kasi, first time niyang maririnig ito singing as an idol.

 

Nag-umpisa ‘yung kanta nang malumanay.

 

A few instrumentals hanggang... marinig na niya si Winter. Biglang may namuong luha sa mga mata niya. Pansin ni Karina, ang dramatic niya lately.

 

Tinignan niya ‘yung tracklist.

 

너를 그리는 시간 Drawing Our Moments

 

She felt captivated sa boses nito.

 

Wala siyang ibang magawa kung ‘di makinig sa boses ni Winter na parang inaakit at pinapaiyak siya at the same time.

 

Dumating na sa build up ‘yung kanta and Karina swears, kahit hindi niya naiintindihan ‘yung lyrics, the song took her to the time when they were in lover’s lane at masayang nag-uusap lang ng kung ano-ano.

 

sueopshi saeroul nari

duryeobji anke

deo gipeo gal modeun sungan

barabwatteon neol

geuryeo bwa Oh neol

 

Full-on crying na siya ngayon.

 

Tangina, ano ba ‘to! Hindi ako ‘to.

 

Hindi na niya kinakaya ang surge of emotions na nararamdaman niya, kaya pinatay na niya ‘yung player at binalik sa dating pwesto ito along with the vinyl record.  

 

She doesn’t want Winter na mag-suspect na nag-take interest si Karina sa music niya.

 

Drawing Our Moments.

 

“Ugh! Bwisit. Hindi nangyari ‘yon. Hindi ako umiyak. Mali!”

 

Nagpatugtog na lang siya through her Bluetooth ng mga party-party songs and she busied herself sa pag-aayos ng set-up ng table sa may living room kung saan pwedeng i-place ang food.

 

Pero bakit ganon, kahit Totoy Bibo ang tumutugtog, hindi mawala sa utak niya ‘yung pinakinggan niyang kanta ni Winter kanina?!

 

Bwisit. Bwisit. Bwisit.

 

 

 

 

 

Almost 7pm na nang dumating sila Ning sa bahay. Sakto lang ito dahil around 8pm pa naman daw darating ang mga guests.

 

Sina Winter naman ay dumating ng around 5pm. Ingat na ingat si Karina na hindi sila magkatinginan ng k-pop idol sa mata. Para bang after niyang mapakinggan ‘yung kanta nito, hindi niya kayang harapin bigla si Winter.

 

Ang lala ng effect.

 

She just focused herself sa trabaho ngayong gabi.

 

Hindi naman pala ganoon karami at wala pa nga yata sa fifteen ang bisita ni Winter. Good news ito para sa team ni Karina dahil hindi sila magagahol. They only must feed around 15 people.

 

“Hi, Miss Winter!” Ang kapal lang ng face ni Ning na i-beso ang k-pop idol. “Happy Birthday!”

 

Kinurot siya ni Ryujin, “Gaga ka, hindi niya birthday.”

 

“Ay hindi ba.”

 

Nag-intrude na si Karina bago pa kung ano-anong eksena ang gawin ng mga katrabaho niya, “Let’s prepare na sa kitchen, guys. I’ve already set up the table, so magluluto na lang and mag-aayos ng plates and stuff.”

 

“Oh, hey guys! I’m Kazuha!” Winter’s friend waved at them.

 

Natulala si Renjun at Chenle. Naririnig ni Karina ang bulungan nung dalawa, “‘Di ba yan ‘yung bida dun sa ano.. sa k-drama..”

 

“Parang familiar ka madam,” wari ni Ning. “Kamukha mo ‘yung sa napanood kong k-drama last week.”

 

Humble naman na ngumiti si Kazuha, may pa-tuck pa ito ng buhok sa likod ng tenga, “That’s probably me. I’m an actress. Friend of Winter’s.” Pansin nanaman ni Karina ang pagkapit nito kay Winter.

 

Tuko ba ‘to nung past life niya?

 

“Luh, ‘di nga?!”

 

“It’s true,” natawa na lang si Kazuha. Humarap ito kay Winter, “Win walang fan sa guest room. The AC isn’t working too. I’ll probably sleep in your room tonight.”

 

Nakuha nito ang atensyon ni Karina, “Nagbebenta ako ng electric fan. Pa-mine na lang.” Hagikhikan nanaman ang mga kasamahan niya sa trabaho. “I mean, sayang kasi, walang gumagamit.”

 

Pwede na niya sigurong maipagmalaki sa buong mundo na binentahan niya ng electric fan ang isa sa mga promising actresses sa South Korea. Most promising bakodera rin ni Winter.

 

“Mine po,” sumakay naman si k-pop idol.

 

Epal talaga. “Dadalhin ko na lang bukas. Anyways, tara na guys! Ano ba kayo, move move move!” Talagang kung maka-asta si Karina, feel na feel ang pagka-boss.

 

“Ikaw ‘tong inuuna pagbebenta ng electric fan eh..” Rinig niyang sabi ni Renjun.

 

After a few minutes, nakapag-settle na sila sa kitchen. All of them have different tasks para mabilis ang pagluluto.

 

The food warmers were placed on the table already, kaya madali na para sa kanila ang maglagay dito ng pagkain.

 

Karina even asked Winter kung approved ba ang food, and the k-pop idol could only answer with “Basta approve sayo, approve sakin”, na siya namang kina-inis ni Karina.

 

Konti na lang talaga, masasapak na niya ito sa mga unnecessary na linyahan na para bang close na close sila at walang nangyari dati.

 

‘Pag ganitong heightened ang emosyon ni Karina dahil sa kanta kanina...

 

The guests started arriving at sakto, tapos na ang team TW

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
I’m super busy lately sa work and personal matters, but rest assured na hindi ko po ito igo-ghost! Updating soon! 🫶🏻

Comments

You must be logged in to comment
Gungdaengie
45 streak #1
Namiss ko si jopay 😭
tzuyu_once #2
Chapter 30: Author san ka na po:--(( nakakabitinnnnn looking forward sa update nyo. Ganda ng story shuta
Tortillos #3
Chapter 3: YUNG TAWA KO GRABE KAHIT NASA CHAPTER 3 PALANG AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
bigboy123
132 streak #4
Chapter 30: Jopay, kamusta ka na? 🥹
loonygirl22 #5
Huhu read this thinking na complete na siya noooooo! (Also ako lang ba Yunjin fan here??? Parang pwede eh — ugh, er for unrequited love good other person talaga ako!)
elevenelevenfine
#6
andito na din ako hehe
imwinter0101
#7
🤍
oldbellar #8
Chapter 30: hala feeling ko tuloy ako si karina na ghinost ni idol winter 😭😭😭
kaiclip #9
Chapter 30: 🥹🥹
fanficethusiast #10
Chapter 30: author balik ka na pls