Chapter 13
Heartbreak RecipeNauulol na si Karina.
Sumasakit na ang ulo niya at tinutubuan na siya ng eyebags sa kakapuyat at kakaisip sa mga nasabi niya kay Winter nung nakaraan.
Lilipas yata ang pasko na hindi man lang siya nagawang batiin ng singer ng kahit simpleng “Merry Christmas”.
Well... Naka-receive naman siya ng text message galing kay Winter nung isang gabi, saying na hindi niya kailangan pumasok ng December 24 at Christmas day, which is ngayong araw.
Hindi nga sigurado si Karina kung kamusta ang naging Christmas Eve celebration ni Winter. Ang alam kasi niya, sa bahay nila Minju nagpunta si Chaewon last night, so…
Hay.
Winter must have been alone last night pati na rin ngayong araw. Wala rin si Giselle para samahan siya doon sa bahay, only Jackson. Kaso, lagi lang namang nasa likod lang ang bodyguard at hindi pinapakialaman ang k-pop idol.
Sa madaling salita, Karina is worried.
At kapag worried si Karina, gusto niyang mag-sad twerking sa kwarto habang nire-reminisce ‘yung masayang araw nila ni Winter sa McKinley mall at sa paskuhan.
“‘Nak nandiyan yata si Ning at Minju! Lumabas ka sa kwarto namamaho ka na diyan!” Panira talaga ng sad twerking ang ama niya. “Karina! Lumabas ka diyan!” Kumatok pa ito nang malakas.
“Pa, ito na! Teka naman!” Dali-dali na siyang tumayo, mas nilakasan pa kasi ng tatay niya ang pagkatok para lang inisin si Karina. She opened her door, “Sisirain ko rin pinto ng kwarto mo mamaya, makita mo,” simangot niya dito.
Tumawa lang naman ang magaling niyang tatay, “Init nanaman ng ulo mo, anak. Dahil ba hindi na pumupunta si Sungchan lately? Anong nangyari na don? Naging pari na ba?”
“Pa, wala na akong pakialam don. Bahala na siya sa buhay niya.”
She’d say it was a joke, pero totoo naman kasi. Hindi na halos pumapasok sa isip niya si Sungchan pagkatapos nung naging confrontation nila last time. Puro na lang Winter, Winter, Winter ang laman ng utak niya.
Puso rin yata... Ay!
Parang nabuhayang aso ang papa niya bigla dahil sa sinabi ni Karina, “Aba, aba! Buti naman at natauhan ka na. Sabi ko na nga ba hindi talaga kayo bagay…” Hagikgik nito. “Nakahanap ka na ba ng mas challenging like I suggested?”
Gustong matawa ni Karina.
Gusto rin niyang sabihin na sa sobrang challenging ng taong laman ng isip niya lately, gabi-gabi siyang hindi halos makatulog sa pagka-stressed. Sa sobrang challenging, gusto niyang tumalon sa bangin.
“Tito! Karina! Pagbubuksan niyo ba kami o sisirain ko ‘tong lock niyo?!” Rinig nilang sigaw ni Ning sa labas. “Sakin namamasko ‘yung mga bata na dumadaan! Buksan niyo na ‘to! Ubos na bente ko!”
“Pakainin mo sila, marami pang left over food from last night. Magsisiyesta muna ako, anak. Merry Christmas, Papa loves you,” yumakap siya saglit kay Karina before entering his room.
“Love you too, Pa,” she responded lovingly.
Nagtatahulan na ang mga aso sa kapitbahay nila sa ingay ni Ning at Minju sa labas ng gate kaya nilabas na niya ang mga kaibigan agad. Nakita niyang tinatahulan din ni Ning at Minju ‘yung malaking aso sa kabilang bahay.
“Hoy, ano’t nagtatatahol kayo?!” Sinaway niya ‘yung dalawa, “Pasok na bago pa kayo mapagkamalang baliw, mga shunga.” She opened the gate for her friends na parang na-haggard sa pagtahol.
“Merry Christmas, beh!” Sigaw sa kanya nung dalawa.
She hugged them both, “Merry Christmas. Anong ganap? Gift ba yan for me?” Sinipat niya ‘yung dalang paper bag ni Ning. Pumasok na rin sila sa bahay, solong-solo nila ang living room. Binigyan niya ng maiinom ‘yung dalawa.
“Ay hindi, teh. Pinabalot ko ‘to kay Minju, ang dami nilang handa eh. Tsaka galing ‘tong isa kay Winter, pinabigay lang kay Minju,” masayang banggit ni Ning.
Napasimangot si Karina. May gift si Winter sa mga katrabaho niya, tapos sa kanya wala? Nakakatampo naman.
“Binigyan nga rin ako!” Pagmamalaki ng nurse, “Ang bait pala talaga ni Winter, ‘no?”
Gustong magwala ni Karina. Hindi niya nagugustuhan na out of place siya sa pa-gift giving na ganap ni Winter.
“Anong.. gift?” Karina inquired.
Nagtatakang tinignan siya ni Ning, “Airpods. Hindi mo pa ba nakukuha? ‘Di ba lagi kayong magkasama dun sa bahay niya? Tsaka wala siyang pinaabot kay Minju, so akala ko nabigay na ‘yung sayo..”
Hindi pa nakekwento ni Karina kay Ning o kahit kanino ‘yung nangyari sa kanila ni Winter kaya nagmaang-maangan muna siya, “Ah, ibibigay na lang daw niya bukas pagpasok ko.”
When in fact, ang tanging ibibigay lang sa kanya ni Winter ay coldness at silence. Though excited pa rin siyang pumasok bukas para makita ulit ang singer…
Hindi na alam ni Karina ang mararamdaman niya.
Litong-lito na siya sa sarili, at tingin niya, kailangan niyang mag-open sa mga kaibigan niya. Pansin na rin kasi nung dalawa ‘yung pagiging tahimik niya lately.
Naluluha nanaman siya dahil naisip nanaman niya ‘yung nangyari. Mukhang hindi nakaligtas kila Ning ang mood niya, “Hoy Karina, ano bang nangyayari sayo teh? Parang ang gloomy mo bakla.”
“Oo nga. ‘Yung inorder ko sa KarNing nung isang araw, mali ‘yung nagawa mong order tapos sobra sukli mo sakin. Nyare sayo?” Minju added curiously.
“Ano kasi guys…” Tulala lang sa kanya ‘yung dalawang bruha habang umiinom ng juice, parang nanonood ng movie at intense ‘yung ganap. “May sakit ako sa puso..”
Naibuga ni Ning sa mukha ni Minju ‘yung iced tea, “Ano?! Anong sakit? Mamamatay ka na ba?” In fairness, na-touch si Karina sa pagiging worried ng kanyang business partner.
Si Minju ay nakapikit lang dahil sa ginawang pagbuga ng inumin ni Ning sa mukha niya, “Teh, walangya ka. Basang-basa mukha ko.”
“Ay!” Halos mamatay si Ning sa pagtawa, “Sorry beh! Si Karina kasi! Mamamatay na raw!” Kumuha ito ng pamunas sa may coffee table nila Karina, nagtaka pa siya bakit medyo basa...
“Ning, basahan namin yan...” Puna ni Karina.
Parang anytime magba-backflip na si Minju sa ginagawa sa kanya ni Ning. Mangiyak-ngiyak siyang kinuha ang sariling panyo, “Teh lumayo-layo ka muna sakin. Baka mahambalos kita,” walang emosyong sabi nito kay Ning.
Pinaghilamos muna nila si Minju sa banyo. Nang makabalik na siya sa sofa, nabaling na ulit kay Karina ang atensyon nung dalawa. “Anong sinasabi mong sakit sa puso?” Panimula ulit ni Ning.
Iniisip pa niya kung kung ipapaalam niya kay Minju ‘yung ganap sa kanila ni Winter, but she figured na dapat lang naman na alam ng kaibigan niya ‘yon. They’ve been friends since college, and she trusts Minju.
“Kumikirot kasi puso ko gawa ni Winter..” Pag-iinarte niya. May pa-pout pa siyang nalalaman.
Nakita niya ang pagki-cringe ng mukha ni Ning, “Napaka-corny mo. Nabugahan ko pa ng juice ‘tong isa, aarte ka lang pala.”
Minju looks confused, tinitignan nito si Ning at Karina nang salitan, “Anong meron kay Winter? Bakit kumikirot? Ano?” Bumalik na siya sa pag-inom ng iced tea, parang nauhaw sa chika.
Tinanguan ni Karina si Ning para siya na ang mag-break ng “secret” kay Minju. Ning took a deep breath at tinignan ang nurse nilang kaibigan, “May past si Karina at Winter.”
Na-choke si Minju sa sinabi ni Ning at inubo ang iced tea sa mukha ni nito, “Ano?!” Gulat na gulat niyang sigaw.
“Quits na tayo, gaga ka,” hindi man lang nag-sorry ito kay Ning at humarap na ulit kay Karina. “Anong past? Naging kayo? Nahihilo ako, wait..” Dramatic pang humawak ‘to sa ulo niya.
Lahat talaga sila dito ay dramatic.
“Tanda mo ‘yung.. kinikita ko dati sa building ng accountancy back in college? ‘Yung sabi mo pa nga si Jeno..”
Minju gasped, “Oo tanda ko. Si Winter ‘yun? ‘Yung first love mo? Na iniwan ka? Na ginhost ka? ‘Yung sinabihan mo ng I love you? ‘Yung—”
“Teh feeling ko gets na niya!” Pasigaw na saway ni Ning kay Minju. “Ipamukha talaga?!”
“So si Winter nga ‘yon?!”
Nanghihinang tumango si Karina. Hinayaan na lang niyang si Ning ang magbigay ng explanation kay Minju about sa mga nangyari at kung paano ulit bumalik si Winter sa buhay niya.
Habang kinekwento ni Ning, mas lalo niyang nami-miss ang k-pop idol. Mas lalo niyang iniisip si Winter kahit pa anong pagpipigil ang gawin niya sa sarili.
“Hindi pa rin ako makapaniwala. Pero shet, medyo kinikilig ako! Ganyan mga gusto kong drama!” Talagang pumalakpak pa siya, not knowing na grabe na ang pinagdadaanang stress ni Karina sa pagbabalik ni Winter.
“Wait so kaya ba hindi mo magustuhan si Sungchan?”
Ngayon-ngayon lang din napagtanto ito ni Karina. She never really associated her lack of feelings sa kanyang manliligaw dati with her unfinished past with Winter. Now that she thinks about it, baka nga ito ang dahilan...
“Siguro..”
Gulat na gulat naman ang itsura ni Ning, “Wait, akala ko ba wala? Akala ko ba never never never mo na kamong magugustuhan? Akala ko ‘di na babalik feelings mo? Sarap nanaman kainin ng salita teh?”
Hindi naman na tatanggi si Karina, “Oo na.”
“So pano nangyari?! Pano mo na-realize na may something pa? Sabi na eh, ang nawala ay babalik pa rin..” Ning wiggled her brows at Karina, si Minju rin ay nang-aasar ang mga tingin.
Karina paused to think.
Tingin niya kasi, hindi lang naman nung mismong araw na ‘yon niya na-realize na may something pa. ‘Yun lang siguro talaga ‘yung final nail sa coffin that proved that her feelings never really left in the first place.
More like natabunan lang...
She thinks it started nung nagkaayos sila ni Winter. That time nung nalaman niya ‘yung about sa parents nito, and how each day, nakikita niya ‘yung efforts ni Winter para maging okay sila ni Karina.
How the singer would do literally the simplest things, tapos Karina would find those things adorable pero hindi lang niya inaamin sa sarili niya.
Yan ‘yung mga sinabi niya kila Ning.
“Oh tapos? Ba’t masakit kamo puso mo kung okay naman yata kayo the past weeks?”
Huminga muna si Karina para kumuha ng lakas na ikwento ‘yung nangyari ng araw na ‘yon. “‘Yung day ng paskuhan, we, uhm.. we went out. Nag-mall kami before kami nagpunta sa UST..”
Karina couldn’t stop herself from smiling, it did feel like a date.
“Ayoko man aminin, pero ewan ko, masaya ako nung araw na ‘yon. Alam kong siya rin. Kaya nag-promise ako sa sarili ko nun na kahit just for that day, hindi ko muna pipigilan ‘yung nararamdaman ko. I wanted to show my care for her..”
Nakikinig lang din naman nang maigi si Ning at Minju, at katulad ni Karina, nakangiti lang din sila habang nagkekwento ito ng mga pinaggagagawa nila that particular day.
“Before kami magpunta sa paskuhan, she asked me na baka pwedeng pumunta kami dun na parang walang problema. Alam niyo ‘yon? Na parang wala raw kaming past. So sige, pumayag ako kasi ‘yun na nga ‘yung ginagawa ko rin nung umaga diba..”
Unti-unti nang bumibigat ang pakiramdam ulit ni Karina, “Mga teh naka-couple sweaters pa kami. Tapos maya’t maya kami naghahawak ng kamay, shuta nagsusubuan pa kami,” she said sadly, remembering those moments.
Karina has been longing to do that with Minjeong dati.
Inisip niya, kaya rin siguro sobrang nadala siya that night ay dahil deep down, she’s always wanted to have those kinds of moments before. Maraming-maraming moments na ganon.
Na napagkait sa kanya ng pang-iiwan nito...
“Tapos? Habang lumalalim ‘yung gabi, lumalalim na rin ‘yung memories from the past, ganon?” Ning interrupted.
Tumango lang si Karina, still remembering how she cried silently nung nakikinig sila sa kanta nila… Nung nag-sorry bigla si Winter… It was like everything was happening all at once.
“Na-confirm ko na may something pa talaga, and it wasn’t a good thing. Kasi alam mo ‘yun, kadikit non ‘yung masakit na nangyari… I associate her with love, pero with pain din. Sobrang all over the place ko pag-uwi.”
Kung kanina parang ang saya pa ng mga itsura nila habang kinekwento ni Karina ‘yung mga nangyari, ngayon lahat sila nakakunot ang noo at mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.
Ito na ‘yung pinaka-ayaw niyang ikwento…
“Tapos kinabukasan,” umiling siya, fighting herself na ‘wag nang paulit-ulitin sa utak niya ‘yung nangyari nung umagang ‘yon.
“Anong nangyari? Shet, f
Comments