Chapter 9

Heartbreak Recipe
Please Subscribe to read the full chapter

“Grabe, ang haba na ng pila ang aga pa lang. Sold out ‘yung concert niya dito, ‘no?”            

 

Pinagmasdan ni Karina ‘yung mga taong nakapila para sa show ni Winter habang traffic papunta sa parking ng MOA Arena. Mukhang lapot na lapot na ang ibang fans, wala pang tanghali.

 

“Oo. Pati yata sa ibang countries, sold out na,” sagot niya kay Ning. “For sure ang daming scalpers.”

 

“Yes naman, updated? Kala ko ayaw mo sa k-pop?” Pasaring naman ni Chenle sa kanya.

 

“Kung hindi ka parang tuliro at shunga, eh ‘di sana ikaw ‘yung kasama nila sa bahay at ikaw ang laging updated,” Karina countered. “Sabi kaya ni Giselle nakakalimutan mo raw ang kaliwa at kanan kapag napapatingin si Winter sayo.”

 

Mukhang pulang-pulang kamatis ang lalake. “Eh ang ganda niya kasi! Mapapatitig ka naman talaga! Parang hindi siya totoong tao!”

 

Hindi naman nagkakamali si Chenle. Karina thinks that Winter is really pretty, bilang k-pop idol nga ito. Kung maganda na siya nung una siyang nakita ni Karina years ago, mga benteng doble pa ngayon.

 

Kung si Karina ang tatanungin, tingin niya ay mas clear pa ang skin ng k-pop idol kaysa sa feelings niya kay Sungchan.

 

Char.

 

Gusto niyang sampalin ang sarili niya dahil hindi niya naman dapat iniisip ang beauty ng kanyang client!

 

“Musta naman ang morning coffee bestie ni Winter..” Bulong ni Ning sa kanya, making sure na walang ibang makarinig sa sinabi nito.

 

“Ang OA ng morning coffee bestie. Mga thrice pa lang ‘yon, teh,” Karina answered defensively. Sa susunod, hindi na siya magkekwento kay Ning dahil lahat kinokonek nito sa “Winrina” agenda niya.

 

Kasi naman…

 

Si Winter...

 

Kahit nakabili na si Karina ng coffee beans para sa bahay ng k-pop idol, niyayaya pa rin siya nito kapag maagang nagigising at makikita niyang nandon na si Karina sa kitchen.

 

As a social climber, hindi naman tumatanggi si Karina. Isa naman kasi talaga sa masasarap sa feeling ang mailibre ka ng kape lalo na sa Starbucks. Tsaka nasasarapan kasi siya sa customized drink ni Winter.

 

Hindi niya yan aaminin sa singer kahit tutukan pa siya ng kutsilyo nito sa tagiliran.

 

Kaso, hindi muna nila nagagawang magkape sa SB lately dahil sobrang busy na ni Winter sa rehearsals para sa concert, samahan pa ng shoot niya sa kanyang reality show.

 

“Naiwan niya sakin ‘yung credit card niya..” wari ni Karina. Ngayon lang din niya naalala.

 

“Uy, tara. Tamang-tama, ‘di ba gusto nating bumili ng set sa So-En? Bilhan na rin natin si Minju bilang true friends tayo,” walang hiyang sabi ni Ning, “Parang bet din ng bra. Bilhan din natin siya.”

 

“Uy Karina ako rin gusto ko ng brief!”

 

“Karina ako gusto ko ng fiesta ham! Bibigay ko sa mama ko!”

 

Naririndi na si Karina sa mga ulupong niyang staff, “Anong tingin niyo sakin?! Si Santa Claus?! Hindi pa ba sapat na nakikita niyo ‘ko, nakakausap niyo ‘ko, nadarama niyo ang presensya ng anak ni Maria Magdalena..”

 

“Teh kung ano ano na lang sinasabi mo!” Tawang-tawang sabi ni Lia. Minsan nakakalimutan ni Karina na nandito nga pala ang babaeng ‘to.

 

“Bakit nga pala Jopay ang tawag sayo nung manager ni Winter?” Renjun inquired. Ang bilis lang ng transition ng topic nila.

 

“Alam mo kasi Ren, atin atin lang ‘to ha.. Minsan nagdedeluryo si Giselle. Kung ano ano rin ang lumalabas sa bibig.” Talagang siniraan pa niya ang manager ni Winter.

 

Ayaw na rin kasi niyang maalala ‘yung moment na nakita niya ulit si Minjeong that day, tapos biglang nag-play ang Jopay sa utak niya. She has always associated that song to their first meeting back in 2013.

 

Tapos sinamahan pa nung TikTok video!

 

“Ah okay. Kaloka pala,” sagot ni Ryujin. May dala nanaman itong nailcutter.

 

(8:12am) Me: Nasakin pala yung credit card mo.

Naiwan mo nung inutusan mo akong umorder sa SB.

 

Baka kasi magtaka si Winter o hanapin ang card, kaya tinext niya na lang din.

 

Hindi niya inexpect na magre-reply kaagad ang singer dahil ang alam niya ay busy si Winter para sa araw na ‘to. Tsaka hindi naman niya kailangang replyan si Karina...

 

Gusto lang talaga niyang i-inform ito.

 

(8:15am) Lodi: Okay sayo muna 😘

 

(8:15am) Lodi: **☺️

 

(8:16am) Me: Huh?

 

(8:17am) Lodi: Para sa susunod na oorder ulit tayo.

 

(8:18am) Me: Ge

 

Nakarating na sila sa loob ng venue. Marami na rin ang nasa backstage and most of them are back-up dancers and singers ni Winter, as well as the camera and production crew.

 

Karina and her staff quickly went to their respective area para maghanda na ng food para sa lahat. Marami-rami ang pakakainin nila today, pero gaya nga ng sabi nila sa isa’t isa, worth it ang pagod in the end because of the pay.

 

People started coming in para kumain just a few minutes after nilang makapag-prep.

 

“Annyeong! Annyeong! Hello!” Bati ni Ning sa mga Koryanong crew ni Winter. “Buon Appetito!”

 

“Italian yata ‘yun teh. Dami mong Nationality today ha,” kinurot niya ang baristang kaibigan. She smiled at the crew and dancers, “Mabuhay ang Korea! Mabuhay and Pinas! Mabuhay si Winter!”

 

Rinig niya ang pagtutunog-baboy ng mga kasama sa tabi niya. Sumigaw pa si Ryujin ng “Mabuhay ang Aldub”. Pigil na pigil ang tawa ng mga ito dahil sa pa-welcome ni Karina.

 

“Get whatever food you like. If you have any requests, you can approach us. The drinks are on that side, the food is over there,” tinuro ni Karina ‘yung malaking table sa gilid. “And if you need a shoulder to cry on, your girl is right here.”

 

Everyone burst out laughing. Ganto siguro ang feeling na maging clown sa birthday party ng mga chikiting.

 

Buffet type ang ginawa nilang style, katulad lang din nung sa party ni Winter, kaya hindi naman ganoon ka-hectic at straining. May mga few requests lang from customers na gusto ng customized ramen or drinks.

 

Muntik tumambling si Karina nang makita nitong nagdi-distribute si Ning ng flyers ng KarNing. “Hoy teh!” Pabulong niyang sigaw. “Ningning! Bruha ka!”

 

“Ano?!”

 

“Ba’t ka nagpo-promote dito?!”

 

“This is called making connections, Karina. My gosh, paano na lang tatakbo ang business natin kung wala ako?!” Ngumiti ito dun sa dumaan na gwapong lalake, “Saranghae, Oppa.”

 

Hinayaan na lang ni Karina ang luka-luka niyang kaibigan.

 

They were busy the whole day, refilling the food hanggang sa mag-hapon na. They got the news na dumating na si Winter sa venue.

 

Binilinan ni Tiffany si Karina na personally bigyan ng pagkain ang k-pop idol sa dressing room nito and to wish her luck in behalf of the team.

 

Karina made fresh food for the artist. Ayaw naman niyang servan si Winter ng malamig na na pagkain. Nagluto rin siya ng kimchi and tofu stew para sa singer dahil kailangan nito ng mainit na sabaw bago sumabak sa stage.

 

She couldn’t help but get a weird feeling about this.

 

Parang kailan lang, Minjeong was telling her about her dream of becoming an idol… Hindi pa nga convinced ito na matutupad ‘yon. Tapos ngayon magpe-perform na siya sa MOA Arena.

 

Sold out pa.

 

Karina promised herself not to think about the past after nung nangyaring drama, pero hindi lang talaga niya mapigilan minsan.

 

She knocked on the singer’s room, “Ma’am, Foodpanda po!” The guy passing by the hallway looked at her weirdly. Sinimangutan ito ni Karina, “Tinitingin-tingin mo, kuya?”

 

“Come in!” She heard Winter from the inside.

 

Binuksan niya nang dahan-dahan ang pinto. Si Winter lang ang naabutan niya sa loob, looking at herself in the mirror at nagsabi ng “Fighting!”. Tingin ni Karina ay routine niya ito ng bago mag-umpisa ang show na gagawin niya.

 

“Kain ka muna. Makakakain ka ba nang ganyan na ang suot mo?” Nakabihis na kasi si Winter at may make-up na rin ito. “If may requests ka, you can tell me. ‘Wag mo lang akong pakantahin, baka kantahan nanaman kita ng Hambog ng Sagpro.”

 

Malakas ang tawa ni Winter sa sinabi niya, labas pa nga ang dimple nito. Kunwari na lang ay hindi napatingin si Karina.

 

“Yeah, I can eat naman. Pwede bang subuan mo ako?”

 

“Okay lang naman, basta gerber ang ipapakain ko,” mabilis na pambabara ni Karina. They both laughed, albeit awkwardly.

 

“Good luck pala from The Wild Flour team. Pinapasabi ni Ma’am Tiff. Sabihin mo rin daw ‘yung pitumpu’t pitong puting tupa, like she requested.” Parang mamamatay si Karina kapag hindi nakapag-joke.

 

Buti nga at natatawa lang naman si Winter sa kagagahan niya. “Thank you rin, pakisabi kay Miss Tiff. Uhm, can I also get a good luck from yo—”

 

“Winter! Hi! Oh my gosh! Kinakabahan ka?” Bigla-bigla na lang talagang sumusulpot si Kazuha na parang kabute. Hindi rin marunong kumatok ang babaeng ito. “Relax, okay? ‘Wag kang kabahan. Come here.”

 

Karina witnessed them hugging tightly.

 

In another life, siguro ganito rin igu-goodluck ni Jimin si Minjeong before her show, had things gone okay between them. But it’s just awkward kung gagawin niya ito ngayon even if there’s a part of her that wants to.

 

It won’t feel natural because the bitterness from the ghosting is still there. She just smiled at Winter habang yakap nito si Kazuha, quietly leaving the room para bumalik na sa staff niya.

 

 

 

 

The first concert was a huge success.

 

Hinayaan pa ng team nila Winter na papanoorin sina Karina during the show. Lahat sila ay sobrang amazed sa energy at vocals ng singer habang nasa stage. Grabe rin ang stage presence nito.

 

Karina has always dreamt about watching Minjeong’s concert as a supportive “girlfriend”, nung mga panahong delusional pa siya na magiging sila ng kanyang minamahal na ka-MU.

 

Pero matagal na niyang tinapon ang “dream” na ‘yon.

 

And honest to goodness, if someone told her a year ago na manonood siya ng concert ni Winter dito sa Pilipinas, baka binusalan ka ni Karina ng panyo sa bibig at itinayo patiwarik.

 

But here she is!

 

May hawak pa siyang light stick kanina. O kung ano man ‘yung tawag dun sa umiilaw na parang .

 

“Thank you, team! I really really wouldn’t have done it without each and every one of you..” Nakapalibot sila sa backstage. Winter is humbly thanking every staff. Sobrang bait nito sa kanyang crew.

 

Nagsalita na si Winter in Korean kaya wala nang maintindihan si Karina sa mga pinagsasasabi nito.

 

Si Ning ay parang baliw na bumubulong sa tenga niya at nagpapanggap na translator ng idol, “Sabi niya maraming salamat daw kay Ning. Kung wala raw si Ning, walang Winter. Thank you rin daw kay Karina dahil kung hindi niya ginhost si girl from USTe, wala siyang career ngayon.”

 

Siniko niya ang kaibigan, “Babaliin ko buto mo, hayop ka.”

 

“Let’s all go have dinner tonight! It’s on me!” Winter exclaimed delightfully after her touching speech.

 

‘Yung mga back-up dancers, singers, and production crew ay dumerecho sa isang seafood restaurant malapit lang din sa MOA. Samantalang ang TWF at sina Winter pati na rin ang mga kaibigan nito, sa BGC nagpunta.

 

They ended up getting a private room sa Fort 99 KTV. Medyo sosyal ito na place and it looks clean.

 

They didn’t order a lot of drinks dahil ayaw nilang magpakalasing after a long and tiring day. Gusto lang din kasing mag-karaoke nila Giselle, Kazuha and Yunjin. Game naman si Winter na pinagbigyan ang manager at friends niya.

 

“Let’s order two bottles of black label, then kayo na bahala sa oorderin na food. Okay na kayo don?” Kay Karina nakadirekta ang tanong ni Winter. Napatingin tuloy ang lahat sa sasabihin niya, na para bang siya ang spokesperson ng singer.

 

“Ay, oo. Kahit nga kainin na lang ni Ning ‘

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
I’m super busy lately sa work and personal matters, but rest assured na hindi ko po ito igo-ghost! Updating soon! 🫶🏻

Comments

You must be logged in to comment
Gungdaengie
44 streak #1
Namiss ko si jopay 😭
tzuyu_once #2
Chapter 30: Author san ka na po:--(( nakakabitinnnnn looking forward sa update nyo. Ganda ng story shuta
Tortillos #3
Chapter 3: YUNG TAWA KO GRABE KAHIT NASA CHAPTER 3 PALANG AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
bigboy123
132 streak #4
Chapter 30: Jopay, kamusta ka na? 🥹
loonygirl22 #5
Huhu read this thinking na complete na siya noooooo! (Also ako lang ba Yunjin fan here??? Parang pwede eh — ugh, er for unrequited love good other person talaga ako!)
elevenelevenfine
#6
andito na din ako hehe
imwinter0101
#7
🤍
oldbellar #8
Chapter 30: hala feeling ko tuloy ako si karina na ghinost ni idol winter 😭😭😭
kaiclip #9
Chapter 30: 🥹🥹
fanficethusiast #10
Chapter 30: author balik ka na pls